You are on page 1of 82

ISYUNG LOKAL

AT

INTERNASYUN
AL
Ipinapakita ng bahaging
ito ng pag aaral ang
paggamit ng wikang
Panimula filipino sa konteksto ng
mga napapanahong
usapin sa loob at labas ng
bansa katulad ng
korapsyon sa gobyerno,
kahirapan , kalusugan at
iba pa.
KORAPSYON
Ito ay karaniwang tumutukoy sa
pampolitika na korupsiyon na
nangyayari kapag ang isang
indibidwal na nasa posisyon sa
pamahalaan o isang empleyado
ng pamahalaan ay umaasal sa
kanyang kapasidad bilang
opisyal ng pamahalaan para sa
hindi nararapat na sariling
kapakinabangan.

20XX presentation title 3


Mukha na matatagpuan sa bawat
sangay ng gobyerno
1) Pag-abuso sa kapangyarihan
2) Pakikipagsabwatan
3) Pandaraya sa halalan
4) Pagnanakaw sa kaban ng bayan
5) Sistemang padrino o palakasan
6) Korapsyon sa iba’t ibang sangay ng gobyerno.

20XX presentation title 4


PANG-AABUSO SA
KAPANGYARIHAN

20XX presentation title 5


PANG-AABUSO SA KAPANGYARIHAN
• Mahalaga ang kapangyarihan upang ganap na magampanan ng isang lider ang
tungkulin na inaasahan sa kanya ng mga tao sa kanyang kapaligiran. Kung wala ito,
walang pwersang makapagbibigay ng pangil para sa mabuting pagtanggap ng
lipunan sa maayos na implementasyon ng isang tungkulin.

• Ang kapangyarihan ay maaring maipatupad sa dalawang kaparaanan, ministeryal


na pagpapatupad at diskresyunal na pagpapatupad.

MINISTERYAL NA PAGPAPATUPAD
-Kung ang isang namumuno ay walang ibang nararapat na gawin kundi ipatupad ang isang polisiya.

DISKRESYUNAL NA PAGPAPATUPAD
- Ang disreksyunal na paggamit ng kapangyarihan ay tumutukoy sa paggamit ng
opsyon o disreksyon ng isang namumuno o kawani ng pamahalaan na ipatupad o hindi
ipatupad ang isang tungkulin subalit may pagsasaalang- alang sa mga legal na
pamanatayan.

20XX presentation title 6


PAKIKIPAGSAB’WATAN
• Ang sab’watan ay tumutukoy sa ugnayan ng dalawa o higit pang
indibidwal o grupo na nagkaisa na isakatuparan nang palihim ang
isang gawain na siyang ugat ng limitasyon ng iba upang tuparin ang
kinakailangan o nais nilang gawin.
• Ito ay isang krimen ng pandaraya, panloloko sa iba para sa kanilang
mga Karapatan upang makuha ang isang adhika na labag sa batas na
karaniwan ay sa pamamagitan ng pandaraya o paggamit ng hindi
patas na kalamangan.

20XX presentation title 7


PANDARAYA SA HALALAN
• Ipinagkakatiwala ng taong bayan sa mga pulitiko ang kinabukasan ng
bawat mamamayan sa pamamagitan ng kanyang boto sa Pambansa at
lokal na halalan.
• Ang bawat balota ay sumisimbolo ng pag-asa sa pagkakaroon ng
magandang bansa at pananalig na ang suportang kanilang ibinibigay sa
pamamagitn nito ay makabuluhan at kailanman ay hindi pagsisihan.

• Ang Karapatan ng bawat Pilipino na makilahok sa halalan bilang


botante ay kinikilala ng ating Saligang Batas sa ilalim ng Artikulo V.

20XX presentation title 8


ARTIKULO V
KARAPATAN SA HALAL
(Voting Rights)
SEKSYON 1. Ang karapatan sa halal ay maaaring gampanan ng lahat ng mga mamamayan ng
Pilipinas na hindi inalisan ng karapatan ng batas, na labingwalong taong gulang man lamang, at
nakapanirahan sa Pilipinas sa loob ng isang taon man lamang, at anim na buwan man lamang sa
lugar na kanilang bobotohan kagyat bago maghalalan.

SEKSYON 2. Dapat magtakda ang Kongreso ng isang sistema para maseguro ang pagiging
sekreto at sagrado ng mga balota at gayon din ng isang sistema para sa pagbotong liban ng mga
kwalipikadong Pilipino na nasa ibang bansa.
Para sa mga taong may kapansanan at mga hindi marunong bumasa at sumulat, ang Kongreso
ay dapat bumalangkas ng isang pamamaraan na hindi na kakailanganin ang tulong ng mga ibang
tao. Hanggang sumapit ang panahong iyon, sila ay pahihintulutang bumoto sa ilalim ng umiiral
na mga batas at ng mga tuntuning maaaring ihayag ng Komisyon ng Halalan upang
maprotektahan ng pagiging sekreto ng balota.

20XX presentation title 9


KONSEPTO NA MAY KAUGNAYAN
SA PANDARAYA SA ELEKSYON :
• 1. PANDARAYA SA ELEKSYON (Electoral fraud)
• 2. MANIPULASYON NG ELEKSYON (Election
Manipulation)
• 3. PAGTATANGGAL SA KARAPATAN NG ISANG TAO
NA BUMOTO (Disenfranchisement )
• 4. MANIPULASYON NG DEMOGRAPIYA

20XX presentation title 10


PANDARAYA SA ELEKSYON

•Tumutukoy ito sa illegal na


paghihimasok sa proseso ng eleksyon sa
pamamagitan ng pagdagdag ng boto sa
pinapaborang pulitiko, pagbabawas ng
boto sa kalabang kandidato, o pareho.

20XX presentation title 11


MANIPULASYON NG ELEKSYON
(Election Manipulation)

• Ito ay isang uri ng pandaraya na makikita


bago maganap ang halalan kung ang
komposisyon ng mga manghahalal ay
nabago. Ang lantarang manipulasyon ay
itinuturing na paglabag sa prinsipyo ng
demokrasya.
20XX presentation title 12
PAGTATANGGAL SA KARAPATAN NG
ISANG TAO NA BUMOTO
(Disenfranchisement)
• Ito ay isang uri ng pandaraya na makikita
bago maganap ang halalan kung ang
komposisyon ng mga manghahalal ay
nabago. Ang lantarang manipulasyon ay
itinuturing na paglabag sa prinsipyo ng
demokrasya.
20XX presentation title 13
MANIPULASYON NG DEMOGRAPIYA

• Maraming mga pagkakataon na kayang


kontrolin ng mga kinauukulan ang
komposisyon ng mga manghahalahal
upang makatiyak ng isang resultang
pumapabor sa sinusuportahang pulitiko.

20XX presentation title 14


KARANIWANG NANGYAYARI SA
BOTOHAN O HALALAN
• Intimidasyon
• Karanasan o pananakot na paghahasik ng
karanasan
• Mga Pag-Atake sa Lugar ng halalan
• Mga Pagbabantang Legal
• Pamimilit
• Pagpili ng Boto.
20XX presentation title 15
PAGNANAKAW
SA KABAN NG BAYAN
Pagnanakaw sa kaban ng Bayan
Ang kurapsyon ay naka-ugat na sa sistema ng pulitika
sa Pilipinas. Kurapsyon ang isa sa mga pangunahing
dahilan kung bakit naghihirap ang mga pilipino.
Ang estado ng Pilipinas ay nananatiling mahina at ang
patuloy na paggamit ng mga elitista ng kanilang
kapangyarihan ang paghihirap sa pamahalaan na
magkaroon ng magandang pamumuno sa ating bansa.

20XX presentation title 17


Panunuhol ( Bribery) at Korapsyon ng Opisyal ng
Gobyerno (Corruption 0f Public Officer)
• Ang suhol o panunuhol (bribery), na tinatawag
ding lagay o paglalagay, na isang ng korupsiyon ang gawain ng
pagbibigay ng salapi o regalo na nagbabago sa pag-aasal ng
tumatanggap nito.
• Ang panunuhol ay isang krimen at inilalarawan ng Black's Law
Dictionary bilang pag-aalok, pagbibigay, pagtanggap o panghihingi
ng anumang bagay na may halaga upang impluwensiyahan ang
mga aksiyon ng isang opisyal o mga taong nakatalaga sa isang
pampubliko (pampamahalaan) o legal na katungkulan.

20XX presentation title 18


Maling Paggamit ng Pondo o Ari-
arian ng Bayan
• Sa ilalim ng Artikulo 217 ng kodigo Penal ng Pilipinas ay binigyan ng
depinisyon ang krimen ng maling paggamit ng pondo o ari-arian ng bayan.

• Sinasabi sa artikulong ito na kahit sinong opisyal ng gobyerno, sa


pamamagitan ng kanyang tungkulin sa tanggapan ay may pananagutan sa
pondo at mga ari-arian ng publiko kung ito ay kanilang gagamitin sa
maling pinaglalaanan, o sa pamamagitan ng pag iwan o kapabayaan, ay
hahayaan nila ang ibang tao na gamitin ang naturang pondo at ari-arian ng
publiko, buo man o bahagdan.

20XX presentation title 19


• Ang halaga na sangkot sa maling paggamit ng pondo ay esensyal sa
pagtukoy ng angkop na parusa sa taong mapapatunayang gumawa ng
krimeng Ito.

• Sa kabilang dako, isinasaad naman ng Artikulo 220 ang illegal na gamit


ng pondo at ari-arian ng publiko. Tahakang sinasabi rito na may pondo at
ari-arian ng kanyang administrasyon sa pampublikong gamit bukod sa
totoong pinaglalaanan nito batay sa batas at mga ordinansa.

20XX presentation title 20


Pandarambong (Plunder)
• Ang Pandarambong o plunder ay mariing kinukundina sa Sistema ng pamamahala sa
pilipinas. Sa bisa ng RA 7080 ay itinuturing na isang krimen ang akto ng opisyal ng
gobyerno na direkta o sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng pamilya
mga kamag anak sa pamamagitan ng kasal o sa dugo mga kasama sa negosyo mga
nasasakupan o iba pang tao ay humahakot, natitipon o nagkakamit ng kayamanan na
kinuha sa masama gamit ang pinagsama o sunod-sunod na hayagan o mga gawaing
kriminal na inilalarawan sa batas (RA 7080) sa tinipong halaga o kabuuang halaga ng
hindi bababa sa limangpung milyong piso.( ₱50,000,000.00)

• Reclusion Perpetua hanggang kamatayan ang parusang naghihintay sa sinumang


mapatunayang magkakasala sa krimeng ito.

20XX presentation title 21


ESPISIKONG MAY KAUGNAYAN SA
PANDARAMBONG O PLUNDER:
• - Paglustay
• - Paglipat ng hindi angkop na paggamit , maling pag- aasal sa
mga ponding pampubliko o mga pagsalakay sa kabangyaman ng
publiko
• - Pagtanggap nang direkta o hindi direkta, anumang paggawa,
regalo, bahagi bahagdan, mga kickback o anumang anyo ng
pansalaping pakinabang mula sa anumang tao o mga entidad na
may kaugnayan sa anumang kontrata o proyekto ng pamahalaan
o sa dahilan ng opisina o posisyon ng pinatutungkulang opisyal
ng publiko;

20XX presentation title 22


• - Ilegal o pandarayang pagpapadala o pagbibigay ng mga ari-arian ng pambansang
pamahalaan o anumang mga subdibisyon nito, ahensiya o mga intrstrumentalidad
o mga pag-aari ng pamahalaan o kinokontrol ng pamahalaan na mga korporasyon
at mga subsidiyaryo nito.
• - Pagkakamit, pagtanggap nang direkta o hindi direkta ng anumang mga bahagi ng
stock, ekwided o anu pamang anyo ng interes o pakikilahok kabilang ang pangako
ng pang hinaharap na trabaho sa anumang Negosyo o isinasagawa.
• -Paglikha ng agricultural, industriyal o pangkalakalan na mga monopoly o iba
pang kombinasyon o pagpapatupad ng mga atas at kautusan na ang layunin ay
makinabang ang mga partikular na tao o mga espesyal na interes
• Higit sa nararapat na kalamangan ng opisyal na posisyon, kapangyarihan, ugnayan
, koneksiyon o impluwensya upang hindi makatarungan payamanin ang mga sarili
nito na may pagsasawalang-bahala sa panganib o pinsalang maidudulot nito sa
mamamayang Pilipino at republika ng pilipinas.

20XX presentation title 23


Ang Graft at korapsyon
• Ang korapsyon ay tumutukoy sa maling gamit ng mga
pinagkukunan ng pamahalaan para sa personal na benepisyo.
• Ang Graph ay tumutukoy sa maling gamit ng impluwensiya para sa
personal na benepisyo.
• Sa ilalim ng Republic Act 3019 ( Anti-Graft and Corrupt Practices
Act) ay inisa-isa ang mga kasanayang may kaugnayan sa korapsyon
ng mga opisyal ng gobyerno at idineklara na labag sa batas.

20XX presentation title 24


Enumerasyon ng mga espisikong akto ng paggawa
ng krimen sa ilalim ng batas na ito:
Himukin, Ibuyo o impluwensyahan ang ibang opisyal ng gobyerno na magsagawa ng isang
akto na lumabag sa patakaran at regulasyong binigyan ng promulgasyon ng maasahang
awtoridad o isang paglabag na may kaugnayan sa opisyal na tungkulin ng opisyal ng
gobyerno o ang pahintulutan ang sarili na mahimok,mabuyo o maimpluwensiyahan na
gumawa ng paglabag sa batas.
Direkta o di-direktang paghiling o pagtanggap ng regalo, bahagi,bahagdan o benepisyo
para sa kanya o para sa ibang tao mula sa kahit sinong tao na kung saan ang opisyal na
gobyerno sa anumang paraan o kapasidad ay nakakuha o makakukukuha ng kahit na anong
permiso o lisensya sa gobyerno bilang konsiderasyon sa tulong na ibinigay o ibibigay.
Pagtanggap o pagkakaroon ng kasapi ng pamilya na tumatanggap ng trabaho sa pribadong
kumpanya na nakabimbing kalakalan sa kanya sa mga panahon ng pagluluwat o sa loob ng
isang taon pagtapos nito.

20XX presentation title 25


• -Pagdudulot ng hindi nararapat na pinsala sa isang Partido, kasama ang gobyerno
o ang pagbibigay sa kahit na sinong pribadong Partido ng hindi makatwirang
benepisyo, pakinabang o pagkakataon na mamili sa pagpapatupad ng kanyang
opisyal na administratibo at judisyal na tungkulin sa pamamagitan ng hayagang
pagkiling, kasamaan o labis hindi katangap-tanggap na kapabayaan.

• - Pagpapabaya o pangtanggi matapos ang nararapat na demand o pakikiusap, nang


walang sapat na pagmamatuwid, pag-akto sa loob ng risonableng oras, sa kahit na
anong pamamaraan kapalit ng pagtatamasa, direkta o hindi direkta mula sa kahit
na sinong tao na may interes sa pananalapi at mga material na benepisyo.

• -Direkta o di-direktang pagkakaroon ng pinansyal na interes sa kalakalan,


kontrata o transaksyon na kaugnay ng kanyang paggitna sa pamamagitan ng
kanyang opisiyal na kapasidad o kung siya ay hindi pinahihintulutan ng
konstitusyon o ng kahit na anong batas na kung saan siya ay may interes.

20XX presentation title 26


• - Pagkakaron ng direkta o di-direktang interes sa mga personal na
pakinabang sa mga transaksyong pinagpasyahan ng board o grupo na kung
saan siya ay kasapi o kabilang.

• -Pag-apruba o pagbibigay ng kahit na anong lisensya , permit ,pribilehiyo o


benepisyo na pabor kahit na alam niyang ang taong binibigyan ng pabor ay
hindi kwalipikado na makatanggap nito.

• -Paglalabas ng mahahalagang impormasyon na konpidensyal na nakuha ng


kanyang tanggapan sa pamamagitan ng kanyang opisyal na posisyon sa isang
hindi awtorisadong tao o ang paglalabas ng naturang impormasyon sa petsa
na higit na maaga sa petsa na dapat itong ilabas.

20XX presentation title 27


Sistemang Padrino o Palakasan
Sistemang Padrino o Palakasan
• Ang isa pang walang kamatayang isyu o usapin sa
larangan ng pamamahala ay ang sistemang padrino o
ang palakasan. Ang mga nakaluklok sa kapangyarihan
ay karaniwang nagiging saksing bulag at bingi sa
hustisya na dapat ibigay sa taong bayan mapagbigyan
lamang ang mga taong pinagkakautangan nila sa loob.

20XX presentation title 29


MGA HALIMBAWA NG KORAPSYON SA IBA’T
IBANG SANGAY NG PAMAMAHALA

• Ang korapsyon ay isang epidemyang pumapatay sa isang


magandang Sistema ng pamamahala hindi lamang sa mga
pangunahing mga sangay ng pamahalaan kundi maging sa mga
maliliit na yunit nito.

20XX presentation title 30


Korapsyon sa Kapulisan at Hukbong
Sandatahan
• Hindi ligtas ang mga kapulisan at ang hukbo ng sandatahan sa usapin ng
korapsyon. Nababalot din ng kontrobersiya ang kanilang mga pagpili ng mga
kagamitang kinakailangan sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

• Pinaniniwalaan na ang korapsyon ay isang tiyak na anyo ng mga maling gawi


palasak sa loob ng ahensya ng mga kapulisan at hukbong sandatahan.

• Kinasasangkutan ito ng pananamantala sa benepisyong pananalapi at iba pang


mga kapakinabangang makapagsusulong ng kanilang mga karera.

20XX presentation title 31


Sa kabila ng ng panunumpa sa kodigo ng pag-aasal o etika may
mga pagkakataon pa ring nilalabag ng mga kapulisan ang
espisipikong probisyon nito katulad ng mga sumusunod:

a) Pagtanggap ng salapi bilang proteksyon sa illegal na Gawain.


b) Pagtanggap ng suhol kapalit ng pananahimik at hindi pag akto sa isang kaso na kailangan
niyang gawan ng aksyon.
c) Pagtanggap ng suhol bilang kapalit ng hindi pag iisyu ng tiket kaugnay ng paglabag ng
motorista sa batas pangtrapiko.
d) Pagtatanim ng ebidensya (Planting of Evidence).
e) Pagmamalabis sa kapangyarihan gamit ang dahas o pananakot upang mapagtagumpayan ang
nais makuha .
f) Paglahok ng kapulisan sa mga organisadong krimen katulad ng pagnanakaw, terorismo ,
kidnapping at iba pa.

20XX presentation title 32


Korapsyon sa hudikatura

Ang Hudikatura (Judiciary) ay isa sa tatlong mahalagang sangay ng


gobyerno kasama ang Ehekutibo (Executive) at Lehislatibo
(Legistlative). Mataas ang pagtingin ng llipunan sa sangay na ito na may
kapantay na kapangyarihan sa Ehekutibo at Legistlatibo. Ang Hudikatura
aang sangay ng gobyerno na siyang nagbibigay ng interpretasyon sa
batas na ginawa ng Lehislatibo at ipinapatupad ng Ehekutibo.

20XX presentation title 33


Korapsyon sa Lehislatibo

Ang Lehislatibo ang sangay ng gobyerno na namamahala sa pagbuo


at pagbabalangkas ng batas na nararapat namang ipatupad ng
Ehukitibo. Malapit sa usapin ng korapsyon ang sangay na ito ng
Lehislatibo sapagkat maaaring makapaglagay ng isang probisyon
sa panunakalang batas na maaaring pumabor sa may-akda nito.

20XX presentation title 34


Ang mga sumusnod ay ilan pa sa mga
halimbawa ng korapsyon na palasak sa
Pilipinas.

1. Pagtakas sa pagbabayad ng buwis


2. Ghost Project at payroll
Iba pang Korapsyo
3. Pagtakas o pag-iwas sa subasta sa publiko
ng pagkakaloob ng mga kontrata
sa Pilipinas
4. Pagpasa ng mga kontrata
5. Pangingikil
6. Panunuhol

20XX presentation title 35


Ghost projects at payroll Pag-iwas sa subasta sa publiko ng
Pagtanggi sa pagbabayad ng buwis. Kadalasan itong ginagawa ng mga matataas na pagkakaloob ng mga kontrata
Ang pagbabayad ng buwis ay isang tungkuling opisyal ng gobyerno sa pamamagitan ng Mahalaga ang pagsusubasta sa publiko ng
iniaatang sa bawat mamamayang Pilipino pagbibigay ng pondo sa mga hindi umiiral na pagkakaloob ng kontrata upang maiwasan ang
kapalit ng seguridad at serbisyong ibinibigay proyekto ng pamahalaan habang ang mga paggawad ng kontrata sa mga negosyante o
sa kanila ng pamahalaan. Walang pamahalaan hindi umiiral na tauhan ng pamahalaan ay personalidad na makapagbibigay ng mga
na makakatayo nang mag-isa kung wala ang sinasahuran at binibigyan ng allowance. pasahod.
buwis na kinukuha sa bawat mamamayan .

Paglalagay ng suhol
Pagpasa ng mga kontrata mula sa isang
Pangingikil Ito ay aktong makikita sa isang pribado or
Ang pangingikil ay tumutukoy sa isang ordinnaryong mamamayan na karaniwang
kontraktor tungo sa iba PA napipilitang maglagay sa opisyal ng
(subcontracting) akto ng panghihinhi ng salapi,
pamahalaan resulta marahil ng matagal pag-
Ang pagpapasa ng mga trabaho mula sa isang mahalagang bagay o serbisyo mula sa aksyon ng taong gobyerno sa transakyon na
kontraktor tungo sa ibang kortraktor ay mga transakyon ng mga ordinaryong kailangan ng pribadong indibidwal ng isang
maaaring magdulot ng paggamit ng mamamayan sa kanilang mga tanggapan agarang aksyon.
mabababang uri ng materyales o hindi o opisina.
matapus-tapos na mga proyekto.
KBAINAYHANA

KABAYANIH
AN
20XX presentation title 37
Kabayanihan
• Ang kabayanihan ay inilalarawan ng kagitingan at katapangan sa
pagharap sa mga hamon ng buhay. Sa mga mitolohiya at mga
kwentong bayan ay ipinapakita ng mga pangunahing tauhan ang
kanilang pagsasakripisyo at paglalagay ng sariling buhay para isalba
ang higit na nakararami.

• Ang kabayanihan ay nagpapakita ng katapangan na harapin ang


panganib at kagipitan para sa kapakanan ng sangkatauhhan.

20XX presentation title 38


MGA BAYANI

Dr. Jose Rizal Andres Bonifacio Melchora Aquino Macario Sakay Manuel L. Quezon

Sergio Osmeña Manuel Roxas Benigno Aquino Jr. Corazon Aquino

20XX presentation title 39


IBA PANG MGA KABAYANINAN

• - Pangingibang bayan ng mga OFW


• - Ang paggawa ng mga makabagong imbensyon
• - Paggawa ng kabutihan
• -Ang kahusayan ni Senator Manny Pacquiao sa larangan ng boxing
• -Ang katapatang ipinakita ng mga Pilipino

20XX presentation title 40


Hanggang dito nalang muna!

20XX presentation title 41


REBOLUSYONG
PANGKALIKASAN

20XX presentation title 42


20XX presentation title 43
•Ano ang matinding bagyong
o kalamidad ang inyong
naranasan?

20XX presentation title 44


Likas na mga kadahilanan ng
kalamidad
• 1. Mga paggalaw ng mundo
• 2. Kalamidad na may kaugnayan sa panahon
• 3. Mga pagbaha, pagguho ng putik, pagguho ng
lupa at taggutom.

20XX presentation title 45


LINDOL TSUNAMI

PAGPUTOK NG
BULKAN
20XX presentation title 46
Tip bilang paghahanda sa sakuna:
1) Ihanda ang mga emergency kit
2) Siguraduhin na nasa maayos na lugar ang mga mabibigat na
kagamitan;
3) Ilagay sa mas mababang lebel ang mga kagamitang maaring
makasakit;
4) Bawasan ang panganib sa mga babasagin;
5) Isarado ang gas;
6) Ihanda ang mga bata sa panahon ng sakuna;
7) Magkaroon ng plano para sa pagdating ng sakuna.

20XX presentation title 47


Halimbawa ng kalamidad na may kaugnayan
sa panahon:

Bagyo Ang mga kalamidad na nabanggit ay


Ipo-ipo mga natural na mga pangyayari at hindi
El Niño kayang maiwasan.
La niña
Matinding tag-init Ang tanging magagawa lamang ng tao
Matinding Taglamig ay ang paghandaan ang mga
pangyayaring ito upang mabawasan
ang masamang dulot nito sa kanila.
Ang pagbaha, pagguho ng lupa at taggutom ay itinuturing na
epekto ng pangyayaring may kaugnayan sa pagbabago ng
panahon.

Ito ay resulta ng mga hindi inaasahang kodisyon. Maraming


mga pag-aaral ang nagsasabi na ang mga sakunang kasama sa
enumerasyon ay mga sakuna na kung saan ang tao ay may
malaking kontribusyon o bahagi. Madalas ang pagbaha sa
kamaynilaan at sa mga syudad dahil sa hindi maayos na Sistema
ng pagtatapon ng basura ng tao at mga establisyimentong
pagkalakan.
Kapitalismo at ang kalikasan
Kasabay ng modernisasyon, kaunlarang pangsosyal at pang-ekonomiya ay
ang walang habas na pananamantala ng tao sa paggamit ng kalikasan sa
kabila ng regulasyong may kaugnayan dito. Upang makapagtayo ng hotel,
resort, casino at iba pang na establisyimento ay kailangang isaalang-alang
ang pagputol sa mga nakatanim na puno at pagpapatag ng bulubunduking
lupa.
Ang kaso ng Cherry Hill Subdivision
Isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng yaman ng isang local na pamahalaan ang pagpapabuti
ng kanyang turismo. Tungkulin nito na i-develop o paunlarin ang kanyang nasasakupan ng
kanyang mamamayan.

Subalit ang malaking hapon para sa mga lokal na pamahalaan ay ang pagpapanili ng pag-unlad (
sustainable development) nito na may pagsasaalang-alang sa mga sumusunod na domain:
sosyal, pangkalikasan at pang-ekonomiya.

Pundamental na pangangailangan ng tao ang sariwang hangin, malinis na tubig, maayos na


pagkain at tahanan na pawang mga usapin sa larangan pagpapanatili ng pag-unlad (sustainable
development) ng turismo. Habang patuloy na inihahanda ang isang lugar para sa pagdagsa ng
mga turista ay patuloy din ang pagputol ng mga puno upang makapagtayo ng gusali, magkaroon
ng maayos na akomodasyon at konbinyenteng Sistema ng transportasyon. Habang patuloy ang
pagdagsa ng turista ay ang pagtaas ng antas ng polusyon dala ng emisyon ng usok na
nanggagaling sa kanilang mga sasakyan mga hindi nabubulok na basura, utilisasyon ng likas na
yaman.
Ang Patuloy na Pag-unlad ng kalikasan
( Enviromental Sustainability)
Ay nangangailangan ng maayos na disenyo ng mga Gawain upang matamo ang
pangangailangan ng tao habang pinapangalagaan ang suporta na nanggagalng sa ating
kalikasan.

Halimbawa:
- Paggamit ng renewable energy
- Pagkakaroon ng maayos na Sistema ng pagtatapon ng basura ( Segragasyon ng nabubulok
sa di-nabubulok na basura)
- Pagkakaroon ng maasyos na panununtunan sa paggamit ng likas na yaman.

Ang Enviromental Sustainability ay tumutukoy din sa paggamit ng mga likas na


pinanggagalingan sa punto na kaya itong mapalitan sa likas din na pamamaraan.

Ang patuloy na pag-unlad ng ekonomiya (economic sustainability) ay maaring


kasangkutan ng pagpapaunlad ng kalidad ng buhay na nakakrami subalit nangangailangan
ng pagbabawas ng konsumo sa kalikasan.
Tamang Pagtatapon ng Basura
Kaakita pa rin ng pag-unlad ng mundo, pagtaas ng
populasyon at pag angat ng ekonomiya

Ang suliraning ito ay hindi lamang sa pilipinas


kinakaharap sapagkat maging sa ibang bansa man
ay suliranin din nila ito.
Basura mula sa Canada
NAKAKADIRI ang laman ng 50 container vans na galing sa Canada. Mga basura! Kabilang ang plastic bags,
containers, bote ng chemical at adult diapers, yukkk! Mga hazardous wastes ang laman! Maski ang mga officials
ng Bureau of Customs (BOC) ay napaatras nang buksan ang mga nakumpiskang container vans. Binuksan ang
mga van noong Pebrero 10. Ayon sa BOC, ang shipment ay dineklarang “plastic scraps” na ire-recycled
umano sa Pilipinas. Nagkakahalaga ang basura ng $222,800.15 o mahigit P10 milyon. Umano’y isang
kompanya sa Valenzuela City ang consignee ng mga basurang galing sa Canada. Hanggang ngayon, hindi pa
umano lumulutang ang may-ari ng kompanya na umangkat ng basura.

Ang Canada ay kilala na taga-sulong at bumabatikos sa mga pumipinsala sa kapaligiran. Aktibo ang Zero Waste
Canada para mapangalagaan ang kanilang bansa at ang mundo sa kabuuan. Pero sa nangyaring nagpadala sila
nang napakaraming basura (na nakakamatay at nakapipinsala), parang lumalabas na pakitang tao lamang ang
kanilang pag-laban sa mga sumisira sa kapaligiran o kalikasan.
Hindi kaya dumaan sa mahigpit na inspeksiyon ang mga ipinadala nilang basura? Sobrang dami ng mga
halu-halong basura. Hindi kaya nila alam na bawal ang mag-shipped ng mga ganitong bagay dahil
mapanganib sa buhay ng mga tao. Paano kung mayroong hospital wastes? Kakalat ang sakit dito at walang
kalaban-laban ang mga Pilipino. Walang nakaaalam na unti-unti na palang kumakalat ang sakit dahil sa
mga basurang imported.

Lagi na lamang pinagtatambakan ng mga basura ang bansa. Noong 2012, isang US Naval ship ang
nagtapon ng toxic wastes sa Subic Bay. Sabi ng contractor na nagtapon ng toxic wastes, sumailalim naman
daw iyon sa treatment process kaya hindi delikado. Pero nabulgar na wala namang treatment facilities ang
barko. Hanggang ngayon, wala nang balita kung pinagbayad ng gobyero ang US Naval ship sa tinapon
nilang toxic sa karagatan. Maaaring hindi, katulad din nang hindi nila pagbabayad sa nasirang corals sa
ating karagatan nang sumadsad ang kanilang barko.

Tambakan din ng mga luma at kakarag-karag na sasakyan (mga bus) mula Japan, Korea at China ang
bansa. Hindi nakapagtataka kung bakit laging may bus accident sa bansang ito at marami ang namamatay.
Matindi ang pakikibaka ng mundo sa hamon ng mga
usaping Kinakaharap ng tao sa wastong pagtatapon ng
basura.
1. Ang mga solidong basura ay karaniwang itinatapon o ibinabaon
sa mga landfill sites na maaring maging makapaminsala nang
labis sa kapaligiran;
2. Ang mga nabubulok na basura naman ay maaaring magbunga ng
mikrobyo, masangsang na amoy o di kaya ay simsimin ng tubig
sa ilalim ng lupa.
3. Ang usok nas nagmumula sa mga sinusunog na basura ay
nakapagdadagdag din ng polusyon sa ating kapaligiran.
SOLID WASTE
MANAGEMENT ACT OF 2000
Seksyon 2. Deklarasyon ng Polisiya
Seksyon 10. Papel ng local na pamahalaan sa
pamamahala ng Solid Waste
Seksyon 16. Pagpaplano sa pamamahal ng lokal
na pamahalaan sa Solid Waste
Artikulo 2 : Segregasyon ng Basura
Seksyon 21. Sapilitang Segregsyon ng Solid Waste
Seksyon 48. Mga Ipinagbabawal na akto
Pagbabago ng klima o Climate Change
Ang pagbabago ng klima ay isinisisi sa pagtaas ng greenhouse gases na siyang nagpapainit sa mundo.
Sinasabing ito ay nakapagbubungas ng mga sakuna katulad ng baha at tagtuyot na dahilan ng
kamatayan at sakit ng tao.

2 ang itinuturong dahilan ng pagbabago ng klima sa mundo at ito ay ang mga sumusunod:

1. Likas na pagbabago – tinutukoy nito ang sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, pag ikot ng mundo
at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagiging dahilan ng pagtaas ng temperature sa hangin na
nakabalot sa mundo.

2. Greenhouse Gases – Karaniwang sanhi nito ang paggamit ng mga kemikal sa mga produktong ginagamit ng
tao, pagbuga ng carbon dioxide buhat sa mga sasakyan na gumagamit ng gasoline, paglapastangan sa mga
puno na siyang pananggalang sa carbon dioxide, at iba pa.

Ang pagbabago ng klima ay maaaring makapagdulot ng polusyon. Maari din itong magdulot ng masama sa
kalusugan ng tao katulad ng cholera at iba pang sakit na may pagtatae; dala ng insekto na katulad ng lamok
( malaria o dengue ) at ng daga (leptospirosis)
Pagkaubos ng Likas na Yaman
Mga Halimbawa ng Pagkaubos ng Likas na
Yaman
•Pagbawas sa dami ng krudo sa isang natural na reserba

•Ang pagbaba sa mga mapagkukunan ng kagubatan ng Amazon

•Pagkaubos ng mga element

•Pagkaubos ng tubig-tabang

•Ang pagbaba sa supply ng natural na gas

•Pagbaba ng mga aquatic species


Mga Dahilan ng Pagkaubos ng Likas
na Yaman
•Overpopulation

•Hindi magandang gawi sa pagsasaka

•Maaksayang gawi

•Pagmimina at paggalugad ng mineral

•Polusyon at kontaminasyon ng mga likas na yaman

•Pang-industriya at teknolohikal na pag-unlad

•Sobrang pagkonsumo at basura


Mga Epekto ng Pagkaubos ng Likas
na Yaman
 Epekto sa kalusugan
 Mga epekto sa ekonomiya
 Polusyon sa hangin
 Pag-iinit ng mundo
 Ang pagbaba ng populasyon ng isda
 Pagkawala ng biodiversity at tuluyang pagkalipol ng mga species
 Kakulangan sa tubig
 Pagbawas sa mga reservoir ng mineral
 Pagkawala ng takip ng kagubatan
Mga Solusyon sa Pagkaubos ng Likas
na Yaman
 Mga Pamumuhay na Sumusuporta sa Sustainability
 Reforestation at reforestation
 Paggamit ng mga alternatibong mapagkukunan ng enerhiya (lalo na ang nababagong enerhiya)
 Legal na proteksyon ng mga yamang tubig
 Sustainable agricultural practices
 Edukasyon
 Pagbawas sa pagkonsumo
 Paggamit ng mga de-kuryenteng sasakyan
 Muling paggamit at pag-recycle ng mga basurang materyales
 Organikong paghahalaman
HARPAKAIN

KAHIRAPAN
KAHIRAPAN
Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga
ng mga pag-aaring materyal o salapi.

Ang absolutong kahirapan ang kalagayan o katayuan ng hindi pagkakaroon ng paraan o


pamamaraan upang makayanan o makapagdulot magkaroon ng payak o basikong mga
pangangailangang pantao, katulad ng malinis na tubig o naiinom na tubig, nutrisyon,
pangangalagang pangkalusugan, kasuotan, at tirahan.

Ang relatibong kahirapan ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng mas kakaunting mga


mapagkukunan o mas kakaunting kitang salapi kaysa ibang mga tao sa loob ng isang
lipunan o bansa, o kapag inihambing sa mga karaniwang bilang sa buong mundo. Ang
suplay ng mga pagkain na pangangailangan ay maaaring malimitahan ng mga limitasyon sa
mga serbisyo ng pamahalaan gaya ng korupsiyon, ilegal na paglisan ng kapital, mga
kondisyonalidad sa utang at sa pagkaubos ng utak ng mga propesyonal na pang-edukasyon
at pangkalausugan.
Ang kahirapan ay isa sa mga problema na kinakaharap ng mga Pilipino. Ito ay isa rin sa
problema na hindi matapos tapos at hindi rin mabigyan ng solusyon. Mahigit kumulang
48% o 11.1 milyon ang bilang ng mga pamilyag pilipino na nagsasabi at itinuturing ang
kanilang sarili bilang mahirap. Ito ay batay sa ikalawang ‘survey’ na ginawa ng SWS o
Social Weather Stations.

Isa sa sanhi ng kahirapan ay ang pagkakaroon ng mababang antas ng edukasyon. Marami


ang nag sasabi na ang edukasyon ang ating puhunan para sa ating kinabukasan ngunit
marami rin ang hindi nakakapag aral dahil nagkakaroon ng kakulangan sa pera na
ipangbabayad sa paaralan na papasukan pati na rin pangbili ng kagamitan na kakailanganin
ng isang mag-aaral. Ang ibang mag-aaral naman ay nagtratrabaho habang nag aaral. Ito na
rin ang magsisilbing tulong nila sa kanilang mga magulang at matustusan ang kanilang
sariling pag-aaral ngunit ang iba ay mas pinipili ang magtrabaho na lamang dahil ang
kanilang kinikita ay sapat lamang sa kanilang pangangailangan araw-araw at kulang pa
para sila ay makapasok sa paaralan.
Ang kawalan ng malinaw na pagplaplano at malabis na paggatos ay isa rin sa dahilan ng kahirapan
dahil ang ibang tao ay padalos-dalos kung mag desisyon. Mayroong mga tao na mas inuuna ang
kanilang kagustuhan kasya sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Ang nararapat na pera na nakalaan
para sa kanilang kakainin araw-araw ay kadalasang nauubos dahil ang iba ay hindi marunong humawak
ng pera. Ang iba naman ay nagkaroon muna ng pamilya kaysa trabaho kung kaya’t hindi sila
malinawan kung saan kukuha ng pera na kanilang gagamitin sa pang araw-araw. Mayroong mga
nakakahanap ng trabaho ngunit hindi naman pangmatagalan marahil ay kulang lamang sila sa tiyaga at
pag pupursigi ngunit isa rin sa dahilan ay ang pagkakaroon ng mababang antas ng edukasyon.

Maraming pilipino ang nalululong sa masamang bisyo. Ito ay maituturing dahilan rin sa kahirapan. Ang
paggamit ng alak at sigarilyo ay nakakasira ng ating kalusugan , pamilya, kabuhayan at kinabukasan
dahil kung ito ay iyong makasanayan ay mahirap na itigil. Ang iba ay ginagastos ang pera sa pagbili ng
mga alak hanggang sa wala na silang maiuwing pera sa kanilang pamilya dahil naubos na sa pag inom
at pagsusugal. Ito rin ang dahilan ng hindi pagtratrabaho dahil nauubos na ang oras sa bisyo at hindi na
magawang pumasok at mag hanapbuhay. Ang resulta ay ang kawalan ng sweldo o kita na maaaring
magamit sana sa pangtustos ng pangangailangan ng kanilang pamilya.
Kung ating susuriin ay nasa ating mga kamay ang kapangyarihan upang tayo ay
magtagumpay dahil kung atin lamang gugustuhin ay maraming paraan upang
tayo ay makaahon sa kahirapan. Nararapat lamang na tayo ay magkaroon ng
tiyaga at magpursigi sa lahat ng ginagawa at mga oportunidad. Nararapat din na
unahin muna natin ang mag hanap ng trabaho at magkaroon ng sapat na kita
kasya sa ibang gusto nating gawin. Sa ganitong paraan maaaring mabawasan ang
mga bilang ng mga mahihirap sa Pilipinas.
Kahirapan
Maraming paraan ang maaaring gawin upang masolusyunan ang kahirapan at narito ang ilan dito:

•Gumawa ng mga trabaho upang ang mga mahihirap ay makahanap ng trabaho.


•Kailangan magkaroon ng mga libre o murang medical treatment at consultation
•Kailangan kapag nagkakasakit ang isang mahirap na nagtatarabaho may paid sick days sila
•Taasan ang minimum wage ng mga manggagawa
•Kailangan magkaroon ng gender equality lahat dapat ay natatanggap ang tamang pasahod nila
•Kailangan ay maging bukas ang gobyerno sa paggamit nila ng kaban ng bayan dahil maaaring
nangungurakot sila kaya lalong naghihirap ang mga dukha
•Kailangang makapag-aral ng mga bata at makapagtapos upang makaahon sa hirap pagnakatrabaho
GNPAKGULASANU

PANGKALUSUGAN
Mga Isyung Pangkalusugan

Malnutrisyon – Ang malnutrisyon ay isa sa


pinakalaganap na isyung pangkalusugan. Taon-taon, ang
ating bansa ay lumalaban upang ma agapan ang lebel ng
malnutrisyon, labi na sa mga kabataan.

Subalit, ang malnutrisyon ay hindi matatapos sa simpleng


feeding program lamang. Ito ay dapat magiging
“sustainable” at dapat tutukan ng lokal na pamahalaan at
mga tao sa lipunan. Bukod rito, dapat may sapat rin na
edukasyon ang mga bata at magulang tungkol sa
malnutrisyon.
PAGKALULON SA DROGA

Sa Pilipinas, ang problem ng droga ay


nagdudulot ng masamang epekto hindi
lamang sa katawan ng isang indibidwal
at sa kapakanan ng kanyang pamilya at
mga kaibigan. Marami sa mga nalululon
sa bawal na gamot ay gumagawa ng
krimen dahil sa sinisira ng droga ang
kanilang pag-iisip o di kaya ay
kailangan nilang magnakaw para
makabili ng inaasam nilang droga. Sa
ganitong paraan, ang isyung ito ay
suliranin ng buong lipunan.
KALIGTASAN NG PAGKAIN

Kailangang alamin ng bawat isa kung


paano mapapanatiling malinis ang
pagkain bago ito ikonsumo. Hugasan
ang mga karne, prutas at gulay nang
mabuti. Sa panig ng mga malalaking
pabrika at kainan kung saan ang isang
maliit na pagkakamali ay maaaring
makaapekto sa maraming kostumer, ang
pamahalaan ay mayroon mga tuntunin
na dapat sundin sa ilalim ng batas.
Halimbawa: laging suriin ang mga
sangkap para masiguro na walang
nakasasama sa katawan.
PANINIGARILYO
Ang paninigarilyo ay
masama hindi lamang para
sa naninigarilyo kundi sa
mga taong nasa paligid niya
rin. Ang iba’t-ibang sakit sa
baga ay hindi madadaling
gamutin at ang
pinakaseryosong resulta ng
paninigarilyo ay kanser.
Pagbubuntis ng mga tinedyer

Ang pagbubuntis ng mga menor-de-edad


ay mapanganib sa kalusugan ng ina at
anak. Hindi pa lubos na nadebelop ang
katawan at isip ng mga tinedyer. At dahil
hindi inaasahan ang ganitong pangyayari,
hindi handa ang batang nanay na alagaan
ang sarili at ang kanyang sanggol. Wala
siyang trabaho. Wala pa siyang naipon.
Kinakailangan niyang umasa sa kanyang
pamilya at sa gobyerno para sa mga
pangkalusugang pangangailangan tulad
ng pagkain, bitamina at pagpapagamot.
Ano ang HIV at AIDS?

Ang HIV (Human Immunodeficiency Virus) ay isang


napakaliit na mikrobyo, na tinatawag na virus, na hindi
nakikita ng mata. Isang sakit ang AIDS
(Acquired Immune Deficiency Syndrome) na namumuo sa
kalaunan pagkatapos maimpeksyon ng HIV, ang AIDS virus.
HIV

Kapag naimpeksyon ng HIV, inaatake ng virus ang immune


system, ang bahagi ng katawan na lumalaban sa impeksyon.
Unti-unting pinapatay ng HIV ang mga selyula ng immune
system hanggang sa hindi na kayang ipagtanggol ng katawan
ang sarili laban sa ibang impeksyon. Karamihan ng may
impeksyon ay hindi nagkakasakit mula sa HIV nang 5–10
taon. Pero sa kalaunan, hindi na kayang labanan ng immune
system ang karaniwang mga impeksyon. Dahil maraming
taon bago magdulot ng sakit ang HIV, malusog ang
pakiramdam ng karamihang may HIV at hindi nila alam na
may impeksyon sila.
Pabahay
Ang pabahay sa mahihirap o yung mga taong
naninirahan sa tabi ng riles ng tren ay isang
proyekto ng gobyerno sa ating bansa. Ito ay
nagbibigay daan at pag-asa sa mga taong
walang natutuluyan. Alam naman nating lahat
na ang mga tao sa gilid ng tren ay dumadami
na, pati mga anak nila ay dumadami na. May
mga panahon na nagkakasakit na ang mga bata
dahil sa maduming kapaligiran. Ito ay hindi
maganda, kaya't ang ating gobyerno ay
nagpatayo ng mga bahay sa iba't ibang lugar sa
maynila para ipakaloob sa mga mahihirap. Sa
aking pagkakaalam ay hindi ito buong ibibigay
kundi babayarin din sa mababang halaga, pag
rerenta din. May mga bahay nga sila wala
namang ding pangbayad sa kuryente at utang.
Mababa lang din ang sweldo na kanilang
natatanggap.
Salamat sa pakikinig!

You might also like