94% found this document useful (17 votes)
23K views2 pages

Martial Law

Uploaded by

khaziersfang
Copyright
© Attribution Non-Commercial (BY-NC)
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOC, PDF, TXT or read online on Scribd
94% found this document useful (17 votes)
23K views2 pages

Martial Law

Uploaded by

khaziersfang
Copyright
© Attribution Non-Commercial (BY-NC)
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOC, PDF, TXT or read online on Scribd

Martial Law

1969 National Elections. Nagtayo sila ng alternative na partido sa Dav ao


na tinawag nilang Kamayan Part y. Noong araw kasi, dalawang parties
lang ang bida: Nacionalista at Liberal. Tinalo ni Ferdinand Marcos ang
incumbent na Diosdado Macapagal sa 1965 Elections at naghahangad ng
re-election ang Pangulo sa 1969. Dahil sa napapansing pagiging
gahaman ni Marcos sa kapangyarihan, nangamba ang ilang mga grupong
kagaya ng Kamayan Party. At ang madalas nilang sinasabi ay, "Kapag
nagkamali tayo ng pasya sa eleks yong ito, ito na ang huling eleks yon sa
buhay natin!"

Sa buong probinsya, halos walang pinanalunang pwesto ang


Kamayan. Paano raw kasi, ang mga kandidato nila ika ay nakak atakot.
Isa na si Ka Memong na ang apelyido ay Patayan. At yung aking tatay na
ang apelyido naman ay Granada.

At nagkatotoo nga ang kanilang mga sinabi. Ang 1935 Constitution ay


nagsasaad na ang term ng Presidente ay 4 years at maari lamang siyang
magiging presidente ng maximum of 2 terms. Kaya bago sumapit ang
1973 elections, nagdeklara ang nanalong Presidente Ferdinand Marcos
ng Martial Law noong 1972 at sa susunod na 15 years ay walang
magaganap na malayang elections sa bansa.

Sumakabilangbuhay na ang aking ama. Samantala, minsan-minsan ay


nakikita ko pa si Ka Memong. Noong is ang taon ay nalimbag ang kanyang
librong "Struggle". At sa gulang na 86, bilang founding chairperson ng
MASIPAG (Farmer-Scientist Partnership for Development), siya ay
nangunguna sa pakikibaka laban sa pagkaubos ng mga binhing mas
kapakipakinabang sa mga sakahan at bukirin sa Pilipinas.

Samantala, lalo pa sa mga kabataang nasa elementar y at high school,


ang Martial Law ay alien sa kanila. Paano nangyari ito? Tama nga siguro
ang ilang nagsasabi na maiks i ang memor y natin kaya hindi tayo natututo
sa kasaysayan. Pero mas tamang sabihin na talagang hindi natin
maaalala ang histor y ng Martial Law dahil unang-una hindi natin sinulat
ang histor y nito.

Halimbawa na lang, ang mga biktima ng Martial Law. Wala sa


textbooks ang mga pangalang Tulio Favali, Johnny Escandor, Lorena
Barros, mga martir ng Escalante at libo-libo pang iba. Paano nila
maaalala ang hindi man lang nila nababasa?

Obvious na naman kung sino ang dapat singilin, kaya pag- isipan na
lang natin kung ano ang pwedeng gawin. Ang isa, kahit suntok sa buwan,
sang-ayon tayo sa mga nagsasabing magtayo ng Truth Commission para
maik wento nang totohanan sa mga textbooks ang k wento ng Martial Law.
Isa pa, suportahan ang mga nagmumungkahing maglagay ng mga
markers sa mga dakong kung saan may na-salvage o dinukot noong
panahon ng Batas Militar. At isa pa, ang mga kolehiyo ay maaring
magdevelop ng required course sa Martial Law. At pwer a biro, gumawa ng
tele-novelang tipong " Mula sa Puso ni Imelda".

Pambihira naman kasi, isipin n'yo naman kung ano ang sumasagi sa isip ng kabataan
pag narinig nila ang Martial Law. Isang pulutong ng mga jologs na mga estudyante ng
U.P. pa ang nakamalasan kong natanong. At sinagot din ako ng tanong, "Sister ni
Ricky?"

ISANG taon bago ang 1972, naghuhumiyaw na ang mga plakard sa mga rali: “Digmang
bayan, sagot sa martial law!” Parang inaasahan na ng mga aktibista ang batas militar – at
handa silang labanan iyon nang ngipin sa ngipin. Martial law din ang prediksiyon ni
Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr., bago pa man ang Setyembre 21, 1972 nang ibulgar
niya ang Oplan Sagittarius na diumano’y plano ni Marcos sa pagpapataw ng batas militar.
Isinuspinde ni Marcos ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus noong Agosto 21, 1971 –
at lalong nasilip ng lahat ang pangil at sungay ng batas militar. Kumbaga sa sugal,
talagang ipinapakita ng presidente ang kanyang mga baraha.

Pero nang ideklara na ni Marcos ang batas militar, maging ang mga aktibista at pulitikong
oposisyon ay nakadama ng isang uri ng pagkagimbal na hindi pa nila nararanasan sa
tanang buhay nila.

Panahon ng batas militar

Habang naghahanda ang mga pulitikong oposisyon sa magkasunod na eleksiyong


midterm at presidensiyal, naghahanda naman ang mga aktibista sakaling ideklara na nga
ang batas militar. Maraming lider ang umiwas na sa mga kilalang tambayan, hindi na
sumasama sa mga demonstrasyon, bawal nang pumunta sa mga headquarters (opisina ang
tawag ngayon) na siguradong tinitiktikan ng mga ahente ng militar. Ang iba pa nga, nag-
underground na, ibig sabihin, nagbuhay-palihim na.
Kabilang sa kanila si Monico Atienza, na laging nasa diyaryo dahil, bilang
pangkalahatang kalihim ng KM (Kabataang Makabayan), laging nakakabit ang pangalan
niya sa media statements ng organisasyon. Natanaw na niya ang posibilidad ng
crackdown sa kilusang aktibista. Kung kaya, nang bigla na lang nawala sa ere ang radyo
at TV, at wala nang lumabas na diyaryo sa kalye, agad niyang kongklusyon ay batas
militar na nga.
“Marami ang hinuli noong Setyembre 23, 1972, pero higit na marami ang tahimik na
“nakaatras.” Sa tinatawag na kilusang lihim o underground movement, patuloy silang
nag-organisa at nakipaglaban.
Dalawang taong aktibo sa kilusang lihim si Atienza. Nadakip siya, Oktubre 4, 1974.
“Kung di ako nagkakamali, may mga naunang nahuli sa aming network na may alam sa
aming kinalalagyan…kaya umabot (sa kaalaman ng militar kung nasaan kami),” alaala
niya. Sa Parañaque, kasama ang asawang si Edith, kaibigang si Ernie, at dalawa pang
babae na di na niya matandaan ang pangalan, pinasok ng mga sundalo ng 5th MIG
(Military Intelligence Group) ang kanilang bahay.

You might also like