You are on page 1of 1

Political Dynasties

POLITICAL DYNASTY SA PILIPINAS

Paano nga ba magkakaroon ng serbisyong totoo kung political dynasty ang umiiral sa gobyerno?
Ayon sa Artikulo II Seksiyon 6 ng ating konstitusyon na ginagarantiya ng estado ang pantay na
oportunidad at pagkakataon para sa serbisyo publiko at pinagbabawal nito ang dinastiyang politikal
na batay sa pagkakahulugang inilahad ng batas.
Ang Political Dynasty ay tumutukoy sa paghawak ng kapangyarihan ng mga magkakamag-anak sa
iba’t ibang sangay ng pamahalaan. Umiiral ito sa ating lipunan dahil nagsasaad ito ng ninanais ng
ating pamahalaan sa pagpapatupad at pagtatalaga ng posisyon.
Sa orihinal na konteksto, ang salitang “dynasty” ay nangangahulugang pamumuno o pampolitika at
pang-ekonomiyang kapangyarihang namamana o naipapasa sa loob lamang ng isang pamilya sa
panahon ng pyudalismo. Successor o tagapagmana ang tawag sa “sunod sa linya” ng pamumuno sa
kaharian o imperyo. Walang eleksyong kinakailangan, kundi ang “pyudal na pribilehiyo” lamang ng
dugo (blood line) na nagtitiyak ng kapangyarihan ng pyudal na pamilya ang kailangan.
Matagal ng umiiral ang political dynasty sa pamahalaan ng bansang Pilipinas. Ayon sa artikulong
isinulat ni Atty. Sison, isa sa sanhi ng political dynasty ay ang pagbili ng boto na kung saan ginagawa
ng mga politiko na naghahangad ng kapangyarihan. Ang pagtanaw ng utang na loob sa hindi
magandang pamamaraan ay isa rin sa sanhi nito. Ibinoboto lamang ang isang politiko dahil sa
pagtanaw ng utang na loob sa kamag-anak ng opisyal ng pamahalaan. Hindi magandang epekto ito sa
ating pamahalaan at panghuli, kawalan ng batas na magbabawal sa pag-iral ng political dynasty. Kung
tutuusin, mayroong nakahain na panukala ukol sa Anti political dynasty ngunit hindi pa naaprubahan
ng mga mambabatas.
Maraming hindi magandang epekto ng political dynasty sa ating lipunan at kapakanan ng mga
mamamayan. Kapag ang isang pamilya ay matagal nang namamahala sa isang lugar hindi na nila
nabibigyan ng pansin ang kanilang responsibilidad sa halip inuuna na nila ang kanilang pansariling
interes. Kaya naman malaki ang nagiging epekto nito sa isang lugar. Nagreresulta rin sa korupsyon
ang political dynasty dahil napagtatakpan ang hindi magandang gawain ng bawat miyembro na nasa
posisyon. Hindi rin naitataguyod ang kapakanan ng mas nakararami. Ang mas nabibigyan ng tuon ay
iilan lamang. Kapag may importanteng desisyon na dapat ipatupad ay hindi naisasagawa dahil sa
mayroong interes na pinoprotektahan. Naihahalal naman ang kahit sino kahit walang kakayahan na
mamuno sa kadahilanang siya ay miyembro ng pamilya, ang kapalit nito ay hindi maayos ang
nagiging kontribusyon sa sangay na kinabibilangan ng nahalal. Panghuli, bumabagal ang pag-unlad
ng bansa kapag umiral ang political dynasty.
Ang maimpluwensiyang pamilyang nagkokontrol sa atin ay marapat na tapusin ang posisyong hindi
karapat-dapat. Ito ang makpipigil sa pag-unlad ng bansa kung hindi ito wawakasan. Tunay na ang
political dynasty ay nagnanais pamang na mapanatiling kilala ang kanilang pangalan upang patuloy
na mahalal sa pagdating ng mga susunod na henerasyon. Desisyon ng bawat isa ang siyang
magpapabago sa bansa, alamin ang nararapat at makabubuti para sa nakararami.

Gabay na Tanong:

1. Ano ang ibig sabihin ng Political Dynasty?


2. Para sa iyo may malaki bang epekto ang political dynasty sa pamahalaan? Bakit?
3. Sa paanong paraan ka makatutulong sa isyung ito?

You might also like