You are on page 1of 2

Ang Administrasyon ni Pangulong Corazon C.

Aquino
(1986-1992)
Si Corazon Cojuangco Aquino ang naging ika-11 at kauna-unahang babaeng pangulo ng Republika ng
Pilipinas.
Isinaayos niya ang mga pangunahing institusyon ng demokrasya gaya ng mga sumusunod:
1. pagbalangkas ng bagong saligang batas
2. Pagdaraos ng malinis na halalang pambansa,
3. Pagpapanumbalik ng kalayaan sa pagpapahayag, at
4. Pag-aabot ng kamay ng kapayapaan sa mga sesesyonista at rebeldeng komunista.
Mga Nagawa ni Pangulong Cory Aquino.
Proklamasyon ng Pangulo Blg. 2 – na nagtanggal sa suspensyon ng writ of habeas corpus.
Proklamasyon ng Pangulo Blg. 3 – pinawalang bisa nito ang saligang batas ng 1973 at pansamantalang ipinalit
ang Freedom Constitution
Narito ang ilang mahahalagang tadhana ng Freedom Constitution
* pagbuwag ng Batasang Pambansa
*Pagtatalaga ng 50 miyembro mula sa iba’t ibang sektor na bubuo sa Komisyong Konstitusyonal ng 1986
upang balangkasin ang isang bagong Saligang Batas.
*pagkakaroon ng pansamantala ni Pang. Aquino ng kapangyarihang ehekutibo at lehislatibo hanggang
magkaroon ng bagong Saligang Batas
* Pagdaraos ng mga halalang lokal at pambansa.
Kasaysayan ng Saligang Batas ng Pilipinas
1. Konstitusyon ng Biak na Bato
-Ang unang konstistusyon ng katipunan na ginawa pagkatapos ng kamatayan ni Bonifacio.
-Ito ay upang bigyan ng matibay na pundasyon ang mabubuo pa lang na pamahalaan.
2. Konstitusyon ng Malolos – Itinadhana nito ang pagtatatag ng Unang Republika sa pamumuno ni Aguinaldo.
3. Konstitusyon ng 1935 – Konstitusyong ginamit upang pamahalaanan ng mga Amerikano ang Pilipinas. Ginamit din ito
upang maisagawa ang Pamahalaang Komonwelt gamit ang Batas Tyding-McDuffie
4. Konstitusyon ng 1942 – Layunin ng konstitusyon na makumbinsi ang mga Pilipino para kumampi sila sa mgaHapones.
5. Konstitusyon ng 1973 – Ito ang bumuo ng pamahalaang parlamentaryo sa Pilipinas sa isang illegal na paraan.
6. Freedom Constitution of 1986 – Ito ang naging transitionary constitution pagkatapos ng People Power Revolution.
Ito ang naging gabay habang isinusulat ang Saligang Batas ng 1987.
7. Konstitusyon ng 1987 – Ito ang kasalukuyang konstitusyon na ginagamit ng bansa.
Pagbalangkas ng Bagong Saligang Batas
- Binuo ni Pangulong Aquino ang Komisyong Konstitusyonal sa bisa ng Proklamasyon ng Pangulo Blg. 9. Itinalaga
niya ang 50 miyembro ng Komisyon sa pamumuno ni dating Supreme Court Justice Cecilia Munoz-Palma upang
balangkasin ang isang bagong saligang batas na magtataguyod sa kalayaan at demokrasya.
- Pebrero 2, 1987 nagkaroon ng isang plebesito.
- Ang Saligang Batas ng 1987 ang nagwakas sa rebolusyonaryong pamahalaan ni Pangulong Aquino at ito ang
naging hudyat ng panunumbalik ng demokrasya sa bansa.
- Pamahalaang rebolusyonaryo ang tawag sa pamahalaang itinatag sa panahon ng himagsikan.
Ang Saligang Batas ng 1987
Pormal na tinapos ng Con-Com ang kanilang sesyon noong Oktubre 15, 1986. Ang nasabing saligang batas ay binubuo ng
109 pahina na may panimula, 18 artikulo, 321 seksyon, ordinansa at mahigit sa 20,000 salita. Inihain ito at nilagdaan ng
pangulo sa araw ding iyon.
Pebrero 11, 1987 pormal na idineklara ni Pang. Aquino ang pagpapatibay sa Saligang Batas ng 1987.
Narito ang 18 artikulo ng Saligang Batas 1987
I – Pambansang Teritoryo IX – Ang mga Komisyong Konstitusyonal
II – Pahayag ng mga Simulain at Patakaran ng Estado X – Pamahalaang Lokal
XI – Kapanagutan ng mga Pinunong Bayan III – Katipunan ng mga Karapatan
IV – Pagkamamamayan XII – Pambansang Ekonomiya at Patrimonya V – Karapatan sa Halal
XIII- Katarungang Panlipunan at Karapatang Pantao VI – Ang Kagawarang Tagapagbatas
VII – Ang Kagawaran ng Tagapagpaganap XIV – Edukasyon, Agham at Teknolohiya, Mga Sining, Kultura at Sports
VIII – Ang Kagawarang Panghukuman XV- Ang Pamilya XVI – Mga Tadhanang Pangkalahatan
XVII – Mga Susog o Mga Pagbabago XVIII – Mga Tadhanang Lilipas
Mga Mahahalagang Balangkas ng Saligang Batas 1987
1. Kalayaan sa Pagpili sa Pamamagitan ng Halalan. 2. Malayang Sistemang Hudisyal
3. Malayang Kongreso 4. Kalayaan sa Pagpapahayag 5. Pagpapanumbalik ng Kapayapaan at Kaayusan
6. Pagbibigay-Kapangyarihan sa Taumbayan sa Pamamagitan ng Lehislasyon
7. Pagpapalakas ng Burukrasya - Ito ay tumutukoy sa isang sistema ng pamahalaan na binubuo ng mga kagawaran at
tanggapang may tiyak na tungkulin sa ilalim ng kontrol ng pinuno ayon sa hirarkiya.
8. Pagpapasigla ng Kabuhayan - Tinanggal ng Pangulong Aquino ang kapitalismong cronyism at mga kartel pang-
ekonomiya. Kartel – ay pormal na kasunduan ng mga magkakatunggaling kompanya.
Ito ay tumutukoy rin sa pormal na organisasyon ng mga prodyuser at manupakturer upang magkakasundong manipulahin
ang mga presyo ng mga bilihin, pagtitinda at produksiyon.
9. Ugnayang Panlabas

You might also like