MODULE CODE: PASAY-AP6-Q4-W2-D1
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________
DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6
Ikaapat na Markahan/Ikalawang Linggo/ Unang Araw
MELC 2: Natatalakay ang mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipinong nagbigay daan
sa pagwawakas ng Batas Militar.
People Power I
Layunin: Naiisa-isa ang mga pangyayaring naganap sa panahon ng Batas Militar
Hal. Aquino Sr., Salonga, Lopez, Diokno, Lino Brocka
Lalong sumidhi ang diskontento ng mga Pilipino sa pamahalaan sa kabila ng mga
pagbabagong naganap sa panahon ng diktaturya ni Marcos. Nabawasan ang tinatamasang
Kalayaan ng mga Pilipino at nagkaroon ng mga paglabag sa mga karapatang pantao sa ilalim
ng panahon ng Batas Militar. Ipinasara ang mga pahayagan, palimbagan, istasyon ng radyo
at telebisyon sa buong bansa. Ang ilan sa mga pangangailangang pampubliko ay pinatakbo
ng pamahalaang Marcos katulad ng Philippine Long Distance Company (PLDT), ang Manila
Electric Company (na pag-aari ng mga Lopez), ang Iligan Integrated Steel Mill at ang ilang
mga eroplano.
Pinigilan din ang pagbibiyahe sa ibang bansa. Ipinagbawal ang mga demonstrasyon
ng mga estudyante, propesyonal at iba pa kasama ang pagbabawal sa mga pagwewelga at
mga pampublikong pagpupulong ng mga manggagawa. Lahat ng mga taong bumabatikos sa
pangulo ay inaresto at kinumpiska ang mga sandata ng mga tao. Karamihan sa mga ito ay
dinakip, kinulong o pinarusahan at ang ilang pinapatay ay mula sa hanay ng mga
mamamahayag o mga Pilipinong kalaban nya sa pulitika.
Narito ang ilan sa mga piling taong-bayan na bumatikos sa rehimeng Marcos:
Benigno “Ninoy” Aquino Jr. -senador bago ang Batas Militar na kasama sa mga
nangunang tumutol sa proklamasyon ng Batas Militar. Malakas ang kanyang hinala na
ginamit lamang ni Marcos ang proklamasyon Blg. 1081 upang manatili sa katungkulan
pagkalipas ng 1973. Isa rin siya sa mga pinabilanggo ni Marcos dahil sa kanyang pagtutol sa
rehimen nito. Pinayagan siyang pumunta ng Amerika upang magpagamot. Pagkatapos ng
ilang taon ay pinayagan siyng bumalik dito sa Pilipinas ngunit ito na rin ang naging sanhi ng
kanyang maagang pagkamatay. Siya ay pinaslang pagkababa sa eroplanong sinakyan niya
mula Taipei noong Agosto 21, 1983. Napaslang din ang umano’y pumatay kay Ninoy Aquino
na si Rolando Galman, isang di-umano’y bayarang miyembro ng National People’s Army
(NPA). Ang kanyang pagkamatay ang lalong nagpasiklab sa damdamin ng mga Pilipino
noong mga panahong iyon. Kumalat ang balita sa buong mundo. Ngunit si Pangulong
Marcos na pinaghihinalaang utak sa likod nito, ay nagpahayag ng pagkondena sa
pagpaslang at sinabing ito ay isang “kabuktutan at nakalulunos”. Sa kaniyang libing noong
Agosto 31, 1983 ay umabot sa mahigit dalawang milyong katao ang nakiluksa at naghatid sa
kanya sa kanyang huling hantungan, na siyang maituturing bilang pinakamalaking bilang sa
kasaysayan.
Page 1 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q4-W2-D1
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________
Jovito Salonga – isang abogado at senador na pinuno ng oposisyon ng panahong Marcos.
Isa siya sa mga abogadong nagbigay ng serbisyong “pro-bono” sa mga kaso ng mga
political prisoners at iba pang mga ikinulong noong panahon ng Martial Law. Siya ay inaresto
at ikinulong sa Fort Bonifacio noong Oktubre 1980 at ng lumaon ay ipinatapon sa Hawaii
kasama ang kanyang pamilya. Muli siyang bumalik sa Pilipinas pagkamatay ni Ninoy Aquino
noong 1983, at nahalal bilang pangulo ng Partido Liberal. Itinalaga ni Pang. Cory Aquino
nilang tagapangulo ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na binuo
pagkatapos ng Edsa People Power I.
Eugenio “Geny” Lopez Jr. – ang Chairman at CEO ng istasyon ng radyo at telebisyon ng
ABS-CBN Corporation bago ang Batas Militar. Sa pagdeklara nito noong 1972, isa si Geny
Lopez sa mga inaresto ng militar at ikinulong sa Fort Bonifacio. Hinala ng ilan ay ikinulong sya
dahil sa plano ng rehimeng Marcos para makuha ang yaman ng mga Lopez. Siya ay dinakip
dahil sa bintang ng balak na pagpatay kay Marcos.
Lino Brocka – mahusay na direktor na inakusahan at ipinakulong noong panahon ni Marcos
dahil sa mga pelikulang subersibo ang nilalaman at laban sa pamahalaang Marcos. Ang
“Bayan Ko” ay isa sa kaniyang obra na ipinagbawal na ipalabas sa bansa. Itinatag niya ang
Concerned Artists of the Philippines (CAP) kung saan namuno siya ng dalawang taon. May
layunin ang organisasyong ito na ipaglaban ang Kalayaan at Karapatan ng mga Pilipino.
Naging aktibo din siya sa mga rali laban sa pamahalaan lalo na ng paslangin si Ninoy Aquino.
Benjamin “Behn” Cervantes – freedom fighter, actor, propesor at director na isa sa mga
bumatikos kay Marcos. Isa siya sa nagsulong ng Free the artist, Free the Media Movement
at ang Justice for Aquino, Justice for All (JAJA), Congress for the Restoration of Democracy
(CORD), Nationalist Alliance for Freedom, Justice and Democracy. Isa rin siya sa mga
ipinakulong ni Marcos.
Jose Diokno- isang abogado at senador. Kilala bilang "Father of Human Rights Advocacy in
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Carlos
the Philippines". Ilang oras bago ang anunsyo ng Batas Militar_P_Garcia_photo.jpg
ay dinakip si Diokno sa
kaniyang bahay at dinala sa Camp Crame ng walang warrant. na kalaunan ay nilipat sa Fort
Bonifacio kasama sina Chino Roces. Mula rito, siya ay inilipat kasama ni Aquino ng
nakaposas at nakapiring ang mata patungo sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija. Siya ang
nagtatag ng Kilusan sa Kapangyarihan at Karapatan ng Bayan (KAAKBAY) at Justice for
Aquino, Justice for All (JAJA), Congress for the Restoration of Democracy (CORD).
Joaquin “Chino” Roces- tagapaglathala ng The Manila Times. Inaresto noong panahon ng
Martial Law kasama si Aquiono, Diokno at Tanada kasama ang iba pang mamamahayag
. Nang siya ay palayain, nanguna siya sa mga demonstrasyon sa kalsada, at lalong umigting
ang kanyang protesta sa pagkamatay ni Ninoy. Itinatag niya noong 1985 ang Cory Aquino
for President Movement (CAPM). Siya ay nangalap ng isang milyong lagda upang tumakbo
sa pagkapangulo si Cory Aquino laban kay Marcos.
Page 2 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q4-W2-D1
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________
Kung ikaw ay handa na, simulan na natin ang iyong pagsasanay.
PAGSASANAY 1
Basahin ang pangungusap. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at MALI
kung hindi.
______________1. Nakuntento ang mga tao sa mga pangyayari sa Batas Militar.
______________2. Ikinulong ng pamahalaang Marcos ang mga kalaban sa pulitika at mamamahayag.
______________3. Ikinulong lamang ang mga kilalang taong-bayan kung may warrant.
______________4. Itinuring taong-bayan na bayani si Ninoy Aquino.
______________5. Ilan sa mga ikinulong ay dinala sa Fort Bonifacio.
______________6. Pinagbawal ang mga subersibong pelikula noon.
______________7. Ang ilan sa mga kalaban ng pamahalaang Marcos ay ipinatapon sa ibang bansa.
______________8. Si Rolando Galman ang di-umano’y pumaslang kay Ninoy Aquino.
______________9. Inangkin ni Marcos at ng kanyang mga cronies ang ilang pag-aari ng mga Lopez.
______________10. Nagsulong ang ilang mga kilusan ang mga mamamahayag at ilang pulitiko laban
sa rehimeng Marcos.
Integrated the Development of the Following Learning Skills:
1. Critical Thinking 2. Character
a. analysis a. Working independently
PAGSASANAY 2
A. PANUTO: Isulat ang hinihingi ng bawat pahayag.
________________________1. Tinaguring freedom fighter na bumatikos sa pamahalaang Marcos.
________________________2. Sinasabing nilabag ng pamahalaang Marcos sa ilalim ng Batas Militar.
________________________3. Naging tagapangulo ng PCGG.
________________________4. Nangalap ng isang milyong pirma para udyukan sa pagtakbo si Cory
Aquino bilang pangulo.
________________________5. Pinaslang sa kanyang pagbaba sa eroplano.
________________________6. Pinaghinalaang may planong ipapatay si Pang. Marcos.
Page 3 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q4-W2-D1
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________
________________________7. Nagbigay ng serbisyong “pro-bono” sa mga kaso ng mga taong
ikinulong ng rehimeng Marcos
________________________8. Itinuturing na pinakamalaking bilang sa kasaysayan ang mga dumalo
sa kaniyang libing.
________________________9. "Father of Human Rights Advocacy in the Philippines"
________________________10. Mahusay na direktor na ipinakulong noong panahon ni Marcos.
TANDAAN
Nabawasan ang tinatamasang Kalayaan ng mga Pilipino at nagkaroon ng mga
paglabag sa mga karapatang pantao sa ilalim ng panahon ng Batas Militar.
Ipinasara ang mga pahayagan, palimbagan, istasyon ng radyo at telebisyon sa
buong bansa. Ang ilan sa mga pangangailangang pampubliko ay pinatakbo ng
pamahalaang Marcos.
Ang ilan sa mga piling taong-bayan na bumatikos sa rehimeng Marcos
o Benigno “Ninoy” Aquino Jr.
o Jovito Salonga
o Eugenio “Geny” Lopez Jr.
o Lino Brocka
o Benjamin “Behn” Cervantes
o Jose Diokno
o Joaquin “Chino” Roces
PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot.
_______1. Siya ang nagtatag ng Kilusan sa Kapangyarihan at Karapatan ng Bayan (KAAKBAY)
A. Lino Brocka C. Benjamin “Behn” Cervantes
B. Jose Diokno D. Joaquin “Chino” Roces
_______2. Chairman at CEO ng istasyon ng radyo at telebisyon ng ABS-CBN Corporation
A. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. C. Jovito Salonga
B. Eugenio “Geny” Lopez Jr. D. Lino Brocka
_______3. Siya ay ikinulong ngunit ipinadala sa Amerika ng lumaon upang magpagamot.
A. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. C. Jovito Salonga
B. Eugenio “Geny” Lopez Jr. D. Lino Brocka
_______4. Itinatag niya ang Concerned Artists of the Philippines (CAP)
A. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. C. Jovito Salonga
B. Eugenio “Geny” Lopez Jr. D. Lino Brocka
_______5. Itinatag niya noong 1985 ang Cory Aquino for President Movement (CAPM).
A. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. C. Jovito Salonga
B. Eugenio “Geny” Lopez Jr. D. Lino Brocka
Page 4 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q4-W2-D1
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________
_______6. Ang mga sumusunod ay kinahinatnan ng mga laban sa rehimeng Marcos, maliban sa isa.
A. ikinulong C. ipinatapon sa ibang bansa
B. nawalang parang bula D. tumakbo sa posisyon sa pamahalaan
_______7. Ang tawag sa mga taong nabilanggo dahil sa kanilang pagbatikos sa rehimeng Marcos
A. politics C. prisoners of war
B. politicians D. political prisoners
_______8. Siya ay isang abogado at senador na dinakip at dinala sa Camp Crame ilang oras bago
ideklara ang Martial Law.
A. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. C. Jovito Salonga
B. Eugenio “Geny” Lopez Jr. D. Lino Brocka
_______9. Ang mga sumusunod ay ipinagbawal noong panahon ng Martial alw maliban sa isa.
A. kinumpiska ang mga armas ng mga tao
B. pinayagan ang pagbibiyahe sa ibang bansa
C. Ipinagbawal ang mga demonstrasyon sa kalsada
D. inaresto ang mga bumabatikos sa pamahalaang Marcos
_______10. Sino sa mga sumusunod ang isang mahusay na direktor na ikinulong dahil sa mga
subersibong pelikulang kanyang ginawa?
A. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. C. Jovito Salonga
B. Eugenio “Geny” Lopez Jr. D. Lino Brocka
Binabati kita! Iyong napagtagumpayan ang modyul na ito. Kung ikaw ay handa
na, maaari mo ng sagutan ang susunod na modyul.
Inihanda ni:
ANGIE ROSE R. ALOYA
Juan Sumulong Elementary School
Sanggunian:
Pilipinas Isang Sulyap at Pagyakap Batayang Aklat I (2006) pp. 240
Kayamanan: Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan pp. 252-253
https://martiallawfiles.wordpress.com/2012/11/25/eugenio-m-lopez/
https://en.wikipedia.org/wiki/Jovito_Salonga
https://en.wikipedia.org/wiki/Jose_Diokno
Page 5 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q4-W2-D2
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________
DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6
Ikaapat na Markahan/Ikalawang Linggo/ Ikalawang Araw
MELC 2: Natatalakay ang mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipinong nagbigay daan
sa pagwawakas ng Batas Militar.
People Power I
Layunin: Natatalakay ang mga pagtutol sa Batas Militar na nagbigay daan sa pagbuo ng
samahan laban sa Diktaturyang Marcos
Sa pagkakaroon ng bagong Saligang Batas ng 1973, binigyan nito ng higit na
kapangyarihan ang pangulo. Ang sangay tagapagpaganap, hukuman at Batasan ay nasa
kaniyang kapangyarihan. Lalong pinatatag nito ang Bagong lipunan o Bagong Republika ni
Pangulong Ferdinand Marcos. Ngunit, ang pagpapalit ng pamahalaan sa parlyamentaryo ay
hindi kaagad naipatupad dahil ang bansa ay ipinailalim sa Batas Militar ni Pangulong Marcos
noong Setyembre 21, 1972 sa bisa ng Proclamation No. 1081.
Noong bago pa ang pagpapairal ng Batas Militar, maraming mga mamamayan
ang natuwa at nagpamalas ng kasiyahan. Nabawasan ang krimen dahil sa curfew at naging
disiplinado ang mga tao. Nakapagsimula din ng negosyo ang mga mahihirap dahil na rin sa
pagpapautang ng pamahalaan. Tinanggal sa pwesto ang mga kawaning nagpapabaya sa
mga Gawain.
Subalit nawala ang mga kasiyahang ito ng hulihin ang mga taong bumabatikos
sa pamahalaan. Sina Jovito Salonga, Jose Diokno, Benigno Aquino Jr. at iba pa ang
kabilang sa mga ito kasama rin ang ilang mga mamamahayag. Nawala ang Karapatan ng
mga mamamayan sa paghayag ng saloobin dahil na rin sa pagpapasara ng pamahalaan ng
mga imprenta ng dyaryo, kabilang na ang The Manila Times at The Philippines Free Press.
Kasama sa mga ipinasara ang mga istasyon ng radyo at telebisyon. Ipinagbawal ang
pagrarali ng mga mamamayan. At ang lahat ng sumalungat ay ikinukulong at pinarurusahan.
Marami ang hindi natuwa at nagalit sa ginagawang paninikil ng pamahalaan
lalo sa taumbayan. Nang lumaon, maraming suliranin ang kinaharap ng pamahalaan. Isa na
rito ay ang malalaking utang sa World Bank at International Monetary Fund at iba pang
dayuhan ang isa sa kinaharap ng bansa. Isa pa ay ang pagbaba ng halaga ng piso.
Lalong sumidhi ang mga pagprotesta ng paslangin si Benigno “Ninoy” Aquino
Jr., ang pinakamahigpit na kritiko ni Marcos noong Agosto 21, 1983 sa kanyang pagdating
sa Manila International Airport. Nagluksa ang sambayanang Pilipino. Tumindi ang mga
protesta at demonstrasyon sa mga kalsada. Hindi na nila ninanais ang pagbabago kung
hindi ay ang pagbitiw ni Pang. Marcos at ang malinis na paglilitis at katarungan sa
pagkasawi ni Aquino.
Page 6 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q4-W2-D2
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________
Marami ring mga ordinaryong Pilipino ang sumapi sa kilusang mapagpalaya
dahil na rin sa mga naranasan nilang paglabag sa kanilang karapatang pantao. Ang mga
bumatikos sa pamahalaan ay nasa bilangguan o ang ilan ay ipinatapon sa ibang bansa.
Naging dahilan ang mga binanggit na pangyayari upang mabuo ang iba’t-ibang samahan
laban sa diktaduryang Marcos. Narito ang ilan sa mga samahan:
Concerned Artist of the Philippines (CAP) – organisasyong itinatag ni Lino Brocka,
isang direktor. Pinamunuan niya ito ng dalawang taon. Naging aktibo ang mga
miyembro nito sa mga pagrarali laban sa pamahalaan dahil sa layunin nitong ipaglaban
ang karapatan at kalayaan ng mga tao.
Free the Artist, Free the Media Movement
Congress for the Restoration of Democracy
Justice for Aquino, Justice for All (JAJA)
Nationalist Alliance for Freedom, Justice and Democracy
Kasabay ng mga binanggit na pangyayari ay ang patuloy na pagbagsak ng
ekonomiya ng bansa dahil sa mga sumusunod na dahilan:
Pagpaslang kay Ninoy Aquino na naging dahilan upang lalong magalit ang
taumbayan.
pagkakaroon ng mga sunud-sunod na rali at demonstrasyon sa kalsad upang
hilingin ang katarungan sa pagkamatay ni Ninoy, ang palayain ang mga
political prisoners at ibalik ang kalayaan at katahimikan ng bansa
pag-alis ng mga namumuhunang dayuhan sa bansa
paglipat ng mga puhunan ng negosyanteng Pilipino dahil sa takot magkaroon
ng digmaang sibil
inalis ng mga taumbayan ang kanilang mga nakalagak na pera sa mga bangko
sa takot na ito ay mawala
pagsara ng mga bangko
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Carlos
pagtanggi ng mga bangko na magpautang sa pamahalaan
_P_Garcia_photo.jpg dahil sa takot na
hindi mabayaran
pag-iwas ng mga turista sa bansa dahil sa kawalang seguridad
pagbaba ng halaga ng pananalapi
paghina ng produksyon dahil sa kawalang puhunan sa mga pabrika at tuluyang
pagsara ng mga kumpanya na naging dahilan para mawalan ng trabaho ang
mga manggagawa
Page 7 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q4-W2-D2
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________
Kung ikaw ay handa na, simulan na natin ang iyong pagsasanay.
PAGSASANAY 1
PANUTO: Hanapin sa loob at bilugan ang mga salitang may kaugnayan sa mga pagtutol
ng mga Pilipino laban sa Batas Militar
PAGSASANAY 2
Basahin ang pangungusap. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at MALI
kung hindi.
______________1. Natigil ang paggawa ng mga produkto dahil sa kawalan ng puhunan ng mga may-
ari ng negosyo.
______________2. Nabuo ang iba’t-ibang samahan na tumutuligsa sa pamahalaang Marcos.
______________3. Naging disiplinado ang mga tao noong unang bahagi ng Martial Law.
______________4. Ngunit nang lumaon ay nagkaroon ng diskontento ang pamahalaan sa mga
taumbayan.
______________5. Nawala ang karapatan ng taumbayan noong panahon ng Martial Law.
______________6. Sumidhi ang galit ng mga Pilipino ng paslangin si Ninoy Aquino.
Page 8 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q4-W2-D2
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________
______________7. Maraming mga mamamahayag at mga kalaban sa pamahalaan ang ikinulong.
______________8. Malayang naipahayag ng mga Pilipino ang kanilang hinaing sa pamahalaan.
______________9. Maraming mga negosyante ang naakit na mamuhunan sa Pilipinas.
______________10. Sa kabila ng banta ng pagkakulong ay naging aktibo ang ilang mga kritiko ni
Marcos sa pakikipglaban sa krapatan ng mga tao.
TANDAAN
o Marami ang hindi natuwa at nagalit sa ginagawang paninikil ng pamahalaan lalo
sa taumbayan.
o Lalong sumidhi ang mga pagprotesta ng paslangin si Benigno “Ninoy” Aquino Jr.,
ang pinakamahigpit na kritiko ni Marcos noong Agosto 21, 1983
o Marami ring mga ordinaryong Pilipino ang sumapi sa kilusang mapagpalaya dahil
na rin sa mga naranasan nilang paglabag sa kanilang karapatang pantao. Ang
ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
Concerned Artist of the Philippines (CAP)
Free the Artist, Free the Media Movement
Congress for the Restoration of Democracy
Justice for Aquino, Justice for All (JAJA)
Nationalist Alliance for Freedom, Justice and Democracy
PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot.
_______1. Ang deklarasyong ito ang nagpatupad ng Batas Militar sa Pilipinas.
A. Proclamation No.1018 C, Proclamation No.1801
B. Proclamation No.1081 D. Proclamation No.1810
_______2. Konstitusyong ginamit bago ipatupad ang Batas Militar..
A. Saligang Batas ng 1935 C. Saligang Batas ng 1973
B. Saligang Batas ng 1943 D. Saligang Batas ng 1987
_______ 3. Petsa kung kalian itinakda ang Batas Militar
A. Setyembre 21, 1972 C. Setyembre 22, 1972
B. Setyembre 21, 1971 D. Setyembre 22, 1971
_______4. Siya ang namuno ng dalawang taon sa Concerned Artists of the Philippines (CAP)
A. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. C. Jovito Salonga
B. Eugenio “Geny” Lopez Jr. D. Lino Brocka
Page 9 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q4-W2-D2
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________
_______5. Ang mg sumusunod ay mga pangyayari sa ilalim ng pamahalaang Marcos MALIBAN SA
ISA:
A. bumatikos sa pamahalaan
B. pagbaba ng halaga ng piso.
C. paglabag sa kanilang karapatang pantao
D. pagdami ng mga mamumuhunan sa bansa
_______6. Ang kanyang pagkamatay ang naging dahilan upang magalab ang damdamin ng mga
Pilipino
A. Lino Brocka C. Benjamin “Behn” Cervantes
B. Jose Diokno D. Joaquin “Chino” Roces
_______7. Alin sa mga sumusunod ang ginawa sa mga kalabang politiko ng pamahalaan ni Marcos?
A. dinakip ng walang warrant C. pinatay ang ilan sa kanila
B. ikinulong sa Fort Santiago D. Malaya silang nakapangibang bansa
_______8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga dahilan sa pagbagsak ng ekonomiya ng
bansa noong panahon ng Batas Militar?
A. pagsasara ng mga bangko
B. pagbaba ng halaga ng salapi
C. pag-alis ng mga negosyanteng Pilipino sa bansa
D. pagdating ng mga namumuhunang dayuhan sa bansa
_______9. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?
A. New People’s Army
B. Justice for Aquino, Justice for All (JAJA)
C. Free the Artist, Free the Media Movement
D. Congress for the Restoration of Democracy
_______10. Ano ang naging resulta ng pagpaslang kay Ninoy Aquino?
A. Sumidhi ang mga protesta laban sa pamahalaan.
B. Itinigil ng mga taumbayan ang kanilang mga rally sa kalsada.
C. Humingi ang mga mamamayan ng tulong mula sa mga dayuhan.
D. Maraming mga Pilipino ang natakot na magsalita laban sa pamahalaan.
Binabati kita! Iyong napagtagumpayan ang modyul na ito. Kung ikaw ay handa
na, maaari mo ng sagutan ang susunod na modyul.
Inihanda ni:
ANGIE ROSE R. ALOYA
Juan Sumulong Elementary School
Sanggunian:
Pilipinong Makabayan 5 pp. 212
Makabayan Kasaysayang Pilipino Batayang Aklat 5 pp. 242, 254
Pilipinas Isang Sulyap at Pagyakap Batayang Aklat I (2006) pp. 240
Kayamanan: Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan pp. 252-258
Page 10 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q4-W2-D3
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________
DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6
Ikaapat na Markahan/Ikalawang Linggo/ Ikatlong Araw
MELC 2: Natatalakay ang mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipinong nagbigay daan
sa pagwawakas ng Batas Militar.
People Power I
Layunin: Naiisa-isa ang mga pangyayari na nagbigay-daan sa pagbuo ng
“People Power I”
Ang mga nabanggit sa nakaraang modyul na kalagayan ng bansa noong
panahon ni Marcos ang siyang nagbigay-daan sa pag-usbong at pagkilos ng oposisyon. Hindi
natis ng nakararami na magprotesta laban sa pamahalaang Marcos dahil sa kahirapang
naranasan ng taumbayan. Ngunit ang mga naunang pumuna sa pamahalaan ay itinuturing na
kalaban ng pamahalaan na kadalasan ay ipinakulong o kaya naman ay ipinatapon sa ibang
bansa katulad ng Amerika. Narito ang ilan pang mga mahahalagang pangyayari na nagbigay-
daan sa pagkakaroon ng People Power Revolution:
Pagpaslang kay Sen. Benigno “Ninoy” Aquino
Si Ninoy Aquino na isang senador bago ang Batas Militar at isa sa mga pangunahing
kritiko ng pamahalaang Marcos ay hinuli at ikinulong sa Fort Santiago sa loob ng pitong taon
at pitong buwan. Ngunit ng siya ay mangailangan magpagamot sa sakit sa puso ay pinayagan
siyang pumunta ng Amerika.
Pagkatapos manirahan ng tatlong taon sa Boston ay muli siyang bumalik sa Pilipinas
bagama’t hindi siya pinahintulutan ng pamahalaan dahil sa panganib na maaaring mangyari
sa kanya. Sa kaniyang pagbabalik sa Pilipinas, siya ay binaril habang bumababa sa tarmac
ng Manila International Airport (ngayon ay Ninoy Aquino International Airport). Si Rolando
Galman ang itinuturong bumaril kay Ninoy ngunit ito rin ay napatay ng mga sundalong nasa
Paliparan.
Matapos ang imbestigasyon ng Agrava Fact-Finding Board ay lumitaw na kabilang si
Hen. Ver ang Chief of Staff ng Sandatahang Lakas at ang 24 na sundalo ay may kinalaman
sa kanyang pagpatay. Ngunit sila rin ay napawalang-sala dahil sa kakulangan ng katibayan.
Ang kanyang pagkamatay at ang naging resulta ng imbestigasyon ay lalong nagpagalit sa
taumbayan. Milyong katao ang dumalo sa kanyang libing.
Pagbagsak ng Ekonomiya
Ang mga pangyayari sa bansa ay nagresulta ng hindi maganda sa ekonomiya.
Nagkaroon ng capital flight o ang paglabas ng salapi sa Pilipinas dahil sa pag-alis ng mga
negosyante sa Pilipinas. Marami rin ang nawalan ng trabaho dahil sa paghina ng mga lokal
na industriya. Lumobo ang utang ng Pilipinas na umabot sa $25 bilyon mula sa International
Monetary Fund at World Bank at iba pang dayuhang bangko. Humina ang turismo dahil sa
takot ng mga dayuhang pumunta sa Pilipinas. Kasabay nito ang pagbaba ng halaga ng piso
sa dolyar at ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Dahil dito nawalan ng tiwala ang mga
mamamayan sa pamahalaan dahil na rin sa nararanasang kahirapan sa bansa.
Page 11 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q4-W2-D3
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________
Biglaang Halalan o Snap Election ng 1986
Upang ipakita sa IMF na mabuti ang kalagayan ng Pilipinas at may tiwala pa rin ang
mga Pilipino sa pamahalaan, nagpatawag si Marcos ng Snap Election at ito ay ginanao
noong Pebrero 7, 1986. Muling tumakbo si Marcos bilang pangulo at si Arturo Tolentino
bilang pangalawang pangulo sa partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL). Samantalang
tumakbo bilang presidente bunsod sa kagustuhan ng taumbayan si Corazon “Cory” Aquino,
ang biyuda ni Ninoy Aquino at si Salvador Laurel bilang bise-presidente sa partidong Lakas
ng Bayan (LABAN). Naging balita sa buong mundo ang halalang ito dahil nasaksihan
diumano ng mga dayuhang mamamamhayag ang dayaang nagaganap sa halalan at
bilangan ng boto ganun din ang banta ng terorismo sa bansa.
Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na nagwagi si Marcos sa naganap
na halalan, samantalang si Aquino naman ang nagwagi ayon sa National Movement for Free
Elections (NAMFREL).
Pagwalk-out ng mga kawani ng COMELEC
Naging matindi ang pandaraya sa bilangan ng balota. Ang ilang mga kawani ng
COMELEC ay nag-walk-out dahil hindi nila masikmura ang nagaganap na pandaraya sa
halalan. Tatlumpung computer workers ang umalis sa kanilang trabaho dahil sa mga
napalitan o binagong datos na ipinadala sa kanila. Dahil dito nahinto ang pagbibilang ng
mga balota. Magkaiba ang resultang inilabas ng COMELEC at NAMFREL.
Proklamasyon ng Batasang Pambansa
Itinuloy ng Batasang Pambansa ang canvassing sa mga balota at natapos ito noong
Pebrero 15. Nanalo si Marcos ng higit sa 1.5 milyong boto kay Aquino ayon sa kanilang
bilang. Idineklarang pangulo at pangalawang pangulo sina Marcos at Tolentino.
Civil Disobedience o Nonviolent Protests
Ang National Council of Churches in the Philippines ay nakiisa sa mga nonviolent
protests na nagaganap sa Pilipinas. Sila ay nanawagan sa pamahalaan na ilabas ang
malinis, matapat at kapani-paniwalang resulta ng halalan.Hinikayat ng Obispo ng simbahan
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Carlos
na tutulan ang ginawang pandaraya sa halalan sa pamamagitan ng mapayapang paraan ng
_P_Garcia_photo.jpg
pagboboykot o pagpoprotesta. Hinikayat ni Cory Aquino na boykotin ang lahat ng bangko,
korporasyon o industriyang pag-aari ng mga cronies ni Marcos o iyong mga taong malalapit
sa kanya. Kasama din dito ang pagdaraos ng mga welgang bayan at hindi pagsunod sa mga
pananagutang sibil katulad ng pagbabayad ng singil sa tubig at kuryente
Nakatawag ng pansin sa mga dayuhang mamamahayag mula sa Italy, Spain at
Middle East ang mga binanggit na pangyayari. Nakialam na rin ang Amerika sa pamamahala
sa Pilipinas dahil na rin sa interes nito sa bansa. Ito ang mga pangyayari na nagbigay-daan
sa pagkakaroon ng Edsa Revolution o ang Edsa People Power I.
Page 12 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q4-W2-D3
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________
Kung ikaw ay handa na, simulan na natin ang iyong pagsasanay.
PAGSASANAY 1
PANUTO: Piliin sa kahon ang tinutukoy ng bawat pangungusap at isulat ito sa patlang.
dayaan Amerika Fort Santiago NAMFREL
Pebrero 7, 1896 LABAN capital flight Salvador Laurel
Pebrero 22, 1896 Agrava Fact-Finding Board non-violent protests
_________________1. Dito ikinulong ang ilang mamamahayag at mga pulitikong kalaban ng
pamahalaang Marcos.
_________________2. Dito dinala si Ninoy Aquino upang magpagamot sa kanyang sakit sa puso.
_________________3. Naghayag na si Corazon Aquino ang nanalo sa snap election.
_________________4. Petsa kung kailan naganap ang Snap Election.
_________________5. Dahilan ng pag-walk-out ng mga kawani ng COMELEC noong snap election.o
_________________6. Siya ang tumakbong bise-presidente ni Cory Aquino.
_________________7. Binuo upang mag-imbestiga sa pagpaslang kay Ninoy Aquino.
_________________8. Tawag sa paglabas ng salapi sa Pilipinas dahil sa pag-alis ng mga negosyante
sa bansa.
_________________9. Partidong kinabibilangan nina Aquino at Laurel.
_________________10. Tawag sa mapayapang paraan ng pagpoprotesta
PAGSASANAY 2
PANUTO: Sagutan ang mga katanungan sa pamamagitan ng pagsulat sa mga kahon ng
iyong sagot.
1. Responsable sa pagbibilang ng mga balota
tuwing halalan.
2. Katambal ni Marcos bilang pangalawang
pangulo sa sanap election
Page 13 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q4-W2-D3
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________
3. Naging resulta ng mga pangyayaring
nakapagpasidhi ng damdamin ng
mga Pilipino sa pamahalaang Marcos.
4. Ito ang nagtuloy ng pagbilang ng mga
balota noong snap election.
5. Halalang naganap noong Pebrero 7, 1986
TANDAAN
Narito ang mga mahahalagang pangyayari na nagbigay-daan sa
pagkakaroon ng People Power Revolution:
o Pagpaslang kay Sen. Benigno “Ninoy” Aquino
o Pagbagsak ng Ekonomiya
o Biglaang Halalan o Snap Election ng 1986
o Pagwalk-out ng mga kawani ng COMELEC
o Proklamasyon ng Batasang Pambansa
o Civil Disobedience o Nonviolent Protests
PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot.
_______1. Ano ang ginawa ni Pang. Marcos upang ipakita na mabuti ang kalagayan ng Pilipinas at
may tiwala pa rin ang mga Pilipino sa pamahalaan?
A. Nagpatawag ng Snap Election
B. Nagdeklara siya ng Martial Law.
C. Nagbayad siya ng utang sa IMF at World Bank
D. Pinabalik niya ang mga Pilipinong exciled sa ibang bansa.
_______2. Siya ang nakalaban ni Ferdinand Marcos sa pagkapangulo sa naganap na Snap Election
noong Pebrero 7, 1896.
A. Ninoy Aquino C. Corazon Aquino
B. Salvador Laurel D. Arturo Tolentino
_______ 3. Partido pulitikal na kinabibilangan ni Marcos at Tolentino
A. LABAN C. LP
B. KBL D. Nationalista
_______4. Ang mga sumusunod ay hinikayat ni Cory Aquino na gawin ng taumbayan MALIBAN SA ISA.
A. boykotin ang lahat ng bangko
B. pagdaraos ng mga welgang bayan
C. gumamit ng dahas sa mga demonstrasyon
D. hindi pagsunod sa mga pananagutang sibil
Page 14 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q4-W2-D3
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________
_______5. Ang mg sumusunod ay mga naging dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya ng bansa
MALIBAN SA ISA:
A. paghina ang turismo
B. pagkakaroon ng capital flight
C. paghina ng mga lokal na industriya
D. pagkakaroon ng snap election sa bansa
_______6. Ano ang naging dahilan ng pag-walk-out ng mga kawani ng COMELEC noong snap
election?
A. kakulangan ng kagamitan sa botohan
B. kakulangan ng tauhan para sa bilangan ng boto
C. harap-harapang pandaraya sa resulta ng botohan
D. binayaran ang mga kawaning ito upang itigil ang pagbilang ng boto
_______7. Alin sa mga sumusunod ang ginawa sa mga kalabang politiko ng pamahalaan ni Marcos?
A. dinakip ng walang warrant C. pinatay ang ilan sa kanila
B. ikinulong sa Fort Santiago D. Malaya silang nakapangibang bansa
_______8. Ang mga sumusunod ang hindi naganap sa snap election?
A. Nagkaroon ng dayaan sa bilangan ng mga boto.
B. Parehong idineklarang pangulo si Marcos at Aquino.
C. Naging tahimik at maayos ang naganap na dagliang halalan.
D. Tumakbo bilang presidente ang biyudang si Corazon Aquino.
_______9. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pangyayari na nagbunsod sa People
Power I?
A. Pagbagsak ng Ekonomiya
B. Pakikialam ng Amerika sa Pilipinas
C. Biglaang Halalan o Snap Election ng 1986
D. Pagpaslang kay Sen. Benigno “Ninoy” Aquino
_______10. Umabot sa __________________mula sa International Monetary Fund at World Bank at
iba pang dayuhang bangko.
A. $30 bilyon
B. $25 bilyon
C. $15 bilyon
D. $20 bilyon
Binabati kita! Iyong napagtagumpayan ang modyul na ito. Kung ikaw ay handa
na, maaari mo ng sagutan ang susunod na modyul.
Inihanda ni:
ANGIE ROSE R. ALOYA
Juan Sumulong Elementary School
Sanggunian:
Pilipinas Isang Sulyap at Pagyakap Batayang Aklat I (2006) pp. 244-246
Kayamanan: Kasaysayan ng Pilipinas 7 pp. 349-352, 363-364
Page 15 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q4-W2-D4
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________
DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6
Ikaapat na Markahan/Ikalawang Linggo/ Ikaapat na Araw
MELC 2: Natatalakay ang mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipinong nagbigay daan
sa pagwawakas ng Batas Militar.
People Power I
Layunin: Natatalakay ang Edsa People Power I
Sa naganap na snap election noong Pebrero , 1986, ay parehong ipinroklama
sina Aquino at Marcos bilang pangulo. Si Aquino ay ipinroklamang pangulo ng NAMFREL at
si Marcos naman ng COMELEC. Nagkaroon ng civil disobedience campaign sa pamamaraang
mapayapang protesta, kasama na rito ang pagboboykot ng mga mamamayan sa mga
korporasyong may kinalaman kay Marcos o sa kanyang mga cronies. Idinaos nila ang iba’t-
ibang mga welgang-bayan na nakatawag pansin sa mga mamamahayag mula sa iba’t-ibang
bansa.
Ang EDSA People Power I ay isang mapayapang rebolusyon na tumagal ng apat
na araw mula Pebrero 22-25, 1986 at ito rin ang nagtapos sa pamumuno ni Marcos sa bansa.
Pebrero 22, 1896 – nagbitiw sa tungkulin sina Juan Ponce Enrile bilang Ministro ng
Tanggulang Pambansa at si Hen. Fidel V. Ramos, ang Vice Chief of Staff ng Sandatahang
Lakas at tumiwalag sa gabinete ni Marcos. Ito ay dahil sa balitang sila ay dadakpin dahil sa
kanilang pagkupkop sa mga miyembro ng Reform the Armed Forces Movement (RAM). Sa
kanilng pahayag ng pagbibitiw sa telebisyon, sinabi rin nila na si Gng. Corazon Aquino ang
tunay na nanalo sa halalan. Hiniling nila ang pagbibitiw ni Pang. Marcos kasabay ng
panawagan sa taumbayan na suportahan at bigyan ng proteksyon ang mga militar na
tumiwalag sa pamahalaan. Ito na ang pagsisimula ng EDSA People Power I.
Nanawagan sa taumbayan si Jaime Cardinal Sin, ang Arsobispo ng Maynila na
tulungan sina Enrile at Ramos at maging mahinahon at makipagtulungan. Nanawagan din si
Agapito “Butz” Aquino, ang nakababatang kapatid ni Ninoy Aquino. Si June Keithley, isang
dating announcer sa telebisyon, gamit ang isang lihim na estasyon ay nanawagan din sa mga
mamamayan na magkaisa at magpakahinahon. Sa pamamagitan ng mga panawagang ito,
dumagsa ang milyong tao sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) sa pagitan ng Camp
Aguinaldo at Camp Crame.
Kasabay ng pagdagsa ng milyong tao sa EDSA ang pagpapadala ni Marcos ng
mga sundalo at tangke dito. Ang mga ito ay buong tapang na hinarap ng mga mamamayan
kasama ang mga pari at madre na nakibahagi sa EDSA. May mga dala silang pagkain,
rosaryo at bulaklak na ibinigay sa mga sundalo. Pinakiusapan nilang huwag paputukin ang
mga baril at tangke ng mga loyalistang sundalo. Nagdasal at nagkantahan ng makabayang
awitin ang mga tao noong araw na iyon.
Page 16 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q4-W2-D4
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________
Umabot sa tatlong milyong katao ang pumunta sa EDSA, sa Channel 4 at sa
Mendiola Bridge na malapit sa Malacañang upang ipakita ang kanilang pagsuporta sa
rebolusyon.
Pebrero 25, 1986 – ipinroklamang Pangulo si Corazon Aquino at pangalawang pangulo si
Salvador Laurel at nanumpa sa harap ng Punong Mahistrado Claudio Teehankee sa Club
Filipino, Greenhills, San Juan. Dalawang oras pagkatapos ay ipinroklama din bilang pangulo
si Ferdinand Marcos sa Malacañang. Nagpatuloy ang pagdagsa ng mga tao sa EDSA,
Mendiola at Channel 4. Ika-9:30 ng gabi ay lumisan si Marcos kasama ang kaniyang pamilya
at ilang kaibigan patungong Hawaii, USA.
Pinasok ng taumbayan ang Malacañang. Sa kanilang galit ay pinagsisira nila at
pinagsusunog ang mga papeles at iba pang naiwang pag-aari ng mga Marcos. Ang mga
nasa EDSA at Channel 4 naman ay nag-iyakan sa tuwa.
Nagkaroon din ng mga demonstrasyon ng suporta sa Cebu, Davao at Baguio. Sa
Sorsogon ay nagpamalas sila ng sarili nilang People Power, minatyagan nila ang paligid ng
estasyon ng radyo na nasa simbahan at pinatatakbo ng Obispo ng Bicol na si Monsenyor
Jesus Varela na naghahatid ng balita hinggil sa demonstrasyong nagaganap sa Maynila
Napabalita sa buong mundo at hinangaan ang pangyayari sa mapayapang
rebolusyon na ito. Itinayo ang simbahan ng EDSA Shrine at ang People Power Monument
upang magsilbing alaala, parangal at simbolo ng mapayapang himagsikan.
Pinatunayan ng mga Pilipino na mahalaga ang pagkakaisa sa pagkakaroon ng
demokrasya sa bansa. At ang mapayapang rebolusyon ay maaaring gamitin upang makamit
ang pagbabago at kalayaang ninanais ng mga mamamayan. Itong pangyayaring ito ay
sinasabing nagpagising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino.
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Carlos
_P_Garcia_photo.jpg
https://www.pinterest
.ph/pin/37429141901
4159240/
https://www.flickr.com/photos/nccaoff
icial/18443487049
http://www.positivelyfilipino.com/magazine/2013/2/77-hours-the-behind-the-scenes-at-the-1986-edsa-people-power-revolution
https://priorityconsultants.com/blog/e
dsa-anniversary-32nd-people-power-
revolution-philippines/
Page 17 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q4-W2-D4
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________
Kung ikaw ay handa na, simulan na natin ang iyong pagsasanay.
PAGSASANAY 1
PANUTO: Pagtambalin. Hanapin ang sagot sa Hanay A mula sa Hanay B.
HANAY A HANAY B
_________1. Mapayapang paraan ng pagpoprotesta A. RAM
_________2. Pangyayaring naganap noong Pebrero 7,
1986 B. Hawaii
_________3. Lugar kung saan ginanap ang People Power I
_________4. Nagbitiw na Ministro ng Tanggulang C. EDSA
Pambansa.
_________5. Nagbitiw na Vice Chief of Staff ng D. Club Filipino
Sandatahang Lakas
_________6. Lugar kung saan nanumpa bilang pangulo si E. Fidel Ramos
Pang. Aquino
_________7. Punong Mahistradong pinanumpaan nina F. Malacañang
Aquino at Laurel
_________8. Lugar kung saan nagtungo si Marcos at ang G. snap election
kaniyang pamilya
_________9. Pangkat ng mga sundalong tumalikod sa H. Juan Ponce Enrile
pamahalaang Marcos
_________10. Arsobispo ng Maynila na nanawagan sa I. civil disobedience
mga mamamayan na maging mahinahon.
J. Jaime Cardinal-Sin
K. Claudio Teehankee
PAGSASANAY 2
PANUTO: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto ang nilalaman, at MALI
kung hindi wasto.
______________1. Naging mapayapa ang ginanap na snap election noong 1986.
______________2. Nagkaisa ang milyong Pilipino upang mapatalsik sa pamahalaan si Pang. Marcos.
______________3. Nagpunta sa Luneta ang milyong Pilipino upang makiisa sa mapayapang
rebolusyon.
______________4. Umagaw sa pansin ng buong mundo ang naganap na mapayapang rebolusyon
noong 1986.
______________5. Umabot sa limang milyong katao ang pumunta sa EDSA.
______________6. Naging matagumpay ang EDSA People Power I sa kanilang layunin.
Page 18 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q4-W2-D4
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________
______________7. Nakilala sa buong mundo ang ginawang mapayapang resbolusyon noong Pebrero
22-25, 1986.
______________8. Naging malupit ang mga sundalo sa mga mamamayan na nagmartsa papuntang
EDSA.
______________9. Iisang araw nanumpa bilang pangulo si Marcos at Aquino.
______________10. Ang EDSA People Power I ay nagbigay kahihiyan sa mga Pilipino.
TANDAAN
Nagkaroon ng civil disobedience campaign sa pamamaraang
mapayapang protesta, kasama na rito ang pagboboykot ng mga
mamamayan sa mga korporasyong may kinalaman kay Marcos o sa
kanyang mga cronies. Idinaos nila ang iba’t-ibang mga welgang-bayan na
nakatawag pansin sa mga mamamahayag mula sa iba’t-ibang bansa.
Ang EDSA People Power I ay isang mapayapang rebolusyon na tumagal
ng apat na araw mula Pebrero 22-25, 1986 at ito rin ang nagtapos sa
pamumuno ni Marcos sa bansa.
PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot.
_______1. Kailan naganap ang People Power Revolution?
A. Pebrero 22-25, 1896 C. Pebrero 21-25, 1896
B. Pebrero 22-25, 1986 D. Pebrero 21-25, 1986
_______2. Tumakas si Pang. Marcos kasama ang kaniyang pamilya at tumungo sa _______________.
A. Japan C. Spain
B. Hawaii D. USA
_______ 3. Ang mga sumusunod ay lugar kung saan nagtipon-tipon ang mga mamamayan MALIBAN
SA ISA:
A. Channel 4 C. Makati
B. EDSA D. Mendiola Bridge
_______4. Ang mga sumusunod ay hinikayat ni Cory Aquino na gawin ng taumbayan MALIBAN SA ISA.
A. boykotin ang lahat ng bangko
B. pagdaraos ng mga welgang bayan
C. gumamit ng dahas sa mga demonstrasyon
D. hindi pagsunod sa mga pananagutang sibil
Page 19 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q4-W2-D4
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________
_______5. Ang mga sumusunod ay nanawagan sa taumbayan upang magkaisa at tumungo sa EDSA
MALIBAN SA ISA:
A. Agapito “Butz” Aquino C. June Keithley
B. Jaime Cardinal Sin D. Ninoy Aquino
_______6. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang hindi naging dahilan ng pagwawakas ng
diktaduryang Marcos?
A. pandaraya sa snap election
B. pagdami ng mga dayuhan sa bansa
C. pagkakaroon ng mga rali at demonstrasyon
D. pagtiwalag ng mga sundalo sa pamahalaan
_______7. Umabot sa _________________ milyong katao ang nakilahok sa EDSA People Power I.
A. limang C. isang
B. tatlong D. dlawang
_______8. Ang mga sumusunod ay pangunahing tauhan sa EDSA People Power I MALIBAN SA ISA.
A. Cory Aquino C. Jaime Cardinal Sin
B. Fidel Ramos D. Benigno Aquino III
_______9. ________________________ ang mga mamamayan sa isinagawang EDSA People Power I
A. Nagtagumpay C. Nabigo
B. Nabalewala D. Natalo
_______10. Ang mga sumusunod ay nangyari sa EDSA People Power I MALIBAN SA ISA.
A. Nagkasakitan sa pagpoprotesta.
B. Naging mapayapa ang protesta sa EDSA.
C. Binigyan ng rosary at pagkain ang mga sundalo ng pamahalaan.
D. Nagkantahan ang mga tao ng makabayang awitin.
Binabati kita! Iyong napagtagumpayan ang modyul na ito. Kung ikaw ay handa
na, maaari mo ng sagutan ang susunod na modyul.
Inihanda ni:
ANGIE ROSE R. ALOYA
Juan Sumulong Elementary School
Sanggunian:
Pilipinas Isang Sulyap at Pagyakap Batayang Aklat I (2006) pp. 246, 248-249
Kayamanan: Kasaysayan ng Pilipinas 7 pp. 349-352, 363-364
Kayamanan 6 pp. 259-260
Page 20 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q4-W2-D5
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________
DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6
Ikaapat na Markahan/Ikalawang Linggo/ Ikalimang Araw
MELC 2: Natatalakay ang mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipinong nagbigay daan
sa pagwawakas ng Batas Militar.
People Power I
Layunin: Napahahalagahan ang diwa ng People Power sa Pilipnas at sa mundo
Napaalis ng taumbayan sa pwesto si Pang. Marcos gamit ang lakas ng bayan o ang
naganap na People Power Revolution I noong Pebrero 22-25, 1986. Nagtipun-tipon sa EDSA
ang umabot sa tatlong milyong tao. Sila ay nag-awitan, nagdasal at nagdala ng mga pagkain
at inumin para sa mga sundalong tumiwalag sa pamahalaan. Ang ilan ay nagbigay ng bulaklak
at rosary sa mga sundalo ng pamahalaang Marcos.
Buong tapang na sinalubong ng mga mamamayan, kasama ang mga pari at madre ang
mga tangke at kanyon ng mga militar. Ipinakita ng taumbayan ang kanilang suporta sa
mapayapang rebolusyon.
Natapos ang People Power Revolution I sa panunumpa ni Pang. Corazon Aquino at
paglisan ni Pang. Marcos kinagabihan patungong Hawaii kasama ang kaniyang pamilya.
Tumagal ng apat na araw ang mapayapang rebolusyon at ito ay nagbunga ng mga
sumusunod:
nagpabagsak sa diktaduryang Marcos;
pinatunayan ng pangyayaring ito, ang kahalagahan ng pagkakaisa;
napatunayang maaaring makamit ang pagbabago sa mapayapang pamamaraan;
nagkaroon muli ng pagpapahalaga sa demokrasya at sa bansa;
kinilala ito bilang bloodless revolution hindi lang sa bansa pati sa buong mundo;
pagkakaroon ng kauna-unahang babaeng presidente sa Pilipinas;
Noong Disyembre 26, 1986, pinangalanan ng TIME
Magazine si Pang. Aquino bilang “Woman of the Year”.
Page 21 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q4-W2-D5
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________
Mula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan ang nagpunta sa EDSA at nagbarikada at
humimpil sa harap ng Camp Crame bilang pagsuporta sa pagkilos laban sa diktaduryang
Marcos:
Simbahan/Relihiyosong Pangkat- Nanawagan si Jaime Cardinal Sin mula sa
simbahang katoliko na tulungan ng mamamayan sina Enrile at Ramos. Kaniya ring
pinaalalahanan ang taumbayan sa na makipagtulungan at maging mahinahon. Nakiisa ang
National Council of Churches in the Philippines sa panawagang ipakita ang matapat, malinis
at kapani-paniwalang resulta ng snap election.
Media-Nakiisa sa mapayapang rebolusyon ang media. Pinangunahan ng Radyo
Veritas ang paghahatid ng balita sa mga nagaganap sa People Power I. Nakatulong din ang
paglathala ng mga balita ng ibang mamamahayag sa mga pangyayari sa People Power I.
Kababaihan at Kabataan-Hindi naging sagabal ang kasarian sa pangyayaring ito.
Maraming kababaihan ang sumuong sa panganib sa pagharap sa mga sundalo at mga
tangke upang maipakita lamang ang kanilang pagsuporta sa mapayapang rebolusyong ito.
Kabilang sa mga nakilahok ay mga madre, mamamahayag, maybahay, politiko, guro, mga
lider-estudyante, atbp. Sa halip na dahas, panalangin, tatag ng loob at mahinahong
pakikipag-usap sa mga sundalo ni Pang. Marcos ang kanilang naging sandata.
Naging simbolo ang People Power I ang hangarin ng mga Pilipino na maging malaya
mula sa isang mapaniil na pamahalaan. Ipinakita din ng pangyayaring ito sa buong mundo
ang kalayaan at demokrasya ay maaaring makamit sa pamamagitan ng mapayapang
rebolusyon at pagkakaisa ng mga mamamayan. Ang muling pagbabalik ng demokrasya ang
ang muling nagpabalik sa karapatang pantao na minsa’y niyurakan at nawala sa panahon ng
batas militar.
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Carlos
_P_Garcia_photo.jpg
https://www.pinterest
.ph/pin/37429141901
4159240/
https://www.flickr.com/photos/nccaoff
icial/18443487049
https://en.wikipedia.org/wiki/People_Power_Revolution https://preen.ph/106187/edsa-revolution-women-martial-law
https://priorityconsultants.com/blog/e
dsa-anniversary-32nd-people-power-
revolution-philippines/
Page 22 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q4-W2-D5
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________
Kung ikaw ay handa na, simulan na natin ang iyong pagsasanay.
PAGSASANAY 1
PANUTO: Bilugan ang kung ang binabanggit ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa diwa
ng People Power at kung hindi.
1. Pagmamalaki sa mga naging resulta ng People Power I.
2. Pagpapahalaga sa demokrasya ng bansa.
3. Pagkilala sa mga karapatang pantao ng bawat isa.
4. Pagmamahal sa kalayaan.
5. Pagyurak sa karapatan ng kapwa Pilipino.
6. Pagsuporta sa mga gawaing nagsusulong ng mga karapatan ng bawat tao.
7. Pagiging bahagi ng mga gawaing makasisira ng kaayusan ng bansa.
8. Pagbibigay-pugay sa mga naging bahagi ng People Power Revolution.
9. Pagmamalaki sa mga nagawa ng mga mamamayan noon sa EDSA 1986.
10. Paggunita ng mga araw ng EDSA People Power I.
PAGSASANAY 2
PANUTO: Isulat ang kung ang pahayag ay wasto, at X kung hindi wasto.
_______1. Nagkaisa ang milyong mamamayan na pumunta sa EDSA upang dumalo sa concert na
ginanap.
_______2. Buong tapang na sinalubong ng taumbayan ang mga tangke at militar ng Pamahalaang
Marcos.
_______3. Nakilala sa buong mundo ang naganap na mapayapang rebolusyon noong 1986.
_______4. Nanawagan ang simbahan ng malinis at tapat na resulta ng snap election.
_______5. Naganap sa bandang Camp Crame ang pagbarikada ng mga taumbayan.
_______6. Nagtagumpay ang EDSA People Power I dahil lamang kay Corazon Aquino.
_______7. Nagtapos ang mapayapang rebolusyon noong Pebrero 26, 1986.
_______8. TInaguriang bloodless revolution ang naganap sa EDSA.
Page 23 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q4-W2-D5
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________
_______9. Tumakas patungong Australia ang pamilya Marcos.
_______10. Nararapat na ipagmalaki ang naganap na EDSA People Power I Revolution .
In
TANDAAN
Ang naganap na bloodless revolution o ang EDSA People Power I ay
pagpapatunay na maaaring makamit ang pagbabago sa pamamagitan ng
mapayapang paraan.
Naging matagumpay ang lakas ng bayan sa pagpapatalsik sa rehimeng
Marcos at ang pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas.
Nararapat na pahalagahan ng bawat Pilipino ang kanilang kalayaan at
demokrasyang tinatamasa ngayon.
A. PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot.
_______1. Ilanga raw naganap ang mapayapang rebolusyon ng EDSA noong 1986?
A. anim B. apat C. lima D. tatlo
_______2. Ang mga sumusunod ay ibinunga ng EDSA People Power I Revolution MALIBAN SA ISA.
A. Naging tahimik ang bansa.
B. Napabagsak ang diktaduryang Marcos.
C. Napanumbalik ang demokrasya sa bansa.
D. Muling naibalik ang mga karapatang pantao.
_______ 3. Ang mga sumusunod ay iba’t-ibang sektor ng lipunan na sumuporta sa naganap na
mapayapang rebolusyon maliban sa isa:
A. kababaihan C. media
B. kabataan D. pamahalaan
_______4. Alin sa mg sumusunod ang ginawa ng taumbayan na dumalo sa EDSA People Power I
Revolution?
A. nanggulo sa people power
B. nakipaglaban sa mga militar
C. nakiusyoso sa mg nagaganap
D. nagdasal, umawit at nagbigay ng pagkain at bulaklak sa mga militar
_______5. Siya ang kinilala bilang “woman of the year” ng TIMES Magazine.
A. Corazon Aquino C. Corazon Quirino
B. Cory Quirino D. Consolacion Aquino
Page 24 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP6-Q4-W2-D5
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat: ___________________
B. PANUTO: Sagutin ang katanungan.
Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa naganap na bloodless
revolution noong Pebrero 22-25, 1986?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Binabati kita! Iyong napagtagumpayan ang modyul na ito. Kung ikaw ay handa
na, maaari mo ng sagutan ang susunod na modyul.
Inihanda ni:
ANGIE ROSE R. ALOYA
Juan Sumulong Elementary School
Sanggunian:
Pilipinas Isang Sulyap at Pagyakap Batayang Aklat I (2006) pp. 246, 248-249
Kayamanan: Kasaysayan ng Pilipinas 7 pp. 360-365
Doon po sa amin bansang Pilipinas 5 pp. 284-285
Makabayan Kasaysayang Pilipino 5 pp. 260-261
Page 25 of 25