You are on page 1of 8

Kasaysayan ng EDSA REVOLUTION

Ang Rehimeng Marcos


Nahalal si Ferdinand Marcos bilang pangulo ng Pilipinas noong 1965, at natalo niya
si Diosdado Macapagal na noon ay kasalukuyang nakaupo bilang Pangulo. Sa ilalim ng
kanyang pamumuno naging aktibo si Marcos sa mga proyektong imprastraktura, agrikultura
at pampublikong serbisyo na nagdala sa Pilipinas sa pinansyal na kasaganahan. Sa kabila ng
bali-balita ng dayaan sa eleksyon, nahalal muli si Marcos noong 1969, at natalo niya si
Sergio Osmea Jr.
Maraming mga alegasyon ng katiwalian ang lumitaw sa kanyang ikalawang termino ng
kanyang pamumuno. Maraming mga tao ang naghirap, at dahil dito tumaas ang kaso ng
krimen at mga kaguluhan sa bansa. Ito ang naging dahilan sa pagbuo ng mga rebeldeng
grupo katulad ng New People's Army (NPA), at ng Moro Islamic Liberation Front na
naglalayon na magkaroon ng isang hiwalay na bansa mula sa Pilipinas.
Pangulong Ferdinand Marcos
Hindi na puwedeng tumakbo sa kandidatura si Marcos para sa halalan sa 1973. Dahil dito,
noong Setyembre 21, 1972, sa pamamagitan ng Proklamasyon 1081, nilagay ni Marcos ang
buong bansa sa ilalim ng Batas Militar. Dinahilan niya dito ang lumalaganap na kaguluhan sa
bansa. Sa ilalim ng batas militar, pinasara ang lahat ng mga institusyon ng midya, at ang
ilan sa kanila ay kinuha ng gobyerno. Ang tangi lamang na tumatakbong mga pahayagan
noon ay ang Daily Express at ang Manila Bulletin na noon ay tinatawag na Bulletin Today.
Ang mga estasyon ng telebisyon na siyang pinapasahimpapawid lamang ay ang Channel 4
at Channel 2, na dating pag-mamay-ari ng mga Lopez. Marami din sa mga kritiko ni Marcos
ang pinahuli, ang isa sa mga pinakakilala sa kanila ay si Benigno Aquino, na isang senador
sa oposisyon at ang tinuturing na pinakamainit na kritiko ni Marcos.
Pagpaslang kay Ninoy Aquino
Ang headline ng Manila Bulletin tungkol sa pagpaslang kay Aquino noong Agosto 21, 1983
Lumuwas ng Estados Unidos si Ninoy Aquino noong 1981 dahil sa kanyang kalusugan at
dahil na rin sa kanyang seguridad. Makalipas ang tatlong taon, noong taong 1983,
ipinahayag ni Aquino ang kanyang kagustuhang makabalik sa Pilipinas, kahit na marami sa
kanyang mga kaibigan at tagasuporta ang tutol dito.
Noong Agosto 21, 1983, pinaslang si Aquino habang siya ay papalabas ng isang eroplano
sa Manila International Airport (na ngayon ay pinangalan sa kaniya). Nagdulot ito ng
malaking galit sa mga Pilipino, na karamihan ay wala nang tiwala sa administrasyong
Marcos. Maraming paraan ng kilos protesta ang ginawa, kabilang na ang civil disobedience.
Noong panahon ding iyon, nagsisimula nang humina ang kalusugan ni Marcos dahil sa
kaniyang karamdaman na Lupus.
Noong 1984, inatasan ni Marcos ang isang komisyon, sa pamumuno ng Punong
Hurado Enrique Fernando, na magsagawa ng imbestigasyon sa pagpaslang kay Aquino. Ayon
sa kanilang huling report, ang mga militar ang tunay na sangkot sa nasabing pagpaslang.
Naging malaki itong dagok sa pabagsak nang pamahalaan.
Ang nasabing pagpaslang, kabilang na ang ibang mga suliranin, ang mas lalo pang
nagpalubog sa Pilipinas sa isang krisis pang-ekonomiya. Ang ekonomiya ng bansa ay lumiit
hanggang sa 6.8%.

Ang Snap Election


Dahil sa patuloy na pagdududa ng mga Pilipino sa kakayahan ng pamahalaan, minabuting
minungkahi ng Amerika kay Marcos ang pagsasagawa ng dagliang halalan (snap election).
Pinakinggan ni Marcos ang mungkahing ito. Pinagbisa ang biglaang halalan sa pamamagitan
ng Batas Pambansa Blg 883 ng Regular Batasang Pambansa, isang unikameral na kongreso
na kontrolado ni Marcos. Tumakbo muli si Marcos sa halalan, kasama si Arturo
Tolentino bilang kanyang pangalawang presidente. Tumakbo si Corazon Aquino, ang balo ni
Ninoy Aquino, matapos ang matinding pakikiusap at suporta ng oposisyon at maging ng
taong bayan. Si Salvador Laurel ang naging pangalawang presidente ni Aquino.
Naganap ang halalan noong Pebrero 7, 1986. Ang eleksyon na ito ang isa sa mga
pinakakontrobersyal sa kasaysayan ng bansa, na may maraming balita ng malawakang
dayaan na naganap. Dineklara ng opisyal na tagabliang ng boto, ang Komisyon ng Halalan
(Commission of Elections o Comelec), si Marcos bilang nagwagi. Ayon sa kanila, nanalo si
Marcos na mayroong 10,807,197 boto laban kay Aquino na nakakuha lamang diumano ng
9,291,761 boto. Ayon naman sa National Movement for Free Elections (Pambansang Kilusan
ng Malayang Pagboto o Namfrel), isang akreditadong tagamasid ng halalan (poll watcher),
nanalo si Aquino ng 7,835,070 boto laban kay Marcos na nakakuha lamang diumano ng
7,053,068 boto. Dahil sa malawakang dayaan sa halalan nag-walk-out ang 29 na computer
technician bilang protesta sa sapilitang pagmamanipula ng boto para palitawin na si Marcos
ang panalo.
Dahil dito nagpahayag ang Kapulungan ng mga Katolikong Obispo ng Pilipinas (CBCP) ng
pagkondena sa nasabing halalan. Ganun din ang pinahayag ng pamahalaan ng Estados
Unidos. Ayon mismo sa pangulo ng Amerika na si Ronald Reagan, na siyang kaibigan ni
Marcos, "nakakabahala" ang mga bali-balita ng malawakang dayaan. Sa kabila ng mga
malawakang protesta at pagkondena, pinahayag pa rin ng COMELEC na si Marcos ang
nanalo sa pamamagitan ng 51 porsyento. Pinahayag naman ng NAMFREL na nanalo si
Aquino ng 52 porsyento.
Pinahayag ng Batasang Pambansa noong Pebrero 15 si Marcos at si Aquino bilang mga
nagwagi. Lahat ng 50 oposisyon ay nag-walkout sa pagprotesta. Hindi matanggap ng mga
Pilipino ang resulta, at sa halip naniwala sila na si Aquino ang tunay na nanalo. Nanawagan
si Aquino ng malawakang hindi-pagtangkilik (boykot) sa mga produktong pagmamay-ari ng
mga crony ni Marcos. Dahil dito lalo pang bumagsak ang ekonomiya ng pilipinas.
Ang Rebolusyon sa EDSA
Dahil na rin sa mga balita ng malawakang pandaraya sa eleksyon, nagbalak ang ilang mga
sundalo sa pamumuno ng noon ay Kalihim ng Pambansang Depensa, si Juan Ponce Enrile, na
pabagsakin ang pamahalaang Marcos. Sa kasamaang palad, nalaman ni Marcos ang balak
na ito, at agad na pinag-utos niya ang pagdakip sa mga pinuno nito. Dahil nahaharap siya sa
napipintong pagdakip sa kaniya, humingi ng tulong si Enrile sa AFP Vice- Chief of Staff na si
Lt Gen Fidel Ramos. Pumayag si Ramos na magbitiw sa kaniyang puwesto at sinuportahan
ang mga rebeldeng sundalo. Kinausap din ni Enrile ang Arsobispo Katoliko ng Maynila na si
Jaime Cardinal Sin para sa suporta.
Noong 6:30 ng gabi nagkaroon ng press conference si Enrile at Ramos sa Kampo Aguinaldo.
Ipinahayag nila ang kanilang pagbibitiw sa puwesto sa gabinete ni Marcos at ang kanilang
pagtiwalag sa suporta ng gobyerno. Nagpatawag din ng sariling press conference si Marcos
at sinabi niya kay Ramos at Enrile na sumuko na lang, at "tigilan ang kamangmangang ito."

Bandang ika-siyam ng gabi, sa pamamagitan ng Radio Veritas na pinapatakbo ng Romano


Katoliko, nanawagan si Cardinal Sin sa mga taong bayan na pumunta sa EDSA para
suportahan ang mga rebeldeng sundalo sa Kampo Crame at Kampo Aguinaldo sa
pamamagitan ng iba't ibang bagay na makakatulong sa kanila, tulad ng pagbibigay ng
pagkain at ng iba pa nilang pangangailangan. Sa kabila ng kapahamakan na maaaring
dumating sa kanila laban sa puwersa ng gobyerno, nagpunta ang mga sibilyan, maging ang
mga madre at pari, sa EDSA.
Malaki ang bahagi ng Radio Veritas sa rebolusyong ito. Ayon sa dating pangulo ng
Unibersidad ng Pilipinas na si Francisco Nemenzo, magiging imposible na hikayatin ang mga
tao na makilahok sa rebolusyong ito sa ilang oras lamang kung wala ang Radio Veritas.

Ang lumalaking suporta ng masa


Noong kasagsagan ng rebolusyon, tinatayang nasa isa hanggang tatlong milyong katao ang
pumuno sa EDSA mula sa Abenida Ortigas hanggang Cubao. Ang larawan ay sa itaas ay
nagpapaita ng panulukan ng EDSA at Abenida Bonny Serrano, sa pagitan ng Kampo Krame
at Kampo Aguinaldo.
Noong madaling araw ng Linggo, 23 Pebrero 1986 pumunta ang mga sundalo ng gobyerno
para wasakin ang transmisor ng Radyo Veritas, at dahil doon marami ang mga tao sa
probinsya ang hindi makasagap ng impormasyon. Dahil dito napilitan ang estasyon na
gamitin ang pangalawa (backup) nitong transmisor na mayroong mas maliit na sakop ng
brodkast. Naisipan ng gobyerno na gawin ang aksyong ito dahil mahalaga ang Radio Veritas
sa pakikipagtalastasan sa mga tao na sumusuporta sa mga rebeldeng sundalo. Nagbibigay
ng impormasyon ang himpilang ito tungkol sa mga pinakahuling galaw ng sundalo ng
pamahalaan at ito din ang nagsisilbing daan upang manawagan sa pangangailangan ng
pagkain, gamot at mga suplay.
Sa kabila nito, marami pa rin ang mga tao na dumagsa sa EDSA. Umabot sa daang libo ang
mga tao na walang dalang ibang sandata. Ang ilan sa kanila ay may dala ng rosaryo at
imahe ng Birheng Maria. Marami ang nakilahok sa malawakang pagdarasal (prayer vigil) sa
pamumuno ng mga pari at madre. Marami naman ang gumawa ng mga harang o barikada
gamit ang mga sako ng buhangin at mga sasakyan sa mga kanto sa kahabaan ng EDSA
katulad ng Santolan at Abenida Ortigas. Marami ding grupo ang kumanta ng "Bayan Ko", na,
simula pa noong 1980 ito ang naging makabayang awit ng oposisyon. Marami ding tao ang
gumamit ng sagisag pang-kamay (hand sign) ng LABAN[9] ; na ang hinlalaki at hintuturo ay
bubuo ng letrang "L".
Noong araw ding iyon bumisita ang dalawang rebeldeng pinuno sa kabilang kampo.
Tumawid si Enrile sa EDSA mula Kampo Aguinaldo hanggang Kampo Crame sa pagitan ng
mga maraming tao na nagsusuporta sa kanila.
Binalita ng Radyo Veritas noong hapon na iyon na may mga batalyon ng Marines na papunta
sa dalawang mga kampo sa silangan, at mga tangke na papunta mula sa hilaga at timog.
Dalawang kilometro mula sa mga kampo, hinarang ng libo-libong mga tao ang isang
batalyon ng tangke na nasa pamumuno ni Brigadier General Artemio Tadar sa Ortigas
Ave. Nagsiluhuran ang mga madre at nagdasal ng rosaryo, at nagkapit-bisig ang mga tao
para harangin ang mga sundalo. Sa kabila ng banta ni Tadar sa mga tao ay hindi sila umalis.

Walang nagawa ang mga sundalo sa situwasyon, at di nagtagal umurong na lang sila ng
hindi man lang nagpapaputok.
Noong gabing iyon ay bumigay na rin ang transmitter ng Radyo Veritas. Bandang hatinggabi
ay lumipat ang mga tripulante sa isang lihim na lugar para magpatuloy sa pagbo-broadkast,
sa ilalim ng pangalang Radyo Bandido. Si June Keithley ang brodkaster na nagpatuloy sa
programa ng Radio Veritas sa bagong estasyon sa nalalabing mga araw ng rebolusyon.
Hindi Pag-kakalinawan
Noong madaling araw ng Pebrero 24, Lunes, naganap ang unang matinding bakbakan sa
pagitan ng mga loyalista at mga rebeldeng sundalo. Mabilis na tinaboy ng mga Marines na
galing Libis ang mga demonstrador. Samantala, mahigit-kumulang na 3,000 Marines ang
kumubkob sa silangang bahagi ng Kampo Aguinaldo.
Noong araw ding iyon inatasan mula sa Sangley Point sa Cavite ang mga helikopter sa
pamumuno ni Major General Antonio Sotelo upang pumunta sa Kampo Krame. Lihim na
palang bumaligtad ang nasabing grupo at sa halip na atakihin ang Kampo Crame ay
lumapag sila doon. Maraming mga tao ang bumati sa mga sundalo na papalabas ng mga
helikopter. Dahil sa pangyayari ay mas lalo pang sumigla si Ramos at Enrile na patuloy pang
nananawagan sa mga sundalo na tumiwalag kay Marcos at sumapi sa kilusang oposisyon.
Bandang hapon dumating si Aquino sa lugar kung saan naghihintay si Ramos, Enrile at ang
mga opisyales ng RAM.
Ang pagkubkob sa Channel 4
Dumating kay June Keithley ang balita na papalabas na ng Malakanyang si Marcos at binalita
naman niya ito sa mga tao sa EDSA. Nagdiwang ang mga tao; maging si Ramos at Enrile ay
lumabas para magpakita sa mga tao. Subalit naging sandali lang ang saya noong lumabas si
Marcos sa Channel 4 na kontrolado ng gobyerno. Sinabi ni Marcos na hindi siya bababa sa
puwesto. Marami ang nag-isip na ang maling balita na ito ay isang paraan upang
maghikayat ng mas marami pang pagbaligtad mula sa gobyerno.
Lumusob ang mga rebeldeng sundalo, sa pamumuno ni Colonel Mariano Santiago, sa
estasyon ng Channel 4, at ang estasyon ay naputol sa ere. Nakubkob ng mga sundalo ang
estasyon. Bumalik sa ere ang Channel 4, na may boses na nagsasabing "This is Channel 4.
Now serving the people again." (Ito ang Channel 4. Naglilingkod muli sa sambayanan.)
Samantala, umabot na sa milyon ang mga tao sa EDSA. Sinasabi na ito ang senyales ng
"pagbabalik muli" sa ere ng ABS-CBN. Ito ay sa dahilan na ang mga taong nagpapatakbo ng
brodkast ng mga oras na ito ay mga dating empleyado ng ABS-CBN na pinangungunahan ng
direktor na si Johnny Manahan kasama ang pinsan ng may-ari ng ABS-CBN na si Augusto
"Jake" Lopez. Ang brodkast na ito ay pinangasiwaan nina June Keithley, dating ABS-CBN
broadkaster na si Orly Punzalan at Bong Lapira kasama ang mga paring sina Fr. Bong
Bongayan, Fr. Aris Sison at sina Fr. James Reuter.
Bandang hapon, linusob ng mga rebeldeng helikopter ang Villamor Airbase, na naging
dahilan ng pagkawasak ng ilang sasakyang pampangulo. Mayroon namang isang helikopter
na pumunta ng Malakanyang at nagpaputok ng raket, na naging sanhi ng maliit na pinsala.
Noong lumaon din ay marami nang mga opisyales na nagsipagtapos ng Akademya Militar ng
Pilipinas (Philippine Military Academy) at maging ng Hukbong Sandatahan ang tumiwalag sa
gobyerno.
Samantala, minungkahi ni Heneral Fabian Ver ang paggamit ng dahas upang matigil ang
lumalaking rebolusyon. Hindi pumayag si Marcos dito.

Ang panunumpa
Noong umaga ng Martes, Pebrero 25, bandang ikapito ng umaga, nagkaroon ng saguypaan
sa pagitan ng mga loyalista at mga rebeldeng sundalo. May mga sniper na bumabaril sa
mga rebeldeng sundalo. Subalit patuloy na sinugod ng mga rebeldeng sundalo ang estasyon
ng Channel 9, na nasa hindi kalayuan ng Channel 4.
Maya-maya lamang ay nanumpa si Corazon Aquino bilang bagong pangulo ng Pilipinas sa
isang seremonya sa Club Filipino sa Greenhills, isang kilometro mula sa Kampo
Crame. Pinasumpa si Aquino ni Senior Associate Justice Claudio Teehankee, at pinasumpa
naman si Laurel bilang Pangalawang Pangulo ni Justice Abad Santos. Hawak ni Aurora
Aquino, nanay ni Ninoy Aquino, ang bibliang ginamit sa panunumpa ni Aquino. Kasama sa
seremonya si Ramos, na na-promote bilang Heneral, si Enrile at ang iba pang mga pulitiko.
Nasa labas ang maraming mga taga-suporta ni Aquino, na karamihan ay naka-dilaw bilang
pagpapakita ng kanilang suporta. Matapos ang panunumpa ni Aquino ay kumanta sila
ng Bayan Ko.
Samantala, nanumpa naman si Marcos sa Malakanyang. Nandoon ang ilan sa kanyang mga
taga-suporta na sumisigaw ng "Marcos! Marcos! Marcos pa rin!" Ang panunumpa ay ginawa
ni Marcos sa balkonahe ng palasyo ng Malakanyang, at binrodkast ito sa nalalabing mga
estasyon ng gobyerno at ng Channel 7. Pagkatapos ng panunumpa ay umalis ang magasawa sa labas ng Palasyo. Naputol ang pagbrodkast nito noong kubkubin ng mga rebeldeng
sundalo ang mga nalalabing mga estasyon.
Marami ding mga demonstrador ang pumunta sa Mendiola, hindi kalayuan mula sa
Malakanyang, ngunit hinarang sila doon ng mga loyalistang mga sundalo. Maraming mga
demonstrador ang nagalit, ngunit inawat sila ng mga pari na nakiusap na huwag maging
marahas.

Ang Paglisan ni Marcos


Kinausap ni Marcos ang Senador ng Estados Unidos na si Paul Laxant, para humingi ng payo
mula sa White House. Pinayuhan siya ni Laxalt ng "cut and cut cleanly", na siyang
kinalungkot ni Marcos. Bandang hapon, kinausap ni Marcos si Enrile para sa kanyang ligtas
na paglisan kasama ang kanyang pamilya. Pumunta ang pamilya ni Marcos sa Clark Airbase
sa Zambales bandang ikasiyam ng gabi, bago tuluyang lumipad ng Hawaii.
Marami ang nagsisaya sa paglisan ni Marcos. Napasok na rin ng mga demonstrador ang
Palasyo ng Malakanyang, na dati ay hindi mapasok ng ordinaryong mamamayan. Maliban sa
mga naganap na nakawan, marami din ang nagsilibot sa loob ng isang lugar kung saan
binago ang kasaysayan ng bansa.
Maging ang buong mundo ay nagsaya. Ayon kay Bob Simon, isang tagapagbalita ng CBS na
isang estasyon sa Amerika, ang nagsabi "We Americans like to think we taught the Filipinos
democracy; well, tonight they are teaching the world." ("Gusto naming mga Amerikano na
isipin na kami ang nagturo sa Pilipinas ng demokrasya, ngunit ngayong gabi tinuturuan nila
ang buong mundo.") --120.28.127.87 10:58, 28 Enero 2013 (UTC)ghrtcfgyh984444
Katapusan

Matapos ang rebolusyon, marami pa ring suliranin ang kinahaharap ng bansa. Ang
ekonomiya ay kontrolado halos ng gobyerno. Sa kabila nito, sa pamumuno ni Corazon
Aquino ay unti-unting bumalik ang demokratikong institusyon sa bansa.
Isinawalang-bisa ang Saligang Batas ng 1972, at sa halip ay gumawa si Aquino ng isang
"Freedom Constitution" (Malayang Konstitusyon) upang pansamantalang maging saligang
batas, hanggang sa natapos at naratipikahan na ang Saligang Batas 1987 na siyang
kasalukuyang saligang batas ng bansa. Sa bagong saligang batas ay hindi na maaring
tumakbong muli ang isang Pangulo ng bansa, na binibigyan ng anim na taon para mamuno.

1991: Pagputok ng Bulkang Pinatubo


Tuluyan

nang

nagising

ang

60

taon

nang

natutulog

na Bulkang

Pinatubo sa Zambales, noong Hunyo 15, 1991 na naging laman ng pangunahing balita sa
mundo. Sinasabing ito ang pangalawa sa pinakamalaking pagyanig matapos ang pagputok
ng Katmai-Novarupta sa Alaska noong 1912. Ipinalagay naman sa lathalain mula sa New
York Times na ito marahil ang pinakamalaking lindol sa ika-20 siglo.
May tinatayang 740 katao ang namatay at 8,000 kabahayan ang nasira, habang may
dalawang milyon na iba pa ang naapektuhan matapos ang pagbuga nito ng abo at
nakakalasong kemikal sa atmospera kasabay ang pagbulusok ng lahar. Ang halaga ng nasira
ay umabot sa 450 milyong dolyar. Ang epekto nang pagputok na ito ay umabot sa Europa.
Dalawampung milyong tonelada ng sulfur dioxide at abo ang bumuga mula sa
bunganga ng bulkan na may layo na 20-30 kilometro pataas sa atmospera. Kumalat ito

pakanluran at umikot sa mundo sa loob ng tatlong linggo. Nabalot sa abo ang mundo ng 12
buwan. Bumama ang temperatura ng 0.5 sentigrado at ang epekto ay mas mataas na
temperatura sa Hilagang Amerika, Europa, at Siberia habang nakaranas ng mas malamig na
temperatura ang Alaska, Greenland, Middle East, at Tsina.
Nasira ang 260 metro na bahagi ng tuktok ng bulkan at ang sunod-sunod na
pagyanig sa ibat ibang lugar ay tumagal ng siyam na oras. Kasabay nito ang pagdaan ng
bagyong Yunya na nagdulot ng malawakang pag-ulan. Ang pag-ulan na ito ang dahilan
upang kumalat ang abo sa malaking bahagi ng Luzon.
Unang nagparamdam ang bulkan noong Hulyo 1990 nang nagkaroon ng lindol sa
rehiyon na may lakas na 7.8 magnitude. Sumunod ang panaka-nakang paglindol noong
Marso 1991 at nagpatuloy hanggang Hunyo.
Sa pagtutulungan ng Philvocs (Philippine Institute of Volcanology and Seismology) at
ng USGS (United States Geological Service), maagap ang pagkalap ng kagamitan sa pagsuri
ng galaw ng bulkan na dahilan upang mailikas ang libu-libong tao malapit sa lugar.

Pagpapaalis sa Base Militar ng US.


Hindi dapat pumayag ang mga Pilipino sa pakikialam ng mga banyaga, ayon sa mga
aktibistang nagsagawa ng paggunita sa ika-20 taong pagpapaalis ng Senado sa base militar
ng Estados Unidos sa bansa.
Ang nasabing paggunita ay tinampukan ng dalawang araw na pagbibisikleta mula Maynila
hanggang Subic Bay sa Zambales na tinatayang may layong 150 kilometro.
Ang mga dumalo sa dalawang araw na commemorative bike tour ay dumaan sa Bulacan,
Lungsod ng Angeles sa Pampanga, bago tuluyang pumedal patungong Subic Bay kung saan
ay matatapuan ang dating US naval base.

Ayon kay Red Constantino ng Constantino Foundation at tagapagasalita ng commemorative


tour, ang patutol ng Senado sa pananatili ng mga base militar ng Estados Unidos sa bansa
noong 1991 ay hindi sapat.
Binigyang diin niya na kailangan ipagpatuloy ng mga Pilipino ang laban at tiyaking hindi
makikialam ang mga banyaga sa pamamahala sa bansa.
Hindi pa tapos ang laban natin, we still have to assert our sovereignty, aniya at sinabing
sa kasalukuyan ay parang namimili ang maraming Pilipino sa US at Tsina.
Ayon kay Contantino, ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino, ngunit may mga Pilipino na
isinusuko ang kakayahan at ang nais ay mangamuhan sa mga Amerikano at Tsino.
Hindi ito usapin kung sino ang magandang amo. Ito ay usapin ng ating pagsasarili bilang
bansa at paghawak ng responsibilidad bilang mamamayan para sa pag-unlad ng bansa, ani
Constantino.
Binigyang diin niya na sa kasalukuyan ang pinakamalaking problema at kalaban ng mga
Pilipino ay hindi ang US o ang Tsina, sa halip ay ang maiikli at kawalan ng alaala.
Ayon kay Constantino, maraming Pilipino partikular na ang mga isinilang noong dekada 90
ang hindi nauunawaan ang mga dahilan kung bakit tinutulan ng Senado noong 1991 ang
pananatili ng mga base militar ng US sa Subic Bay sa Zambales at Clark Field sa Pampanga.
Matataandaan na bago tuluyang lisanin ng mga Amerikano ang dalawang base military
kaugnay ng pagputok ng bulkang Pinatubo ay 12 senador ng republika ang nanindigan at
tumutol sa kanilang pananatili.
Ayon kay Contantino, noong una ay walong senador lamang ang tumututol sa pananatili ng
base military ng US sa bansa, ngunit di nagtagal ay umabot ang kanilang bilang sa 12.
Sila ay sina dating senador Wigberto Taada, Jovito Salonga, Ernesto Maceda, Aquilino
Pimentel, Victor Ziga, Teofisto Guingona, Rene Saguisag, Joseph Estrada, Butch Aquino, Orly
Mercado, Sotero Laurel, at Senador Juan Ponce Enrile na ngayon ay Pangulo ng Senado.
Ayon kay Constantino, bibigyang parangal nila sa Setyembre 16 ang 12 senador bilang
pagkilala sa kanilang paninindigan laban sa base militar ng US noong 1990.
Samantala, sinabi ni Isagani Giron, chairman emeritus ng Samahang Pangkasaysayan ng
Bulacan (Sampaka) na halos 200,000 Pilipino ang nagmartsa sa Senado noong 1991 bilang
pagsuporta sa 12 senador.
Ayon kay Giron, ang karamihan sa mga nagsipagmartsa ay nagmula sa Gitnang Luzon.
Ang mga ito ay dumaan sa Macarthur Highway, na siya ring dinaanan ng mga kasama ni
Constantino noong Biyernes para sa muling pagtahak sa dinaanan ng mga nagsipagmartsa
noong 1991.

Pagpapaalis sa Base Military ng US.

You might also like