You are on page 1of 14

Mga Kaganapan sa

EDSA People
Power Rebolusyon

MODYUL 2
Tunay na makasaysayan ang matahimik at
matiwasay na pakikibaka ng mga Pilipino noong
Pebrero 22-25, 1986 sa Efipanio Delos Santos
Avenue upang makamit ang kapayapaang
kanilang ninanais para sa bayan.
MGA PANGYAYARI
NOONG PANAHON NG
1986 EDSA Rebolusyon
Pebrero 22, 1986
*Bunsod ng malawakang dayaan sa isinagawang
Snap Election, nagbunga ito ng pagtiwalag sa
administrasyong Marcos nina Vice Chief of Staff ng
Sandatahang Lakas Fidel V. Ramos at ni Juan Ponce
Enrile, Minister ng Tanggulang Pambansa at nanawagan
silang magbitiw sa pagkapangulo si dating Ferdinand
Marcos.
Pebrero 22, 1986

*Idineklara nila ang pagsuporta kay


Corazon Aquino na sa kanilang paniniwala na ito
ang nagwagi sa Snap Election.
* Hinikayat ni Ramos ang mga militanteng
sundalo sa
isang rebelyon.
Pebrero 22, 1986

*Nakikipag-ugnayan si Enrile kay Jaime Cardinal


Sin at humingi ng suporta sa taong bayan.
* Upang maiwasan ang pagdanak ng dugo, nanawagan si
Jaime Cardinal Sin, lider ng simbahang Katoliko, sa mga
Pilipino na sama-samang mag-alay ng panalangin
para sa kapayapaan ng bansa.
Pebrero 23, 1986
* Pinasabog ang istasiyon ng Radio Veritas sa
Bulacan upang mapigilan ang balita ukol sa rebelyon.
*Libo-libong mga tao ang lumabas ng kanilang
tahanan at nagtungo sa Edsa dala ang mga pagkain,
inumin at handang ialay ang kanilang sarili para sa
demokrasya
ng bayan.
Pebrero 23, 1986
* Pinasabog ang istasiyon ng Radio Veritas sa
Bulacan upang mapigilan ang balita ukol sa rebelyon.
*Libo-libong mga tao ang lumabas ng kanilang
tahanan at nagtungo sa Edsa dala ang mga pagkain,
inumin at handang ialay ang kanilang sarili para sa
demokrasya
ng bayan.
Pebrero 23, 1986
*Hinarang ng mamamayan ang mga sundalong
handing salakayin ang Kampo Crame, tinakot na sila’y
babarilin ngunit nanatili sila sa pwesto.
*Dasal, rosaryo at bulaklak ang nagging handog ng
mga mamamayan sa mga sundalo upang maiwasan ang
madugong laban at ang kapayapaan.
Pebrero 24, 1986
* Binomba ng mga loyalista ang mga barikada ng
mga tao sa pamamagitan ng tear gas.

* Napabalitang si Pangulong Marcos at ang kanyang


buong pamilya ay tumakas patungong Guam.
Pebrero 24, 1986
*Pinatunayan ni Pangulong Marcos na siya at
kanyang pamilya ay mananatili sa bansa at siya ay hindi
bababa sa puwesto alinsunod sa pakiusap ng Amerika.

*Nagdeklara ng State of Emergency at nagpatupad


ng curfew mula 6 ng gabi hanggang 6 ng umaga ngunit
walang sumunod sa kanyang ipinag-utos.
Pebrero 25, 1986
* Nanumpa bilang kauna-unahang babaeng
pangulo ng Pilipinas ni Cory Aquino na pinangasiwaan ni
Claudio
Teehankee, Supreme Court Senior Justice sa Club
Filipino.
*Inilagay sa puwesto sa gabinete ni Cory ang mga
sumununod: bilang Bise-Presidente – Salvador Laurel,
Chief Staff ng sandatahang lakas- Fidel V. Ramos,
Ministro ng Depensa- Juan Ponce Enrile.
Pebrero 25, 1986
*Nanumpa rin si Pangulong Ferdinand Marcos sa
Malacaῆang.

* Naramdaman ni Pangulong Marcos ang patuloy niyang


pagbagsak, kaya nilisan ang Pilipinas kasama ang
kanyang buong pamilya at malalapit na mga kaibigan.
Pebrero 25, 1986

*Nagdiwang ang sambayanang Pilipino sa


pagbagsak ng rehimeng Marcos.

* Sa pamamagitan ng mapayapang pagkilos


muling nakamit ang kalayaan ng Pilipinas

You might also like