You are on page 1of 29

PAG-UNLAD NG

TRANSPORTASYON
AT KOMUNIKASYON
Anu-ano nga ba nagbago sa pamahalaan
nang ipatupad ang Batas Militar?
Ang Pagbabago ng Pamahalaan

Ginamit ni Pangulong Marcos ang


kanyang kapangyarihan upang mabago
ang pamahalaan ayon sa kanyang
kagustuhan. Tinanggal niya ang ilang
tanggapan at kawanihan. Lumikha siya
ng bagong tanggapan.
Pinagsama niya ang kapangyarihang
ehekutibo at lehislatibo, at lumikha ng
panibagong batas (tinaguriang
Presidential Decree o Pagdedeklara ng
mga Kalatas ng Pag-uutos ng Pangulo).
Siya ang mismong nakapangyari o
nasunod sa anumang ipinasya ng
hukumang militar. Sa madaling sabi,
naging diktador si Pangulong Marcos.
Nawalan ng kapangyarihan ang Kongreso
at Senado. Nagpatuloy ang Korte
Suprema at ang Mababang Kapulungan
sa kanilang tungkulin, ngunit lumikha si
Pangulong Marcos ng hukumang militar
na umusig sa kaso ng mga sibilyan.
Nabawasan ang karapatan ng mga
mamamayan. Naghari ang takot sa
maraming tao.
Ang Kumbenysiyong Konstitusyonal

Sa ilalim ng pamahalaan ni Pangulong


Marcos, pinagtibay ang Batas Republika
Bilang 6132 (Constitutional Convention
Act) sa paghahalal ng mga kinatawan
na babalangkas sa Bagong Saligang
Batas.
Nobyembre 10, 1970 – Nagkaroon ng
paghahalal sa pambansang kumbensiyon
Hunyo 1971- Nagsimula ang pagpupulong ng
kumbensiyon
Setyembre 25, 1972- Pinagtibay ng mga
delegado ang kumbensiyon sa isang
pulong nang walang pagtutol sa
pagpapatuloy ng pag-aaral tungkol sa
mahahalagang bagay.
Ibig sana ng ibang delegado na
ipagpaliban ang kanilang pulong at
imungkahing magpulong sila kapag
hindi na umiiral ang Batas Militar.
Walang nangyari sa kanilang mungkahi
at nagpatuloy silang bumuo ng bagong
Saligang Batas.
Ang Saligang Batas 1973, Ikaapat na Republika

Isang parlamentaryong uri ng pamahalaan


ang nakabalangkas sa Saligang Batas ng
1973 o ang tinatawag ng marami na
Konstitusyong Marcos. Ito ay kanyang
ginamit upang ipairal ang sarili sa
pamamahala.
Ang Saligang Batas 1973, Ikaapat na Republika

Sa ilalim ng pamahalaang parlamentaryo, ang


Punong Ministro at ang kanyang mga
Gabinete ang tagapagpaganap nito. Siya
ang tunay na puno ng pamahalaan at
tumatayong isang simbolo ng Pangulo.
Ang Saligang Batas 1973, Ikaapat na Republika

Ang kapangyarihan ng paghuhukom ay nasa


Korte Suprema. Ang lehislatura o ang
Batasang Pambansa ang gumagawa ng batas
at mga tuntunin ng pamahalaan. Ang
sangay tagapagpaganap ang nagpapatupad
sa mga batas na pinagtibay nito.
Ang Parlyamentaryong Pamahalaan
Sa Saligang-Batas 1973, na inaprubahan sa
Referendum ng 1973, itinakda ang
Parliyamentaryong Pamahalaan. Ang
kapangyarihan ng tagapagpaganap at
tagapagbatas ay napasailalim ng isang
Punong Ministro at Pangulo, na walang
iba kundi si Pangulong Marcos. Ang mga
gabinete o kagawaran ay tinawag na
ministri imbes na kagawaran.
Ang Interim Batasang Pambansa
Dahilan sa inaprubahan ng mga tao ang Bagong
Saligang-Batas, ipinatupad ni Pangulong Marcos
ang Interim Batasang Pambansa bilang unang
hakbang sa pagtatag ng Partiyamentaryong
pamahalaan. Ito ang naging Pambansang
Asembleya. Pinawalang-bisa at binuwag ang
Senado at Kongreso. Bilang Punong Ministro,
kabilang si Marcos at siya ring pinuno ng
Batasang Pambansa.
Ilang probisyong isinasad sa Saligang Batas 1973:
1. Mga hangarin ng mga tao at ang pagkakabuo
ng isang bagong lipunan na tiyak ang
kaunlaran.
2. Opisyal na pagpapawalang bisa sa Kongreso
3. Ang pagbabago ng uri ng pamahalaan muka sa
presidensyal tungo sa pagiging parlamentaryo.
4. Paggamit ng pangulo sa kanyang
kapangyarihang tipunin ang Interim Batasang
Pambansa.
Ang Saligang Batas 1973 ay ipinairal ni
Pangulong Marcos noong panahon ng
kanyang panunungkulan. Ang pamahalaang
ito ay kilala bilang Ikaapat na Republika.
Ang kapangyarihan bilang pangulo at
punong ministro ang ginamit ni Pangulong
Marcos.
Sa ilalim ng Pamahalaang Parlamentaryo…
Sino ang may hawak ng tagapagpaganap o
ehekutibo?
Punong Ministro at Gabinete
Sino ang may hawak ng tagapaghukom o
hudikatura?
Korte Suprema
Sino ang may hawak ng lehislatura o tagapagbatas?
Batasang Pambansa
Bakit sa tingin nyo tinawag na diktador si
Pangulong Marcos?

Payag ka ba na magkaroon ng isang pinuno na


diktador ang ating bansa? Bakit?
1. Uri ng pamahalaang nakabalangkas sa
Saligang Batas ng 1973.
A. Demokratiko
B. Parlamentaryo
C. Totalitaryan
D. Militar
2. Sino ang tunay na pinuno ng pamahalaan
ayon sa Saligang Batas ng 1973?
A. senador
B. kongreso
C. pangulo
D. mambabatas
3. Si Pangulong Marcos ang mismong
nakapangyari o nasunod sa anumang
ipinasya ng hukumang militar kaya siya ay
naging _____.
A. diktador
B. sundalo
C. Punong ministro
D. kinatawan
4. Ayon sa Saligang Batas ng 1973, sino ang
gumagawa ng batas ng pamahalaan?
A. Pangulo
B. Korte Suprema
C. Senado
D. Lehislatura o Batasang Pambansa
5. Bakit tinawag na Konstitusyong Marcos
ang Saligang Batas ng 1973?
A. Dahil siya ang gumawa ng Saligang Batas
B. Dahil siya ang pangulo kaya sa kanya ito
ipinangalan
C. Dahil ginamit niya ang Saligang Batas 1973
upang ipairal ang sarili sa pamamahala
D. Dahil siya ang unang pangulo

You might also like