You are on page 1of 3

ANG PANUNUNGKULAN NI

CORAZON COJUANGCO AQUINO


( 1986 – 1992 )
Matapos ang makasaysayang 1986 People Power Revolution, umupo sa pwesto ng pagkapangulo ang biyuda
ng dating Senador Benigno Aquino Jr. na si Corazon “ Cory “ Aquino. Ang ginawang sandigan ng kaniyang
pagkaluklok ay ang resulta ng NAMFREL ( National Citizen’s Movement for Free Election ) sa naganap na snap
election. Pinagtibay rin ito ng hukuman. Tinawag na “ Pamahalaang Rebolusyonaryo” ang administrasyon ni Aquino,
bunsod ng kanyang pagkakaluklok sa panahon ng 1986 People Power Revolution.

MGA NAIAMBAG SA BANSA


Isa sa mga malalaking ambag ni Cory Aquino sa kasaysayan ang pagkakatatag ng dalawang saligang batas sa
kanyang termino ng pagkapangulo. Upang lubusang maibalik ang demokrasya sa bansa, pinalitan niya ang Saligang
Batas ng 1973. Ipinalit niya rito ang Saligang Batas ng 1986 o mas kilala sa tawag na Freedom Constitution.

Masidhi ang pagpapanumbalik ni Aquino ng demokrasya sa bansa. Bunga nito, ang mga probisyong nilalaman
ng mga itinatag niyang saligang batas ay malaki ang pagpapahalaga sa mga mamamayan. Gayunpaman, upang
maiwasan ang muling pag-abuso sa mga karapatan, idiniin din ang ilang tungkulin at obligasyong dapat gampanan
ng bawat mamamayan.

ANG MGA KARAPATAN AT TUNGKULIN NG MGA MAMAMAYAN:


MULA SA SALIGANG BATAS NG 1986 O FREEDOM CONSTITUTION
Ang artikulong naglalaman ng mga mamamayan sa Freedom Constitution ay hinalaw lamang sa Saligang Batas
ng 1973. Kung tutuusin, pareho lamang ang umiiral na karapatan sa parehong saligang batas. Ngunit dahil
mayroong mga probisyong tinanggal at mayroon ding dinagdag sa bagong konstitusyon, higit na nadama ng
mga Pilipino ang bias at pagkalehitimo nito.

Ilan sa mga karapatang nakasaad dito ay ang :

- karapatang mabuhay at maging malaya;

- karapatang mamili at sumapi sa alin mang relihiyon;

- karapatan ng malayang pamamahayag;

- karapatang dinggin sa Hukuman ang kasong maaaring kaharapin;

- karapatang magkaroon ng libreng abogado sakaling maharap sa kaso; at

- karapatang bumoto.

Kaugnay nito , mayroon ding mga tungkulin at obligasyon ang mga mamamayan upang hindi maabuso ang
tinatamasang karapatan. Nakasaad sa Artikulo V ng Saligang Batas ng 1973:

- tungkulin ng bawat mamamayan na maging tapat sa Republika at galangin ang pambansang watawat ng
Pilipinas, protektahan ang Estado at tumulong para sa ikauunlad nito , suportahan ang Konstitusyon at sumunod
sa mga batas , at makiisa sa mga awtoridad tungo sa isang maayos na lipunan.

- tungkulin ng bawat mamamayan ang maayos at responsableng paggamit ng kanyang mga karapatan, na may
paggalang sa mga karapatan ng ibang mamamayan.

- tungkulin ng bawat mamamayan na magkaroon ng sapat na hanapbuhay upang mabigyan ang sarili at ang
kanyang pamilya ng hanapbuhay na may dignidad.

- tungkulin ng bawat mamamayang nasa hustong gulang sa pagboto na magparehistro at bumoto.

MULA SA SALIGANG BATAS NG 1987


Dahil nakasaad sa Freedom Constitution ang pagtatatag ng bagong saligang batas, dagling nagtakda si Aquino
ng komisyon na gagawa nito. Isang taon lamang ang lumipas, naitatag na ang bagong konstitusyon , ang
Saligang Batas ng 1987 na ating ginagamit hanggang sa kasalukuyan.

Ang mga karapatang nakasaad sa Saligang Batas ng 1987 ay halos tugma rin sa mga nakasaad sa Saligang
Batas ng 1973, maliban na lamang sa ilang probisyong idinagdag gaya ng:

- karapatan ng isang akusado na maligtas mula sa karahasan at pananakot ng sino man;

- karapatan ng isang akusado na maligtas mula sa sapilitang pagkakakulong o pagkakaalipin; at

- karapatan ng iasang akusado sa maligtas sa kahit anong kaparusahang hindi angkop o makasasama sa
kanyang katawan at pag-iisip.

Kaugnay ng mga karapatang ito, binuo ang Presidential Commission on Human Rights ( PCHR ) na naglalayong
magsiyasat sa mga paglabag sa karapatang pantao at mabigyang-proteksyon ang mga karapatang ito.

Bukod sa mga karapatan ng mga Pilipino, pinagtibay din ni Aquino ang reorganisasyon ng pamahalaan. Ang
dating Presidential Commission on Reorganization ay ginawang Presidential Commission on Government
Reorganization. Binuo rin ang Presidential Commission on Good Government ( PCGG ) , na pinamumunuan ni Jovito
Salonga, upang bawiin ang lahat ng diumano ay nakaw na yaman ni Marcos.

Pagdating sa seguridad, nagsagawa si Aquino ng mga paraan upang mapasuko ang mga kababayang kontra sa
pamahalaan. Nagpaunlak siya ng diskusyon sa pagitan ng pamahalaan at lider ng Moro National Liberation Front
( MNLF ) na si Nur Misuari. Dahil ditto, nagkaroon ng pansamantalang katahimikan at tigil-putukan . Pinalaya rin ang
mga lider ng mga kilusang komunista na sina Jose Ma. Sison ng CPP at Bernabe Buscayno ng NPA

Sa administrasyon ni Cory Aquino, lumawak at naging matatag din ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa iba’t
ibang bansa. Pinagkalooban din ng lokal na autonomiya na makapagsarili at makapagpataw ng karagdagang buwis
ang mga pamahalaang lokal, kabilang na ang Autonomous Region in Muslim Mindanao ( ARMM ).

Nasolusyonan din ang mga suliranin sa kalusugan sa pamamagitan ng pagsasatupad ng Batas Generic na
nagtaguyod ng pagrereseta ng mas murang mga gamot sa mamamayan.

Binigyan-pansin din ang pagsasagawa ng alternatibong paraan ng pagtuturo. Para sa kabataang Muslim, itinatag
ang Madrasah o pribadong pag-aaral na nakapokus sa araling Islam. Nagbigay din ng pagkakataong
makapagpatuloy ng pag-aaral ang mga nahinto sa pag-aaral sa pamamagitan ng Accreditation and Equivalency
Program .

Pinilit ni Aquino na paunlarin ang ekonomiya ng lahat ng antas ng lipunan. Patunay ditto ang paglagda niya
sa Comprehensive Agrarian Reform Program noong 1988 na nagbigay ng ganap na pagmamay-ari ng magsasaka
sa lupang kanyang sinasaka; at ang paglikha niya sa People’s Economic Council na nagbigay ng hanapbuhay sa
maraming Pilipino.

Pinagyabong din ang paglilingkod ng Department of Labor and Employment ( DOLE ) at Philippine Overseas
Employment Administration ( POEA ). Dahil sa mga ahensiyang ito ng pamahalaan, marami sa mga Pilipino ang
nagkaroon ng karapatan at pagkakataon na makahanap ng permanenteng trabaho na may maayos na kita .
Malaki rin ang naitulong ng mga Overseas Filipino Workers ( OFW ) sa pagganda ng ekonomiya dahil nakadagdag
sa kita ng bansa ang mga ipinadadala nilang dolyar sa Pilipinas.

MGA SULIRANING KINAHARAP


Matapos mapaalis ng People Power Revolution sa pagkapangulo si Marcos, si Aquino naman ang sumalo sa
lahat ng suliraning pasan ng bansa. Isa sa mga ito ay ang patuloy na pag-alsa ng mga komunistang kilusan.
Nais ni Aquino na magkaroon ng pagkakaisa sa pagitan ng gobyerno at ng mga komunista kaya’t nakipag-
diskusyon siya sa isa sa mga lider nito na si Nur Misuari. Nagkaroon ng ceasefire ngunit hindi iyon nagtagal.
Hindi nagkasundo ang dalawang partido sa ideya ng paghahabi ng bagong konstitusyon noong 1987, maging sa
mga puntong nilalaman nito. Kumalas sa kasunduan ng ceasefire ang MNLF.

Bago pa man ang sunod-sunod na suliranin laban sa mga komunistang samahan, nagkaroon na ng tangkang
kudeta sa administrasyon. Bunga ito ng hindi pagsang-ayon ng ilang tauhan ng military sa pamamalakad ni
Aquino. Ang bayani ng EDSA Revolusyon na si Juan Ponce Enrile ay pinagbitiw sa pwesto bilang Ministro ng
National Defense para sa pagiging utak ng tangkang kudeta laban kay Aquino noong Nobyembre 1986. Kaugnay
nito, binagong-tatag din ni Aquino ang kaniyang gabinete. Gayunpaman , nasundan ng ilan pang tangkang kudeta
ang administrasyon.
Isa pang pangunahing suliranin na dinanas ng bansa sa ilalim ng administrasyong Cory Aquino ay ang
madalas na blackout, na kadalasang tumatagal ng 12 oras. Binaha rin ng mga natural na kalamidad ang
Pilipinas sa kanyang pamamahala. Nagkaroon din ng ilang kaso ng karahasan laban sa mga demonstrador na
magsasaka gaya ng Mendiola Massacre. Ang ekonomiya ng Pilipinas ay tumaas ng 67 porsiyento noong 1988
subalit dagli ring bumaba nang nga sumunod na taon dahil sa mga kudeta, natural na kalamidad, at iba pang
suliranin ng bansa.

Sa kabila ng pag-uudyok ng kanyang mga kaalyado at mga kaibigan, hindi muling tumakbo sa pagkapangulo si
Aquino. Sa halip, ibinigay niya ang kanyang suporta sa Defense Secretary na si Fidel Ramos bilang kandidato sa
pagkapangulo. Noong eleksiyon ng 1992, nanalong ikalabing-dalawang pangulo ng Pilpinas si Ramos. Maluwag na
tinanggap ni Aquino ang pagbaba sa pwesto.

You might also like