MODULE 2: ANG MATAAS NA GAMIT
AT TUNGUHIN NG ISIP AT KILOS-LOOB
Prepared by: Daisylin S. Icao
Bilang persona, ano-
ano ang ginagawa
mo upang malinang
ang iyong pagka-
sino?
• Ikaw ay isang obra meastra
ng Diyos sapagka’t ikaw ay
nilikhang kawangis Niya.
May epekto ba ang
katagang ito sa iyo?
3. Ano ang kakayahang taglay ng
bawat isa upang sundin ang sinasabi
1. Anong ang mayroon sa bawat isa ng babala?
upang Makita ang babala? 4.Ano ang inaasahang magiging tugon
2. Ano ang kakayahang taglay ng ng bawat isa sa babala?
bawat isa upang maunawaan ang 5. Saan binatay ang pagtugon ng
sinasabi ng babala? bawat isa sa babala? ipaliwanag
ISIP AT KILOS-LOOB
• Isip – kawangis ng Diyos ang tao dahil sa
kakayahan niyang makaalam at magpasya ng
malaya. Ang kapangyarihan niyang
mangatuwiran ay tinatawag na isip.
• Kilos-loob – ay ang kapangyarihan pumili,
magpasya at isakatuparan ang pinili.
TAO: ANG NATATANGING NILIKHA
• May tatlong uri ng nilikhang may buhay sa mundo:
• ang halaman, ang hayop at ang tao.
• Katulad sa halaman, ang tao ay nangangailangang alagaan
upang lumaki, kumilos at dumami. Kumukuha siya ng
sapat na sustansiya upang makaya niyang suportahan ang
sarili.
• Katulad sa hayop ang tao ay may damdamin kaya’t siya’y
nasasaktan, marahil dahil sa kapabayaan o pagpapahirap.
Paano naiiba ang tao sa ibang nilikha?
• Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr.
ang tao ay may tatlong
mahahalagang sangkap: ang
isip, puso at kamay o
katawan.
Isip
• Ang isip ay ang kakayahang mag-isip,
alamin ang diwa at buod ng isang bagay.
Ito ay tinatawag na katalinuhan,
katwiran, intelektuwal na kamalayan,
konsensiya at intelektuwal na memorya
batay sa gamit nito sa bawat pagkakataon.
Puso
• Ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa
buong pagkatao ng tao. Nakararamdam ito ng lahat ng
bagay na nangyayari sa ating buhay. Dito
nanggagaling ang pasya at emosyon, dito hinuhubog
ang personalidad ng tao. Lahat ng kasamaan at
kabutihan ng tao ay dito nakatago.
Kamay o katawan
• Ito ay sumasagisag sa pandama, panghawak,
paggalaw, paggawa at pagsasalita(sa bibig o
pagsulat). Ito ang karaniwang ginagamit sa
pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa. Sa
pamamagitan nito naipapakita ng tao ang nagaganap
sa kanyang kalooban at ito ay instrumento sa
pakikipag-ugnayan sa ating kapwa.
ISIP
• Sa pamamagitan ng isip, ang tao ay naghahanap ng
katotohanan; kaya’t patuloy siyang nagsasaliksik upang
makaunawa at gumawa nang naaayon sa katotohanang
natuklasan.
• Ang pandamdam ng tao ay nakatutulong upang makamit
ang katotohanang ito. Sa pamamagitan ng kaalamang
natuklasan maari siyang gumawa para sa ikabubuti ng
kanyang kapwa.
KILOS-LOOB
• Isang makatwirang pagkagusto) sapagkat ito ay pakultad na naaakit
sa mabuti at lumalayo sa masama.
• Ang tunguhin ng kilos-loob ay ang kabutihan, hindi siya naaakit sa
kasamaan, hindi nito kailanman magugustuhan ang mismong
masama. Nagaganap lamang ang pagpili ng masama kung ito ay
nababalot na kabutihan at nagmumukhang mabuti at kaakit-akit.
• Ito ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip. Ito rin ang
nagbibigay ng kapangyarihan sa tao na gumawa at pumili, kung
kaya’t siya ang ugat ng mapanagutang kilos.
Pangkat 1-Sitwasyon 1
• Magkakasama kayo ng ilan sa iyong mga kaklaseng kumakain sa kantina.
Masaya kayong nagkukuwentuhan nang biglang napunta ang usapan tungkol
kay Liza, isa rin sa inyong kaklase. Wala siya sa grupo ninyo nang oras na
iyon. Ayon sa isa ninyong kasama, nakikipagrelasyon ito sa isang lalaking
may asawa. Kapitbahay ninyo si Liza.
• 1. Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito?
• 2. Ano ang magiging epekto ng gagawin mo sa mga kaklase mong
nagkukuwentuhan tungkol kay Liza?
• 3. Ano ang magiging epekto kay Liza ng gagawin mo?
• 4. Ano ang magiging epekto sa iyo ng gagawin mo?
• 5. Babaguhin mo ba ang naging pasya mo? Bakit oo? Bakit hindi?
Pangkat 2-Sitwasyon 2
• May inirekomendang pelikula ang matalik mong kaibigang dapat
mo raw panoorin dahil maganda ito ayon sa kanya. Mag-isa kang
nanonood nito sa inyong bahay ngunit sa kalagitnaan ng
pelikula, may isiningit palang malaswang eksena (pornograpiya).
• 1.Ano ang gagawin mo sa pagkakataong ito?
• 2. Ano ang magiging epekto sa iyo ng gagawin mo?
• 3. May epekto rin ba sa ibang tao ang gagawin mo? Kanino?
Pangatuwiranan.
• 4. Gagawin mo pa rin ba ang iyong piniling gawin? Bakit?
Pangkat 3-Sitwasyon 3
• Sinisiraan ka ng iyong kaibigan sa crush mo. Natuklasan mong
kaya niya ginawa ito ay dahil crush din pala niya ang crush mo.
• 1. Ano ang mararamdaman mo sa pangyayaring ito?
• 2. Ano ang gagawin mo sa kaibigan mo? May kaugnayan
ba ito sa iyong nararamdaman o emosyon?
• 3. Ano ang magiging epekto nito sa kaibigan mo?
• 4. Ano ang magiging epekto nito sa iyo?
• 5.Papalitan mo ba ang iyong piniling gagawin?