You are on page 1of 5

SONA Trivias 1.

Nagsimula ang kasanayan ng pagbibigay ng Pangulo ng bansa ng kaniyang State of the Nation Address o SONA noong panahon ng Commonwealth. Ito ay alinsunod sa nakasaad sa Article VII, Section 5 ng 1935 Constitution. Ang kauna-unahang pangulo na nagbigay ng kaniyang SONA ay si Pangulong Manuel L. Quezon. Ito ay ginanap noong November 25, 1935 sa dating Legislative Building sa Maynila, na ngayon ay siya nang National Museum.

2. Ang pinakaunang SONA ng ating kasalukuyang Pangulong Benigno Aquino III ay ang kauna-unahang SONA sa kasaysayan na ang ginamit na wika ay purong Pilipino. Samantala, si Pangulong Manuel Quezon naman ang pinakaunang pangulo na nagsama ng tagalog na salita sa kaniyang SONA. Sa SONA ni Quezon noong 1936 ay isinama niya ang salitang kasama. Ito rin ang SONA kung saan niya iminungkahi ang paggamit ng Tagalog bilang pambansang wika ng bansa.

3. Sa unang SONA ni Pangulong Benigno Aquino III sa bansa noong 2010 ay ipinakilala niya ang konsepto ng tuwid na daan sa pamumuno sa pamahalaan. Ito ang kaniyang naging banner sa ilalim ng kaniyang administrasyon. Ito rin ang SONA kung saan niya inanunsyo ang pagbuo ng Truth Commission.

4. Sa ikalawang SONA ni Pangulong Benigno Aquino III noong July 25, 2011 ay muli siyang gumawa ng tatak sa kasaysayan ng mga SONA ng bansa. Ito ang kauna-unahang SONA kung saan nagkaroon ng real-time translation sa Ingles ang kaniyang SONA na binasa niya sa wikang Pilipino. Ito rin ang SONA kung saan niya tinawag na simbolo ng pagbabago ang pagtigil sa paggamit ng wang-wang.

5. Ang ikatlong SONA ni Pangulong Benigno Aquino III noong July 23 nang nakaraang taon ay tumagal ng halos isang oras at tatlumpung minuto. Ito ang pinakamahabang SONA ni PNOY. Sa talumpati niyang ito ay sinuportahan niya ang pagpapasa ng Sin Tax at RH Bill.

6. Sa lahat ng labinlimang naging mga Pangulo ng Pilipinas, dalawa lamang ang hindi nakapagbigay ng SONA. Ang una ay si Pangulong Emilio Aguinaldo. Walang SONA si Aguinaldo dahil hindi pa ito isinasaad sa konstitusyong ginamit ng bansa noong panahon ng revolutionary government. Ang isa naman ay si Pangulong Jose P. Laurel. Bagamat nagbigay ng talumpati si Laurel sa National Assembly ng bansa noong binuksan ang ikalawang republika, sinabi mismo nito na hindi isang state of the nation address ang kaniyang naging talumpati.

7. Sa kabuuan ay mayroon nang pitumput apat na SONA na isinagawa sa kasaysayan ng bansa mula nang magsimula ito noong taong 1935. Ang ikaapat na SONA ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong Hunyo bente dos ay ang ika-pitumput limang SONA ng kasaysayan.

8. Mula noong nag-umpisa ang kasanayan ng SONA ng mga Pangulo ay mayroon pa lamang apat na taon na walang ginanap na SONA. Ito ay noong kasagsagan ng World War 2 noong mga taong 1942, 1943 at 1944; at noong 1986, ang taon kung kailan naganap ang EDSA Revolution.

9. Ang pangulo na nagkaroon ng pinakamaraming SONA ay si Pangulong Ferdinand Marcos. Nagsilbing pangulo ng bansa si Marcos mula noong December 30, 1965 hanggang February 26, 1986. Sa kaniyang panunungkulan, nakapagbigay siya ng dalawampung SONA. Pangalawa

naman sa kaniya ay si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nagbigay ng 9 na SONA sa kabuuan ng kaniyang panunungkulan mula 2001 hanggang 2010.

10. Ang pangulo na may pinaka-kaunting naibigay na SONA ay si Pangulong Sergio Osmena. Nagsilbi lamang ng dalawang taon bilang pangulo si Osmena at isang beses lamang siya nakapagbigay ng SONA. Ito ay isinagawa noong June 9, 1945 nang maibalik ang Philippine Commonwealth matapos ang World War 2.

11. Ang petsa kung kailan ibinibigay ng pangulo ang kaniyang SONA ay nakasaad sa konstitusyon. Ilang beses na ring pinalitan ang petsa ng pagsasagawa ng SONA. Sa ilalim ng pamahalaang Commonwealth, tatlong beses itong pinalitan. Napalitan din ito nang matapos ang World War 2. Sa ilalim ng Ikatlong Republika, ibinalik ni Pangulong Manuel Roxas sa ika-apat na Lunes ng Enero ang petsa ng SONA. Nang magkaroon ng Martial Law, inilipat ni Pangulong Ferdinand Marcos ang petsa ng SONA sa Setyembre bente uno, bilang paggunita sa anibersaryo ng Martial Law.

12. Nagsimula ang kasanayan ng pagtatakda ng SONA tuwing ika-apat na Lunes ng Hulyo noong taong 1979 sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos. Mula noon, lahat ng mga sumunod na SONA ay isinagawa na sa petsang ito, maliban na lamang noong 1983 nang isinagawa ito noong January 17 bilang pag-alala sa anibersaryo ng ratipikasyon ng 1973 Constitution at pag-alis ng Martial Law.

13. Noong kauna-unahang SONA ni Pangulong Corazon Aquino sa Eight Congress noong July 27, 1987 ay nakatanggap siya ng walumpung palakpakan. Sa talumpating ito ay tinalakay niya ang kalagayan ng bansa,

higit isang taon matapos ang diktaturya ng Marshall Law. Pinasalamatan din nya ang mga mamamayan sa naging tulong nito sa pagbabalik ng demokrasya. Tumagal ng tatlumput apat na minuto ang talumpating ito.

14. Si Pangulong Manuel Roxas ang kahuli-hulihang Pangulo na nagbigay ng SONA sa ilalim ng pamahalaang Commonwealth noong June 3, 1946. Isang buwan matapos ang SONA na ito ay nilusaw ang Commonwealth government at pinalitan ito ng Ikatlong Republika ng bansa. Dahil dito, siya naman ang naging kauna-unahang pangulo na nagbigay ng SONA sa ilalim ng bagong republikang ito. Ginanap ito noong January 27, 1947.

15. Alinsunod sa tradisyon ng SONA, personal mismo itong binabasa ng Pangulo sa harap ng Kongreso. Sa kasaysayan ng Pilipinas, isang beses lamang hindi personal na nakadalo ang isang pangulo para ibigay ang kaniyang talumpati. Ito ay naganap noong January 23, 1950. Ang pangulo noon na si Elpidio Quirino ay may sakit at nagpapagaling sa John Hopkins Hospital sa Baltimore, Maryland sa Amerika. Upang maituloy ang SONA, isinagawa ito sa pamamagitan ng isang radio broadcast mula sa US na pinick-up ng lokal na istasyon ng radyo dito sa Pilipinas.

16. Kung ililista ang sampung pinakamahahabang SONA sa kasaysayan ng bansa, pito sa mga ito ay mula kay Pangulong Ferdinand Marcos. Ang pinakamahabang SONA ni Marcos ay noong January 27, 1969. Ito ang kaniyang ika-apat na SONA na may word count na 30, 427. Sa talumpating ito ay inidorso ni Marcos ang kaniyang vision na New Filipinism para sa bansa.

17. Ang pinakamaiksing SONA sa kasaysayan ay ibinigay ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Ito ay ang kaniyang ikalimang SONA na ginanap noong

July 25, 2005. Ang talumpati niyang ito ay mayroon lamang word count na 1, 551. Sa SONA ring ito ay inindorso ni Arroyo ang pagsisimula ng Constitutional Assembly upang magkaroon ng Charter Change. Tumagal ito ng dalawamput limang minuto.

18. Ang SONA ng isang Pangulo ay ipiniprisinta niya sa harap ng mga miyembro ng Kongreso. Dahil dito, nakasanayan na ang pagsasagawa ng SONA sa lugar kung saan nagtitipon para sa pagbubukas ng sesyon ang Kongreso. Noong unang panahon, ang SONA ay isinasagawa sa Legislative Building sa Maynila. Ang gusaling ito ay kilala natin ngayon bilang National Museum. Unang ginamit ang Batasang Pambansa bilang venue ng SONA noong June 12, 1978, sa ikalabindalawang SONA ni Pangulong Marcos.

19. Bukod sa Legislative Building sa Maynila at Batasang Pambansa sa Quezon City, isinagawa na rin sa ibang mga lugar ang SONA ng mga pangulo ng bansa. Kabilang dito ang Malacaang Palace kung saan ibinigay ni Pangulong Ferdinand Marcos ang kaniyang SONA noong mga taong 1973 at 1974. Ginanap na rin ang SONA ng isang beses sa Quirino Grandstand, isang beses din sa Luneta at isang beses sa Philippine International Convention Center.

20. Ang kaisa-isang SONA ni Pangulong Osmea ay isinagawa sa isang converted school sa kalye ng Lepanto sa Maynila. Ito ay dahil sa mga naging pinsala sa dating Legislative Building matapos ang World War 2. Gayundin, lahat ng naging SONA ni Pangulong Manuel Roxas ay ginanap sa parehong lugar bago muling nagamit ang Legislative Building noong unang SONA ni Pangulong Elpidio Quirino.

You might also like