You are on page 1of 62

6

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan
Mga Hamon at Tugon sa Pagkabansa

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Aralin

1 Mga Pangyayari na Nagbigay-daan


sa Pagtatakda ng Batas Militar

Layunin:

Nasusuri ang mga suliranin at hamon sa kasarinlan at pagkabansa ng mga Pilipino


sa ilalim ng Batas Militar

 Naiisa-isa ang mga pangyayari na nagbigay-daan sa pagtatakda ng Batas


Militar

Tuklasin Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Siya ay


si Pangulong Ferdinand Emmanuel Edralin
Marcos Sr. Ang unang panunungkulan ni
Pangulong Marcos mula 1965 hanggang
1969 ay may layuning gawing dakilang muli
ang Pilipinas. Ang sabi niya: “This nation can
be great again!” Malawakang paggawa ng
kalye, tulay, patubig at paaralan ang kanyang
pinasimulan. Nabawasan ang krimen, lumaki
ang produksyon sa agrikultura dahil sa
reporma sa lupa at dumami ang serbisyo ng
pamahalaan lalo na sa kalusugan. Nabago rin
ang hukbong sandatahan at nakipag-ugnayan
tayo sa iba’t ibang bansa.

SUBALIT…
nang muli siyang
nahalal noong taong
1969, nagbago ang
sistema ng kanyang
pamamalakad.
Maraming Pilipino ang
nagalit dahil sa
pambansang
kahirapang ibinunga ng
labis na paggasta at
pangungutang ng
pamahalaang Marcos

Ferdinand Emmanuel
Edralin Marcos Sr.
Pinagkunan ng larawan:
Project EASE : Modyul 17 “ANG
PILIPINAS SA ILALIM NG BATAS
MILITAR”
Iisa-isahin natin ang mga pangyayari
Suriin sa bansa na nagtapos sa pagdedeklara ng
Batas Militar.

1. Mga Suliraning Pangkabuhayan

 Patuloy na lumaki ang panlabas na utang ng pamahalaan. Ang mga


proyektong kanyang sinimulan ay ipinangutang niya sa
mayayamang bansa.
 Tumaas din ang halaga ng langis sa pandaigdigang palengke.
Patuloy na umangkat ang Pamahalaang Marcos, kayat tumaas din
ang halaga ng mga bilihin.
 Binuksan ni Marcos ang bansa sa mga dayuhang mamumuhunan.
Ngunit nilapastangan naman ng mga ito ang ating likas na yaman.
Patuloy na yumaman ang mga kapitalista at patuloy namang
naghirap ang mga mahihirap.

2. Mga Suliraning Panlipunan

 Ang mga mayayaman at mga pulitiko ay nagtatag ng kani-kanilang private army.


Madali ang pamimili ng mga armas at baril; karamihan ay galing sa ibang bansa.
 Tumaas ang antas ng krimen sa bansa
 Dahil sa pahirap nang pahirap ang buhay at maliit na kita ng mga manggagawa,
nagsimula ang maraming pag-aaklas na sinuportahan ng mga aktibistang mag-aaral.
 Halos araw araw na laman ng lansangan ang mga-rally o demonstrasyon laban sa
pamahalaang Marcos. Dito nagsimula ang parliaments of the streets.
 Lumala ang hidwaang Kristiyano at Muslim sa Mindanao

3. Mga Suliraning Pampolitika

 Iba’t ibang samahan na may iba’t ibang simulain ang natatag.


- CPP (Communist Party of the Philippines)
- NDF (National Democratic Front)
- NPA (New People’s Army)
- MNLF (Moro National Liberation Front)
 Madalas na labanan ng militanteng demonstrador o mga
tao sa rally sa kalsada at mga military/pulis. Noong Agosto
21, 1972, nagkaroon ng isang malaking pagsabog sa
Plaza Miranda sa Maynila, ang pook na madalas
pagdausan ng mga demonstrasyon.
 Proklamasyon 889 na nagsuspindi sa Writ of Habeas
Corpus o ang pagkaputol ng karapatang dinggin sa
hukuman ang mga kaso ng mga inaaresto ng pamahalaan
 Ibinunyag ni Senador Benigno “Ninoy” Aquino ang planong
pagdeklara ng Batas Militar ni Pangulong Marcos sa ilalim Benigno “Ninoy” Aquino
Pinagkunan ng larawan:
ng planong “Oplan Saguittarius.” Si Aquino ang matinding Project EASE : Modyul 17 “ANG
PILIPINAS SA ILALIM NG BATAS
kalaban ni Pangulong Marcos sa politika at may MILITAR”
kakayahan sanang maging pangulo rin ng bansa.
Noong Setyembre 21,1972, narinig ang sirena ng pulis
sa buong Pilipinas. Nawalan ng kuryente ang buong
bansa. Nang magka-kuryente, tumambad sa telebisyon
ang larawan ni Pangulong Marcos sa lahat ng istasyon.
“I signed proclamation No. 1081 placing the entire
Philippines under Martial Law…” Ito ang mga katagang
kanyang binitiwan.

_____________________________________________________________________

Pagyamanin

Gawain A.
Panuto: Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M kung ang
pangungusap ay mali.

____1. Nasiyahan ang mga Pilipino sa pangalawang panahon ng panunungkulan ni


Pangulong Marcos.
___ 2. Madalas ang mga rally at demonstrasyon ng mga mag-aaral at manggagawa
sa panahon ni Pangulong Marcos.
___ 3. Bumaba ang mga bilihin sa palengke sa pangalawang panunungkulan ni
Pangulong Marcos.
___ 4. Sinuspinde ni Pangulong Marcos ang “writ of habeas corpus,” sa panahon ng
Batas Militar.
___ 5. Nagkakasundo ang Muslim at Kristiyano nang panahong ito.
___ 6. Dumami ang krimen sa bansa sa panahon ni Pangulong Marcos.
___ 7. Madalas magkaroon ng mga demonstrasyon sa harap ng tirahan ni
Pangulong Marcos.
___ 8. Sumibol ang maraming samahan tulad ng CPP (Communist Party of the
Philippines) sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Marcos
. ___ 9. Ang maraming rally noon ay tinawag ding Parliament of the Streets.
___ 10. Pilipino ang higit na nakinabang sa ating likas na yaman sa panahon ni
Pangulong Marcos.

4
Isaisip

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa Pahalang at Pababa upang mapunan ng sagot ang
crossword puzzle.

Pahalang Pababa

1. Kalakal na patuloy na tumataas ang 2. _____of the streets ang nagsimulang


presyo dahilan ng pataas din ng presyo kilusang reporma laban sa pamahalaang
ng mga bilihin. Marcos sa pamamagitan ng pagrarali o
demonstrasyon.
3. Ito ang ginagawa ng mga nagrarali sa
mga lansangan noong panahon ni 4. Ang NDF o ______ Democratic Front ay isa
pangulong Marcos. sa mga samahang kilusan laban sa
administrasyong Marcos.
6. Ang CPP o _______ Party of the
Philippines ay isa sa mga samahang 5. Ang karapatang dinggin sa hukuman ang
nabuo upang makamit ang repormang mga kaso ng mga inaaresto ay tinatawag na
hinahangad ng mga tao. writ of habeas _____.

7. Ang pangulong naglagda at nagproklama 8. Sila ang mga aktibistang sumuporta sa


ng Batas Militar. maraming pag-aaklas at pagrarali sa
lansangan.
10. Ang mga dayuhang naglapastangan sa
mga likas na yaman ng bansa. 9. Ang senador na matinding kalaban ni
Marcos sa politika at ang nagsiwalat sa
balak nitong na pagdeklara ng Batas Militar.

5
Tayahin

Panuto:
Ayusin sa tamang pagkakasunod-sunod ang pangyayari sa loob ng kahon ayon sa wastong
bilang.

Mga Pangyayari
Wastong Pagkasunod-sunod
 Nilagdaan ni Pangulong
Marcos ang Batas Militar 1.W
 Nagsimula ang mga pag-
aaklas at mga rally sa 2.W
lansangan
 Nilapastangan ng mga
dayuhang mamumuhunan ang 3. S
mga likas na yaman ng bansa.
 Sinuspindi ang Writ of Habeas 4. S
Corpus.
 Ibinunyag ni Senador Benigno
“Ninoy” Aquino ang planong 5.
pagdedeklara ng Batas Militar

Susi sa Pagwawasto

6
Aralin
Epekto ng Batas Militar
2
Layunin:
Nasusuri ang mga suliranin at hamon sa kasarinlan at pagkabansa ng mga Pilipino
sa ilalim ng Batas Militar

 Nakabubuo ng konklusyon ukol sa epekto ng Batas Militar sa politika,


pangkabuhayan at pamumuhay ng mga Pilipino

Tuklasin
Malawak ang naging kapangyarihan ni
Pangulong Marcos. Nagpatuloy siya bilang
Pangulo at kumandante ng lahat ng militar, at
nagpatupad ng maraming pagbabago bilang
epekto ng Batas Militar

Nagawa ring palabasin ng


Pangulong Marcos na ang lahat ng ito ay
ginusto ng Pilipino.

Sa tanong na “Nais pa ba ninyong mamuno si


Pangulong Marcos?” 90% ang sumagot ng Oo. Ang
pagiging diktador ni Pangulong Marcos ay naging
legal. Pinagbatayan nito ang Referendum 1973,
Senate Bill 77 at ang 1973 Konstitusyon.

7
Suriin Ito ang ilan sa mga Epekto ng
Batas Militar

1. Mga Epektong Pampolitika

 Binuwag ang Senado at Kongreso at Batasang


Pambansa.
 Lumikha ang Pangulo ng Hukumang Militar at nagkaroon
ng maraming pag-aresto at pagkakulong.
 Inilunsad ang Bagong Lipunan. Ginamit na islogan ang
“Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.”
Madaling napasunod ang karamihan sa paglikha ng mga
bagong tanggapan.
 Inilunsad din ang programang PLEDGES
P – Peace and order (kapayapaan)
L – Land Reform (Reporma sa lupa)
E – Economic Development (Kaunlarang Pangkabuhayan)
D – Development of Moral Values (Pagbabagong Moral)
G – Governent Reform (Pagbabago s Gobyerno/Serbisyo)
E – Educational Reform (Pagbabagong Pang-edukasyon)
S – Social Services (Kagalingang Panlipunan)
 Kalipunan ng mga Barangay (Barangay o People Assembly) - pinalawak at
pinasigla ang mga kilusang barangay

2. Mga Epektong Pangkabuhayan at Pamumuhay

 Binigyan ng karapatang mag-mayari ng lupa ang maliliit na magsasaka.


Inilunsad din niya ang Masagana 99 o pagpapadami ng ani at produksyon sa
palay sa pamamagitan ng pagpapabuti ng uri ng binhi ng palay o bigas.
 Nagtayo ng mga murang pabahay tulad ng BLISS
 Nagtatag ng pamilihang bayan KADIWA para sa mahihirap.
 Nagpatayo rin ng mga ospital at gusaling pampubliko na nagbibigay ng
murang konsultasyon gaya ng Philippine Heart Center at National Kidney
Institute. Nagtatag ng MEDICARE upang maparating sa mamamayan ang
serbisyong pangkalusugan.
 Isinulong ang malawakang pangungutang sa IMF-World Bank na naging
simula ng paglaki ng utang panlabas ng bansa. Upang maisagawa ang
maraming proyektong pangimprastuktura, gaya ng mga tulay, mahahabang
kalsada, LRT, expressway, at mga palengke.
 NEDA, o National Economic Development Authority na naging pangunahing
ahensiya ng pamahalaan sa pagpaplano ng programang pangkabuhayan.
 Naitatag din ng OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) upang
mabigyan ng mga pribelihiyo ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa Gitnang
Silangan at ibang bansa.
 Unti-unting bumagsak ang pambansang kita, tumaas ang halaga ng mga
bilihin at dumami ang mahihirap.

8
Noong Enero 17, 1981, nilagdaan ng pangulo
ang Proklamasyon 2045 na nagsaad ng pagtatapos ng
8 taong pamumunong militar.

Pagyamanin

Gawain A
Panuto: Markahan ng tsek () kung nangyari at ekis (x) kung hindi nangyari ang mga
sumusunod na pahayag.

Sa panahon ng Batas-Militar…
___1. Kongreso ang gumagawa ng batas.
___2. Ang kapangyarihang lehislatibo at ehekutibo ay nasa kamay ng Pangulo.
___3. Barangay Assembly ang hihikayat sa mamamayang lumahok sa gawaing
magpapaunlad sa Pilipinas.
___4. Naging masagana at maunlad ang Pilipinas.
___5. Pawang kasamaan ang idinulot ng Batas Militar.
___6. Gumanda ang kapaligiran.
___7. May kalayaang magsalita at magpahayag ng opinyon.
___8. Nagkaroon ng maraming rali at demonstrasyon.
___9. Umabuso ang mga sundalo at pulis.
___10. Naging maunlad ang pamumuhay.

Gawain B
Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ano ang TAMA sa sumusunod na pahayag?
a. Puro masama ang naidulot ng Batas-Militar
b. Puro mabuti ang naidulot ng Batas-Militar
c. May mabuti at masamang naidulot ang Batas-Militar
2. Kailan nagsimula ang Batas-Militar sa Pilipinas?
a. September 21, 1972 b. Disyembre 22, 1980 c. Enero 17, 1981
3. Alin ang hindi kasama sa pangkat?
a. Pagkakaroon ng mga bagong imprastraktura.
b. Pagtaas ng presyo ng bilihin.
c. Pagdami ng Pilipinong walang trabaho.
4. Ano ang pinakatamang pahayag ukol sa pagdedeklara ng Batas-Militar?
a. Kaguluhan ang dahilan kung kayat nilagdaan na ng Pangulong Marcos ang Batas-
Militar.
b. Maayos at mapayapa na ang bansa kaya’t wawakasan na ang Batas Militar.
c. Nais na ng Pangulong Marcos na pumunta ng ibang bansa kaya minabuti na niyang
wakasan ang Batas-Militar.
5. Alin ang HINDI aral ng Batas-Militar sa mga Pilipino?
a. Malaki ang bahaging ginamgampanan ng midya sa lipunan.
b. Dapat higit sa lahat ay manatili tayong tapat sa bansa at hindi sa iisang pinuno
lang.
c. Kapag naging pinuno ka balang araw, isipin mong maging mabuting halimbawa at
sikaping magkaroon ng mabuting paraan ng pamumuno.

9
Isaisip
Panuto: Ipangkat sa tsart ang mga pangyayari sa loob ng kahon.

Repormang Pansakahan, Pagdakip sa mga Pinaghihinalaang Laban sa Pamahalaan,


Labor Law / OWWA, Pabahay na BLISS, Bumagsak ang pambansang kita, Paglobo
ng utang sa World Bank, PLEDGES, Pagtaas ng presyo ng mga bilihin, Barangay
Assembly, Binuwag ang Senado at kongreso,

Tsart ng mga Epekto sa Panahon ng Batas-Militar

Mga Epektong Pampulitika Mga Epektong Pangkabuhayan at


Pamumuhay
Mabuti Hindi Mabuti Mabuti Hindi Mabuti

Tayahin

Panuto: Isulat ang T kung tama at Itama ang may salungguhit na salita kung mali ang
pangungusap.
_________1. Si Ferdinand E. Marcos ang pangulong nagpatupad ng Batas Militar. 28
_________2. Tumagal ng 20 taon ang pagpapairal ng Batas Militar sa Pilipinas.
_________3. Isa sa magandang naisakatuparan ng Batas Militar ay ang pagpapatupad ng
Reporma sa Lupa.
_________4. Marami ang nag-alinlangan sa pagwawakas ng Batas Militar noong Enero
17,1981.
_________5. DISIPLINA ang inilunsad na Programang Reporma.
_________6.Ang NEDA ang naging pangunahing ahensiya ng pamahalaan sa pagpaplano
ng Programang Pangkabuhayan.
_________7. Naging maunlad at tahimik na bansa ang Pilipinas nang maipatupad ang
Batas Militar.
_________8. Naitatag ang PLEDGES upang mabigyan ng mga pribelehiyo ang mga
Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa
_________9. Ang pagdedeklara ng Batas Militar ay naaayon sa 1935 Konstitusyon.

10
_________10. Maraming kalayaang natamo ng Pilipino sa panahon ng Batas Militar.
___________________________________________________________________

Susi sa Pagwawasto

11
Aralin

1 Pamamahala nina Corazon Aquino


at Fidel Ramos

Layunin:

1. Nasisiyasatang mga programa ng pamahalaan sa pagtugon ng mga


hamon sa pagkabansa ng mga Pilipino mula 1986 hanggang sa
kasalukuyan

 Nasusuri ang mga patakaran at programa ng pamahalaan tungo sa pag-


unlad ng bansa. (AP6TDK-IVc-d-4)
 Naiisa-isa ang mga kontribusyon ng bawat pangulo na nakapagdulot ng
kaunlaran sa lipunan at sa bansa.
 Nakapagsusulat ng sanaysay tungkol sa mga patakaran ng piling pangulo
at ang ambag nito sa pag-unlad ng lipunan at bansa.
___________________________________________________________________

Tuklasin Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Ito ay


iilan lamang sa mga proyektong nailahad
na ng ating gobyerno na nagpadali at
nagpaganda sa ating pang-araw-araw na
buhay.

Photo Credits: Ms. April Pondoc

Manga Dam sa Tangub City, Misamis


Occidental nagbibigay patubig sa mga
magsasaka sa syudad.
Sa araling ito Photo Credits: Jay ar Rasonable
ating kikilalanin ang mga
naging pangulo ng
Pilipinas at ang mga
nagawa nila habang
nanunungkulan.

12
Suriin
Si María Corazón Sumulong Cojuangco-Aquino na
lalong mas kilala sa palayaw na Cory ay ang ikalabing-isang
Pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang babaeng
naluklok sa nasabing pwesto. Tinagurian siyang Ina ng
Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa pagpapanumbalik ng
demokrasya sa Pilipinas.
Termino ng Pagkapangulo: Pebrero 1986-Hunyo 1992.
Pinanggalingan: Wikipedia
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.officialgazette.gov.ph
%2F1989%2F06%2F19%2Fspeech-of-president-corazon-aquino-on-the-coalition-for-
transparency
%2F&psig=AOvVaw3JVi4w06yWSinAOwKQnaPC&ust=1595045985161000&source=images&
cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCODf4P640-oCFQAAAAAdAAAAABAD

Natatanging Programang Pangkaunlaran


 Paglikha ng PCGG (Presidential Commission on Good Governance) na naglalayong
ibalik sa pamahalaan ang pinaniniwalaang ninakaw na pera mula sa kaban ng bayan ng
Pamilyang Marcos. Sa kasalukuyan, ginagamit ni Pangulong Duterte ang ahensya
upang imbestigahan ang maaring korapsyon sa pamahalaan.
 Pagpapatupad ng Trade Liberalization na nagpapataw ng malaking buwis sa mga
kalakal na ipinapasok sa bansa ngunit pagbibigay ng mas maluwang na paraan ng
pagnenegosyo.
 Pagkakaroon ng malayang pagtatag ng mga negosyo na tinawag na Free Enterprise
System.
 Pagbebenta ng mga korporasyong pag-aari ng pamahalaan sa mga pribadong
negosyante (Asset Privatization Trust) upang maibangon muli ang ekonomiya.
 Pagpapatibay ng Batas Republika Blg. 6655 o Free Public Secondary
Education Act of 1986.
 Pagpapatibay ng Generics Act of 1988 o kilala rin na Batas Republika Blg. 6675 na
nagbigay ng mas murang gamot sa mga Pilipino.
 Pagbabahagi ng mga pribado at pampublikong lupa sa mga maliliit na magsasaka
(CARP o Comprehensive Agrarian Reform Program) alinsunod sa Batas Republika
Blg. 6657.

Si Fidel Valdez Ramos ay ang ikalabing-dalawang


Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Sa ilalim ni Ferdinand
Marcos, siya ay inatasan na maging pinuno ng Philippine
Constabulary noong 1972, hepe ng Integral National Police
noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang
Lakas noong 1981.
Termino ng Pagkapangulo: Hunyo 1992 hanggang
Hunyo 1998.
Source: Wikipedia

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fpages
%2Fcategory%2FCommunity%2FTalambuhay-ni-Fidel-V-Ramos-
1455960471373528%2F&psig=AOvVaw0zVp5MS7I_bY9eVIBRZpve&ust=15950464627090
00&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCMjEoLO50-oCFQAAAAAdAAAAABAD
Natatanging Programang Pangkaunlaran
 Itinaguyod ang proyektong Pilipinas 2000 na naglalayong gawing Newly Industrialized
Country ang Pilipinas.
 Pagpapatupad ng Social Reform Agenda (SRA) na naglalayong maitaas ang antas ng
pamumuhay ng mga Pilipino

13
 Paglunsad ng Moral Recovery Program (MRP) na nagnanais maibalik ang moral at
etikal na na pundasyon ng mga Pilipino na magiging daan sa pag-unlad.
 Malayang pagpapasok ng mga produkto at serbisyo mula sa ibang bansa
(liberalisasyon)
 Pagtatatag ng Special Zone for Peace and Development in Southern Philippines at
Southern Philippines Council for Peace and Development upang isulong ang usaping
pangkapayapaan sa Mindanao.
 Lumikha ng Special Economic Zone (SEZ) sa Mariveles, Bataan; Mactan, Cebu;
Baguio, Subic at Clark.
 Pagsali sa General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) na nag-aalis ng kota, taripa
o buwis sa mga inaangkat at iniluluwas na produkto sa ibang bansa.
 Paglunsad ng Clean and Green Program
 Pagtuturo sa mga mamamayan sa maayos at wastong pagtapon at paglikom ng
basura(recycle) at paggawa ng compost pit sa pamamagitan ng Ecological Waste
Management Program.

Ngayon, alam na natin ang mga nagawang pagbabago nina Pangulong Cory
Aquino at Pangulong Fidel Ramos sa ating bansa.
Ito ay lubos na nakatulong upang mapaunlad ang Pilipinas sa loob ng kanilang
pamamahala.

Ngayon, subukan nating alamin ang iyong natutunan sa ating aralin. Iguhit sa tsart
ang kung ang mga programang nabanggit ay nangyari sa panahon ni Cory Aquino at
kung ito ay sa panunungkulan ni Pangulong Ramos. Ilagay ang sagot sa inyong
sagutang papel .

Pagyamanin
Gawain 1.1
Natatanging Programa Pres. Cory Aquino Pres. Fidel
Ramos

Tayahin

Gawain 1.2.
Subukan mong punan ang mga patlang sa14
ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Panuto:
Balikan at suriing mabuti ang mga programang inilunsad nina Pangulong Ramos at
Cory Aquino, pumili ng isa, na sa tingin mo ay may pinakamalaking ambag sa kaunlaran ng
Pilipinas. Sumulat ng sanaysay ukol dito.
Gamitin ang rubric sa ibaba bilang gabay sa iyong gawain.

Pamantayan Puntos
10 9 8 7
Kawastuhan Lahat ng datos May dalawang Iilang datos ang Maraming datos
na inilahad ay datos na mali may kamalian ang may mali
tama
Paglalahad ng Lubhang Malinaw Hind-Gaanong Malabo at Hindi
Ideya Malinaw Malinaw Maunawaan
Pagkamalikhain Ganap na Malikhain May Kaunting May Malaking
Malikhain Kakulangan sa Kakulangan sa
Pagiging Pagiging

magsasaka.
5. Pamamahagi ng lupa sa mga maliliit na
produkto.
4. Pag-aalis ng taripa sa mga iniaangkat na
ng basura
3. Pagtuturo sa wastong pagtapon at paglikom
2. Pagsasabatas ng Generics Act
pampublikong sekundarya
1. Pagbibigay ng libreng pag-aaral sa

Ramos
Pres. Fidel Pres. Cory Aquino Natatanging Programa

15
Aralin

2 Pamamahala nina Joseph E.Estrada


at Gloria M. Arroyo

Layunin:
 Nasusuri ang mga patakaran at programa ng pamahalaan tungo sa pag-unlad
ng bansa. (AP6TDK-IVc-d-4)
 Naiisa-isa ang mga kontribusyon ng bawat pangulo na nakapagdulot ng
kaunlaran sa lipunan at sa bansa.
 Nakapagsusulat ng sanaysay tungkol sa mga patakaran ng piling pangulo at ang
ambag nito sa pag-unlad ng lipunan at bansa.
_________________________________________________________________________

Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Kilala mo ba


sila? Tanungin mo ang iyong mga nakatatanda
Tuklasin kung hindi mo sila kilala.

Jose Marcelo Ejercito, na mas kilala


Suriin bilang Joseph Ejercito Estrada, o Erap ang
ika-13 Pangulo ng Pilipinas mula 1998
hanggang 2001. Siya ay nahalal na Mayor o
Alkalde ng Maynila noong 13 Mayo 2013.
Termino ng Pagkapangulo: Hunyo
30,1998 hanggang Enero 20, 2001.
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.youtube.com
%2Fwatch%3Fv
%3DBCCbVAxpxGE&psig=AOvVaw3PzUUqJNdGPZo2lxJMZi3K&ust=1595
046591111000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCJCEyu-50-
oCFQAAAAAdAAAAABAD

16
Natatanging Programang Pangkaunlaran
 Inalis niya ang Countryside Development Fund o Pork Barrel na ibinibigay ng
pamahalaan sa mga kawani ng gobyerno na gagamitin sana para sa
mamamayang Pilipino ngunit napag-alaman niyang hindi ginagamit ng wasto.
 Ipinagpatuloy niya ang mga programang nasimulan ng mga naunang pangulo
tulad ng Asset Privatization Trust at Trade Liberalization.
 Pagkakaroon ng rolling store na nagtitinda ng murang bigas at iba pang
pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino na tinawag niyang Enhanced
Retail Access for the Poor (ERAP).
 Itinaas niya ang pondo para sa edukasyon ng 20% at isinagawa ang Adopt-a-
School Program.
 Isinaayos niya ang buhay ng mga mahihirap na Pilipino sa kanyang Poverty
Eradication Program sa pamagitan ng murang pabahay, pagtaas ng pondo
para sa kalusugan at pagpapagawa ng mga daan sa baryo upang mapadali ang
pagluwas ng mga ani.

Si Maria Gloria Macapagal-Arroyo ay ang ika-14 na


Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Siya ang ikalawang
babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating
pangulong si Diosdado Macapagal.
Termino ng Pagkapangulo: Enero 20, 2001 – Hunyo 30,
2010

Pinanggalingan:
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.onthisday.com%2Fpeople
%2Fgloria-macapagal-
arroyo&psig=AOvVaw2Tj74j9dKMbZxHPOy6mMm1&ust=1595046666023000&source=i
mages&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCNDm54u60-oCFQAAAAAdAAAAABAD

Natatanging Programang Pangkaunlaran


 Inatasan niya ang Presidential Anti-Graft Commission upang gumawa ng
lifestyle check sa mga opisyal ng pamahalaan upang maiwasan ang korapsyon.
 Upang tulungang mapataas ang kakayahan ng Local Government Units,
ipinatupad niya ang programang KALAHI o Kapit Bisig Laban sa Kahirapan.
 Ginawa niyang mas modernisado ang pagkuha ng mga serbisyo sa pamahalaan
sa pamamagitan ng Electronic Procurement System (EPS).
 Binigyan niya ng kompyuter ang mga paaralang pambayan.
 Pinaunlad niya ang teknolohiya sa larangan ng impormasyon at transportasyon.
 Ipinatupad niya ang Republic Act 8435 na mas kilala sa Agricultural and
Fisheries Modenization Act (AFMA).
 Bumuo ng mga livelihood programs sa mga walang trabaho at out of school
youth.

17
Pagyamanin

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na programa ng pamahalaan. Isulat ang


salitang ERAP kung ito ay programa ni Presidente Estrada at GMA naman kung ito
ay kay Presidente Arroyo.Isulat ito sa inyong sagutang papel.

_________1. Nagbigay ng trabaho sa mga kabataang hindi na nag-aaral.


_________2. Sinubukang lutasin ang mga suliranin ukol sa pangungurakot sa
pamahalaan.
_________3. Nagbigay ng murang pabahay sa mga mahihirap upang maibsan ang
kahirapan.
_________4. Inalis ang pork barrel na pinaniwalaang pinagmumulan ng korapsyon.
_________5. Nagbigay ng mas mataas na pondo para sa edukasyon.
_________6. Pinaunlad niya ang agrikultura at larangan ng pangisdaan.
_________7. Ginawang mas modernisado ang pagkuha ng mga serbisyo sa
pamahalaan.
_________8.Nagbigay ng mga bagong kompyuter sa mga paaralan.
_________9. Nagsimula ng tindahang de-gulong na nagbibinta ng abot-kayang
pangunahing pangangailangan.
_________10. Pagpapagawa ng daan sa mga baryo upang mas maging madali ang
pag-aangkat nito.

Isaisip
Panuto: Kopyahin at punan ang tsart sa inyong sagutang papel.

Mga Natatanging Programang Pangkaunlaran

Pangulong Gloria M. Arroyo Pangulong Joseph E. Estrada

18
Tayahin

Panuto: Suriin ang mga suliranin sa ibaba.Tukuyin kung anong programa nina
Arroyo o Estrada ang pwedeng kasagutan dito. Ipaliwanag/ Ilarawan ang
iyong sagot.Sagutin ito katulad ng nasa unang bilang.
1. Ang iyong ama ay isang mangingisda, ngunit kulang na kulang ang kanyang
nakukuhang isda dahil sa kakulangan ng kagamitang pangingisda.
Programang Pangkaunlaran: ______________________________
Paliwanag/Pagsasalarawan kung Paano ito Makatutulong:
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Ang bahay ninyo ay malayo sa pamilihang-bayan, hindi kayo nakabibili ng
murang pangunahing pangangailangan.
3. Ang iyong nakatatandang kapatid ay tumigil sa kanyang pag-aaral dahil sa
kakulangan ng perang pantustos dito. Nais niyang maghanap ng trabaho
upang makatulong sa inyong mga magulang.
4. Isang guro ang iyong nanay, sinasabi niya parati na kulang ang pondo ng
paaralan para pambili sana ng mga kagamitan sa pagtuturo tulad ng
microscope at iba pa.
5. Naririnig mo minsan na sinasabi ng iyong ama na ang ibang pulitiko raw ay
tumatakbo lamang upang yumaman. Nababahala ka kung sakaling ito ay
totoo.

Susi sa Pagwawasto

Isaisip: Ito ay iilan lamang sa maari nilang sagot.Marami pang iba na


pwede nilang pagpipilian.

19
Tayahin

Aralin

3 Pamamahala nina Benigno Aquino at


Rodrigo Duterte
Layunin:
 Nasusuri ang mga patakaran at programa ng pamahalaan tungo sa pag-unlad
ng bansa. (AP6TDK-IVc-d-4)
 Naiisa-isa ang mga kontribusyon ng bawat pangulo na nakapagdulot ng
kaunlaran sa lipunan at sa bansa.
 Nakapagsusulat ng sanaysay tungkol sa mga patakaran ng piling pangulo at ang
ambag nito sa pag-unlad ng lipunan at bansa.

Tingnan ang mga larawan sa ibaba.


Tuklasin Tanungin ang inyong mga nakatatanda ukol
sa mga ipinapakita nito.
Ito ay iilan lamang sa mga hamong
kinaharap nina Pangulong Aquino at
Pangulong Duterte.

Bagyong Yolanda
https://www.google.com/search?
q=yolanda+typhoon+free+images&tbm=isc
h&ved=2ahUKEwj4jYv7tPLqAhVE6JQKHRjqB5
sQ2-cCegQIABAA

Manila Hostage Crisis


https://www.google.com/search?
q=manila+hostage+crisis+free+images&tbm=isch
&ved=2ahUKEwirw_iqtfLqAhXIAaYKHRQ7C_oQ2-
cCegQIABAA

20
Lindol
https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F
%2Fwordpress.accuweather.com%2Fwp-content
%2Fuploads%2F2019%2F10%2Fcropped-
AP_19304127091218-1.jpg&imgrefurl=https%3A%2F
%2Fwww.accuweather.com%2Fen%2Fweather-news
%2Fsecond-strong-earthquake-in-three-days-sparks-
concern-causes-damage-in-southern-philippines
%2F611592&tbnid=azN3SQQStNetvM&vet=12ahUKEwjB0
_LWv_PqAhWwzIsBHUdqANcQMygdegUIARDnAQ..i&doci
d=eXxzq8VQDnDA9M&w=2500&h=1405&q=earthquake
%20philippines%20free
%20images&ved=2ahUKEwjB0_LWv_PqAhWwzIsBHUdq

Suriin
Si Benigno Simeon Cojuangco
Aquino, III higit na kilalá sa paláyaw na
Noynoy Aquino o sa tawag na P-Noy ay
ang ika-15 Pangulo ng Republika ng
Pilipinas. (Wikipedia)
Termino ng Pagkapangulo: Hunyo 30,
2010 – Hunyo 30, 2016
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F
%2Fwww.youtube.com%2Fwatch%3Fv
%3DeEsw4w0TJN0&psig=AOvVaw3nU5Or-
a2xs9ww_dwzvlip&ust=1595046735251000&source=ima
ges&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCNDEwqm60-
oCFQAAAAAdAAAAABAD

Natatanging Programang Pangkaunlaran


Matuwid na Daan - ang kolektibong termino o pangalan ng mga nagawa ni
President Aquino sa loob ng kanyang termino.
 4P’s - Pantawid Pamilyang Pilipino Program, ito ay ang pagbibigay ng cash
grant sa mga batang nasa edad 0-14 taong gulang upang igugol sa kanilang
pangangailangang nutrisyon, kalusugan, at edukasyon.
 K to 12 Program - ang pagbabago sa sistema ng edukasyon kung saan
dinagdagan ng 2 taon ang Basic Education upang makatugon sa
pangangailangan ng lipunan.
 Botika ng Barangay (BnB)- na nagtitinda ng mga murang gamot na aprubado
ng Bureau of Food and Drugs

21
 Expanded Program on Immunization (EPI)- ito ay nakaangkla sa Republic Act
No. 10152 o Mandatory Infants and Children Health Immunization Act of 2011
kung saan ang mga bagong silang na sanggol ay dapat bakunahan ng libre sa
anim na pangunahing vaccine preventable diseases tulad ng tuberkulosis, polio,
diphteria, tetanus, pertussis at tigdas.
 Abot-Alam Program- layunin nitong turuan at gawing produktibo ang nasa 15-
30 taong gulang na hindi na nag-aaral sa tulong ng Alternative Learning
System(ALS).
 Republic Act No. 6713- Code of Conduct and Ethical Standards for Public
Officials and Employees, ang batas na ito ay nagtitiyak na ang mga pulitikong
iniluklok sa posisyon ay maglilingkod ng tapat na naayon sa kanilang
sinumpaang tungkulin at trabaho.
 Run After Tax Evaders(RATE)- tinitiyak nito na ang bawat Pilipino ay
nagbabayad ng wastong buwis at ang hindi pagbabayad nito ay itinuturing na
krimen na tinatawag na Tax Evasion.
 Kariton, Klasrum, Klinik, Kantin o K4 - pinagkakalooban ang mga batang
mahihirap ng pangangailangang pangkalusugan, pagkain at tirahan sa
pamamagitan ng Modified Conditional Cash Transfer(MCCT).
 Republic Act No. 10648 o Iskolar ng Bayan Act of 2014- nagtatadhana na
ang sampung mangungunang mag-aaral na magtatapos sa bawat pampublikong
paaralan sa bansa ay makapag-aaral ng libre sa kolehiyo.
 Comprehensive Agreement on the Bangsamoro - isinagawa ito upang matigil
ang rebelyon ng ating mga kapatid na Muslim, nagkaroon ng negosasyon sa
pagitan ng ating pamahalaan at ang Moro Islamic Liberation Front (MILF)

Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte,


kilalá rin sa kanyang bansag na Digong, ay
isang Pilipinong abogado at politiko na
kasalakuyang naninilbihan bílang ika-16 na
Pangulo ng Pilipinas. Siya ang unang
naging pangulo na mula sa
Mindanao. (Wikipedia)
Termino ng Pagkapangulo: Hunyo 30, 2016 –
Kasalukuyan
Pinanggalingan: https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A
%2F%2Fen.wikipedia.org%2Fwiki
%2FRodrigo_Duterte&psig=AOvVaw2Ns2VVqtDLDylKs9PNK1Jb
&ust=1595046850940000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjR
xqFwoTCODuoOK60-oCFQAAAAAdAAAAABAD

 Build, Build, Build Program


Natatanging Programang (BBB)-”Golden Age of Infrastructure”
Pangkaunlaran inilunsad ang programang ito na
Dutertenomics naglalayong hindi lamang
- ang pangkalahatang termino na mapaunlad ang mga imprastraktura
tumutukoy sa mga programa ni sa Pilipinas tulad ng mga daanan ng
Pangulong Duterte na naglalayon sa tren,tulay , mga kalsada at iba pa
panlipunan at pang-ekonomiyang kundi pati rin ang hangad na
kaunlaran na binubuo ng kanyang 10- mabigyan ng hanapbuhay ang mga
point agenda na maisasakatuparan sa Pilipino sa larangan ng
tulong ng iba’t ibang ahensya ng konstruksyon.(cpbrd.congress.gov.ph)
gobyerno.

22
 Magna Carta of the Poor - ito ay may tatlong priority programs na
kinabibilangan ng; PCUP(Presidential Commission for the Urban Poor)
Caravan, Adopt-a-Community, at Urban Poor Privilege Card na magpapaibayo
sa pagbibigay ng direktang serbisyo sa mga maralitang taga-lungsod.
(source: pcup. gov.ph)
 Republic Act No. 11223 o Universal Health Care Law- na direktang ginawang
miyembro ng National Health Insurance Program (NHIP) ang lahat ng Pilipino na
naging daan upang mabigyan ng serbisyong pangkalusugan (https://www.doh.gov.ph.)
 Pagtaas ng Sweldo ng Pulis at Sundalo kung saan dinoble ito kompara sa
nakaraan nilang sahod.
 Republic Act No. 11479 o Anti-Terrorism Act - ang batas na
nagbabawal,nagpipigil at nagpaparusa sa anumang gawaing may kinalaman sa
karahasan o nakakapagdulot nang kasamaan sa nakararami.
(www.officialgazette.gov.ph)
 Republic Act No. 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education
Act- na nagbibigay ng libreng tertiary education (matrikula at iba pang school
fees) sa mga estudyante na nasa pampublikong paaralan, local universities at
colleges, state-run technical-vocational institutions sa buong Pilipinas.
(www. Lawphil.net)
 Republic Act No. 11321 o Sagip Saka Act- na nagpapalawak sa mga
interbensyong maaaring ibigay ng gobyerno sa larangan ng agrikultura mula
produksyon ng mga produkto hanggang sa pagpoproseso at pagbibinta nito.
(da.gov.ph)
 Philippine Drug War- tumutukoy sa mga pulisiyang inilahad ni Pangulong
Duterte na may kinalaman sa pagsugpo ng paggamit sa ipinagbabawal na
gamot.
Oplan Tokhang - upang suportahan ang giyera laban sa droga, inilunsad ang
gawaing ito kung saan personal na binibisita ng mga pulis ang mga bahay ng mga
taong pinaghihinalaan na may kinalaman sa bawal na gamot.(https://en.m.wikipedia.org)

Pagyamanin
Panuto: Balikan ang mga programang nailunsad nina Pangulong
Aquino at Pangulong Duterte. Tukuyin ang mga naging tugon nila sa
mga hamon/suliranin ng Pilipinas sa panahon ng kanilang
administrasyon.

¿ Pangulong Aquino n Pangulong Duterte

1. Kaguluhan at banta ng kapayapaan


¿ _________________________ n __________________________

2. Kawalan ng trabaho
¿ _________________________ n __________________________

3. Kahirapan
¿ _________________________ n __________________________
4. Kakulangan ng Pagkain

¿ _________________________ n __________________________
5. Problema sa Kalusugan
¿ _________________________ n __________________________

23
Isaisip
Punan ang mga pangungusap sa ibaba base sa iyong napag-aralan ngayon.
Ang buong pamamahala ni Aquino ay nakaangkla sa kanyang programa ukol
sa pagkakaroon ng ______________________________(1.). Kung saan binigyan niya
ng cash grant ang mga mahihirap na Pilipino na tinawag niyang _____________(2.).
Dinagdagan din niya ng dalawang taon ang basic education na tinawag na
________(3.) Ginawa din niyang iskolar sa kolehiyo ang mga estudyanteng nakatapos
ng may karangalan sa hayskul at tinawag silang mga __________(4.). Sa larangan ng
kalusugan binigyan ng bakuna ang mga sanggol sa pamamagitan ng kanyang
kautusan na tinawag na __________(5.) at nagkaroon ng mura at ligtas na gamot sa
mga barangay sa pamamagitan ng kanyang programang tinawag na___________(6.).

Samantala, ang pamamahala ni Pangulong Duterte ay nakabase sa kanyang


pangkalahatang programa na tinawag na _______(7.). Kung saan nakasentro ito sa
kanyang _____(8.) na naglalayong dagdagan pa ang mga istruktura sa Pilipinas.
Binigyan din niya ng pagkakataon ang lahat ng kabataang Pilipino na makapag-aral sa
kolehiyo sa kanyang Batas Republika Blg._____(9.). Tinuunan din niya ng pansin ang
pangkalusugan kung saan otomatiko niyang ginawang miyembro ang lahat ng Pilipino
sa ________(10.) alinsunod sa Universal Health Care Law.

Tayahin
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Pumili ng mga programang
inilunsad ni Aquino at Duterte na sa tingin mo ang magiging solusyon/kasagutan nito.
Ipaliwanag ang iyong sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.(2 puntos bawat bilang)

1. Bagong panganak si Aling Rosa, gusto na niyang lumabas sa ospital ngunit wala silang
pambayad dito dahil nawalan ng trabaho ang kanyang asawa na isang construction worker

2. Ang pamilya ni Mang Ben ay napabilang sa kinilalang “poorest of the poor”. Mayroon
siyang mga anak na nasa edad lima, walo at labindalawa. Ang mga ito ay nag-aaral sa
pampublikong paaralan.______________________________________________________

3. Isang magsasaka si Mang Raul, lubhang napinsala ang kanyang pananim dahil sa
nagdaang bagyo. Wala na siyang pantustos upang makapagtanim muli.
_________________________________________________________________
4. Nagtapos bilang class valedictorian si Jomar sa hayskul, gustung-gusto niyang makapag-
aral sa kolehiyo subalit mahirap lamang sila at walang pantustos ang kanyang mga
magulang.
_________________________________________________________________
5. Ang iyong pamilya ay nakatira sa isang liblib na lugar. Narinig mo minsan na may mga
taong de-armas na pumupunta sa mga bahay upang manghingi ng pagkain.

24
Susi sa Pagwawasto

Pagyamanin

Isaisip

Tayahin

25
Modyul 4
Pagbabago sa ilang Probisyon ng Salig ang Batas 1987

Aralin 1 Mga Karapatan ng Mamamayang Pilipino ayon


sa Saligang Batas ng 1987

LAYUNIN

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mag-aaral ay:


Natatalakay ang mga mungkahi tungo sa pagbabago sa ilang
probisyon ng Saligang Batas 1987
 Natatalakay ang mga karapatang tinatamasa ng
mamamayan ayon sa Saligang Batas ng 1987

PANIMULA

Ang modyul na ito ay inihanda upang lubos mong malaman ang mga
karapatan bilang mamamayang Pilipino at maisabuhay ang mga tungkuling
dapat gampanan ayon sa Saligang Batas ng 1987.
Sasamahan ka ni Mario at Maria sa pagtuklas at pagkatuto sa
makabuluhang aralin na ito!

Maligayang
araw sa iyo. Ako naman si
Ako nga pala Mario. Hangad
si Maria. naming
makatulong sa
iyo.

Ano ba ang Saligang Batas at bakit ito


mahalaga sa isang bansa?
TUKLASIN

Ang Saligang Batas o Konstitusyon ang itinuturing na


pangunahing batas ng isang bansa. Ito ay naglalaman ng mga tuntunin o
prinsipyong magiging batayan ng kapangyarihan ng pamahalaan at
mamamayan. Anumang pagsalungat o paglihis sa konstitusyon ay
nangangahulugang paglabag sa saligang batas o unconstitutional.

Alam mo ba ang tawag sa lupon na inatasang lumikha o bumuo ng


saligang batas? Kumbensiyong konstitusyonal ang tawag dito.
Maaari ding baguhin ang ilang probisyon nito sa pamamagitan ng
pagsusog o amendment. Ang pagpapalit ng saligang batas o
constitutional reform o charter change (cha-cha) ay
nangangailangan ng 2/3 boto ng kabuuang kasapi ng Kongreso
upang maipasa ang pagnanais na pagbabago ng saligang batas. Ibig
sabihin kapag 10 ang boboto, 7 ang dapat sang-ayon at 3 ang hindi
sang-ayon. Upang magiging katanggap-tanggap ang saligang batas,
kailangan itong pagtibayin ng mamamayan sa pamamagitan ng
plebisito.

Sadyang napakahalaga ng saligang batas sapagkat ito ang


nagtatakda ng pagtatatag at pagpapakahulugan sa kapangyarihan ng
pamahalaan upang mapakinabangan ng estado at mamamayan.
Nagbibigay rin ito ng proteksyon sa mamamayan laban sa mga
pagmamalabis ng pamahalaan.
Ano ang kasalukuyang
ginagamit na
GAWAIN 1 konstitusyon ng bansa?
_______________________________________

Sagutin ang Gawain 1 sa Apendiks pahina 10


Tingnan ang tamang sagot sa pahina 9

Alam mo ba Maria na ang pinakamataas na


batas sa Pilipinas sa kasalukuyan ay ang
Saligang Batas ng 1987?

Tama ka Mario! Naglalaman ito ng


preambulo o panimula, 18 artikulo, at 321
seksiyon. Sinasalamin nito ang
namamayaning kaisipan, saloobin, at
pagpapahalaga ng mamamayang Pilipino.

Dapat malaman ng ating kapwa mag-aaral na ang isa sa


mahahalagang pagbabago sa mungkahing probisyon ng
Kaya naman sama-sama nating suriin at
alamin ang mga karapatan ng mamamayan
ayon sa Saligang Batas ng 1987.

SURIIN
Sa isang demokratikong bansa tulad ng Pilipinas, lubos na
pinahahalagahan ang mga karapatan ng mamamayan. Nasasaad ang
mga ito sa Katipunan ng Karapatan sa Artikulo III, Seksiyon 1-22
ng Saligang Batas ng 1987.
Kaya naman ayon sa Saligang Batas ng 1987, ang
karapatang konstitusyonal ng isang tao ay nahahati sa apat:

1. Karapatang Sibil
Ang matamasa ng mamamayan ang ganap na kaligayahan
sa buhay ay kabilang dito.
Halimbawa:
 Karapatang mabuhay
 Karapatang magsalita at ipahayag ang sarili
 Karapatang di mabilanggo dahil sa pagkakautang
 Karapatang magkaroon ng tirahan at ari-arian
 Karapatan laban sa sapilitang paglilingkod
 Karapatan sa pantay na proteksyon ng batas
 Karapatan sa di-makatwiran na pagdakip at
paghahalughog
 Karapatan sa mabilis na paglilitis
2. Karapatang Pampulitika
Ito ang mga karapatang nagbibigay ng proteksiyon sa tao,
sa pamamagitan ng likas na pagkakapantay-pantay ng
lahat ng tao, upang makilahok sa pamamalakad sa
pamahalaan.
Halimbawa:
 Karapatang bomoto
 Karapatang magpetisyon
 Kalayaang magsalita, maglimbag,
at magtipun-tipon
 Karapatang bumuo ng samahang hindi
labag sa batas
 Karapatang gumanap ng tungkuling pampubliko
 Karapatang alamin ang mahahalagang
impormasyon dahil sa pamamalakad ng
pamahalaan
Anong uri ng karapatang konstitusyonal ang
inihahayag sa mga pangungusap?

GAWAIN 2

May karagdagang karapatan rin ang:


 kababaihan;
GAWAIN 3

Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong dagdagan ng isa


ang sampung karapatan ng kabataan, ano ito?

PAGYAMANIN

Bakit mahalagang malaman ng isang tao ang kaniyang mga


karapatan?

ISAISIP
Tapusin ang mga pahayag o pangungusap sa ibaba mula sa
natutuhan mo sa aralin.
1.
2

TAYAHIN

Sa iyong pang-unawa mula sa aralin, talakayin ang apat na


karapatang konstitusyonal at palawakin ang pagtatalakay sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawang pangyayari sa
lipunan. Tingnan ang rubrik sa pahina _____ para sa pagbibigay ng
puntos.
1. Karapatang Sibil
2. Karapatang Pampulitika
3. Karapatang Panlipunan at Pangkabuhayan
4. Karapatan ng Nasasakdal

Sagutin ito sa Apendiks pahina 12

SUSI SA PAGWAWASTO
Rubrik sa Tayahin
Pagtatalakay sa mga Karapatang Tinatamasa ng mga Mamamayang Piipino
Pamantayan 10 9 8 7
Pagsasaayos Malinaw at Maayos ang Maayos ang Hindi
maayos ang kabuuan ng pagtatalakay masyadong
pagtatalakay. pagtatalakay. ngunit hindi malinaw at
Mayroong masyadong maayos ang
sapat na malinaw. pagtatalakay.
halimbawang
pangyayari sa
lipunan.
Kawastuhan Napakahusay Mahusay ang May May
ng mga ng pagkabuo pagkabuo sa kahusayan sa kahusayan
Impormasyon ng talata. impormasyon pagkabuo ng ngunit magulo
impormasyon. ang ibang
impormasyon.
Kaangkupan Angkop na Angkop at Wasto ang Maraming
ng mga salita angkop at wasto ang mga salita kamalian sa
wasto ang paggamit ng ngunit hindi mga salita.
mga salita. mga salita. masyadong
angkop.

Aralin 2 Mga Kaakibat na Tungkulin Ayon sa Saligang


Batas ng 1987
LAYUNIN

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mag-aaral ay:


 Naiisa-isa ang mga kaakibat na tungkulin na binibigyang
diin ng Saligang Batas ng 1987

Hi! Ikinagagalak namin ni Mario ang iyong katapatan at


kagalingan sa pag-aaral tungkol sa karapatang
tinatamasa ng mamamayang Pilipino. Ngunit ano nga ba
ang koneksyon ng araling ito sa Aralin 1?

Tama ka diyan! Tulad naming dalawa ni Maria, alam


naming sabik na sabik ka na ring pag-aralan ang mga
kaakibat na tungkulin sa mga karapatang tinatamasa ng
mga Pilipino. Halika, simulan na nating tuklasin!

TUKLASIN
Sukatin natin ang iyong pagiging
mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pagsagot ng OO o HINDI
sa mga ebalwatib na katanungan.
Ano ang iyong pananaw?

1. May tiwala ka ba sa Republika ng Pilipinas?


2. Iginagalang mo ba ang mga simbolo o sagisag ng Pilipinas
tulad ng ating watawat?
3. Alam mo bang taksil o traydor ang tawag sa isang Pilipinong
tumangging makipaglaban para sa kanyang bansa?
4. Handa ka bang tumulong para sa kaunlaran ng bansa?
5. Maipapangako mo bang ipagtatanggol, igagalang, at susundin
ang Saligang Batas ng Pilipinas?
6. Makikipagtulungan ka ba sa gobyerno o pamahalaan upang
mapanatili ang kaayusan at katarungan ng lipunan?
7. Naniniwala ka bang may pagkakataon kang makapili ng
mahusay at tapat na pinuno sa halalan?
8. Alam mo bang dapat nating igalang ang karapatan ng ibang tao
upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan?

Kung ang iyong sagot ay OO, nagpapahiwatig lamang ito na isa


kang mabuti at mapanagutang Pilipino. Kung may sagot ka
naming HINDI, ‘wag mag-alala dahil lubos nating kikilalanin at
susuriin ang ating mga tungkulin,

SURIIN
Sa isang malayang bansa na pinamamahayan ng demokrasya, may katapat
na tungkulin ang bawat karapatan. Ang mga tungkuling ito ay ang mga pananagutan
na dapat gampanan ng bawat mamamayan. Tingnan ang ilan sa mga tungkulin na
dapat isakatuparan at isabuhay ng bawat Pilipino.

Nangangahulugan ito ng ganap na pagtitiwala at pagmamahal sa Republika.


Tungkulin ng bawat mamamayan na ipagtanggol ang estado at tumulong sa
kaunlaran at kagalingan ng lahat.

Ang watawat ay simbolo ng Republika at ng pambansang pagkakaisa.


Sagisag din ito ng pakikipaglaban tungo sa kalayaan mula sa pagkaalipin ng lahi.
Hindi lamang ang watawat ang dapat igalang kundi ang lahat ng iba pang sagisag
ng bansa.
Isa sa mga pangunahing tungkulin ng mamamayan ang pagtatanggol sa
estado laban sa mga kaaway, lalo na sa panahon ng digmaan. Itinuturing na isang
taksil o traydor at hindi karapat-dapat na mamamayan ng Pilipinas ang isang
Pilipinong tumatangging makipaglaban para sa kanyang bansa.

Malaki ang magiging epekto sa bansa kung ginagampanan ng mamamayan


ang kanyang tungkuling paunlarin ang bansa. Ang ilan dito ay kusang-loob at
maagap na pagbabayad ng kanyang buwis, pagtangkilik sa katutubong produkto at
kalakal, at pagkakaroon ng kapaki-pakinabang na gawain.

Ito ay tungkuling dapat gampanan ng bawat mamamayan sapagkat


nakapaloob dito ang saloobin ng taong bayan. Dapat lamang na ipagtanggol,
igalang, at sundin ito upang mapanatili ang panlipunang kaayusan.

Ang mga mamamayan ay may tungkuling makipagtulungan sa mga pinuno ng


pamahalaan sa anomang kaparaanan upang mapabuti ang kalagayan ng bansa at
mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa lipunan.

Kaakibat ng karapatan sa pagboto at pagkakaroon ng pumili sa halalan,


tungkulin ng mamamayan ang mapanagutang pagpili ng mga pinuno ng
pamahalaan. Dignidad, integridad at puso ng mga kandidato ay marapat na
isaalang-alang bago sila maihalal sa gobyerno. Ang tungkuling ito ay naglalayong
makapili ng mahusay at tapat na mamumuno sa bayan.

Bawat Pilipino ay may tinatamasang karapatan ayon sa batas kaya dapat laging
nasa isip at puso ng mamamayan na ang paggamit at pagtamasa ng sariling
karapatan ay nangangailangan rin ng paggalang ng karapatan ng ibang tao.
Magkakaunawaan ang mga bawat isa at magkakaroon ng matiwasay na lipunan
kung respeto sa karapatan ng ibang tao ay ipinapakita at pinapairal.

GAWAIN 1
Kumpletuhin ang pangungusap na magpapakita ng isang tunay at mabuting
mamamayang Pilipino. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

Bilang isang tunay at mabuting Pilipino,


tungkulin kong
_______________________________
_______________________________
_______________________________

Sagutin ito sa Apendiks pahina 23

ISAISIP

Tapusin ang mga pahayag o pangungusap sa ibaba mula


sa natutuhan mo sa aralin.

1. Ang Katapatan sa ______________ ay pagmamahal at


pagtitiwala sa bansa.

2. Ang ____________ ay simbolo ng Republika at ng


pambansang pagkakaisa.

1.3. Itinuturing na taksil o _____________ at hindi karapat-dapat


2 na mamamayan ng Pilipinas ang isang Pilipinong
tumatangging makipaglaban para sa kanyang bansa.

4-5. Tungkulin ng isang mamamayan ang pagbabayad ng


_______, pagtangkilik sa katutubong ___________ at kalakal,
15 at pagkakaroon ng kapaki-pakinabang na gawain.

Sagutin ito sa Apendiks pahina 24


Tingnan ang tamang sagot sa pahina 22

TAYAHIN
Magaling!
Mahusay at natapos mo
ang aralin na ito. Binabati
kita, kapwa ko mag-aaral!

SUSI SA PAGWAWASTO
Aralin
Mga Kontemporanyong Isyu ng Lipunan
1  Pampulitika
 Pangkabuhayan
Pamantayan sa Pagkatuto:

Nasusuri ang mga kontemporanyong isyu ng lipunan tungo sa


pagtugon sa mga hamon ng Malaya at maunlad na bansa.
( AP6TDK-IVef-6 )
Layunin
Nasusuri ang mga pampulitika at pangkabuhayang isyu ng
lipunan tungo sa pagtugon sa mga hamon ng Malaya at maunlad na
bansa
 Pampulitika (Hal., usaping pangteritoryo sa Philippine
Sea, Korupsyon)
 Pangkabuhayan (Hal., globalisasyon)

Panimula:
Ang aralin na ito ay inihanda upang malaman mo ang
mga pampulitika at pangkabuhayang isyung kinakaharap
ng bansa sa kasalukuyan.
TUKLASIN
Alam mo ba’ng may isyu o problema ang ating bansa
na kinakaharap sa kasalukuyan?

Pag-aralan ang larawan sa ibaba.


Ano-ano ang iyong mga obserbasyon o nakikitang mga
pangyayari sa iyong paligid kaugnay sa pandemyang ito?

_______________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Ang pandemyang COVID 19 ay hindi lamang kinakaharap nating mga Pilipino sa ngayon
kundi maging sa buong mundo. Ito ay nagdudulot ng pagbagsak ng ating ekonomiya at
matinding kahirapan dahil sa maraming mga tao ang nawawalan ng hanapbuhay.
Isa lang ang COVID 19 sa mga kontemporaryong isyu ng
ating bansa sa ngayon.
Alam mo bang marami pang kontemporanyong isyu ang
kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan?
Isa-isa nating tatalakayin ang mga isyung iyan sa araling ito.

SURIIN

MGA KONTEMPORARYONG ISYUNG KINAKAHARAP


NG BANSA SA KASALUKUYAN

Ano ang ibig sabihin ng kontemporaryong isyu?


Bakit mahalaga ang pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu?

Ang mga kontemporaryong isyu ay mga ideya, opinyon, paksa, o


pangyayari sa anumang larangan na may kaugnayan sa
kasalukuyang panahon. Ito ay sumasaklaw sa anumang
pumupukaw ng interes ng mga tao.

ISYUNG PAMPULITIKA
Ang suliraning pampolitika ay mga salitang ginagamit upang ilarawan
ang mga pagsubok, problema, o ang mga suliranin na kasalukuyang
nararamdaman ng isang bansa ukol sa lagay ng pulitikal na estado.
 A. 1. Isyu sa Usaping Panteritoryo sa Philippine Sea
 Isyu sa Spratly Islands
 Ang islang ito ang binubuo ng mahigit kumulang 100 maliliit na
isla at malalaking korales na matatagpuan sa West Philippine Sea
 Binabasihan ng Tsina ang tinatawag na 9 Dash Line.
Ang 9 dash line ay isang U shaped form kung saan ang lahat nang nasa
loob nito ay pag aari ng Tsina pandagat man o panhimpapadatawid.




 Ang Pilipinas ay may pinanindigan na naayon sa batas na tinatawag na
Exclusive Economic Zone (EEZ) na binabasihan sa UNCLOS (United
Nation Convention on the Law of the Sea). Nagsimula ang baseline
hanggang 200 nautical miles galing sa bansa. Sa 200 na nautical miles
na ito ay may karapatan tayong mga Pilipino na mangingisda sa dagat.

 Bukod sa Pilipinas at China, kabilang rin sa mga bansang umaagaw ang


Vietnam, Malaysia, Taiwan at Brunei dahil sa natural nitong kayamanan
kagaya na lamang ng langis.

 Noong Hulyo 12, 2016, inilabas ng United Nations Arbitral Tribunal ang
desisyon nitong pumapabor sa Pilipinas. Idineklara nitong invalid ang
9 Dash Line na iginigiit ng Tsina sa West Philippine Sea.

A. 2. Isyu sa Korapsiyon / Katiwalian sa Pamahalaan


Ang korapsiyon, katiwalian o pangungurakot ay tumutukoy sa kawalan
ng integridad at katapatan.
 Ito ay karaniwang tumutukoy sa pampolitika na korupsiyon na nangyayari
kapag ang isang indibidwal na nasa posisyon sa pamahalaan o isang
empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa kanyang kapasidad bilang opisyal
ng pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling kapakinabangan.
 Ang korapsyon ay isa sa itinuturing na pangunahing dahilan sa hindi pag-
unlad
ng Pilipinas. Bawat taon ay nawawalan ng malaking halaga ang pondo ng
bayan na dapat sana magamit sa mga proyektong magpapaunlad sa bansa.

 May iba’t-ibang uri ng korapsyon sa pamahalaan


a. Panunuhol (bribery)
–pagtanggap ng halaga o anumang bagay kapalit ng
di pagsusumbong sa isang illegal na gawain.
b. Pangingikil ( Extortion)
– paghingi ng anumang bagay o halaga bago gawin ang isang proyekto o
transaksiyon.
c. Nepotismo
– Pagbigay ng higit na pabor sa mga kamag-anak upang makapasok sa
posisyon.
d. Paglustay (embezzlement)
– paggamit nang personal sa pera na dapat para sa pamahalaan
e. Kickbacks
– pagpapasobra na halaga ng isang bagay o proyekto.

. 3. Isyu sa Pagkakautang ng Bansa

 Ang malaking kakulangan sa pondo ang dahilan kung bakit


 Ang malaking kakulangan sa pondo ang dahilan kung bakit
nangungutang ang pamahalaan sa International Monetary
( IMF), World Bank (WB), mga lokal na bangko, at iba pang
institusyong pananalapi.
 Sa kasalukuyan ay umabot na sa ₱8.6 trilyon ang kabuuang
utang ng Pilipinas batay sa datos ng Bureau of Treasury.
Sinasabing ang 67 % nito ay domestikong utang at 33% nito ay
utang panlabas ng bansa (foreign loan).
 Sinabi naman ng Department of Finance na base sa Gross
Domestic Product (GDP) ng bansa manageable pa rin naman
daw ang utang ng Pilipinas.
 Habang tumatagal, tumataas din ang interes ng utang at
patuloy ring tumataas ang presyo ng pangunahing bilihin at
serbisyo sa bansa na lalong nagpapahirap sa mga Pilipino.

Gawain 1

Basahin ang mga paliwanag sa kanang bahagi. Ayusin ang mga


ginulong titik upang matukoy ang tamang salita .
Isulat ang iyong sagot sa worksheet sa pahina
____________1. Paggamit ng personal sa pera na dapat para sa pamahalaan.
(YTASULPAG)
____________2. Pagbigay ng higit na pabor sa mga kamag- anak upang
makapasok sa posisyon. ( OPIMTESON )
____________3. Paghingi ng anumang bagay o halaga bago gawin ang isang
proyekto o transaksiyon.(GNLIKAPINGI )
____________ 4. Pagtanggap ng halaga o anumang bagay kapalit ng di
pagsusumbong sa isang illegal na gawain. ( HUNAPNUOL
____________5. Pagpapasobra na halaga ng isang bagay o proyekto.( KBAKCICK )
____________6. Paggamit sa posisyon sa pamahalaan para sa pansariling interes.
( RAPYONISOK )
____________7. Binabasehan ng Tsina sa kanilang pag-angkin sa Spratly Island.
____________8. Isang ahensiyang pinagkakautangan ng Pilipinas.
(RODLW NABK )
____________9. Ang pinag-aagawang isla ng Tsina at Pilipinas at mga kalapit
bansa nito. ( RALYTPS LANDIS )
____________10. Tawag sa tubo ng pera sa pagkakautang. (RESINTE).

B. PANGKABUHAYAN
 B. 1. Isyu ng Globalisasyon
Ang Globalisasyon ay proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,
impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na
nananarasan sa iba’t -ibang bahagi ng daigdig.
Tatlong patakaran ng globalisasyon:
Deregulisasyon – ay ang pagbibigay ng pamahalaan ng isang bansa sa
pribadong negosyo ng mas malayang pagpapasya at pagpapatakbo ng
kanilang negosyo.

 Halimbawa ng patakarang ito ay ang eregulasisyon ng langis. Ayon sa


patakarang ito, hindi makikialam ang pamahalaan sa pagpepresyo ng
langis. Malaya nang makapagpasiya ang mga namumuhunang dayuhan
higgil dito.
 Pribatisasyon – ay ang pagbebenta ng mga ari-arian ng pamahalaan sa
mga pribadong tao o korporasyon.
 ang pagbebenta sa mga pribadong kompanya ng mga institusyong pang-
serbisyo na dapat sana ay pinamamahalaan ng estado tulad ng ilaw, tubig,
paaralan (mula elementarya hanggang kolehiyo), ospital komunikasyon,
transportasyon, atbp.
 Liberalisasyon – malayang pagpasok ng kalakal mula sa ibang bansa.
 Ito ang nagdudulot ng pagkalugi ng maliliit na negosyanteng Pilipino, dahil
wala nang tumatangkilik sa kanilang produkto.

Sa biglang tingin ay napakaganda ng alok ng tatlong patakaran.


Nakasisilaw ang kaalamang maraming dayuhang namumuhunan at imported
na produkto ang nakapapasok sa bansa.
Ngunit kung susuriing mabuti ang tunay na epekto nito ay isang
malaking kapahamakan ang dala ng globalisasyon. Ang malayang pagpasok
ng mga murang produkto ay maaaring makapatay sa ating lokal na sektor.
Hindi makayanan ng lokal na sektor ang kompetisyon na naging dahilan ng
kanilang pagkalugi at pagsasara. Nagbubunga rin ito ng kawalan ng trabaho
sa maraming Pilipino.

PAGYAMANIN

Sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod na mga pahayag.


(Isulat ang sagot sa worksheet sa pahina 15)
_____1. Walang nangyayaring mga katiwalian sa ating bansa.
_____2. Ang panunuhol ay maituturing na kontemporaryong isyu.
_____3. Ang Nepotismo ay tinatawag ring Padreno System.
______4. Pribatisasyon ang tawag sa pagbebenta ng mga ari-arian ng
pamahalaan sa mga pribadong tao o korporasyon.
_____5. Ang isyu sa Spratly Island ay isang suliraning Panlipunan.
_____6. Ang liberalisasyon ang dahilan kung bakit nagkalat ang mga
imported na produkto sa bansa.
_____7. Isa sa pangunahing balakid sa pag-unlad ng Pilipinas ang
korapsiyon at katiwalian ng mga kawani at mga pinuno ng
pamahalaan.
_____8. Lumalaki ang utang ng ating bansa dahil ang mga mamamayan ay
umuunlad at namumuhay ng maayos.
_____9. Malayang namumuhunan ang mga dayuhan sa Pilipinas dahil
sa Patakarang Deregulisasyon.
_____10. Ang globalisasyon ay nakatutulong na maiangat ang kabuhayan ng mga
Pilipino.

ISAISIP

Sagutin ang mga tanong.

1. Sa iyong palagay, paano malulutas ang mga isyu ng


korapsiyon at katiwalian na nangyayari sa ating pamahalaan?
2. Bilang isang kabataan, bakit mahalagang malaman ang mga
kontemporanyong isyung kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan?

TAYAHIN
Suriin kung saang aspekto nabibilang ang mga
nakatalang isyu
o suliranin ng bansa. Isulat ang titik ng tamang sagot.

a. Pampulitika b. Pangkabuhayan

1. Malaking kakulangan sa pondo ng pamahalaan.


2. Pagkakaroon ng malakihang kickback sa mga proyekto ng
pamahalaan.
3. Paglaganap ng mga imported na produkto sa bansa.
4. Pag-aagawan ng mga bansang kalapit sa Pilipinas sa mga
islang mayaman sa deposito ng langis.
5. Pagmamay-ari ng mga pribadong kompanya sa mga ari-arian
ng gobyerno.
6. Pagbibigay ng pabor sa mga kaibigan at kamag-anak para
maipasok sa trabaho.
7. Paglulustay ng pera ng pamahalaan para sa sariling interes.
8. Pag-engganyo sa mga dayuhan na mamuhunan sa ating
bansa.
9. Malayang pagpasok ng mga kalakal sa ating bansa mula sa
iba’t-ibang panig ng mundo.
10. Patuloy na pangungutang ng pamahalaan sa iba’t-ibang
institusyong pananalapi.

Susi sa Pagwawasto
SURIIN

Gawain 1
1. PAGLUSTAY 6. KORAPSIYON
2. NEPOTISMO 7. 9 DASH LINE
3. PANGINGIKIL 8. WORLD BANK
4. PANUNUHOL 9. SPRATLY ISLAND
5. KICKBACK 10. INTERES
Gawain 2

Mga Kontemporaryong Isyu ng


Aralin
Lipunan
3  Panlipunan
 Pangkapaligiran

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang mga kontemporanyong isyu ng lipunan tungo sa
pagtugon sa mga hamon ng Malaya at maunlad na bansa.
( AP6TDK-IVef-6 )

Layunin

Nasusuri ang mga kontemporaryong isyu ng lipunan tungo sa


pagtugon sa mga hamon ng malaya at maunlad na bansa
 Panlipunan (Hal., OFW, gender,drug at child abuse,atbp)
 Pangkapaligiran (climate change,atbp)

TUKLASIN
Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba at isulat kung
anong problema ang inilalarawan ng mga ito.
(Isulat ang iyong sagot sa worksheet sa pahina 12)

___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________

____________________________________
____________________________________
___________________________________
____________________________________

Sa iyong palagay, ang lahat ba ng nasa larawan ay nangyayari sa ating


bansa?
Ang mga larawan ay nagpapakita ng ilan lamang sa mga suliraning
kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Upang higit na maliwanagan at
madagdagan ang kaalaman hinggil sa suliranin o isyu ng ating bansa ay
ipagpatuloy ang pagbabasa sa araling ito.

SURIIN
MGA KONTEPORARYONG ISYUNG KINAKAHARAP
NG BANSA SA KASALUKUYAN

Ano ang ibig sabihin ng kontemporaryong isyu?


Bakit mahalaga ang pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu?

Ang mga kontemporaryong isyu ay mga ideya, opinyon, paksa, o


pangyayari sa anumang larangan na may kaugnayan sa
kasalukuyang panahon. Ito ay sumasaklaw sa anumang
pumupukaw ng interes ng mga tao.

Mga kontemporanyong isyu na tatalakayin sa araling ito


 Isyung Panlipunan
 Isyung Pangkapaligiran
I. ISYUNG PANLIPUNAN
Tumutukoy sa mga problema na nangyayari ngayon sa mga
lipunan at sa ating bansa. Ilan sa mga isyung panlipunan na kinakaharap
ng bansa sa kasalukuyan ay ang kahirapan, paggamit ng ipinagbabawal
na gamot o pagkalulong sa droga at malaking bilang ng populasyon.

 Kahirapan

Ang kahirapan ay ang pangunahing problema ng lahat ng tao, isa


ito sa mga mabibigat na suliranin ng ating bansa. Ito ay tumutukoy sa
kalagayan o katayuan ng isang tao na walang pag-aaring materyal o
salapi.
Sa pinakahuling update noong 2018 , ang proporsyon ng mga
maralitang Pilipino na ang kita sa bawat capita ay hindi sapat upang
matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan sa pagkain at
pang-araw-araw na bilihin ay tinatayang nasa 16.7 porsyento . Ito ay
isinasalin sa 17.7 milyong mga Pilipino na naninirahan sa kahirapan sa
2018.
Kaakibat sa suliraning ito ang child labor o pagpapatrabaho sa
mga batang wala pa sa takdang gulang. Maraming bilang ng mga
Pilipinong walang hanapbuhay kaya’t maraming kabataan ang hindi
nakapag-aral at napilitang maghanapbuhay sa murang edad.

 Ipinagbabawal na Gamot

Ang ipinagbabawal na mga gamot o ilegal na mga droga ay tumutukoy


sa anumang sangkap na nakapagpapabago sa takbo ng kaisipan at katawan
ng tao.
Kadalasan sa mga dahilan ng suliraning ito ay impluwensiya ng mga
barkada o kaibigan. May kinalaman din ang problema sa pamilya kaya
gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang mga tao lalo na ang mga
kabataan.
Maraming mga masasamang dulot ang paggamit ng droga o bawal na
gamot. Nakagagawa sila ng mga masasamang bagay tulad ng pagpatay,
pagnanakaw, panggagahasa at kung anu-ano pang mga karumal-dumal na
krimen.
May iba’t-ibang uri ng ipinagbabawal na gamot; shabu, marijuana,
ecstacy at cocaine. Ang nahuling gumagamit ng mga drogang ito ay may
karampatang parusa.

 Malaking Bilang ng Populasyon

Ang populasyon ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga tao sa bansa.


Ang bansang may malaking populasyon ay madaling uunlad kung
natutugunan ang mga pangangailangan sa araw-araw. Subalit dahil sa
kahirapan, patuloy na lumalaki ang bilang ng populasyon nang hindi
natutugunan ang mga pangangailangan ng mga tao.
Dahil dito, naging pasanin at suliranin n gating bansa ang lumalaking
populasyon. Mula sa suliraning ito ay mga sanga-sangang problemang
nararanasan natin gaya ng kakulangan sa tirahan, hanapbuhay at pagkain. At
hindi maitatangging nagpapalala ito sa kalagayan ng ating bansa.
Batay sa paliwanag ng Worldometer ng pinakabagong datos ng United
Nations, ang kasalukuyang populasyon ng Pilipinas ay 109,619,100. Ang
populasyon ng Pilipinas ay katumbas ng 1.41% ng kabuuang populasyon ng
mundo.
II. ISYUNG PANGKAPALIGIRAN

Ang isyung pangkapaligiran ay tumutukoy sa problema natin sa basura,


tubig, lupa, pagmimina, paggawa ng mga factory at iba pang mga gawain na
makakasira sa kalikasan.

 Polusyon

Ang polusyon ay ang pagiging marumi ng kapaligiran kung saan ito ay


nagdudulot ng masamang epekto. May iba’t-ibang uri ng polusyon, ang
polusyon sa tubig, hangin, at ingay.
 Polusyon sa Tubig
- ang pagtatapon ng mga basura sa mga ilog at kanal ang
pangunahing dahilan ng polusyon sa tubig, gayundin ang mga kemikal na
karaniwang hindi natutunaw at naiipon na sa mga ilog na hindi umaagos. Ang
mga sakit na diarrhea, anemia at pagkalason ay ilan lamang sa epekto ng
maruming tubig sa kalusugan ng tao.
 Polusyon sa Hangin
Ang polusyon sa hangin ay nangyayari kapag nababago ang likas na
katayuan ng hangin. Halimbawa na lamang nito ay ang paghalo ng usok,
alikabok at mabahong amoy ng basura sa hangin. Ang polusyon sa hangin
ay nagdudulot ng ibat-ibang sakit sa baga na maaring ikamatay ng tao tulad
ng hika, tuberculosis, empaysema at bronchitis.
Maraming paraan ang ginagawa ng pamahalaan upang labanan ang
polusyon sa hangin. Isa na rito ay ang Republic Act No. 8749 0 mas kilala
bilang Philippine Clean Air Act of 1999. Isa sa mga ipinagbabawal ng batas
na ito ay ang "incineration" o pagsusunog ng basura. Dulot kasi nito ang
pagkalason ng hangin.
 Polusyon sa Ingay

Ang polusyon sa ingay ay malaking pinsalang nagagawa sa pisikal at


emosyonal na katauhan ng tao. Ito ay maaaring magmula sa iba’t-ibang uri ng
sasakyan, lugar ng kontruksiyon , industriya at mga pabrika, at naging sa mga
kasangkapang gamit sa mga tahanan at opisina.

- Ayon sa pag-aaral ng US Environmental Protection Agency,


hanggang 55 decibels lamang ang ingay na maaaring tanggapin ng katawan
sa loob ng 24 oras, anumang paglampas sa limitasyon na ito ay may masama
nang epekto sa kalusugan. Ang ingay na may lakas na 110-120 decibel ay
maaaring sanhi ng permanenteng pagkasira ng pandinig.

PAGYAMANIN

Suriin ang mga sumusunod na mga pahayag. Piliin ang


tamang sagot sa kahon sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa
patlang. Isulat ang sagot sa worksheet sa pahina
__________ 1. Tumutukoy sa pagiging maruming kapaligiran.
__________ 2. Batas na isinagawa ng pamahalaan upang labanan ang polusyon sa
hangin.
__________ 3. Tumutukoy sa dami o bilang ng mga tao sa bansa
__________ 4. Ito ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang
pag-aaring materyal o salapi.
__________ 5. Uri ng polusyon mula sa paghalo ng usok, alikabok at mabahong
amoy ng basura sa hangin.
_________6. Polusyon na maaaring magmula sa iba’t-ibang uri ng sasakyan, lugar
ng kontruksiyon , industriya at mga pabrika, at naging sa mga kasangkapang gamit
sa mga tahanan at opisina.
_________ 7. Uri ng polusyon na nakakaapekto sa mga likas na yamang dagat.
__________ 8. Pinakahuling datos o tala ng bilang ng populasyon sa ating bansa.
__________ 9. Lakas ng ingay na maaaring makasira ng pandinig.
__________10. Tumutukoy sa anumang sangkap na nakapagpapabago sa takbo
ng kaisipan ng tao at katawan din ng tao.
Polusyon sa hangin Kahirapan
Polusyon sa Ingay Republic Act No. 8749
Polusyon sa Tubig 109,619,100
110-120 decibel illegal na droga
55 decibel Polusyon
Populasyon 120,203,200

ISAISIP
Sagutin ang mga tanong.

1. Sa iyong palagay, paano malulutas ang mga isyu ng


kahirapan sa ating bansa?
__________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
2. Bilang isang kabataan, paano ka makakaulong sa pagsugpo ng mga
polusyon sa ating kapaligiran.
___________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

TAYAHIN
Suriin kung anong kontemporaryong isyu nabibilang
ang mga nakatalang isyu o suliranin ng bansa. Isulat ang titik ng tamang
sagot.

a. PANLIPUNAN b. PANGKAPALIGIRAN
1. Maraming mga bata ang hindi nakapag-aral at naghahanapbuhay na lamang sa
murang edad.
2. Pagpupuslit ng mga ipinagbabawal na gamot.
3. Pagdami ng mga basura at pabrikang nagbubuga ng maitim na usok.
4. Pagdami ng mga batang ina.
5. Pagtatapon ng mga basura at patay na hayop sa ilog at dagat
6. Pagdami ng bilang ng tao sa bansang hindi matugunan ang mga
pangangailangan.
7.Kakulangan ng bilang ng mga paaralan, guro at silid-aralan.
8. Pagkabingi dulot ng malakas na ingay ng mga sasakyan at mga malalakas na
kasangkapan sa tahanan.
9. Maraming nanganganib na kalusugan dahil sa mga polusyong nalalanghap ng
mga tao sa paligid.
10. Pagpapatrabaho sa mga batang wala pa sa takdang gulang.

Susi sa Pagwawasto

PAGYAMANIN

1. POLUSYON
2. Republic Act No. 8749
3. POPULASYON
4. KAHIRAPAN
5. Polusyon sa Hangin
6. Polusyon sa Ingay
7. Polusyon sa tubig
8. 109,619,100
9. 110-120 decibel
10. illegal na droga

ISAISIP
Iba-iba ang maaring paliwanag ng mga mag-aaral.

TAYAHIN
1. A 6. A
2. A 7. A
3. B 8. B
4. A 9. A
5. B 10. A
Aralin 4
Kahalagahan ng Pangangalaga ng
Kapaligiran

Layunin:

Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pangangalaga


ng kapaligiran.

Panimula:
Ang modyul na ito ay inihanda upang lubos nating maunawaan at maintindihan
kung bakit kailangan nating alagaan ang ating kapaligiran.
Aalamin natin ang mga wastong paraan sa pangangalaga ng ating kapaligiran
at likas na yaman at ating sisiyasatin ang mga hakbang na ginawa ng ating
pamahalaan para mapakinabangan pa ang mga ito sa mga bagong henerasyon sa
lipunan na ang mga kabataang tulad mo.

TUKLASIN

Pagganyak: Suriin ang mga larawan.

Tanong: Ano ang masasabi mo sa mga larawan? May pagkakapareho ba


ang mensaheng ipinararating nito? Bakit?

Tama ka, ang larawan ay nagpapakita ng pakikilahok sa paglilinis sa isang


Barangay. Isa lang ang mensahing ipinarating nito ang pagtutulungan sa paglilinis
sa ating kapaligiran. Kailangan natin itong gawin para mapanatili natin ang angking
ganda ng ating kapaligiran at likas na yaman na siyang bigay ng ating mapagmahal
na Panginoon.
Gawain I: Pag – isipan mo!

Panuto: Subukan mo kung masasagot mo ang mga sumusunod na pahayag na


may kaugnayan sa ating araling ngayon. Lagyan ng ( ) ang mga pahayag na
nagpakita ng indikasyon ng pag-aalaga at pagmamahal sa kapaligiran at ( )
naman kung hindi.

_____ 1. Itapon ang basura kahit saan.


_____ 2. Pagdami ng mga gumagamit ng sasakyan sa lansangan.
_____ 3. Pagtanim ng mga halaman at punongkahoy sa mga bakanteng lupain at
lupang sakahan.
_____ 4. Huwag magtapon ng mga basura sa karagatan at estero.
_____ 5. Iwasan ang pagmimina bilang responsable sa pagkalat ng mga toxic waste
o nakalalasong kemikal sa kapaligiran.

Oh ano? Tama ka ba?

Kung ganon, mukhang madali lang sayo ang araling ito. Pero kung may mali
ka, okey lang yan! Smile ka lang diyan! Basahin mo lang nang maigi ang susunod na
tekstong impormasyon ng may pag-uunawa.

Kahalagahan sa Pangangalaga ng Kapaligiran:


Ang pangangalaga sa kapaligiran ay mahalaga. Ito ay hindi dapat
pinapabayaan. Kapag hindi ito aalagaan, ang mga magiging masasamang epekto
nito ay ang pagkakaroon ng baha, landslides, flashfloods, at marami pang iba na
makakasama sa ating kalikasan. Kung gugunihin mo ang lahat ng mga masasamang
epekto, hindi ito nakakabuti sa atin. Noong Setyembre 26, 2009, ang Ondoy, na isang
malakas na bagyo ay tumama sa Pilipinas. Maraming baha, at nagkaroon ng
flashfloods at landslides. Ano ang sanhi nito? Isa na dito ay ang hindi pag - aalaga ng
mabuti sa ating kalikasan at kapaligiran. Kung hindi tayo nagputol ng mga puno para
lang magkaroon ng mga gusali, mga malls, atbp, hindi tayo magkakaroon ng mga baha,
landslides o flashfloods. Sana matuto tayo sa mga karanasan na nangyaring masama
sa atin.
Maraming pwedeng gawin para hindi ito mangyari ulit. Tulad ng pag
‘segregate’ ng mga basura, paghihiwalay sa nabulok at di nabubulok at ang hindi pag
tapon kung saan. Madadali lang naman ang mga pwedeng gawin para hindi magkaroon ng
mga kalamidad. Simple lamang ito at hindi ka gaanong mahihirapan. Malaking tulong na rin
ang mabibigay mo kung magtatanim ka ng mga puno. Ito ay isang paraan para hindi
magkaroon ng baha. Ang mga pwedeng gawin sa pagbabawas sa epekto at pag resolba sa
climate change ay ang pagsakay sa mga “Public Transportations” para makabawas sa mga
‘emissions’ na makaka-ambag sa climate change. Kapag pupunta tayo sa mga
supermarkets, gumamit nalang ng mga ‘reusable bags’ para makabawas sa paggamit ng
plastic. Gumamit rin ng 5R’s dahil ito ay makakatulong din. Ito ang reduce, reuse, recover,
repair at recycle.
Tayo ay dapat magtipid rin ng enerhiya. Malaking tulong na rin ang mabibigay
natin dito. Ito ay magandang paraan para maalagaan ang kapaligiran. Dapat tayong matuto
sa mga karanasan na masamang nangyari sa atin para hindi ito muling mauulit. Kung hindi
rin naman importante ang lakad, mas mabuting wag nalang umalis ng bahay. Linisin ang
kapaligiran, mag ‘segregate’, gamitin ang 5R’s at magtipid ng kuryente. Mag ‘reuse’ ng mga
gamit na pwede pang gamitin. Magtulungan tayong lahat. Ang kapaligiran ay likha ng Poong
Maykapal sa bawat nilalang dito sa mundong ibabaw. Ang mga bagay na makikita natin sa
ating kapaligiran ay nagbibigay saya at buhay.

Ang wastong paggamit at pangangalaga sa mga likas na yaman ay dapat


ding bigyang-halaga ng mga mamamayan. Ang pagkakaroon ng bansa ng masaganang
likas na yaman ay hindi mananatili habang panahon. Darating ang panahong mauubos ang
ating pinagkukunang-yaman kung hindi magagamit at malilinang nang wasto. Magbubunga
rin ito ng malaking suliraning pang-ekonomiya sapagkat halos lahat ng ating
pangangailangan tulad ng tubig, pagkain, kagubatan, lupa, mineral at iba pa ay nagmumula
rito. Ang pangangalaga at matalinong paggamit ng likas na yaman ay hindi lamang para sa
ating sarili kundi maging sa mga susunod na henerasyon.

Narito ang ilang paraan upang mapangalagaan ang ating mga likas na yaman:

• Reforestation o muling pagtatanim ng mga puno at halaman;


• Pananatilihing malinis ang kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatapon ng
mga basura sa tamang lalagyan nito;
• Pagbabantay sa kapaligiran laban sa mga iligal na mangingisda,
magtutroso, o iba pang mapagsamantala sa kapaligiran;
• Pagsuporta at pakikilahok sa mga proyekto ng pamahalaan upang
mapangalagaan ang kapaligiran.

Gawain II: Subukin ang sarili!


Panuto: Bilugan ang mga pahayag na may kaugnayan sa wastong
pangangalaga sa ating kapaligiran at likas na yaman.

A. Gamitin ang 5R’s para sa pag-aalaga sa ating kapaligiran.


B. Gumamit ng enerhiya kahit hindi kinakailangan.
C. Putulin ang mga puno para gawing mga malls, gusali at iba pa.
D. Linisin ang kapaligiran, mag ‘segregate’, gamitin ang 5R’s at mag tipid ng
kuryente.
E. Kapag pupunta tayo sa mga supermarkets, gumamit nalang ng mga
‘reusable bags’ para makabawas sa paggamit ng plastik.

Sagutin ang Gawain II sa Apendiks pahina 11.


Tingnan ang sagot sa pahina 9.

Tama ba ang sagot mo? Kung oo...

Madali ka nang makaunawa. Aalamin na naman natin ang mga hakbang ng


pamahalaan upang mapangalagaan ang ating kalikasan.

Sa ngayon, ito ang mga hakbang ng pamahalaan upang mapangalagaan


ang ating kalikasan:

• Pagpapatupad ng “Sustainable Development” o programang may kinalaman sa


wastong paggamit at pagreserba ng mga likas na yaman upang may magamit pa
ang susunod na henerasyon;
• Paglulunsad ng Ecological Waste Management Program sa pangunguna ng
Local Government Units (LGU’s). Bahagi ng programang ito ang pagtuturo sa
mga mamamayan kung paano maisasagawa ang maaayos na paglikom at
pagtatapon ng mga basura, kung paano magsagawa ng compost pit, gayundin
kung paano mapakikinabangan ang mga bagay na patapon na sa pamamagitan
na pag rerecycle;
• Paglulunsad ng Clean and Green Program na naglalayong maituro sa mga local
na komunidad at mga LGU’s ang kahalagahan ng pagkakaroon at pagpapanatili
ng malinis at luntiang kapaligiran;
• Pagsasaayos ng Smokey Mountain mula sa pagiging malawak na tambakan ng
basura sa pagiging isang commercial at residentiyal na lugar;
• Paglulunsad ng mga programang may kinalaman sa pagsagip o muling
pagbuhay sa mga ilog sa bansa gaya ng Ilog Pasig;
• Pagpapatuloy ng Clean Air Campaign o kampanya upang mapanatiling malinis
ang hangin lalo na sa mga lungsod.
Gawain III: Isip, Hamunin

Panuto: Maglista ng mga programa ng pamahalaan para mapangalagaan ang ating


kalikasan at kapaligiran.

1. _______________________________________
2. _______________________________________

3. _______________________________________

4. _______________________________________

5. _______________________________________

Sagutin ang Gawain III sa Apendiks pahina 12.


Tingnan ang sagot sa pahina 9.
Tama ka ba? Oh diba ang dali lang?

Handa ka naba? Ngayon, susukatin


natin ang mga nalalaman mo sa
ating aralin. Tingnan natin kung
nauunawaan mo naba talaga ang
mga tinatalakay.
Mahusay kana at magaling pa,
kayang – kaya mo ito!

Surii
: Sagutin ang mga sumusunod na tanong
Panuto ng buong puso

.
at may husay

1. Bakit mahalagang alagaan natin ang ating kapaligiran


?

2. Ano ang mga maaaring mangyari kung patuloy nating inaabuso


ang ating kapaligiran at mga likas na yaman?
Pagyamanin

A. Panuto : Ipaliwanag ang mga sumusunod na paraan para sa


pangangalaga ng ating kapaligiran at likas na yaman.

1. Pag – rerecycle =

2. Waste Segregation =

3. Pag ti tipid ng E nerhiya =

4. Reforestation =

B. Panuto : Ibigay ang 5R’s na nakatutulong para


mapangalagaan ang ating kapaligiran at likas na yaman.

Isaisip
Panuto: Tapusin ang mga pangungusap at ipahayag ang mga paraan tungkol
sa tamang pangangalaga sa ating kapaligiran at likas na yaman. (Basahin lang
ng maigi ang tekstong impormasyon ng paulit – paulit)

1. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay ___________________.

2. Mahalaga ang pagtatanim o muling pagtatanim ng mga __________ at


____________.

3. . Ang mga pwedeng gawin sa pagbabawas sa epekto at pag resolba sa climate


change ay ang pagsakay sa mga “____________________________”.

4. Ang mga magiging masamang epekto nito kapag hindi natin inaalagaan ang ating
kapaligiran ay ang pagkakaroon ng ____________, ____________, at
_______________.

5. Pag pupunta tayo sa mga supermarkets, gumamit nalang ng mga ‘reusable bags’
para makabawas sa pag gamit ng _____________.

Tandaan:

Alagaan natin ang ating kapaligiran. Panatilihin ang taglay


na kagandahan, para masilayan pa sa mga susunod na
kabataan.
Mahalin natin ang ating likas na yaman dahil ito lang ang
maging sandalan natin, lalong – lalo na kung may
pandemyang dumarating.
Inang kalikasan ating alagaan para ang Amang mikha ay
makadama ng kaligayahan. Ingatan natin ito at
pagyamanin para tunay na kaunlaran makamtan natin.
Ano pa ang hinihintay mo? Kilos na kabataan!

Tayahin

Test I:
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung tama ang isinasaad ng
pangungusap. Kung mali, isulat ang MALI at palitan ang salitang may
salungguhit upang maitama ang pangungusap.

__________ 1. Ang pangangalaga at matalinong paggamit ng likas na yaman

ay hindi lamang sa ating sarili kundi maging sa mga susunod na


henerasyon.

___________2. Malaking tulong na maibibigay kung magtatanim ka ng mga puno.

Ito ay isang paraan para mapigilan ang pagbaha.

___________3. Bilang mga mamamayaan kailangang itapon ang mga basura sa

estero.

___________4. Pagkawatak – watak ang kailangan para mapanatili ang

Kalinisan at kagandahan sa ating kapaligiran.


___________5. Umiwas sa mga programang pangkapaligiran na ipinatupad ng
ating pamahalaan.

Test II: Panuto: Tukuyin kung anong kasalukuyang programa ng pamahalaan ang
tungkol sa pangkapaligiran at likas na yaman ang inilarawan sa pangungusap.

_______ 1. Kampanya upang mapanatiling malinis ang hangin lalo na sa mga


lungsod.
_______ 2. Programang may kinalaman sa wastong paggamit at pagreserba ng mga
likas na yaman upang may magamit pa ang susunod na henerasyon.
_______ 3. Bahagi ng programang ito ang pagtuturo sa mga mamamayan kung
paano maisasagawa ang maaayos na paglikom at pagtatapon ng mga basura, kung
paano magsagawa ng compost pit.
_______ 4. Lugar na dating tambakan ng basura na ginawang bagong commercial
at residentiyal ng pamahalaan.
_______ 5. Programang para magturo sa mga lokal na komyunidad at LGU’s para
mapanatili ang kalinisan at luntiang kapaligiran.

Susi sa Pagwawasto

Gawain I: Pag-isipan mo!

1.
2.
3.
4.
5.
Gawain II: Subukin ang sarili
Pagyamanin A.
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na paraan para sa
pangangalaga ng ating kapaligiran at likas na yaman.

1. Pag – rerecycle = Tumutukoy sa paggamit muli sa ibang paraan ng mga bagay


na itinuturing basura na. Ilan sa mga halimbawa na nererecycle ay ang mga
basurang di nabubulok katulad ng plastic na bote, goma, at mga babasagin.

2. Waste Segregation = Ito ang paghihiwalay o pag – uuri ng mga basura ayon sa
nabubulok at di – nabubulok.

3. Pagtipid ng enerhiya = Ang pagtitipid sa enerhiya ay nakatutulong sa


pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran. Ganoon din sa kalusugan ng mga tao,
mga hayop at likas na yaman.

4. Reforestation = Pagtatanim muli ng mga puno sa kagubatan lalong – lalo na sa


mga lugar na kung saan nakakalbo na dahil pinuputol ang mga puno at ibininta
sa ibang lugar para gawing malls, mga gusali at bahay.

PAGYAMANIN B. 5 R’s
1. Reuse
2. Recycle
3. Reduce
4. Repair
5. Recover
Isaisip
1. Mahalaga
2. Puno at halaman
3. Public Transportations
4. Floods/baha, landslides, flashfloods
5. plastic
Tayahin
Test I:
1. Tama
2. Tama
3. Mali, basurahan, tamang lagayan
4. Mali, pagtutulungan/pagkakaisa
5. Mali, sumuporta, sumunod
Test II:
1. Clean Air Campaign
2. Sustainable Development
3. Ecological Waste Management Program
4. Smokey Mountain
5. Clean and Green Program

You might also like