0% found this document useful (0 votes)
120 views13 pages

Araling Panlipunan: Ikaapat Na Markahan Modyul 2: Pakikibaka Tungo Sa Ganap Na Kalayaan (1972-1986)

Ang modyul na ito ay tumatalakay sa pakikibaka ng mga Pilipino tungo sa ganap na kalayaan mula 1972 hanggang 1986, na nakatuon sa mga pangyayari na nagbigay-daan sa EDSA People Power Revolution. Tinalakay ang mga epekto ng Batas Militar, ang pagpaslang kay Benigno Aquino Jr., at ang mga hamon sa karapatang pantao sa ilalim ng rehimeng Marcos. Ang modyul ay naglalayong mapalalim ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga makasaysayang pangyayari at ang kanilang papel sa pag-unlad ng bansa.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
120 views13 pages

Araling Panlipunan: Ikaapat Na Markahan Modyul 2: Pakikibaka Tungo Sa Ganap Na Kalayaan (1972-1986)

Ang modyul na ito ay tumatalakay sa pakikibaka ng mga Pilipino tungo sa ganap na kalayaan mula 1972 hanggang 1986, na nakatuon sa mga pangyayari na nagbigay-daan sa EDSA People Power Revolution. Tinalakay ang mga epekto ng Batas Militar, ang pagpaslang kay Benigno Aquino Jr., at ang mga hamon sa karapatang pantao sa ilalim ng rehimeng Marcos. Ang modyul ay naglalayong mapalalim ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga makasaysayang pangyayari at ang kanilang papel sa pag-unlad ng bansa.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

6

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan
Modyul 2: Pakikibaka tungo sa
Ganap na Kalayaan (1972-1986)

Tagalikom/Tagakontekstuwalisa: MORISHKA NICOLE D. UY


Master Teacher I
Don Vicente Rama Memorial Elementary School

1
PAKIKIBAKA TUNGO SA
Aralin GANAP NA KALAYAAN
(1972-1986)
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa patuloy
na pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo sa pagtugon ng mga hamon ng nagsasarili at
umuunlad na bansa
Pamantayang Pangkasanayan:
Nakapagpakita ng aktibong pakikilahok sa gawaing makatutulong sa pag-unlad
ng bansa bilang pagtupad ng sariling tungkulin na siyang kaakibat na pananagutan sa
pagtamasa ng mga karapatan bilang isang malaya at maunlad na Pilipino
Kakayahan:
Natatalakay ang mga pangyayari sa bansa na nagbigay wakas sa Diktaturyang
Marcos
Paksa/Subject Code:

Pakikibaka Tungo sa Ganap na Kalayaan (1972-1986) (AP6SHK-IVb-2)

Unang Araw

Alamin

Ayos! Isa na namang aralin ang natapos. Ngayon ay tunghayan natin ang
isang bagong aralin.

Sa araling ito, inaasahan na:


➢ naiisa-isa ang mga pangyayari na nagbigay-daan sa pagbuo ng EDSA People
Power I Revolution;
➢ naipapahayag ang damdamin ukol sa dinanas ng mga mamamayang Pilipino
sa Batas Militar;
➢ nakaguguhit ng isang poster na nagpapakita ng pangyayari sa rebolusyong
EDSA.

2
➢ Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng sagot sa kuwaderno.

1. Ano ang kahulugan ng akronim na EDSA?


A. Epifania Delo Santos Avenue C. Estrada Delo Santos Avenue
B. Epifanio Delos Santos Avenue D. Estrada Delos Santos Avenue

2. Si Pangulong ______ang nagdeklara ng Batas Militar.


A. Aquino B. Arroyo C. Marcos D. Ramos

3. Ang mga sumusunod ay mga nangyari sa panahon ng Batas Militar MALIBAN sa


isa.
A. Pagbabawal sa rali
B. Pagwewelga ng mga manggagawa
C. Pagkumpiska ng sandata ng mga tao
D. Pagbigay karapatan sa pamamahayag

4. Siya ay isang senador at kilalang kritiko ng administrasyong Marcos.


A. Benigno Aquino Jr. C. Eugenio Lopez Jr.
B. Benjamin Cervantes D. Lino Brocka

5. Kailan pinaslang si Benigno Aquino Jr.?


A. Agosto 12, 1893 C. Agosto 21, 1883
B. Agosto 12, 1983 D. Agosto 21, 1983

6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naging epekto ng Batas Militar?


A. Yumaman ang mga magsasaka
B. Lalong naghirap ang mga Pilipino
C. Nagkaroon ng sunod-sunod na rali
D. Nagkaroon ng maraming patubig at mga gusali

7. Kailan ginanap ang biglaang eleksyon o Snap Election?


A. Pebrero 7, 1896 C. Pebrero 17, 1896
B. Pebrero 7, 1986 D. Pebrero 17, 1986

8. Siya ang nanalo sa ginanap na Snap Election at pumalit kay Pangulong Marcos.
A. Corazon Aquino C. Gloria Macapagal-Arroyo
B. Fidel Ramos D. Joseph Estrada

9. Paano isinagawa ng mga mamamayang Pilipino ang EDSA Revolution?


A. Nagdaos ng marahas na rali
B. Nagpadala ng sulat kay pangulong Marcos
C. Nagpost sa Facebook ng mga hinaing at opinyon
D. Nagdala ng mga bulaklak, rosaryo, pagkain, at buong tapang na sinalubong
ang mga sundalo at tangke ng pamahalaan

3
10. Kailan nagsimula ang EDSA Revolution?
A. Pebrero 22, 1986 C. Pebrero 24, 1986
B. Pebrero 23, 1986 D. Pebrero 25, 1986

Ikalawang Araw

Balikan

Natalakay sa nakaraang aralin ang mga suliranin at hamon sa kalayaan at


karapatang pantao sa panahon ng Batas Militar. Ngayon ay balikan natin ang ilan sa
mga pangyayari sa panahong ito. Sundin nang maayos ang panuto.

A. Panuto: Piliin mula sa kahon ang sagot at isulat sa kuwaderno.

Communist Party of the Philippines


Moro National Liberation Front
New People’s Army
Martial Law
Writ of Habeas Corpus

1. Ito ay samahan na itinatag ni Jose Maria Sison.


2. Ito ang tawag sa nagbibigay ng karapatan sa mamamayang sumailalim sa tamang
proseso ng paglilitis
3. Isang samahan na binubuo ng mga Muslim na nais magtatag ng hiwalay na
pamahalaang tinatawag nilang Republika ng Bangsamoro.
4. Isang samahan na binubuo ng mga magsasakang nakikipaglaban.
5. Ito ay isang marahas na hakbang na maaaring isagawa ng pamahalaan upang
maiwasan ang mga panganib katulad ng paghihimagsik.

B. Panuto: Isulat sa kuwaderno ang T kung tama ang pahayag at M kung mali.

1. Pinagtibay ni Pangulong Marcos ang Saligang Batas ng 1983.


2. Idineklara ni Pangulong Marcos ang Batas Militar noong Setyembre 21, 1972.
3. Sa bisa ng Proklamasyon bilang 889 ay sinuspinde ang Writ of Habeas Corpus.
4. Ang partidong Liberal ang nagtipon sa Plaza Miranda ng naganap ang pagbobomba
dito.
5. Ang curfew hours ay pinairal mula alas-otso ng gabi hanggang alas-kuwatro ng
umaga.

Ikatlong Araw

Tuklasin/Suriin

Nang idineklara ni Pangulong Marcos ang Batas Militar, ginamit niya ang
Sandatahang Lakas ng Pilipinas para arestuhin at ikulong ang mga kalaban upang
malaya niyang maisagawa ang mga malawakang pagbabago.

4
Ang lahat ng pahayagan, radyo at istasyon ng telebisyon ay ipinasara. Walang
basta makalalabas ng bansa. Ipinagbabawal ang mga rali lalo na ang pagwewelga ng
mga manggagawa at ang pagkakaroon ng pampublikong pagpupulong. Inaaresto ang
sinumang bumabatikos sa pangulo.

MGA KARANASAN NG MGA PILING TAONG-BAYAN


Ang mga kalaban at bumabatikos kay Marcos ay ikinulong tulad nina Eugenio
“Geny” Lopez Jr., Lino Brocka, Benjamin Cervantes, at Benigno Aquino Jr.

EUGENIO “GENY” LOPEZ JR.

Si Eugenio “Geny” Lopez Jr., nagtatag ng ABS-CBN, ay ikinulong din.


Inangkin ng mga Marcos ang malalaking kompanya ng mga Lopez
kapalit ng pagpapalaya kay Geny subalit hindi rin naman siya
pinalaya.
Geny in the ABSCBN Boardroom
https://ph.asiatatler.com/society/eugenio
-lopez-jr-the-empire-builder

LINO BROCKA

Si Lino Brocka, isang mahusay na direktor, ay inakusahan at


ipinakulong ni Marcos dahil gumawa siya ng pelikula laban kay
Marcos.
Lino Brocka
https://alchetron.com/Lino-Brocka
BENJAMIN CERVANTES

Si Benjamin “Behn” Cervantes, isang propesor, aktor, direktor at


freedom fighter ay ipinakulong din ni Marcos. Isa siya sa nagsulong
ng Free the Media Movement at Justice for Aquino, Justice for All
(JAJA).
Benjamin Cervantes
http://www.bantayog.org/cervantes-
benjamin-roberto-behn-h/

PAGPASLANG KAY BENIGNO AQUINO JR

Si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. ay isang senador bago pa


ideklara ni Pangulong Marcos ang Batas Militar. Isa si Aquino sa
mga ipinabilanggo ni Marcos dahil sa pagtutol niya sa
pamamalakad ng pamahalaang Marcos.
Ninoy Aquino
https://www.officialgazette.gov.ph/ni
Nang siya ay magkasakit, pinayagan siyang pumunta sa Amerika
noy-old/

upang magpagamot. Masayang hinintay ng mga tao ang pagbabalik ni Aquino mula
sa Amerika. Nagsabit sila ng dilaw na laso bilang tanda ng kanilang kasiyahan.

5
Noong Agosto 21, 1983 pinaslang si Aquino pagkababa
sa eroplano. Pinaslang din si Rolando Galman, ang
pinagbintangang isang bayarang miyembro ng New People’s
Army (NPA), na siyang pumatay kay Aquino. Matapos mailibing
si Aquino, hindi mabilang ang sunod-sunod na rali bilang
protesta laban sa nangyari kay Ninoy at sa mga katiwalian sa
pamahalaan. Ninoy Aquino’s Assassination
https://www.getrealphilippines.com/2011/08/ninoy-
aquinos-assassination-another-year-in-the-
philippines-journey-of-progressive-disillusionment/

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng bansa, nagsama-sama ang


lahat ng uri ng mamamayan, magkakaiba man ang antas ng pamumuhay ng mga ito.
Pinangunahan ni Corazon “Cory” Aquino, biyuda ni Ninoy, ang masiglang paglalakad
sa kalye kung saan pinaulanan sila ng dilaw na confetti sa kanilang dinaraanan sa
Lungsod ng Makati.

PAGBAGSAK NG EKONOMIYA

Ang pagpaslang kay Ninoy ay ikinagalit ng mga Pilipino at gumising sa kanilang


damdaming makabayan. Maraming dayuhang mangangalakal ang lumisan sa bansa.
Nagsara rin ang maraming bangko. Bumaba ang halaga ng piso. Sa kadahilanang
walang seguridad ang bansa sa panahong ito, umiwas ang mga turista sa pagpunta
sa bansa.

ANG SNAP ELECTION

Para patunayan na mabuti ang kalagayan ng Pilipinas


at may tiwala ang mga Pilipino sa Pangulong Marcos, idinaos
ang Snap Election o biglaang eleksiyon noong Pebrero 7,
1986. Sa panahon ng snap election ay pinahintulutang
lumahok sa bilangan ang NAMFREL o National Citizens’
Movement for Free Elections samantalang ang COMELEC o
NAMFREL
Commission on Elections ang opisyal na namamahala sa https://www.gettyimages.com/photos/namfrel?phr
ase=namfrel&sort=mostpopular

bilangan tuwing eleksyon.

Sa pagbibilang ng boto ay parehong gumamit ng


computer ang dalawa sapagkat nakapagtatakang
magkaiba ang itinatalang resulta ng mga ito. Sa bilangan
ng COMELEC, nanguna si Pangulong Marcos ngunit sa
NAMFREL ay malinaw na nanguna si Cory. Pagsapit ng
The COMELEC Walkout of 1986 ikasampu ng gabi noong Pebrero 15, 1986, ang mga
http://www.bantayog.org/the-comelec-walkout-of-1986/

taong nagbibilang sa COMELEC na may hawak ng


resulta ng boto ay nagwalkout sa pangunguna ni Linda Kapunan dahil sa umano’y
nangyaring pandaraya.

Sa gitna ng kaguluhang ito sa bilangan ay iprinoklama ng Batasang Pambansa


noong Pebrero 16, 1986 na sina Marcos at Tolentino ang mga nagwagi sa eleksiyon
6
at may lamang na higit sa limang daang libong boto laban sa mga katunggali nito.
Samantala, ayon sa NAMFREL, sina Cory Aquino at Salvador Laurel ang nagwagi sa
halos 800,000 boto. Ito ay nagdulot ng malaking insulto sa mga Pilipino sapagkat
hayagang nagkakaroon ng dayaan sa oras ng bilangan.

Reaksiyon ng mga Pilipino nang Mawalan ng Halaga ang Karapatan sa Pagboto

Bilang reaksiyon sa ginawang


proklamasyon ng Batasan ay nagdaos ng
isang rali na tinawag na “Tagumpay ng
Bayan” ang sambayanang Pilipino sa
pangunguna nina Cory Aquino at
Salvador Laurel sa Luneta Park noon ding
araw na dineklarang nagwagi sina Tagumpay ng Bayan Rally
https://indiohistorian.tumblr.com/post/139412561421/tagumpay-ng-bayan-rally-february-16-1986
Marcos. Hinikayat ni Cory Aquino ang
mamamayang Pilipino na magprotesta.

Isang kampanya nang di pagsunod o civil disobedience ang inilunsad ni Cory


upang paralisahin ang rehimeng Marcos. Naging maalab ang suportang ginawa ng
sambayanang Pilipino sa panawagang ito. Ibinoykot ng mga mamamayan ang mga
kalakal at paglilingkod na nagmumula sa mga kompanya ng mga crony ni Marcos.

ANG REBOLUSYONG EDSA

Nangyari ang mapayapang rebolusyon sa EDSA


(Epifanio Delos Santos Avenue) noong Pebrero 22-25,
1986 bunga ng pagnanais ng mga mamamayang
magkaroon ng pagbabago sa bansa. Ito ay nagsimula
nang sina Juan Ponce Enrile, Ministro ng Tanggulang
Pambansa at Heneral Fidel Ramos, Vice Chief of Staff
ng Sandatahang Lakas ay tumiwalag sa gabinete ni
General Fidel V. Ramos and Defense Minister Juan
Ponce Enrile
http://www.positivelyfilipino.com/magazine/30-years-ago-coup-detat
Marcos noong Pebrero 22, 1986.

Ipinahayag nila sa telebisyon ang kanilang pagbibitiw sa tungkulin. Ipinahayag


din nila na si Cory Aquino ang nanalo sa halalan. Hiniling na magbitiw si Marcos sa
kanyang tungkulin. Nanawagan sila na suportahan at bigyan ng proteksiyon ang mga
militar na tumiwalag sa pamahalaan. Ito ang simula ng EDSA People Power I.

Sa pangyayaring ito ay nanawagan din si Marcos sa


telebisyon, nakiusap siya sa dalawang sumuko at itigil ang
kanilang ginagawang paglaban sa pamahalaan. Subali’t hindi
sila natinag sa kanilang ginawang desisyon. Lalong tumibay
ang kanilang loob nang manawagan sina Jaime Cardinal Sin
at Agapito Aquino, kapatid ng yumaong Benigno Aquino Jr. The late Cardinal Jaime Sin
https://usa.inquirer.net/15903/martial-law-jaime-
na magtungo ang mga tao sa EDSA kung saan nagkukubli cardinal-sin

7
sina Enrile at Ramos kasama pa ang ibang mga sundalo. Ilang saglit lamang ang
lumipas at dumagsa na ang napakaraming tao sa EDSA.

Ang Pagsalubong sa mga Tangke

Nagpadala si Marcos ng mga sundalo at tangke sa EDSA.


Sa lugar ng EDSA, sa Channel 4, at sa mga lansangang
patungong Malacañang ay makikita ang nagkakaisang
sambayanang Pilipino-
People from all walks of life
pari, madre, seminarista,
gather at EDSA to protect the
mutineers pastor, ministro, matanda,
http://www.positivelyfilipino.com/magazine/2013/2/77-
hours-the-behind-the-scenes-at-the-1986-edsa-people-

bata, mayaman, mahirap,


power-revolution

Kristiyano at maging di mga


Kristiyano na magkakapit-bisig habang
nagdarasal. May dala silang mga bulaklak,
rosaryo at pagkain. Ibinigay ang mga ito sa mga
People from all walks of life gather at EDSA to protect the
sundalo. Pinakiusapan nila ang mga sundalo na mutineers
http://www.positivelyfilipino.com/magazine/2013/2/77-hours-the-behind-the-scenes-at-the-1986-edsa-people-
power-revolution

huwag ipuputok ang mga tangke at kanyon sa


mga kapwa nila Pilipino. Tinatayang may tatlong milyon ang mga taong nagpunta sa
EDSA.

Ang Pagwawakas at Resulta ng Rebolusyon

Gabi ng Pebrero 25, 1986, ang pamilyang


Marcos, kasama ang kanilang malalapit na kaibigan ay
umalis sa Malacañang sakay ang helicopter patungong
Clark Field at mula rito ay tumuloy sa Hawaii sa Estados
Unidos.

Ang mapayapang rebolusyon ay tumagal ng


A peaceful protest on the streets
apat na araw. Ito ang nagwakas sa paghahari ng
https://www.mypope.com.ph/highlights-of-the-people-power-revolution/

pamahalaang diktaturyal. Noong araw na iyon ay


napuno ng kagalakan at nagdiriwang ang sambayanang Pilipino.

Ikaapat na Araw

Pagyamanin

A. Panuto: Sagutin ang katanungan ng hindi lalagpas sa limang pangungunsap. Isulat


ang sagot sa kuwaderno.

1. Ano ang naramdaman mo nang malaman mo ang mapait na sinapit ng mga


mamamayang Pilipino sa pag-aabuso sa mga karapatang pantao sa panahon ng
Batas Militar? Bakit?
8
2. Bilang isang mag-aaral, naniniwala ka ba na ang mapayapang rebolusyon ay
epektibo sa pagpaparating ng hinanaing ng mga mamamayan sa pamahalaan?
Bakit?

B. Panuto: Gumuhit ng isang poster na nagpapakita sa mga pangyayaring naganap


noong EDSA People Power I Revolution. Gawin ito sa kuwaderno.

Isaisip

Maraming mga kilalang Pilipino na hindi sang-ayon sa pamumuno ni


Pangulong Marcos ang ikinulong. Nang pinaslang si Ninoy Aquino ay nag-alab ang
diwang makabayan ng mga Pilipino. Lalo pang nagalit ang mga mamamayan sa
naging resulta ng Snap Election. Ito ang nagbunsod sa mga Pilipino na magdaos
ng isang mapayapang rebolusyon sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA). Ito
ay kilala rin bilang EDSA People Power I Revolution. Ipinakita ng mga sumali sa
rebolusyon ang hindi pagsang-ayon nila sa pamahalaan sa pamamagitan ng
pagdadasal sa daan, pag-awit ng mga makabayang awit, at pagsalubong sa mga
tangke ng sundalo. Unti-unting pumanig ang mga sundalo at mga opisyal ng
pamahalaan sa mga mamamayan. Matagumpay ang rebolusyon sapagkat
napaalis nito sa puwesto ang Pangulong Marcos.

Isagawa

I. Isaayos ang mga sumusunod na pangyayari sa tamang pagkakasunod-sunod nito.


Isulat ang sagot sa kuwaderno.

I.
II.
III.
IV
V.

• Pagdaos ng Snap Election


• Pagpaslang kay Ninoy Aquino
• Pagtiwalag nina Enrile at Ramos sa pamahalaan
• Pagwalkout ng mga taong nagbibilang sa COMELEC
• Pag-alis ni Pangulong Marcos at ng kanyang pamilya papuntang Hawaii

9
II. Lagyan ng tsek (✓) kung ang pahayag ay naganap sa EDSA People Power I
Revolution at ekis (X) kung hindi.

1. Tumiwalag sa pamahalaan sina Enrile at Ramos.

2. Nagdala ng bulaklak, rosaryo, at pagkain ang mga raliyista.

3. Gumamit ng armas at dahas ang mga raliyista kasama si Cardinal Sin.

4. Nagpadala ng mga tangke at maraming sundalo si Pangulong Marcos sa EDSA.

5. Pumunta sa Hawaii si Pangulong Marcos kasama ang kanyang pamilya noong


Pebrero 25, 1986.

Ikalimang Araw

Tayahin

Panuto: Isulat ang titik ng sagot sa kuwaderno.

1. Siya ang nagdeklara ng Batas Militar.


A. Corazon Aquino C. Fidel Ramos
B. Ferdinand Marcos D. Gloria Macapagal-Arroyo

2. Alin sa mga sumusunod ang ginawa ng mga mamamayan sa EDSA People Power
1 Revolution?
A. Nagdaos ng marahas na rali
B. Nagpadala ng sulat kay pangulong Marcos
C. Nagpost sa Facebook ng mga hinaing at opinyon
D. Nagdala ng mga bulaklak, rosaryo at pagkain at buong tapang na
sinalubong ang mga sundalo at tangke ng pamahalaan

3. Ang Snap Election ay naganap noong ______________.


A. Pebrero 7, 1896 C. Pebrero 17, 1896
B. Pebrero 7, 1986 D. Pebrero 17, 1986

4. Nagsimula ang rebolusyong EDSA noong ___________.


A. Pebrero 22, 1986 C. Pebrero 24, 1986
B. Pebrero 23, 1986 D. Pebrero 25, 1986

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naging epekto ng Batas Militar?


A. Naganap ang isang malawakang rebolusyon sa EDSA
B. Bumagsak ang ekonomiya ng bansa
C. Lalong naghirap ang mga Pilipino
D. Yumaman ang mga magsasaka

10
6. Siya ay kritiko ni Pangulong Marcos na pinaslang pagkababa niya ng eroplano.
A. Benigno Aquino Jr. C. Fidel Ramos
B. Eugenio Lopez Jr. D. Juan Ponce Enrile

7. Si Ninoy Aquino ay pinaslang noong ____________.


A. Agosto 12, 1893 C. Agosto 21, 1883
B. Agosto 12, 1983 D. Agosto 21, 1983

8. Siya ang nanalo sa ginanap na Snap Election at pumalit kay Pangulong Marcos.
A. Corazon Aquino C. Gloria Macapagal-Arroyo
B. Fidel Ramos D. Joseph Estrada

9. Ang EDSA ay nangangahulugang _________________________.


A. Epifania Delo Santos Avenue C. Estrada Delo Santos Avenue
B. Epifanio Delos Santos Avenue D. Estrada Delos Santos Avenue

10. Ang mga sumusunod ay mga nangyari sa panahon ng Batas Militar MALIBAN
sa isa.
A. Pagbabawal sa rali
B. Pagwewelga ng mga manggagawa
C. Pagkumpiska ng sandata ng mga tao
D. Pagbigay karapatan sa pamamahayag

11
Susi sa Pagwawasto

5. ✓
4. ✓
3. X
2. ✓
1. ✓

12
Mga Sanggunian
Book

Julian, A., Lontoc, N. Ang Pilipinas sa Panahon ng Bagong Republika (pp 307-332).
Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 6 Ikalawang Edisyon. Phoenix Publishing
House Inc., 2019.

Online with author

Benign0. (2011, August 21). Ninoy Aquino’s assassination: Another year in the
Philippines’ Journey of progressive disillusionment. Retrieved from
https://www.getrealphilippines.com/2011/08/ninoy-aquinos-assassination-
another-year-in-the-philippines-journey-of-progressive-disillusionment/

Enriquez, M. (2020, July 16). How Eugenio “Geny” Lopez Jr. Founded and Grew the
ABS-CBN Empire. Retrieved from https://ph.asiatatler.com/society/eugenio-
lopez-jr-the-empire-builder

Maximiano, J. (2018, October 11). Martial Law and Jaime Cardinal Sin. Retrieved from
https://usa.inquirer.net/15903/martial-law-jaime-cardinal-sin

Nemenzo, G. (2016, February 24). 30 Years Ago: Coup D’etat and People Power.
Retrieved from http://www.positivelyfilipino.com/magazine/30-years-ago-coup-
detat

Pasion, K. (2017). Tagumpay ng Bayan Rally. Retrieved from


https://indiohistorian.tumblr.com/post/139412561421/tagumpay-ng-bayan-rally-
february-16-1986

Online without author

Ninoy Aquino. Retrieved from https://www.officialgazette.gov.ph/ninoy-old/

The Bohol Chronicle. Reminiscing 1986 EDSA People Power Revolution that toppled
an authoritarian. Retrieved from
https://www.boholchronicle.com.ph/2016/02/24/reminiscing-1986-edsa-people-
power-revolution-that-toppled-an-authoritarian/

The COMELEC Walkout of 1986. (2015, October 9). Retrieved from


http://www.bantayog.org/the-comelec-walkout-of-1986/

13

You might also like