I.
Pagkilos at Pagtugon ng mga Pilipino na
Nagbigay-daan sa Pagwawakas ng Batas Militar
Ang Batas Militar sa Pilipinas ay nagdulot ng
matinding pagnanais ng mga mamamayan na
manumbalik ang demokrasya. Ang pagmamalabis sa
kapangyarihan ni Pangulong Ferdinand Marcos ay
nagpasidhi sa hangarin ng sambayanan na tapusin
ang diktadura.
II. Ang Pagpaslang kay Senador Benigno "Ninoy"
Aquino Jr.
•Si Senador Benigno Aquino Jr. ay isa sa mga
matinding kritiko ng rehimeng Marcos.
•Siya ay ikinulong sa Fort Bonifacio sa loob ng mahigit
pitong taon bago pinayagang magpagamot sa Amerika.
•Noong Agosto 21, 1983, bumalik siya sa Pilipinas
upang ipagpatuloy ang kanyang laban para sa
demokrasya ngunit pataksil siyang pinaslang sa Manila
International Airport.
III. Ang Pagbagsak ng Ekonomiya
•Ang pagpatay kay Ninoy Aquino ay nagdulot ng
pagbaba ng tiwala sa ekonomiya ng bansa.
•Maraming negosyante ang lumipat sa ibang bansa,
na nagresulta sa pagkawala ng trabaho at pagbagsak
ng kita ng pamahalaan.
•Ang Pilipinas ay nagkaroon ng malaking utang na
umabot sa $127 bilyon noong 1983.
IV. Ang "Snap Election" ng 1986
•Upang muling makuha ang tiwala ng
pandaigdigang institusyong pampinansyal, naganap
ang biglaang halalan noong Pebrero 7, 1986.
•Malawakang pandaraya ang naitala, tulad ng pagbili
ng boto, pananakot, at manipulasyon ng election
returns.
•Ayon sa COMELEC, si Marcos ang nanalo, ngunit
ayon sa NAMFREL, si Aquino ang tunay na nanalo.
V. Ang Mapayapang EDSA Revolution
•Noong Pebrero 22, 1986, sina Juan Ponce
Enrile at Fidel V. Ramos ay kumalas sa
rehimeng Marcos.
•Pinangunahan ni Jaime Cardinal Sin ang
panawagan sa mamamayan na suportahan ang
panawagang pagbabago.
•Pebrero 24, 1986, maraming sundalo ang lumipat
sa panig ng mga mamamayan, senyales ng
nalalapit na pagbagsak ng rehimeng Marcos.
•Pebrero 25, 1986, nanumpa si Cory Aquino bilang
kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas.
•Umalis ang pamilya Marcos sa Malacañang
patungo sa Hawaii.
QUIZ
COPY AND ANSWER: Isulat ang tamang sagot sa bawat
tanong (2 points each).
1. Ano ang pangalan ng senador na pinaslang sa Manila
International Airport noong 1983?
2. Ano ang tawag sa biglaang halalan na isinagawa noong
Pebrero 7, 1986?
3. Ano ang pangunahing dahilan ng pagbaba ng ekonomiya
ng Pilipinas noong dekada ‘80?
4. Anong kilusan ang nagpatalsik kay Pangulong Ferdinand
Marcos noong 1986?
5. Ano ang pangalan ng babaeng naging unang pangulo ng
Pilipinas matapos ang EDSA Revolution?
6. Magbigay ng isang opisyal ng gobyerno na kumalas sa
rehimeng Marcos at sumuporta sa EDSA Revolution?
7. Sino ang pinunong relihiyoso na nanawagan sa
mamamayan na lumahok sa EDSA Revolution?
8. Anong organisasyon ang nagsagawa ng parallel na
bilangan ng boto sa "Snap Election"?
9. Ano ang pangalan ng batas na ipinatupad ni Marcos na
nagbigay sa kanya ng kapangyarihang diktador?
10. Saan lumipad ang pamilya Marcos matapos ang
EDSA Revolution?