You are on page 1of 7

Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan (Ingles: People Power Revolution),

na tinatawag ding Rebolusyon sa EDSA ng 1986 ay isang mapayapang


demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22
hanggang Pebrero 25 ng taong iyon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa
serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno
ni Ferdinand Marcos, lalo na noong napaslang si Ninoy Aquino noong 1983.
Maraming mga tao ang nakilahok dito-mga sibilyan, militar at mga alagad ng
simbahan tulad ni Jaime Cardinal Sin. Nagdulot ito ng pagbagsak na
pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili
ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos. Naganap ang mga
demonstrasyon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), isang mahalagang
daan sa Kalakhang Maynila.
Pagpaslang kay Ninoy Aquino

Lumuwas ng Estados Unidos si Ninoy Aquino noong 1981 dahil sa kanyang


kalusugan at dahil na rin sa kanyang seguridad. Makalipas ang tatlong taon,
noong taong 1983, ipinahayag ni Aquino ang kanyang kagustuhang
makabalik sa Pilipinas, kahit na marami sa kanyang mga kaibigan at
tagasuporta ang tutol dito.
Noong 21 Agosto 1983, pinaslang si Aquino habang siya ay papalabas ng
isang eroplano sa Manila International Airport (na ngayon ay pinangalan sa
kaniya).[1] Nagdulot ito ng malaking galit sa mga Pilipino, na karamihan ay
wala nang tiwala sa administrasyong Marcos. Maraming paraan ng kilos
protesta ang ginawa, kabilang na angcivil disobedience. Noong panahon ding
iyon, nagsisimula nang humina ang kalusugan ni Marcos dahil sa kaniyang
karamdaman na Lupus.[2]
Noong 1984, inatasan ni Marcos ang isang komisyon, sa pamumuno ng
Punong Hurado Enrique Fernando, na magsagawa ng imbestigasyon sa
pagpaslang kay Aquino. Ayon sa kanilang huling report, ang mga militar ang
tunay na sangkot sa nasabing pagpaslang. Naging malaki itong dagok sa
pabagsak nang pamahalaan.
Ang nasabing pagpaslang, kabilang na ang ibang mga suliranin, ang mas lalo
pang nagpalubog sa Pilipinas sa isang krisis pang-ekonomiya. Ang
ekonomiya ng bansa ay lumiit hanggang sa 6.8%.[3]

Ang Snap Election


Dahil sa patuloy na pagdududa ng mga Pilipino sa kakayahan ng
pamahalaan, minabuting minungkahi ng Amerika[4] kay Marcos ang
pagsasagawa ng dagliang halalan (snap election). Pinakinggan ni Marcos ang
mungkahing ito. Pinagbisa ang biglaang halalan sa pamamagitan ng Batas
Pambansa Blg 883 ng Regular Batasang Pambansa, isang unikameral na
kongreso na kontrolado ni Marcos. Tumakbo muli si Marcos sa halalan,
kasama si Arturo Tolentino bilang kanyang pangalawang presidente.
Tumakbo si Corazon Aquino, ang balo ni Ninoy Aquino, matapos ang
matinding pakikiusap at suporta ng oposisyon at maging ng taong bayan.
Si Salvador Laurel ang naging pangalawang presidente ni Aquino.
Naganap ang halalan noong 7 Pebrero 1986. Ang eleksiyon na ito ang isa sa
mga pinakakontrobersiyal sa kasaysayan ng bansa, na may maraming balita
ng malawakang dayaan na naganap. Dineklara ng opisyal na tagabliang ng
boto, ang Komisyon ng Halalan (Commission of Elections o Comelec), si
Marcos bilang nagwagi. Ayon sa kanila, nanalo si Marcos na mayroong
10,807,197 boto laban kay Aquino na nakakuha lamang diumano ng
9,291,761 boto. Ayon naman sa National Movement for Free Elections
(Pambansang Kilusan ng Malayang Pagboto o Namfrel), isang akreditadong
tagamasid ng halalan (poll watcher), nanalo si Aquino ng 7,835,070 boto
laban kay Marcos na nakakuha lamang diumano ng 7,053,068 boto. Dahil sa
malawakang dayaan sa halalan nag-walk-out ang 29 na computer
technician bilang protesta sa sapilitang pagmamanipula ng boto para
palitawin na si Marcos ang panalo.[5].
Dahil dito nagpahayag ang Kapulungan ng mga Katolikong Obispo ng
Pilipinas (CBCP) ng pagkondena sa nasabing halalan. Ganun din ang
pinahayag ng pamahalaan ng Estados Unidos. Ayon mismo sa pangulo ng
Amerika na si Ronald Reagan, na siyang kaibigan ni Marcos,
"nakakabahala" [6] ang mga bali-balita ng malawakang dayaan. Sa kabila ng
mga malawakang protesta at pagkondena, pinahayag pa rin ng COMELEC na
si Marcos ang nanalo sa pamamagitan ng 51 porsyento. Pinahayag naman
ng NAMFREL na nanalo si Aquino ng 52 porsyento.
Pinahayag ng Batasang Pambansa noong Pebrero 15 si Marcos at si Aquino
bilang mga nagwagi. Lahat ng 50 oposisyon ay nag-walkout sa pagprotesta.
Hindi matanggap ng mga Pilipino ang resulta, at sa halip naniwala sila na si
Aquino ang tunay na nanalo. Nanawagan si Aquino ng malawakang hindi-

pagtangkilik (boykot) sa mga produktong pagmamay-ari ng mga crony ni


Marcos. Dahil dito lalo pang bumagsak ang ekonomiya ng pilipinas.
Ang Rebolusyon sa EDSA
Dahil na rin sa mga balita ng malawakang pandaraya sa eleksiyon, nagbalak
ang ilang mga sundalo sa pamumuno ng noon ay Kalihim ng Pambansang
Depensa, si Juan Ponce Enrile, na pabagsakin ang pamahalaang Marcos. Sa
kasamaang palad, nalaman ni Marcos ang balak na ito, at agad na pinagutos niya ang pagdakip sa mga pinuno nito. Dahil nahaharap siya sa
napipintong pagdakip sa kaniya, humingi ng tulong si Enrile sa AFP ViceChief of Staff na si Lt Gen Fidel Ramos. Pumayag si Ramos na magbitiw sa
kaniyang puwesto at sinuportahan ang mga rebeldeng sundalo. Kinausap din
ni Enrile ang Arsobispo Katoliko ng Maynila na si Jaime Cardinal Sin para sa
suporta.
Noong 6:30 ng gabi nagkaroon ng press conference si Enrile at Ramos
sa Kampo Aguinaldo. Ipinahayag nila ang kanilang pagbibitiw sa puwesto sa
gabinete ni Marcos at ang kanilang pagtiwalag sa suporta ng gobyerno.
Nagpatawag din ng sariling press conference si Marcos at sinabi niya kay
Ramos at Enrile na sumuko na lang, at "tigilan ang kamangmangang ito."[7]
Bandang ika-siyam ng gabi, sa pamamagitan ng Radio Veritas na
pinapatakbo ng Romano Katoliko, nanawagan si Cardinal Sin sa mga taong
bayan na pumunta sa EDSA para suportahan ang mga rebeldeng sundalo sa
Kampo Crame at Kampo Aguinaldo sa pamamagitan ng iba't ibang bagay na
makakatulong sa kanila, tulad ng pagbibigay ng pagkain at ng iba pa nilang
pangangailangan. Sa kabila ng kapahamakan na maaaring dumating sa
kanila laban sa puwersa ng gobyerno, nagpunta ang mga sibilyan, maging
ang mga madre at pari, sa EDSA.
Malaki ang bahagi ng Radio Veritas sa rebolusyong ito. Ayon sa dating
pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas na si Francisco Nemenzo, magiging
imposible na hikayatin ang mga tao na makilahok sa rebolusyong ito sa ilang
oras lamang kung wala ang Radio Veritas.
Ang lumalaking suporta ng masa
Noong kasagsagan ng rebolusyon, tinatayang nasa isa hanggang tatlong
milyong katao ang pumuno sa EDSA mula sa Abenida Ortigas hanggang
Cubao. Ang larawan ay sa itaas ay nagpapaita ng panulukan ng EDSA at
Abenida Bonny Serrano, sa pagitan ng Kampo Krame at Kampo Aguinaldo.

Noong madaling araw ng Linggo, 23 Pebrero 1986 pumunta ang mga sundalo
ng gobyerno para wasakin ang transmisor ng Radyo Veritas, at dahil doon
marami ang mga tao sa probinsiya ang hindi makasagap ng impormasyon.
Dahil dito napilitan ang estasyon na gamitin ang pangalawa (backup) nitong
transmisor na mayroong mas maliit na sakop ng brodkast. Naisipan ng
gobyerno na gawin ang aksiyong ito dahil mahalaga ang Radio Veritas sa
pakikipagtalastasan sa mga tao na sumusuporta sa mga rebeldeng sundalo.
Nagbibigay ng impormasyon ang himpilang ito tungkol sa mga pinakahuling
galaw ng sundalo ng pamahalaan at ito din ang nagsisilbing daan upang
manawagan sa pangangailangan ng pagkain, gamot at mga suplay.
Sa kabila nito, marami pa rin ang mga tao na dumagsa sa EDSA. Umabot sa
daang libo ang mga tao na walang dalang ibang sandata. Ang ilan sa kanila
ay may dala ng rosaryo at imahe ng Birheng Maria. Marami ang nakilahok sa
malawakang pagdarasal (prayer vigil) sa pamumuno ng mga pari at madre.
Marami naman ang gumawa ng mga harang o barikada gamit ang mga sako
ng buhangin at mga sasakyan sa mga kanto sa kahabaan ng EDSA katulad
ng Santolan at Abenida Ortigas. Marami ding grupo ang kumanta ng "Bayan
Ko"[8], na, simula pa noong 1980 ito ang naging makabayang awit ng
oposisyon. Marami ding tao ang gumamit ng sagisag pang-kamay (hand
sign) ng LABAN[9] ; na ang hinlalaki at hintuturo ay bubuo ng letrang "L".
Noong araw ding iyon bumisita ang dalawang rebeldeng pinuno sa kabilang
kampo. Tumawid si Enrile sa EDSA mula Kampo Aguinaldo hanggang Kampo
Crame sa pagitan ng mga maraming tao na nagsusuporta sa kanila.
Binalita ng Radyo Veritas noong hapon na iyon na may mga batalyon ng
Marines na papunta sa dalawang mga kampo sa silangan, at mga tangke na
papunta mula sa hilaga at timog. Dalawang kilometro mula sa mga kampo,
hinarang ng libo-libong mga tao ang isang batalyon ng tangke na nasa
pamumuno ni Brigadier General Artemio Tadar sa Ortigas Ave.
[10]
Nagsiluhuran ang mga madre at nagdasal ng rosaryo, at nagkapit-bisig
ang mga tao para harangin ang mga sundalo.[11] Sa kabila ng banta ni Tadar
sa mga tao ay hindi sila umalis. Walang nagawa ang mga sundalo sa
situwasyon, at di nagtagal umurong na lang sila ng hindi man lang
nagpapaputok.
Noong gabing iyon ay bumigay na rin ang transmitter ng Radyo Veritas.
Bandang hatinggabi ay lumipat ang mga tripulante sa isang lihim na lugar
para magpatuloy sa pagbo-broadkast, sa ilalim ng pangalang Radyo Bandido.

Si June Keithley ang brodkaster na nagpatuloy sa programa ng Radio Veritas


sa bagong estasyon sa nalalabing mga araw ng rebolusyon.
Hindi Pag-kakalinawan
Noong madaling araw ng Pebrero 24, Lunes, naganap ang unang matinding
bakbakan sa pagitan ng mga loyalista at mga rebeldeng sundalo. Mabilis na
tinaboy ng mga Marines na galing Libis ang mga demonstrador. Samantala,
mahigit-kumulang na 3,000 Marines ang kumubkob sa silangang bahagi ng
Kampo Aguinaldo.
Noong araw ding iyon inatasan mula sa Sangley Point sa Cavite ang mga
helikopter sa pamumuno ni Major General Antonio Sotelo upang pumunta sa
Kampo Krame.[12] Lihim na palang bumaligtad ang nasabing grupo at sa halip
na atakihin ang Kampo Crame ay lumapag sila doon. Maraming mga tao ang
bumati sa mga sundalo na papalabas ng mga helikopter. Dahil sa pangyayari
ay mas lalo pang sumigla si Ramos at Enrile na patuloy pang nananawagan
sa mga sundalo na tumiwalag kay Marcos at sumapi sa kilusang oposisyon.
Bandang hapon dumating si Aquino sa lugar kung saan naghihintay si
Ramos, Enrile at ang mga opisyales ng RAM.
Ang pagkubkob sa Channel 4
Dumating kay June Keithley ang balita na papalabas na ng Malakanyang si
Marcos at binalita naman niya ito sa mga tao sa EDSA. Nagdiwang ang mga
tao; maging si Ramos at Enrile ay lumabas para magpakita sa mga tao.
Subalit naging sandali lang ang saya noong lumabas si Marcos sa Channel 4
na kontrolado ng gobyerno. Sinabi ni Marcos na hindi siya bababa sa
puwesto. Marami ang nag-isip na ang maling balita na ito ay isang paraan
upang maghikayat ng mas marami pang pagbaligtad mula sa gobyerno.
Lumusob ang mga rebeldeng sundalo, sa pamumuno ni Colonel Mariano
Santiago, sa estasyon ng Channel 4, at ang estasyon ay naputol sa ere.
Nakubkob ng mga sundalo ang estasyon. Bumalik sa ere ang Channel 4, na
may boses na nagsasabing "This is Channel 4. Now serving the people
again." (Ito ang Channel 4. Naglilingkod muli sa sambayanan.) Samantala,
umabot na sa milyon ang mga tao sa EDSA. Sinasabi na ito ang senyales ng
"pagbabalik muli" sa ere ng ABS-CBN. Ito ay sa dahilan na ang mga taong
nagpapatakbo ng brodkast ng mga oras na ito ay mga dating empleyado ng
ABS-CBN na pinangungunahan ng direktor na si Johnny Manahan kasama
ang pinsan ng may-ari ng ABS-CBN na si Augusto "Jake" Lopez. Ang brodkast
na ito ay pinangasiwaan nina June Keithley, dating ABS-CBN broadkaster na

si Orly Punzalan at Bong Lapira kasama ang mga paring sina Fr. Bong
Bongayan, Fr. Aris Sison at sina Fr. James Reuter.
Bandang hapon, linusob ng mga rebeldeng helikopter ang Villamor Airbase,
na naging dahilan ng pagkawasak ng ilang sasakyang pampangulo. Mayroon
namang isang helikopter na pumunta ng Malakanyang at nagpaputok ng
raket, na naging sanhi ng maliit na pinsala. Noong lumaon din ay marami
nang mga opisyales na nagsipagtapos ngAkademya Militar ng
Pilipinas (Philippine Military Academy) at maging ng Hukbong Sandatahan
ang tumiwalag sa gobyerno.
Samantala, minungkahi ni Heneral Fabian Ver ang paggamit ng dahas upang
matigil ang lumalaking rebolusyon. Hindi pumayag si Marcos dito.
Ang panunumpa
Noong umaga ng Martes, Pebrero 25, bandang ikapito ng umaga, nagkaroon
ng saguypaan sa pagitan ng mga loyalista at mga rebeldeng sundalo. May
mga sniper na bumabaril sa mga rebeldeng sundalo. Subalit patuloy na
sinugod ng mga rebeldeng sundalo ang estasyon ng Channel 9, na nasa
hindi kalayuan ng Channel 4.
Maya-maya lamang ay nanumpa si Corazon Aquino bilang bagong pangulo
ng Pilipinas sa isang seremonya sa Club Filipino sa Greenhills, isang kilometro
mula sa Kampo Crame.[13] Pinasumpa si Aquino ni Senior Associate
Justice Claudio Teehankee, at pinasumpa naman si Laurel bilang
Pangalawang Pangulo ni Justice Abad Santos. Hawak ni Aurora Aquino, nanay
ni Ninoy Aquino, ang bibliang ginamit sa panunumpa ni Aquino. Kasama sa
seremonya si Ramos, na na-promote bilang Heneral, si Enrile at ang iba pang
mga politiko. Nasa labas ang maraming mga taga-suporta ni Aquino, na
karamihan ay naka-dilaw bilang pagpapakita ng kanilang suporta. Matapos
ang panunumpa ni Aquino ay kumanta sila ng Bayan Ko.
Samantala, nanumpa naman si Marcos sa Malakanyang. Nandoon ang ilan sa
kanyang mga taga-suporta na sumisigaw ng "Marcos! Marcos! Marcos pa
rin!" Ang panunumpa ay ginawa ni Marcos sa balkonahe ng palasyo ng
Malakanyang, at binrodkast ito sa nalalabing mga estasyon ng gobyerno at
ng Channel 7. Pagkatapos ng panunumpa ay umalis ang mag-asawa sa labas
ng Palasyo. Naputol ang pagbrodkast nito noong kubkubin ng mga rebeldeng
sundalo ang mga nalalabing mga estasyon.
Marami ding mga demonstrador ang pumunta sa Mendiola, hindi kalayuan
mula sa Malakanyang, ngunit hinarang sila doon ng mga loyalistang mga

sundalo. Maraming mga demonstrador ang nagalit, ngunit inawat sila ng


mga pari na nakiusap na huwag maging marahas.
Ang Paglisan ni Marcos
Kinausap ni Marcos ang Senador ng Estados Unidos na si Paul Laxant, para
humingi ng payo mula sa White House. Pinayuhan siya ni Laxalt ng "cut and
cut cleanly", na siyang kinalungkot ni Marcos. Bandang hapon, kinausap ni
Marcos si Enrile para sa kanyang ligtas na paglisan kasama ang kanyang
pamilya. Pumunta ang pamilya ni Marcos sa Clark Airbase sa Zambales
bandang ikasiyam ng gabi, bago tuluyang lumipad ng Hawaii.
Marami ang nagsisaya sa paglisan ni Marcos. Napasok na rin ng mga
demonstrador ang Palasyo ng Malakanyang, na dati ay hindi mapasok ng
ordinaryong mamamayan. Maliban sa mga naganap na nakawan, marami din
ang nagsilibot sa loob ng isang lugar kung saan binago ang kasaysayan ng
bansa.
Maging ang buong mundo ay nagsaya. Ayon kay Bob Simon, isang
tagapagbalita ng CBS na isang estasyon sa Amerika, ang nagsabi "We
Americans like to think we taught the Filipinos democracy; well, tonight they
are teaching the world." ("Gusto naming mga Amerikano na isipin na kami
ang nagturo sa Pilipinas ng demokrasya, ngunit ngayong gabi tinuturuan nila
ang buong mundo.")
Katapusan
Matapos ang rebolusyon, marami pa ring suliranin ang kinahaharap ng
bansa. Ang ekonomiya ay kontrolado halos ng gobyerno. Sa kabila nito, sa
pamumuno ni Corazon Aquino ay unti-unting bumalik ang demokratikong
institusyon sa bansa.
Isinawalang-bisa ang Saligang Batas ng 1972, at sa halip ay gumawa si
Aquino ng isang "Freedom Constitution" (Malayang Konstitusyon) upang
pansamantalang maging saligang batas, hanggang sa natapos at
naratipikahan na ang Saligang Batas 1987 na siyang kasalukuyang saligang
batas ng bansa. Sa bagong saligang batas ay hindi na maaring tumakbong
muli ang isang Pangulo ng bansa, na binibigyan ng anim na taon para
mamuno

You might also like