You are on page 1of 30

Aralin 2

1986 EDSA People


Power Revolution
Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan,
na tinatawag ding Rebolusyon sa
EDSA ng 1986 ay isang mapayapang
demonstrasyon na nagtagal ng apat
na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22
hanggang Pebrero 25 ng taong iyon.
Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa
serye ng mga kilos protesta ng mga
tao laban sa diktaturyang pamumuno
niFerdinand Marcos, lalo na noong
napaslang si Ninoy Aquino noong
1983.
Maraming mga tao ang nakilahok
dito-mga sibilyan, militar at mga
alagad ng simbahan tulad ni
Jaime Cardinal Sin. Nagdulot ito ng
pagbagsak na pamahalaang
diktatoryal ni PangulongFerdinand
Marcos at ang paghalili ni
Corazon Aquino sa posisyong nilisan
ni Marcos.
Naganap ang mga
demonstrasyon sa Epifanio
de los Santos Avenue
(EDSA), isang mahalagang
daan sa Kalakhang Maynila.
Pebrero 22, 1986

Nagsagawa ng Press Conference sina Defense Minister Juan Ponce Enrile at Lt. Gen. Fidel Ramos upang
ipahayag ang kanilang pagtalikod sa rehimeng Marcos
Nanawagan si Manila Archbishop
Jaime Cardinal Sin sa taong bayan na
magtungo sa Camp Aguinaldo at
Camp Crame upang suportahan at
protektahan sina Ramos at Enrile at
maiwasan ang pagdanak ng dugo
kung sakaling aarestuhin ng mga
tauhan ni Marcos ang dalawa.
Isinagawa niya ang panawagan sa
pamamagitan ng Radio Veritas.
Nagsimulang mapuno ng tao ang
kahabaan ng EDSA.
Pebrero 23, 1986 ---Ipinalabas sa
telebisyon ang pahayag ni Marcos na
may nagaganap nang negosasyon sa
pagitan ng pamahalaan at ng kampo
nina Enrile at Ramos.
Sinira ng mga tauhan ni Marcos ang
transmission ng Radio Veritas at
inangkin ang istasyon.
Nagplano sina Gen. Ver at Ramos na
lusubin ang Camp Crame.
Lalo pang dumami ang mga tao na
nagtungo sa EDSA upang ipahayag
ang kanilang pagnanais na mapaalis
si Marcos.
Pebrero 24, 1986
Inanunsiyo sa radio na umalis na ng
bansa si Pangulong Marcos. Subalit
ito ay isang panlilinlang lamang sa
taong bayan.
Sinugod at inangkin ng taong bayan
ang Channel 4, ang istasyon na
pagmamay-ari ng gobyerno.
Idineklara ni Marcos ang curfew
mula ika-6 ng gabi hanggang ika-6
ng umaga. Walang sumunod sa
kaniyang kautusan.
Nanindigan ang mga mamamayan sa
EDSA sa kabila ng balita na
paparating ang mga tangke at
armadong helicopter upang sila ay
puwersahang paalisin.
Pebrero 25,1986
Nanumpa si Corazon Aquino bilang
Pangulo ng Pilipinas sa pamumuno
ni Supreme court Associate Justice
Claudio Teehanke. Isinagawa ito sa
harap ng kaniyang mga tagasuporta
sa Club Filipino.
Nanumpa rin bilang Pangulo ng
Pilipinas si Ferdinand Marcos sa
harap ng kaniyang mga loyalista sa
Malakanyang.
Nilisan ni Pangulong Marcos ang
Malakanyang kasama ang kaniyang
pamilya at ilang tauhan. Nagtungo
sila sa Clark Airbase sa Pampanga at
mula dito ay nagtungo sa Hawaii, sa
United States.
Nagdiwang ang mga Pilipino nang
mabalitaan nila ang paglisan ni
Marcos. nagtapos ang mahigit sa 20
taong pamumuno ni Marcos sa
pamamagitan ng mapayapang
pagkilos at puwersa ng nagkakaisang
taong bayan.
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang EDSA?


2. Masasabi mo ba na ang 1986
EDSA People Power Revolution ay
pagkilos para makamit ang kalayaan?
Bakit?
3. Nakamit ba ang pagkakaisa ng
iba’t ibang sector ng lipunan dahil sa
nasabing pangyayari? Patunayan.
4. Sa iyong palagay, ano
ang nagging dahilan sa likod
ng tagumpay ng 1986 EDSA
People Power Revolution?
Awit-tanong:
Pakinggang mabuti ang kantang
Handog ng Pilipino sa Mundo, suriin
ang nilalaman nito at pagkatapos
sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.

You might also like