You are on page 1of 3

READINGS IN PHILIPPINE HISTORY

Kimberly Joy C. Talon July 27, 2022


BSRE 2-1 Prof. Edelyndon Enriquez
2020-12023-MN-0
MODULE NO.4: Supplementary Task

What makes the 1973 Constitution constitutional authoritarianism? Briefly discuss the

effects of Marcos’s authoritarian regime on Philippine society.

Noong taong 1965, umupo sa posisyon ng pagka-presidente si Ferdinand Marcos Sr. Siya

ang ika-sampung pangulo ng Pilipinas, at siya at kaniyang pamilya rin ang isa sa mga pinaka

kontrobersyal na personalidad sa ating bansa. Noong 1967, ang konggreso ng ating bansa ay

nagpasa ng resolusyon na kumbensyong konstitusyonal upang baguhin ang 1935 Constitution.

Ang bagong konstitusyon na nais ipatupad noon ay ang 1973 Constitution, na siyang naging

dahilan upang manatili si Ferdinand Marcos Sr. sa kaniyang posisyon bilang presidente ng

Pilipinas. Ang konstitusyong ito ay naglalayong ipakilala ang parlyamentaryong estilo ng

gobyerno sa ilalim ng martial law kung saan, ang dating apat na taong termino bilang isang

Presidente ay napalitan ng anim na taon.

Ang 1973 Constitution ay tinawag na “Constitutional Authoritarianism” dahil ang dating

pangulo na si Ferdinand Marcos Sr. ay nagdikta ng mga probisyon sa konstitusyon noong

Martial Law. Minanipula niya ang mga dokumento upang patuloy siyang manatili sa posisyon

bilang presidente ng Pilipinas. Bukod pa roon, nagkaroon ng plebisito na siyang magiging daan

upang maaprubahan o di maaprubahan ang iminungkahing konstitusyon. Ngunit, ang plebisitong

ito ay ipinag-paliban dahil kinatakutan ni Marcos Sr. ang maaaring pag boto ng publiko laban sa

konstitusyon. Ang lahat nang ito ay naganap bago pa matapos ang kumbensyon. Sa madaling

salita, naging daan ang bagong konstitusyon upang makapag patupad ng Martial Law at mas
palakasin ang pasismo sa ating bansa. Ayon kay Tony La Vina, kaya binansagang

“authoritarian” ang konstitusyon dahil sa hindi tamang pag proseso nito. Nagpatupad din si

Marcos Sr. ng mga baranggay citizen assemblies at naglabas ng Presidential Decree No.86, na

naglalayong isuspinde ang reperendum. Bukod pa roon, nagkaroon din ng kakulangan sa maayos

na pag sasalaysay sa mga mamamayan sa mga tala ng bagong konstitusyon. Ang rehimen ng

dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. ay puno ng karahasan, korapsyon, at pang aabuso sa

kapangyarihan gayundin sa mga mamamayan ng ating bansa. Dahil sa 1973 Constitution,

nabigyan si Marcos Sr. ng kapangyarihang mamuno sa pamamagitan ng pag-atas noong 1978

nang ang 1935 constitution ay napalitan ng parlyamentaryong estilo. Sa ilalim rin ng

konstitusyong ito, malayang sinugpo ng dating presidente ang mga demokratikong institusyon at

paghihigpit sa mga kalayaang sibil. Bukod pa rito, sino mang tumaliwas sa kaniya o di kaya’y

maging kritiko niya at kaniyang pamilya ay sumasailalim sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso.

Ayon kay Mccoy (2001, p.131), noong martial law, mahigit 3,275 ang naitalang pinatay; ang

mga sumailalim naman sa torture ay mahigit 25,000; ang mga ikinulong naman ay tinatayang

70,000; at 77 pursyento ng mga biktimang ito ay isinalvage. Sa dami ng mga biktima at mga

nasawi noong Martial Law, opisyal na idineklara ni Marcos Sr. ang pagtatapos ng martial law

noong January 17, 1981. Ngunit sa kabila nito, nagpatuloy pa rin ang mga pang-aargabyado sa

mga mamamayan na siyang nagbigay daan upang magkaroon ng EDSA Revolution.

Kung iisipin natin, matindi talaga ang nagagawa ng pagiging gahaman sa kapangyarihan

sa isang tao. Dahil sa paghahangad ni Marcos Sr. na manatili sa posisyon bilang presidente ng

Pilipinas, maraming Pilipino ang naapektuhan. Bukod pa roon, matapos ang kaniyang rehimen,

nabaon sa matinding utang ang ating bansa dahil sa korapsyon na ginawa nila ng kaniyang

asawang si Imelda, upang mapanatili ang kanilang marangyang buhay. Nakakalungkot isipin na
kahit matindi ang ginawa nila sa mga Pilipino, marami pa ring mamamayang ang patuloy na

sumusuporta at nagmamahal sa kanilang pamilya.

You might also like