You are on page 1of 2

Ang Kasaysayan ng Batas Militar sa Pilipinas

Noong 1969, inihalal si Marcos sa kanyang ikalawang termino bilang Pangulo. Nang malaman ito ni
Marcos, naghanap siya ng paraan para hindi siya mawalan ng kapangayarihan. Ang una ay ipalit ang
sistema ng pamahalaan sa parlyamentaryo. Sa tulong nito, kung dadating ang oras na hindi na magiging
pangulo si Marcos ay magiging pinuno pa rin siya pero bilang punong ministro at ang pangalawa ay ang
Batas Militar.

Ang taong 1971 ay naging panahon para sa kampanya ng mga nais na maging senador. Dalawang
partido ang naglaban para makuha ang posisyon sa senado. Ang una ay ang Partidong Nacionalista, ang
partido ni Marcos at ang pangalawa ay ang Partidong Liberal, ang partido ni Benigno Aquino, ang
kanyang karibal, na isa sa mga kandidato. Noong Agosto 21, naganap ang kampanya ng Partidong Liberal
sa Plaza Miranda. Pagkalipas ng ilang oras, nagkaroon ng pagsabog dito at nasugatan ang mga Liberal na
kandidato maliban kay Aquino.

Naganap din sa taong 1971, ang Constitutional Convention para ipalit ang 1935 Konstitusyon. Dahil
karamihan sa mga napiling delegado para dito ay nasa panig ni Marcos, binigyan lamang ng pansin ang
pagpalit ng sistema ng pamahalaan mula presidensyal sa parlyamentaryo. Magkakaroon muna ng
panahon na tinatawag na transitory period kung saan ang mga kapangyarihang ehekutibo at lehislatibo
ay mapupunta sa pangulo kay Marcos. Karamihan rin ay sumang-ayon sa pagbabago ng konstitisyon
dahil sila rin ay makatatangap ng mga benepisyo mula dito.

Setyembre 21, 1972 ang opisyal na pagdeklara ng Batas Militar pero sa Setyembre 23, 1972 lamang
idineklara ito ni Pangulong Marcos sa publiko. Ang kanyang dahilan ay para mapanatili ang Republika ng
Pilipinas at para mabago ang sistema at kalagayan ng lipunan. Kasabay nito ang pagkasara ng Kongreso,
mga institusyong gumagawa ng mga dyaryo, radyo at telebisyong istasyon. Madaling araw pa lamang ng
Setyemre 23 ay kumilos na ang mga militar at pulis sa paghanap at paghuli ng mga kaaway ni Marcos.
Kasabay nito ang pagkasara ng Kongreso, mga institusyong gumagawa ng mga dyaryo, radyo at
telebisyong istasyon.

Isa sa mga ginawa ni Marcos sa panahong ito ay ang pagsulong ng New Society. Ilan sa mga utos
niya sa ilalim dito ay ang paglansag ng mga pribadong hukbo, pagkumpiska ng ilegal na baril at
pagkatanggal sa tungkulin ang opisyal sa pamahalaan na nahuli sa korupsyon.

Ang pangunahing tampok ng Batas Militar ay ang paggiging makapangyarihan ng militar. Ang bahagi
ng nasyonal badyet na para sa mga militar ay lalong tumaas. Mga pulis na dati ay nasa pamumuno ng
mga mayor ay isinama na sa militar dahil sila ay itinuring mas mataas kaysa sa kanila. Kilala sila para sa
kanilang karahasan na ginagawa nila sa mga taong hinuhuli nila. Lalo silang nakibahagi ang paggiging
makapangyarihan ng militar. Ang bahagi ng nasyonal badyet na parasa mga militar ay lalong tumaas. Sa
panig ng mga mamamayan, sila ay inaabuso na sa kanilang karapatang pantao

Bumuo si Marcos ng isang pangkat na naglalaman ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Sila ay
tinawag na mga cronies at isang sistema sa negosyo ang lumitaw mula dito. Dahil dito, ang mga nasa
pangkat ay nakibahagi at nagmay-ari sa mga iba't-ibang kompanya ng bansa.
Noong taong 1981, opisyal na inalis na ni Pangulong Marcos ang Batas Militar sa bansa at muling
nagkaroon ng halalang presidensyal. Maraming naniwala na hindi magiging malinis ang halalan dahil sa
naganap na halalan, nanalo ulit sa Ferdinand Marcos bilang pangulo ng bansa. Walang pinagkaiba ang
ikatlong termino sa kanyang pamumuno sa ilalim ng batas militar.

Sa mga sumunod na taon, naabot na kay Marcos ang kanyang pagbagsak sa politika. Noong Agosto
21, 1983, pinatay si Benigno Aquino at lalong nagalit ang mga Pilipino dahil naniwala sila na si Marcos
lamang ang pwedeng mag-utos nito. Patuloy ang pagtaas sa bilang ng mga protesta laban sa kanyang
pamumuno. Noong 1986, nangyari na ang People Power Revolution kung saan nawalan na sa posisyon
bilang pangulo si Ferdinand Marcos. Ang pumalit sa kanya ay si Corazon Aquino, ang asawa ni Benigno
‘Ninoy’ Aquino.

Mga Sanggunian:

https://www.officialgazette.gov.ph/featured/deklarasyon-ng-batas-militar/

https://philippineculturaleducation.com.ph/batas-militar/

https://martiallawmuseum.ph/fl/magaral/declaration-of-martial-law/

https://www.google.com/amp/s/www.zenrooms.com/blog/post/kasaysayan-ng-pilipinas/amp/

You might also like