0% found this document useful (0 votes)
84 views27 pages

Week 2 - Day 1

Araling Panlipunan 7
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
84 views27 pages

Week 2 - Day 1

Araling Panlipunan 7
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd

WEEK 2 - DAY 1

MODYUL 1: ISIP AT
KILOS-LOOB
DALAWANG URI NG PANDAMDAM

1. Ang panlabas na pandamdam na kinabibilangan ng


paningin, pandinig, pandama, pang-amoy at panlasa
2. Ang panloob na pandamdam na binubuo ng
kamalayan, memorya, imahinasyon at instinct.
PAGGAMIT NG PANDAMDAM
PAGGAMIT NG PANDAMDAM

Batay sa mga larawan, ano -anong


pandama ang ginamit at ito ay
ipaliwanag?
WEEK 2 – DAY 2
ANG DIGNIDAD NG TAO

Ang dignidad ay salitang Latin na dignitas, mula sa


dignus, na ang ibig sabihin ay “karapat-dapat”. Ibig
sabihin, dahil sa taglay niyang dignidad, karapat-dapat
ang tao sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang sarili
at kapuwa. Lahat ng tao, anuman ang kanilang gulang,
anyo, antas ng kalinangan at kakayahan, ay may dignidad.
ANO ANG ITINUTURING NA PAGIGING
MORAL?

Ang pagiging moral ay ang paggawa ng mabuting kilos ayon


sa iyong konsensiya. Sa pagiging moral, napananatili ang
kaayusan ng pamayanan na iyong kinabibilangan at naiingatan
ang karapatan ng bawat isa tungo sa tunay na kalayaan. Ito ay
pagsaalang-alang sa kapakanan ng kapwa bago kumilos.
Gawain: “Web Map”
1. Gamit ang web map, bigyan ng kahulugan ang salitang
“dignidad” sa pamamagitan ng pagguhit ng mga larawan, pagsulat
ng mga salita o liriko ng awit na maaaring iugnay rito. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.
2. Sagutin ang mga tanong.
a. Saan nagmula ang pagkaunawa mo sa salitang
“dignidad”?
b. Sino-sino ang nagtataglay nito?
c. Ano-ano ang maaari mong gawin upang
pangalagaan ang iyong dignidad at ng iyong kapuwa?
TAKDANG ARALIN:
PAANO KO GINAMIT ANG
AKING ISIP AT KILOS-LOOB?

Maghanap ng iyong litrato na nagpapakita ng iyong


achievement tulad ng graduation o pagkapanalo sa
isang kompetisyon at ito ay ilagay sa short bond
paper. Magdala rin ng ruler.
WEEK 2 – DAY 3
KAHULUGAN NG ISIP
Ang isip ay ang kapangyarihan ng tao na makaalam at
mangatuwiran. May kakayahan itong mag-isip, alamin ang
diwa at buod ng isang bagay. Kapangyarihan din ng isip ang
humusga, sumuri, mag-alaala at umunawa ng kahulugan ng
mga bagay
KAHULUGAN NG
KILOS-LOOB
Ang kilos-loob ay ang kapangyarihan ng tao na pumili,
magpasiya at isakatuparan ang napili. Ayon kay Santo Tomas
de Aquino, ito ay isang makatuwirang pagkagusto (rational
appetency) na naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Ang
pangunahing gamit ng kilos-loob ay kumilos o gumawa at
kabutihan naman ang tunguhin nito
Gawain 4. Paano ko ginamit ang aking isip at kilos-loob?
Panuto:

1. Ipaliwanag kung paano mo ginamit ang iyong isip at kilos-


loob kaugnay ng napili mong litrato batay na rin sa mga
nakalipas na pangyayari sa iyong buhay.
2.Ipaliwanag din kung anong mga pasiya ang nais mong
ituwid o paunlarin sa iyong sarili upang mas lalo mong
mapaunlad ang iyong pagkatao.
WEEK 2 – DAY 4
RECITATION TIME!
WEEK 2 - DAY 5
PAGSUSULIT
1. Ang tao ay may taglay na dignidad. Ano ang
nararapat ibigay sa tao?
a. pagmamalasakit at pag-unawa
b. pagpapahalaga at paggalang
c. pagkalinga at paggalang
2. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita
ng moral na pamumuhay?
a. Pagbibigay ng pagkain sa mga pulubi upang
makita ng ibang tao.
b. Pagpuna sa pagkakamali ng anak sa harap ng mga
kaibigan.
c. Pagtuturo ng kagandahang asal sa anak
3. Ano ang batayan ng paggalang sa dignidad ng
tao?
a. Ang pagkakaroon ng tao ng isip lamang.
b. Maging tapat sa lahat ng ginagawa at sa
pakikitungo sa kapwa.
c. Ang kakayahang mag-isip at pagiging malaya.
4. Ano ang nagsisilbing motibasyon upang
umunlad ang pagkatao ng isang minamahal at
nagmamahal?
a. Paggalang
b. Pagmamahal
c. Pagmamalasakit
5. Ano ang itinuturing na pagiging moral?
a. Ito ay paggalang sa buhay ng kapwa.
b. Ito ay pakikitungo sa kapwa ayon sa nais na
gawin nilang pakikitungo sa iyo.
c. Ito ay pagsaalang-alang sa kapakanan ng kapwa
bago kumilos.
1 - 10. Kung ikaw ang nasa katayuan ng iyong kapuwa,
ano ang magiging damdamin mo kung hindi iginagalang
ang iyong dignidad? Ipaliwanag.

11 - 20. Bakit kailangang igalang mo ang dignidad mo at


ng iyong kapuwa?
ANSWER
KEY
1. B
2. C
3. B
4. A
5. C

You might also like