0% found this document useful (0 votes)
26 views6 pages

AP6 Q4 W2 Module

Ang dokumento ay tungkol sa mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipino na nagbigay-daan sa pagwakas ng Diktaturang Marcos, na naganap sa panahon ng Batas Militar at sa mga kaganapan ng People Power 1. Tinalakay nito ang mga paglabag sa karapatang pantao, ang pagkamatay ni Ninoy Aquino, at ang mga dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya na nag-udyok sa Snap Election. Sa huli, ang malawakang protesta sa EDSA ay nagresulta sa pag-alis ni Ferdinand Marcos at ang pagbabalik ng demokrasya sa Pilipinas.

Uploaded by

Ma. Nicole Dayos
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
26 views6 pages

AP6 Q4 W2 Module

Ang dokumento ay tungkol sa mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipino na nagbigay-daan sa pagwakas ng Diktaturang Marcos, na naganap sa panahon ng Batas Militar at sa mga kaganapan ng People Power 1. Tinalakay nito ang mga paglabag sa karapatang pantao, ang pagkamatay ni Ninoy Aquino, at ang mga dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya na nag-udyok sa Snap Election. Sa huli, ang malawakang protesta sa EDSA ay nagresulta sa pag-alis ni Ferdinand Marcos at ang pagbabalik ng demokrasya sa Pilipinas.

Uploaded by

Ma. Nicole Dayos
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Parañaque

ARALING PANLIPUNAN 6
Ikaapat na Markahan
Ikalawang Linggo

PAGKILOS AT PAGTUGON NG MGA PILIPINO NA NAGBIGAY-


DAAN SA PAGWAKAS NG DIKTADURANG MARCOS

Mga Kasanayang Pampagkatuto


Natatalakay ang mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipino na nagbigay-
daan sa pagwawakas sa Diktaturang Marcos. (AP6TDK-IVb2)

Layunin
Naiisa-isa ang mga pangyayari na nagbigay-daan sa pagbuo ng “People
Power 1.”

Balikan Natin
Basahing mabuti ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek (/) kung ito ay
nagsasaad ng dahilan ng pagdedeklara ng Batas Militar at ekis (x) kung hindi.

____ 1. Pagbomba sa Plaza Miranda.


____ 2. Paggalang sa karapatang pantao.
____ 3. Mga malawakang protesta laban sa pamahalaan.

Unawain Natin

Maraming pagbabago ang naganap sa bansa nang ideklara ni Pangulong


Ferdinand E. Marcos ang Batas Militar noong ika-21 ng Setyembre, 1972. Nariyan ang
pagpapatupad ng curfew mula hatinggabi hanggang ika-apat ng umaga, pagbabawal
ng mga rally at welga, pagkontrol ng pamahalaan sa media (radyo, diyaryo at
telebisyon), pagbabawal sa pag-alis ng bansa ng walang pahintulot ng pamahalaan at
pagbabawal na magpahayag ng anumang pagtutol sa pamahalaan.

Ang iba ay nakaranas ng paglabag sa karapatang pantao. Ang ibang tumaliwas


sa pamahalaan ay biglang naglaho na parang bula.

Ipinakulong ang mga tumuligsa sa pamahalaan gaya nina Senador Benigno


“Ninoy” Aquino, Jr., Jovito R. Salonga, Jose W. Diokno, Ramon V. Mitra, at dating
Senador Francisco “Soc” Rodrigo, ang anak ng may-ari ng ABS-CBN na si Eugenio
“Geny” Lopez, Jr. ang tagapaglathala ng The Manila Times na si Joaquin “Chino”
Roces, ang patnugot ng Philippine Free Press na si Teodoro M. Locsin, ilang
mamamahayag gaya nina Amando Dornilla at Maximo Solliven at ilang mga aktor-
direktor gaya nina Lino Brocka at Benjamin “Behn” Cervantes.

Ang mga pag-aari ng ilang pribadong tao gaya ng mga malalaking kompanya
at media ay ipinasara rin. Pinangasiwaan ng pamahalaan ang pagpapatakbo sa mga
ito. Samantala, iyong mga kampi sa pamahalan o mga crony ni Pangulong Ferdinand
E. Marcos ay lubhang nakinabang sa mga ito. Magulo ang kalagayan ng bansa kaya
pinairal ang Martial Law.

1
Si Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. ay isang tanyag na mamamahayag at politiko
ng bansa. Siya ang pinakamatinding katunggali ni Pangulong Ferdinand E. Marcos sa
politika. Kasama siya ni Jose W. Diokno sa pinakaunang inaresto nang ideklara ang
Batas Militar. Kinasuhan siya sa kasong subersiyon o pagpapabagsak ng
pamahalaan. Pagkalipas ng pitong taon sa piitan ay pinayagan siyang magpagamot
sa Estados Unidos dahil sa karamdaman sa puso.

Noong 1983, pagkatapos ng tatlong taong pagkakalayo sa bansa, nagpasya


siyang bumalik sa Maynila, subalit siya ay binaril bago pa man makatapak sa tarmac.
Nagdulot ang kanyang asasinasyon ng lubhang pagkamuhi ng taong-bayan sa
pamahalaan.

Ang pagkamatay ni Ninoy Aquino ay nagkaroon ng malaking epekto sa bansa.


Namulat ang karamihan sa totoong kalagayan ng bansa. Naganap ang iba’t ibang
pagkilos at demostrasyon bilang pagtutol sa pamahalaan. Nagkaroon ng paglabag sa
mga karapatang pantao.

Ang Pilipinas sa Panahon ng Bagong Republika (1981-1986)


• Pormal na winakasan ni Pang. Ferdinand E. Marcos ang Batas Militar noong Enero 17,
1981 sa bisa ng Proklamasyon Bilang 2045. Ngunit isa lamang itong pagkukunwari para
sa marami dahil taglay niya pa rin bilang pangulo ng bansa ang pagpapatupad ng mga
panukala at batas, nanatili ang kapangyarihan ng mga militar sa pagsugpo ng krimen,
rebelyon at subersiyon, at nanatiling suspendido ang writ of habeas corpus. Samakatuwid
ay mas lalong lumawak ang kapangyarihan ni Pang.Ferdinand E. Marcos at nagawa niya
pang manatili sa katungkulan sa loob ng ilan pang taon.

• Sa bisa ng referendum sa mga panukalang pagbabago sa Saligang Batas ng 1973 na


sinang-ayunan ng taong-bayan, pinagtibay ang pamahalaang parlyamentaryo ng
Bagong Republika noong Abril 7, 1981. Si Pang. Ferdinand E. Marcos pa rin ang
namahala sa mahahalagang tungkulin at desisyon. Ang Punong Ministro naman ang
namahala sa pang-araw-araw na pangangasiwa sa pamahalaan. Dito nagsimula ang
pagiging diktador ni Pang. Ferdinand E. Marcos.

• Hunyo 16, 1981 – nagkaroon ng halalan sa pagkapangulo. Nakalaban ni Pang. Ferdinand


E. Marcos sina Bartolome Cabangbang at Alejo Santos, sa huli ay si Pang. Ferdinand E.
Marcos pa rin ang nanalo.

Sa patuloy na pamamahala ni Pang. Ferdinand E. Marcos, naramdaman ang


pagbagsak ng ekonomiya ng bansa. Ilan sa mga sanhi nito ay:

1. Pagbaba ng turismo sa bansa.


2. Paglaganap ng katiwalian sa pamahalaan.
3. Pagbaba ng halaga ng pananalapi ng bansa.
4. Paglisan ng mga Pilipino at dayuhang namumuhunan.
5. Pagbaba ng produksiyon ng mga pabrika dahil sa kawalan ng puhunan.
Ang Snap Election

Upang malutas ni Pang. Ferdinand E. Marcos ang problema sa ekonomiya,


kinailangang mangutang ng malaking halaga sa International Monetary Fund (IMF) at World
Bank. Dahil sa pangamba ng IMF at World Bank sa tunay na kalagayan ng bansa ay nagbigay
ito ng kondisyong magkaroon ng Snap Election para malaman kung ang mga Pilipino ay may
tiwala pa sa kanya bilang pangulo ng bansa.

2
Noong Pebrero 7, 1986 ay naganap ang Snap Election. Tumakbo si Corazon “Cory”
Aquino, maybahay ng yumaong si Ninoy Aquino, sa pagkapangulo at si Salvador “Doy” Laurel
sa pagkapapangalawang pangulo laban kina Pang. Ferdinand E. Marcos at Arturo Tolentino.

Ang opisyal na pagbibilang ng resulta ng snap election ay isinagawa ng COMELEC


(Commission on Elections). Ngunit nagprotesta ang ilang computer encoders dahil sa nakita
nilang pandaraya sa bilangan. Magkaiba ang naging resulta ng COMELEC at NAMFREL
(National Citizens’ Movement for Free Election), kaya naman ay hindi tinanggap ng kampo ni
Corazon C. Aquino ang resulta ng snap election at nanawagan ng civil disobedience at
huwag kilalanin ang pamahalaang Marcos.

Sa loob ng dalawang linggo matapos ang snap election, hindi mabilang na protesta
ang naganap.

Noong Pebrero 22, 1986 ay tumiwalag sina Juan Ponce Enrile (Ministro ng
Tanggulang Pambansa) at Heneral Fidel V. Ramos (Vice Chief of Staff ng Sandatahang
Lakas) sa gabinete ni Pang. Ferdinand E. Marcos.

Sa pamamagitan ng Radio Veritas na pinapatakbo ng simbahang Katoliko,


nanawagan si Jaime Cardinal Sin sa taong bayan na pumunta sa EDSA upang suportahan
ang mga rebeldeng sundalo at protektahan sina Enrile at Ramos. Laksa-laksang Pilipino ang
pumuno sa EDSA na nanawagan sa mapayapang pagpapababa sa pwesto ng diktador na si
Pang. Ferdinand E. Marcos. Ang malawakang protesta na ito na tinagurian bilang
pinakamapayapang protesta sa mundo ay tinawag na People Power 1.

Noong Pebrero 23, 1986 ay nagpadala naman si Pang. Ferdinand E. Marcos ng mga
tangke ng sundalo upang kalabanin ang taong bayan na nagproprotesta doon. Sinalubong ng
mga pari, madre at taong bayan ang mga nasabing tangke at binigyan nila ng rosaryo at
inalayan nila ng dasal at pagkain.

Lumisan ang pamilya ni Pang. Ferdinand E. Marcos papuntang Hawaii noong Pebrero
25, 1986. Ito ang naging tanda ng pagwawakas ng diktadurang Marcos at panunumbalik ng
demokrasya sa bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pang. Corazon C. Aquino.

Ilapat Natin
Sa pamamagitan ng data retrieval chart ay isulat ang mahalagang pangyayari
na nagbigay-daan sa pagbuo People Power 1. Piliin ang letra ng tamang sagot sa loob
ng kahon.

A. Nagkaroon ng Snap Election.


B. Tumiwalag sina Juan Ponce Enrile at Heneral Fidel V. Ramos sa
gabinete ni Pang. Ferdinand E. Marcos.
C. Pormal na winakasan ni Pang. Ferdinand E. Marcos ang Batas Militar sa
bisa ng Proklamasyon Bilang 2045.

Enero 17, 1981

Pebrero 7, 1986

Pebrero 22, 1986

3
Suriin Natin
Suriing mabuti ang mga pahayag na nagbigay-daan sa pagbuo ng People
Power 1. Bilugan ang 👍 kung ang nakasalungguhit ay nagpapahayag ng sanhi at ✋
kung bunga.

👍 ✋ 1. Nagdulot ng kalungkutan at pag-alab ng damdaming


makabayan ang pagpaslang kay Ninoy Aquino.
👍 ✋ 2. Kinailangang mangutang ng malaking halaga sa
International Monetary Fund (IMF) at World Bank dahil sa
pagbagsak ng ekonomiya ng bansa.
👍 ✋ 3. Magkaiba ang naging resulta ng COMELEC at NAMFREL
(National Citizens’ Movement for Free Election) kaya naman ay
hindi tinanggap ng kampo ni Cory Aquino ang resulta ng
snap election.

Tayain Natin
Basahin at unawain ang pangungusap.
Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ang naging tanda ng pagtatapos ng Batas Militar sa bansa ngunit ito ay isang
palabas lamang dahil sa mga probisyong nagpapakita ng pagpapalawak ng
kapangyarihan ng pangulo.
A. Proklamasyon Bilang 1045 C. Proklamasyon Bilang 1810
B. Proklamasyon Bilang 1081 D. Proklamasyon Bilang 2045

2. Ang mga sumusunod ay ang mga ipinadakip at ikinulong noong panahon ng Batas
Militar maliban kay:
A. Chino Roces C. Jovito R. Salonga
B. Ramon V. Mitra D. Eduardo Cojuangco

3. Sino ang mahigpit na katunggali ni Pang. Ferdinand E. Marcos sa politika na


pinaslang noong Agosto 21, 1983?
A. Juan Ponce Enrile C. VP Fernando Lopez
B. Sen Benigno Aquino, Jr. D. Sen. Benigno Aquino, Sr.

4. Ito ang dahilan kung bakit kinailangang mangutang sa IMF at World Bank si Pang.
Ferdinand E. Marcos.
A. Dahil gusto niyang bumawi sa mga Pilipino.
B. Dahil sa bagsak na ekonomiya ng Pilipinas.
C. Dahil gusto niya magpatayo ng mga imprastraktura.
D. Dahil nais niyang bayaran ang mga Pilipinong namatay sa pagpapatupad niya
ng Batas Militar.

5. Bakit nagkaroon ng biglaang eleksyon noong Pebrero 17, 1986?


A. Nais ni Pang. Ferdinad E. Marcos na bumaba sa pwesto.
B. Nahihiya na siya sa mga nangyayaring kaguluhan sa Pilipinas.
C. Nais ni Pang. Ferdinad E. Marcos na baguhin ang pamahalaan.
D. Nais niyang ipakita sa IMF at World Bank na may tiwala pa ang mga Pilipino sa
kanya.

4
6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na mas lumawak pa ang kapangyarihan
ni Pang. Ferdinand E. Marcos matapos niyang ideklara ang Proklamasyon Bilang
2045?
I. Naibalik na ang writ of habeas corpus.
II. Siya pa rin ang namahala sa mga panukala at batas.
III. Nanatili pa rin siya sa kapangyarihan nang matagal na panahon.
IV. Nanatili ang kapangyarihan ng mga militar sa pagsugpo ng krimen, rebelyon at
subersyon.

A. I, II, III B. I, II, IV C. I, III, IV D. II, III, IV

7. Alin sa mga sumusunod ang naging dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya ng bansa?


I. Laganap na katiwalian sa pamahalaan.
II. Pagkakaroon ng malawakang rally at demonstrasyon.
III. Pagdagsa ng turismo sa bansa dahil sa mga bagong tuklas na beach.
IV. Nawalan ng tiwala ang mga dayuhang namumuhunan sa pamahalaan.

A. I, II, III B. I, II, IV C. I, III, IV D. II, III, IV

8. Alin sa mga sumusunod ang naging hudyat ng pagkakaroon ng People Power I?


I. Resulta ng snap election.
II. Panawagan ni Cardinal Sin na pumunta sa EDSA ang taong-bayan.
III. Pagtiwalag nina Enrile at Ramos sa gabinete ni Pang. Ferdinand E. Marcos.
IV. Hindi pagtugon ni Pang. Ferdinand E. Marcos sa kondisyon ng IMF at World
Bank.

A. I, II, III B. I, II, IV C. I, III, III D. I at IV

9. Bilang isang batang Pilipino, ano para sa iyo ang pinakaimportanteng naidulot ng
pagkakaroon ng People Power I?
I. Naging mas mahigpit ang curfew.
II. Naipaglaban ang paggalang sa karapatang pantao.
III. Nakararanas tayo ng demokrasya hanggang sa kasalukuyan.
IV. Nagkaroon ng karapatang magpahayag ng saloobin o damdamin ang mga
Pilipino.

A. I, II, III B. I, III, IV C. II, III, IV D. I, II, IV

10. Bilang isang mag-aaral sa Ikaanim na Baitang, paano mo maipapakita ang iyong
pagmamahal sa bansang Pilipinas?
I. Mag-aral nang mabuti.
II. Hayaan ang mga lider sa komunidad sa kanilang gawain o programa.
III. Makipag-away sa ibang tao kapag salungat ang kanilang ideya sa iyo.
IV. Makilahok sa mga programang may kinalaman sa pagpapabuti ng sarili at ng
bansa.

A. I, II, III B. I at IV C. II, III, IV D. II at III

5
Likhain Natin
Gumawa ng poster na nagpapakita ng mga pangyayari na nagbigay-daan sa
pagbuo ng People Power 1.

Layunin Makagagawa ng poster na nagpapakita ng mga pangyayari


na nagbigay-daan sa pagbuo ng People Power I.
Gampanin Artist
Mga Manunuod Mga kapwa mag-aaral, magulang, kaibigan
Sitwasyon Madagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral upang
maipakita ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagbuo
ng People Power I.
Produkto Isang poster tungkol sa mga pangyayaring nagbigay-daan
sa pagbuo ng People Power I.
Pamantayan Sundin ang mga hakbangin sa paggawa ng poster at rubriks
sa pagbibigay ng marka sa mga mag-aaral.

Narito ang mga hakbang sa paggawa ng poster:


1. Ihanda ang mga kagamitang gagamitin sa paggawa tulad ng papel, lapis at mga
pangkulay.
2. Ang poster na gagawin ay tungkol sa natutunan mo sa araling ito. Malaya mong
ipahayag ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagbuo ng People Power I.
3. Gawing malinis at malikhain ang poster na gagawin.
4. Kunan ng litrato at i-post sa Messenger ang natapos na poster.
5. Para sa mga walang Messenger o internet connection, ilakip sa ibabalik na modyul
ang inyong nagawang poster.

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos sa Paggawa ng Poster

Mga Krayterya Pinakamahusay Napakahusay Mahusay Puntos


(5) (4/3) (2/1)
Pagkamalikhain Lubos na Naging Hindi
nagpamalas ng malikhain sa gaanong
pagkamalikhain sa paghahanda. naging
paghahanda. malikhain sa
paghahanda.
Organisasyon Buo ang kaisipan, May kaisahan at May kaisahan
konsistent, may sapat na at may sapat
kumpleto ang detalye at na detalye
detalye at malinaw na ngunit hindi
napakalinaw intensiyon. malinaw na
intensiyon.
Kaangkupan sa Angkop na angkop Angkop ang Hindi
Paksa ang mga at mga salita sa gaanong
larawan sa paksa. larawan ng angkop ang
paksa. mga salita at
larawan sa
paksa.
Kabuuan (15)

You might also like