You are on page 1of 2

Emil C.

Escasinas
12-ABM

Epekto ng overpopulation sa Pilipinas

Ang Pilipinas sa ngayon ay overpopulated na o lumalagpas na sa bilang ng tao na dapat naninirahan sa


isang lugar. Marami ang nagsasabi na ang mabilis na paglobo ng ating populasyon ay hindi makabubuti
sa ating bansa sapagkat marami daw ang maghihirap kapag ang ating populasyon ay magpapatuloy sa
mabilis na paglobo o paglaki.

Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Philippine Statistics Authority (PSA) ipinapakita na ang rate of natural
increase ng populasyon ng Pilipinas sa rate ay umabot sa 1.72% sa taong 2010-2015. Ito’y bumaba mula
sa 1.90% sa taong 2000-2010 ngunit maituturing pa rin itong malaki para sa isang maliit at pobreng
bansa tulad ng Pilipinas.

Ang Pilipinas ay kabilang sa pinaka mataong lugar sa daigdig. Ayon sa pag-aaral na World Population
Prospects 2019 ng United Nations, nangunguna sa listahan ang bansang China na may 1.439 billion at
may growth rate na 0.39%; pumapangalawa ang India na may 1.138 billion sa growth rate na 0.99%, at
ikaatlo ang Amerika na may 331 million population na meron lamang 0.59% growth rate.

Kung pagbabasehan ang rate of natural increase ng population, pang 87 ang Pilipinas sa buong mundo.
Una ang Nigeria na may 3.84%, pangalawa ang Pakistan na may 3.68%, at ang Equatorial Guinea 3.47%.

Tinatayang nasa 100.98 milyon na ang populasyon ng Pilipinas at madadagdagan pa ito ng 148 milyon
pagdating ng 2042.

Ayon kay Baus, D. (2017) Ang overpopulation ay sanhi ng mga sakit, climate change, kakulangan sa
pagkain at tubig, kawalan ngpagpaplano ng pamilya, at isang bumababang ekonomiya. Ito ay mga
senyales ng babala sa mga institusyong domestic at pandaigdigan at kailangang kumilos agad upang ito’y
masolusyonan.

Kaya naman ang ating gobyerno ay naglunsad ng mga programa at batas para ito ay mapabagal, gaya
nalang ng RH BILL, ito ay isang batas na nagsasaad ng mga kondisyon gaya ng, pagpapalaganap ng
paggamit ng contraceptives at iba pang paraan upang mapigilan ang pagbilis ng paglaki ng ating
populasyon.Marami ang tumututol dito, lalo na ang ating mga taong simbahan, sapagkat ang mga
kondisyon daw na isinasaad nito ay taliwas na sa turo ng simbahan at pumipigil ng buhay.

Ayon kay Bastes, A. (2012), dapat nating ikagalak ang overpopulation dahil alam naman ng lahat na ang
labor force o lakas paggawa ng bansa gaya ng mga OFW ang bumubuhay sa ating ekonomiya. At
kailanman ay hindi maituturing na pabigat ang malaking populasyon dahil ito ang asset at lakas ng isang
bansa. Tanging gawin lamang ng pamahalaan ay alagaan ito, suportahan at pagyamanin ang kakayahan
at talento ng bawat indibidwal.

Tunay na napakaseryosong problema ang overpopulation. Napakahalagang mapagtuunan na ito ng


karampatang atensyon at malapatan ng mga kongkretong hakbang bago pa dumating ang isa na namang
krisis.
Emil C. Escasinas
12-ABM

Sanggunian:

 https://globalnation.inquirer.net/51554/bishops-ivory-sex-abuse-controversies-related-to-rh-
bill.
 https://academicworks.cuny.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=2929&context=gc_etds
 https://population.un.org/wpp/Publications/Files/WPP2019_DataBooklet.pdf
 https://psa.gov.ph/population-and-housing/node/120080

You might also like