You are on page 1of 1

AP 6

Q2-FS2

Tuklasin!
Si Marcelo H. del Pilar ay bumatikos sa mga paring Espanyol sa kanyang pinaka unang pahayag ang
“Diyaryong Tagalog “. 1885, kinumbinsi niya ang mga cabeza de barangay ng Malolos na huwag paniwalaan
ang utos ng pamahalaan na bigyan ng kapangyarihan sa mga prayle na hindi panatilihin ang listahan ng mga
nagbabayad ng buwis. Nilabanan ni del Pilar noong taong din ‘yon ang pangulong pari na naka destino sa
simbahan ng Binondo. Ipinagkait ng mga prayle ang magandang upuan sa mga Pilipino sa halip ay inilaan nila
ito sa mga Kastila. Noong Ika-3 ng Nobyembre 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon
nakulong siya sa Forth at humingi siya ng mga kaukulang pagbabago. Ilan pa sa kanyang mga isinulat ay ang
mga kaibigang kastila sa Madrid upang manawagan sa pagkakaroon ng pagbabago sa Pilipinas.

Ibahin mo si Gat Jose Rizal hindi siya gumamit nang kanyang dahas, hindi sya lumabas upang makibaka batid
kinulong niya ang kanyang sarili sa pagsusulat at nakabuo nang dalawang aklat na Noli Me Tangere at El
Filibusterismo. Hulyo 24, 2012 - Ipinapakita niya at binuksan ang mata ng bawat Pilipinong ipinaglaban ang
karapatan at sumigaw na “Gusto ko na ang aking kalayaan”. Ang mga kababaihan ng Malolos ay nagsasaad na
dapat lumaban sila para sa karapatan nila na mag-aral at dapat malakas ang kanilang loob para lumaban para sa
sarili.
Andres Bonifacio binansagang” Ama ng Katipunan. Si Bonifacio ang naging Supremo ng samahan. Nang
matuklasan ang lihim na samahan ay tumakas si Bonifacio kasama ang mga katipunero at itinipon nya ito sa
Pugad-lawin at dito nila sinimulan sa pamamagitan ng pagpunit ng kanilang mga sedula at sumigaw ng
“kalayan”. Sa bandang San Juan ay umurong sina Bonifacio dahil sa lakas ng kalaban. Ngunit bigo man ang
kanilang unang pagsalakay ay mabilis pa rin ang pagkalat ng himagsikan, Hulyo 7,1892 nang itinatag ang
Kataastaasan, kagalanggalangan, Katipunan mga anak ng bayan (KKK).
Si Emilio Jacinto ang namuno sa Laguna. Sa mga sulat ay “Dimas-Ilaw’ ang kanyang inilagay bilang manunulat
gayunpaman ay gumamit ng alyas na "Pingkian" sa Katipunan.
Isa din si Emilio Aguinaldo sa mga nagpamalas ng lakas upang ipaglaban ang ating kalayaan. Naitatag at
patuloy ang pagkilos ng Rebolusyonaryong pamahalaan Tuklasin Pagkatapos masuri ang iyong mga kaalaman
tungkol sa mga kontribusyon ng mga natatanging Pilipino, gamitin ang mga kaalamang ito para sa talakayang
gagawin sa susunod na bahagi ng aralin, ang PAGYAMANIN. Binabati Kita! 6 sa ilalim ni Emilio Aguinaldo.
Si Emilio Aguinaldo ang pangulo ng Rebolusyonaryo makaraang buuin ang Kongreso sa Malolos at ratipikahin
ang kasarinlan at konstitusyon noong Enero 21, 1899. Ipinahayag ang Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12,
1898 at iwinagayway ang bandila ng Pilipinas sa Kawit, Cavite.

Si Apolinario Mabini ay binansagang “Dakilang Lumpo”, lumpo man at hindi nakakalakad ay lumaban pa rin
ang dakilang bayani. Tinagurian siya na Utak ng Himagsikang Pilipino sa pagsulat niya sa kasaysayan ng
himagsikan. Dakila dahil hindi sya napilit na manumpa sa bandila ng Estados Unidos sa kabila ng kanyang
kalagayan.

Sagutin!
Ano-ano nga ba ang mga naging kontribusyon ng mga natatanging Pilipino para sa kalayaan ng ating bansa?
Magbigay ng tig-tatlong kontribusyon ng natatanging Pilipino para sa kalayaan. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

1. Hen. Emilio Aguinaldo


2. Andres Bonifacio
3. Dr. Jose P. Rizal
4. Apolinario Mabini
5. Emilio Jacinto
6. Marcelo H. Del Pilar

You might also like