You are on page 1of 8

FIRST ASIA INSTITUTE OF TECHNOLOGIES AND HUMANITIES

COLLEGE OF COMPUTING AND INFORMATION TECHNOLOGY

KORAPSYON AT IBA PANG KATIWALIAN SA PAMAHALAAN


Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino (GEFIL01)

Isinumite nina:
Abrantes, Kian Jericho
Aguila, Angelina Jaez
Almendran, Kenneth
Andam, Hans
Bayla, Angelo
Cabrera, Johnuel
Roxas, Marc Vincent

BSCS & BSEMC 2A

Isinumite kay:
Gng. Susana V. Romero
PANG-AABUSO SA KAPANGYARIHAN

❖ KAPANGYARIHAN
➢ Kasama na dito ang legislatibo, ehekutibo, hudikatura, at iba pang parte ng
pamahalaan na pinamumunuan.
➢ Ito ay mahalaga sa isang lipunan dahil ito ang nagbibigay ng organisasyon,
regulasyon, at pamamahala sa bansa. Ito ay naglalayon na mapanatili ang
kaayusan, katarungan, at pag-unlad sa pamamagitan ng mga patakaran at
batas.

➢ MINISTERYAL NA KAPANGYARIHAN
• Walang ibang tungkulin and pinuno kundi ang magpatupad ng isang patakaran.
Ex. Mekanikong pagproproseso ng income tax return.

➢ DISKRESYUNAL NA KAPANGYARIHAN
• Opsyon o pagpapasya ng kawani ng gobyerno na ipatupad o hindi ipatupad ang
isang tungkulin.
Ex. Pagtatalaga ng mga kasapi sa gabinete.

❖ POWERTRIPPING
• Hindi angkop na paggamit ng kapangyarihan o mga pasilidad sa mga desisyon;
pag-abuso sa posisyon.

MGA COMMON NA HALIMBAWA:


1.) Nepotismo, Political Dynasty (ipinagbawal sa Saligang Batas 1987)
2.) Pagsasaalang-alang ng personal na interes sa kasunduan
3.) Pagbili ng kagamitan na hindi nasuri o sumunod sa proseso
4.) Blackmailing, pagkuha ng pabor gamit ang kapangyarihan o kabayaran.

❖ ARTICLE VII SECTION 13 NG 1987


• Ipinagbabawal sa Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga miyembro ng Gabinete,
at kanilang mga tauhan ang magtangan ng ibang posisyon o trabaho habang
nasa tungkulin.
• Bawal din sa kanila ang mag-practice ng ibang propesyon, makilahok sa
negosyo, o magkaroon ng anumang interes sa kontrata o pribilehiyo mula sa
gobyerno o anumang kaugnay na ahensiya nito, at kailangang iwasan ang
anumang alitan ng interes.
• Bilang karagdagan, ipinagbabawal ang pag-appoint sa mga asawa at kamag-
anak sa loob ng ikaapat na degree ng presidente sa ilang mataas na posisyon sa
pamahalaan para maiwasan ang nepotismo at impluwensya.

❖ ANTI-MONEY LAUNDERING ACT OF 2001 (REPUBLIC ACT NO. 9160)


• Isang batas na naglalayong labanan ang paglilinis ng pera mula sa mga iligal na
aktibidad.
• Ito ay nagtatakda ng mga patakaran at regulasyon upang masuri at pigilan ang
pag-aalis ng pera mula sa mga krimeng tulad ng korupsyon, ilegal na droga, at
terorismo, at nagtatakda rin ng mga obligasyon para sa mga institusyon sa
pananalapi na tumutugon sa mga ito.

PAKIKIPAGSABWATAN

❖ PAKIKIPAGSABWATAN
➢ tumutukoy sa ugnayan ng dalawa o higit pa nang indibiwal o grupo na may
masamang layunin o hindi lehitimong gawain.
➢ Ito ay maaaring gamitin sa iba't ibang konteksto, tulad ng pulitika, negosyo, o
anumang aspeto ng buhay kung saan ang mga tao ay nagkakaisa upang maabot
ang isang pangunahing layunin o interes.

MGA COMMON NA HALIMBAWA SA TUNAY NA BUHAY:


1.) Paggawad ng kontrata sa isang ahensya na may kaugnayan sa proyektong
pampamahalaan kahit na walang naganap na tamang pag-aalok o bidding.
2.) Ang mga negosyante ay hindi dapat magkaruon ng pakikipagsabwatan para
manipulahin ang presyo ng mga kalakal.
3.) Inilantad ng media ang posibleng pakikipagsabwatan ng ilang mga indibidwal
upang mapabagsak ang kasalukuyang administrasyon.

➢ PRICE FIXING
• Isang uri ng kartel o konspirasyon sa pagtatakda ng mga presyo ng produkto o
serbisyo sa isang hindi lehitimong paraan.
• Karaniwang nangyayari ito kapag ang mga kumpanya o negosyante ay
nagkakasundo na magtakda ng pare-parehong mataas na presyo para sa
kanilang mga produkto o serbisyo upang mapanatili ang kanilang kita.

➢ BIDDING
• Isang sistema ng pag-aalok sa publiko na nagbibigay ng pagkakataon sa lahat
na maging kabahagi ng proyektong inisyatibo ng pamahalaan.

PANDARAYA SA HALALAN

❖ ARTIKULO V, SALIGANG BATAS


➢ SEKSYON 1
• Ang pagboto ay maaaring gampanan ng lahat ng mamamayang Pilipino
na hindi diskwalipikado sa ilalim ng batas, na may edad na labing-walong
taon pataas, naninirahan sa Pilipinas nang hindi bababa sa isang taon, at
nanahan sa lugar na nais nilang bumoto, na hindi bababa sa anim na
buwan bago ang nakatakdang halalan. Walang karunungan, pagmamay-
ari, at iba pang substantibong kahingian ang ibibigay upang
magampanan ang karapatan na bumoto.
➢ SEKSYON 2
• Ang Kongreso ay magtatadhana ng sistema ng isang malinis at
matiwasay na halalan at maging ang sistema ng pagboto ng mga
kababayang Pilipino na nanahan sa ibang bansa.
❖ INTIMIDASYON
➢ ang paggamit ng takot o pang-aabala upang pilitin ang mga botante na iboto ang
isang tiyak na kandidato o pigilan sila sa paglahok sa eleksyon.
❖ DISENFRANCHISEMENT
➢ pagtatanggal sa karapatan ng isang tao na bumoto.

❖ IBA PANG URI PANDARAYA SA HALALAN


➢ Karahasan o Pananakot na Paghahasik ng Karahasan
• Direktang pananakot sa mga sumusuporta sa isang partido upang
ibasura nito ang pagsuporta gamit ang pananakit, pasabog, pagpatay,
etc.
➢ Pag-atake sa Lugar ng Halalan
• Uri ng terorismo o bandalismo sa pagdarausan ng lokal o nasyunal na
halalan.
➢ Pagbabantang Legal
• Pananamantala sa kamangmangan ng isang indibidwal ukol sa sariling
karapatan at pulitiak ng pagboto.
➢ Pamimilit
• Ipinakikita rito na ang demograpiko na may kontrol sa balota ay
sinusubukang hikayatin ang iba na sumunod sa kanila.
➢ Pamimili ng Boto
• Ang isang partido political o kandidato ay nanghihingi ng boto sa mga
botante kapalit ng salapi.
➢ Pandaraya sa eleksyon (electoral fraud)
• Ilegal na panghihimasok sa proseso ng eleksyon sa pamamagitan ng
pagdadag ng boto sa pinapaborang pulitiko, pagbabawas ng boto sa
kalabang kandidato, o pareho.
➢ Manipulasyon ng eleksyon (election manipulation)
• Ito ay isang uri ng pandaraya na makikita bago maganap ang halalan
kung ang komposisyon ng mga manghahalal ay nabago.
➢ Manipulasyon ng demograpiya.
• pagkontrol ng mga kinauukulan sa komposisyon ng mga manghahalalal
upang makatiyak ng isang resultang pumapabor sa sinusuportahang
pulitiko.
❖ GERRYMANDERING
➢ ang pagkilos ng pagguhit ng kongresyonal, lehislatura ng estado o iba pang mga
hangganan ng politika upang pabor sa isang partidong pampulitika o isang
partikular na kandidato para sa inihalal na tanggapan.
➢ Ang layunin ng gerrymandering ay upang bigyan ang isang partido
kapangyarihan sa paglipas ng isa sa pamamagitan ng paglikha ng mga distrito
na hawakan siksik na concentrations ng mga botante na kanais-nais sa kanilang
mga patakaran.

DALAWANG TAKTIKA NITO:


1.) Cracking
Ex. Paglusaw sa kapangyarihang bumoto ng mga tagasuporta ng kalabang
partido sa maraming distrito.

2.) Packing
Ex. Konsentraston ng kapangyarihang bumoto ng kalabang panig sa isang
distrito upang mabawasan ang kanilang kapangyarihang bumoto sa ibang
distrito.

PAGNANAKAW SA KABAN NG BAYAN

❖ KURAPSYON
➢ Naka-ugat na sa sistema ng pulitika sa Pilipinas.
➢ Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit naghihirap ang mga pilipino.
➢ Pagkasilaw sa mga kayamanang dapat sana ay ilalaan upang mapagsilbihan
nang wasto ang taong bayan.

❖ PANGULONG FERDINAND E. MARCOS


➢ Pinukol ng maraming alegasyon ng korapsyon, at natutong makipaglaban noong
1986.
➢ Korte ang humatol na nagnakaw ang pamilyang Marcos sa kaban ng bayan.
➢ Bilyon-bilyong halaga na ang nabawi ng gobyerno mula sa kanila.
➢ Ang napagdedesisyonan pa lamang ay ang kasong civil, at hindi kriminal. Noong
panahong nagnakaw sila, wala pang batas laban sa pandarambong ng higit P50
milyon, kaya ipinasasauli na lang ang ninakaw nila.

❖ JANET NAPOLES
➢ isa sa mga nagnakaw sa kaban ng bayan na tinawag na “Pork Barrel Scam”
noong 2013.
➢ Ninanakaw nila ang pera na dapat ay mapunta sa ikakabuti ng ating bansa.

❖ RAMBO TALAMBONG
➢ Nagsabi ng, “Ang magnanakaw kahit na malaya, ay magnanakaw pa rin.”

PANUNUHOL AT KORAPSYON NG OPISYAL NG GOBYERNO

❖ KODIGO PENAL NG PILIPINAS


➢ Sa ilalim nito, ang direktang panunuhol ay ang pagbibigay ng benepisyo sa isang
opisyal ng gobyerno bilang kapalit sa isang krimen o hindi tamang gawain
kaugnay ng kanyang opisyal na tungkulin.
➢ Mayroong rin katulad na uri ng krimen kung ang opisyal ng gobyerno ay
tatanggap ng regalo o pangako bilang kondisyon na hindi siya gagawa ng isang
akto batay sa kanyang opisyal na tungkulin.

❖ ARTIKULO 211
➢ Sa ilalim nito, maaari ring kasuhan ang isang opisyal ng gobyerno ng indirektang
panunuhol kung siya ay tatanggap ng regalo dahil sa tanggapan na kanyang
hinahawakan.
❖ OMBUDSMAN SAMUEL MARTIRES
➢ Nagsabing, “Sa Pilipinas, ang korapsyon sa gobyerno ay naging isang uri ng
"fashion" o uso, kung saan maraming opisyal ng gobyerno ang sangkot dito dahil
ito ay nagbibigay ng kapangyarihan at yaman.”
ISANG HALIMBAWA:
Mga opisyal ng gobyerno na nadawit sa mga kaso ng korapsyon, tulad ng mga
dating opisyal na akusado ng pagbili ng overpriced na mga kagamitan sa panahon
ng pandemya.

MALING PAGGAMIT NG PONDO O ARI-ARIAN NG BAYAN

❖ ARTIKULO 217 (KODIGO PENAL NG PILIPINAS)


➢ Binigyan ng depinisyon ang krimen ng maling paggamit ng pondo o ari-arian ng
bayan.

❖ ARTIKULO 220 (KODIGO PENAL NG PILIPINAS)


➢ Isinaad ang ilegal na gamit ng pondo at ari-arian ng publiko, tinatawag din itong
technical malversation.

❖ ARTIKULO 203 (KODIGO PENAL NG PILIPINAS)


➢ ang opisyal ng gobyerno ay binigyan ito ng karampatang depinisyon upang
matiyak ang gamit ng probisyon ng batas

ISANG HALIMBAWA:
Kamakailan, nagulat ang ilang lawmakers nang umamin si Marikina City 2nd
District Rep. Stella Quimbo na nagastos ng Office of the Vice President sa ilalim ni Sara
Duterte ang P125-milyong confidential funds nito noong 2022 sa loob ng 11 days.

HALIMBAWA NG MALING PAGGAMIT NG PONDO O ARI-ARIAN:

➢ Paggamit ng confidential o intelligence funds.


➢ Hindi pagsilip sa paggastos ng wasto dito.
➢ Walang nakahanda na plano sa mga paggamit ng pondo.

You might also like