You are on page 1of 2

Almonte, Rajan M,

BSLEAD-2A
Filipino 3- Diskusyon

Taong 1965 buwan ng Disyembre 30. Ito ay taon na inaasahang kapangyarihan ni dating
Pangulong Ferdinand Marcos at muli siyang naihalal taong 1969. Kaugnay nang pagkakaluklok
sa trono, nagkaroon ng ilang pagtatrabaho sa ating Constitutional Convention 1971 upang legal
at mabigyang ng permiso ang nasabing pangulo na maihalal muli. Sa kaniyang pagkakaupo
bilang pangulo, ilan sa mga karahasan ang umusbong at ito ang kaniyang naging dahilan upang
maipatupad ang Batas Militar na may layuning paigtingin ang kapayaan at kaligtasan ng bawat
mamamayan ngunit kabaligtaran ang nangyari.

Sa pamamagitan ng Batas Militar, naibasbas din sa pangulo ang President’s emergency


powers na natahasang nakasaad sa 1935 konstitusyon. Dagdag pa rito, napasakamay rin ng
pangulong Marcos ang pangkalahatang kapangyarihan sa gobyerno. May Karapatan siyang
gumawa ng batas at magpatupad nito. Sa pagbabagong lingid sa kaalaman ng iilan, nagtatag ng
bagong institusyon ang pangulo. Ang konstitusyong 1935 ay binasura at pinalitan ng 1973
konstitusyon.

Sa pagkakahal muli ni pangulong Marcos, taong 1978 nabuksan ang panibagong halalan
sa bansa na huling naganap pa noong taong 1969. Sa panibagong pakikipaglaban sa pwesto dito
ay mababanaag ang kauhawan ng isang dating senador Ninoy Aquino sa kahuwaran nang
nasisilayang sistema. Sa kaniyang pagnanais na baguhin ang sistema ng gobyerno dito sa ating
bansa, siya ay hinuli at kinulong sa ibang bansa. Sa kaniyang pagkakakulong, ginugul niya ang
panahon upang mapaghandaan niyang mabuti ang kaniyang muling pagbabalik sa bansa at
ipagpatuloy ang nasimulang mithiin para sa bansa.

Ngunit sa pagtatadhana ng tao, pinatay ang dating senador habang pababa sa sinasakyang
eroplano. Taong 1986 nang labanan ni Cory Aquino, asawa nang namayapang senador. Muling
sinambit ang pangalan ni pangulong Marcos, hudyat na siya ang muling nanalo bilang pangulo
ng ating bansa. Sa pagkakataong ito, umaklas at sama-samang nagmartsa ang mga Pilipino
patungo sa Palasyo upang mapaalis ang nailuklok na pangulo. Bilang pinakamapayang
pamamaraan ng pagpapalis. Napilitang umalis ang pangulong Marcos at nagtungo sa Hawaii.

Sa kagustuhan ng mga mamayang Pilipino, nanumpa at agad na naihalal bilang bagong


pangulo ng bansang Pilipinas, ang ika-labing isang pangulo Maria Corazon "Cory" Sumulong
Cojuangco Aquino. Panibagong pag-asa ang namutawi sa bawat isa.
Sa pagpapatuloy nang mapanghamong panahon, hanggang umabot sa kasalukuyan
muling nagtama ang Marcos at Dilawan ngunit sa ibang katauhan. Bongbong Marcos, anak ng
dating pangulong Marcos laban sa ginang na nagnanais na baguhing muli ang bansang Pilipinas
Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo.
Sa kanilang paglalaban sa puwesto kasama pa ang ibang nagnanais na maging
pangalawang pangulo ng bansa ang dalwang pangalan ang higit na nakakaangat. Sa simula ng
halalan at sa huling sandal hindi nagpatinag ang mga tagasuporta ng ibat-ibang panig. Hanggang
sa dumating ang nakatakdang panahon, itinanghal kongreso ng Pilipinas bilang bagong
pangalawang pangulo ng Pilipinas Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo.

At sa kasalukyang taong 2022 muling nag-alab ang labanan sa dalwang panig na tatakbo
bilang pangulo ng bansa ang pinakamataas na puwesto sa gobyerno na marami ang nagnanais na
makamit. Sa itinakdang tadhana, wagi ang bagong mukha ng mga Marcos.

Bigo man ang ilang Pilipino sa nangyaring resulta, marami rin ang natuwa. Ang dalangin
ng iba na nawa ay tama ang desisyon ng nakararami, at sana ay mali ang iilan. Sa pagsisimula ng
termino ng bagong pangulong Bongbong Marcos, nawa ay maging maayos ang kapalaran ng
bansang ating kinatitirikan at minamahal.

You might also like