You are on page 1of 3

FERDINAND MARCOS

Talambuhay

Si Marcos ay isinilang noong 11 Setyembre


1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Sina Don
Mariano R. Marcos at Donya Josefa Edralin
ang kaniyang magulang.Mayroong siyang
tatlong kapatid, si Dr. Pacifico, Elizabeth at
Fortuna. Ang kanyang ama ay naging
kongresista ng Ilocos at gobernador ng
Davao. Si Donya Josefa naman ay isang
dating guro sa kanilang bayan. Limang taong gulang lamang siya nang pumasok sa
elementarya sa Sarrat Central School. Sa pamantasan ng Pilipinas siya kumuha ng Abogasya
at nagtapos bilang Cum Laude noong Marso 1939. Siya ay iskolar sa buong panahon ng
kanyang pag- aaral sa Pamantasan ng Pilipinas at naging kilala siya sa campus dahil sa
sinasabing kahusayan sa debate at pagtatalumpati at maging sa larangan ng palakasan tulad
ng swimming, boxing, at wrestling ay kinilala siya. Nagsulat din siya sa Philippines Collegian,
ang opisyal na pahayagan ng Pamantasan ng Pilipinas. Nagri- review noon si Ferdinand para
sa bar exams nang matalo ang kanyang ama sa muli nitong pagtakbo bilang kongresista. Ang
tumalo ditong si Julio Nalundasan ay nabaril at namatay pagkatapos ng halalan. Si Ferdinand
ang napagbintangan, at kahit pa nga isang mahusay na abogado ang nagtanggol sa kanya,
nahatulan pa rin siya ng labimpitong taong pagkabilanggo. Nasa loob siya ng kulungan ng
maging topnotcher sa bar exams at nang maging ganap na abogado ay hiniling niya sa
Kataas-taasang Hukuman na payagan siyang ipagtanggol ang sarili sa kasong ibinintang sa
kanya at pinayagan siya ng Korte Suprema at napawalang sala.

Ang Saligang Batas ng 1973

Pangunahing lathalain: Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973

Iminungkahi ang pagpapalit ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 sa kadahilanang


binuo ito habang ang Pilipinas ay kolonya pa ng Estados Unidos at kaya ay gawa ng
impluwensiyang Amerikano at hindi na napapanahon ang mga tadhana nito sa paglutas ng
mga suliranin at pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan.
Pinagtibay ng Kongreso noong 24 Agosto 1970 ang Batas Republika Bilang 6132 na
nanawagan para sa isang Kumbensiyong Konstitusyonal sa taong 1971 at ginanap noong 10
Nobyembre 1970 ang halalan ng 320 delegado sa Kumbensiyong Konstitusyonal.

Ang Kumbensiyong Konstitusyonal ay nagtipun-tipon noong unang araw ng Hunyo


1971 ngunit bago matapos ang Kumbensiyon ay idineklara ni Marcos ang Batas Militar
noong Setyembre 1972 at ipinabilanggo ang ilang mga delegadong laban kay Marcos. Noong
19 Mayo 1972, binunyag ng delegadong si Eduardo Quintero (na dating embahador ng
Pilipinas sa United Nations mula sa Leyte) ang panunuhol ng ₱11,150 ng isang pangkat
upang impluwensiyahan ang kanyang pagboto sa panukala sa Kumbensiyon ng nagbabawal
sa muling pagtakbo sa halalan ng Pangulo at nagbabawal sa asawa ng pangulo na tumakbo
bilang pangulo. Tinukoy ni Quintero na ang pangkat na nanuhol ay kinabibilangan ng 12
delegado mula sa Samar-Leyte kasama nina Imelda Marcos at Paz Mate na asawa ni Rep.
Artemio Mate ng Leyte.

Ang balangkas ng mungkahing bagong Saligang Batas ay pinagtibay noong 29


Nobyembre 1972. Kabilang sa mga tadhana ng binuong Saligang Batas ang pagpapalit ng
sistema ng pamahalaan mula sa pampanguluhan (presidential) patungo sa parlamentaryan
kung saan ang Pangulo ang siyang kakatawan sa pamumuno ng estado, ang Punong Ministro
ng Pilipinas na inihalal ng Pambansang Asembleya ang gaganap ng kapangyarihang
pampamahalaan kasama ng kanyang Gabinete, at ang isang Pambansang Asembleya na
binubuo ng isang kapulungan (unicameral) ang may kapangyarihan sa paggawa ng batas.

Nagpalabas si Marcos ng Kautusuan pamapanguluhan 73 noong 30 Nobyembre 1972


na nagtatakda ng plebisito na idadaos sa 15 Enero 1973 upang pagbotohan ang
iminungkahing Saligang Batas. Nagpalabas si Marcos ng isang kautusang pampanguluhan 86
na lumilikha sa bawat baryo ng mga munisipyo o bayan at sa bawat distrito sa mga lungsod
ng mga Asembleya ng mga mamamayan o Citizen Assemblies upang palakihin ang saligan ng
paglahok ng mga mamamayan sa isang pamamaraang demokratiko. Noong Enero 10–15,
1973, pinagtibay ng mga Asembleya ang Saligang Batas. Nagkabisa ang bagong saligang
Batas noong 17 Enero 1973 sa pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 1102 ni Marcos na may
botong pabor na 14,976,561 at botong pagtutol na 743,869. Ang balidad ng pagpapatibay ng
1973 Saligang Batas ay tinutulan sa ilang mga kasong isinampa sa Kataas-taasang Hukuman
ng Pilipinas.

Kabilang sa mga puntong itinaas laban sa balidad ng pagpapatibay nito ang: ang
pagboto ay sa pamamagitan ng bibig samantalang ang artikulo 15 ng Saligang Batas ay nag-
aatas ng pagboto, ang mga bilang ng pagboto na binanggit sa proklamasyon 1102 ay nilikha
nina Benjamin Romualdez samantalang ang mga komisyoner ng COMELEC na tumangging
lumahok sa proseso ng pandaraya ay pinaalis, at walang malayang ekspresyon ang mga tao
dahil sa klima ng takot na nalikha ng Batas Militar. Ang petisyong kumukwestiyon sa balidad
nito ay ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman sa botong 6-4.[25]
Ayon sa mga probisyong paglipat ng Saligang Batas, dapat tipunin agad ni Marcos
ang Interim Pambansang Asemblea sa pagpapatibay ng 1973 Saligang Batas at ang
Asembleang ito ay dapat namang humirang ng interim Pangulo at interim Punong Ministro.
Gayunpaman, ito ay hindi ginawa ni Marcos at sinuspinde ni Marcos ang pagpapatupad ng
1973 Saligang Batas sa kadahilanang may panahon ng emerhensiya at kinailangan niyang
ipagpatuloy ang Batas Militar.[25] Sa halip, si Marcos ay nagmungkahi ng mga amiyenda sa
isang reperendum noong 16 Oktubre 1976 na pinagtibay noong 1976 na kinabibilangan ng
mga tadhanang: paghalili ng Interim Batasang Pambansa sa Interim Pambansang Asemblea,
na ang kasalukuyang Pangulo ay magpapatuloy na magsanay ng mga kapangyarihan sa ilalim
ng 1935 Saligang Batas at ng lahat ng mga kapangyarihang ipinagkaloob sa Pangulo ng
Pilipinas at Punong Ministro ng Pilipinas ng 1973 Saligang Batas, at ang Pangulo ay
magpapatuloy na magsanay ng mga kapangyarihang paggawa ng batas hanggang sa iangat
ang Batas Militar.

You might also like