You are on page 1of 3

ng 

korupsiyon, korapsiyon, katiwalian o pangungurakot (Ingles: corruption) ay tumutukoy sa
kawalan ng integridad at katapatan.
Ito ay karaniwang tumutukoy sa pampolitika na korupsiyon na nangyayari kapag ang isang
indibidwal na nasa posisyon sa pamahalaan o isang empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa
kanyang kapasidad bilang opisyal ng pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling
kapakinabangan.
Sa pilosopikal, teolohikal, o moral na talakayan, ito ay tumutukoy sa espiritwal o moral na kawalang
puridad at paglihis sa anumang kanais nais na pag-aasal.

ang-aabuso sa kapangyarihan[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang Pang-aabuso sa diskresyon ay ang hindi angkop na paggamit ng kapangyarihan ng isang tao at
mga pasilidad ng paggawa ng desisyon. Ang mga halimbawa ay kinabibilangan ng isang hukom na
hindi angkop na nagtakwil ng isang kasong kriminal o isang isang opisyal ng kustom na gumagamit
ng kanilang diskresyon sa pagpayag ng isang ipinagbabawal na substansiya sa pagpasok sa isang
puerto. Ang Paglalako ng impluwensiya ang ilegal na kasanayan ng paggamit ng impluwensiya ng
isang tao sa pamahalaan o mga koneksiyon sa mga taong nasa kapangyarihan upang magkamit ng
mga pabor sa ibang tao na karaniwang ay kapalit ng kabayaran. Ang mga tiwaling pinuno ay
nagtatakda rin ng mga kautusan o atas na ang layunin ay makinabang ang sarili, mga kamag-anak o
ilang mga indibidwal.
Ang Kolusyon o pakikipagsabwatan ang kasunduan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga partido
na minsang ilegal at kaya ay malihim upang limitahan ang bukas na kompetisyon sa pamamagitan
ng pandaraya, pagliliko o panloloko ng iba sa mga karapatang nito o magkamit ng isang layuning
ipinagbabawal ng batas na tipikal sa pamamagitan ng pandaraya o pagkakamit ng hindi patas na
kalamangan. Ito ay kasunduan sa mga kompanya o indibidwal na hatiin ang pamilihan, magtakda ng
mga presyo, limitahan ang produksiyon o limitahan ang mga oportunidad. Ito ay maaaring
kasangkutan ng pagtatakda ng sahod, mga kickback o maling pagkakatawan sa indepediyensiya ng
relasyon sa pagitan ng mga magkakasabwat na partido. Sa mga terminong legal, ang lahat ng mga
akto na naapektuhan ng kolusyon ay itinuturing na walang bisa. Ang Pagmamanipula
ng presyo (price fixing) ang kasunduan sa pagitan ng mga kalahok sa parehong panig ng isang
pamilihan na bumili o magbenta lamang ng isang produkto o komoditad sa isang itinakdang presyo
o panatilihin ang mga kondisyon ng pamilihan sa gayong ang presyo ay napapanatili sa isang
ibinigay na lebel sa pamamagitan ng pagkokontrol ng suplay at pangangailangan.
Ang Pagmamanipula ng alok (bid rigging) ay isang anyo ng pandaraya kung saan ang isang
kontratang pangkalakalan (commercial) ay ipinangako sa isang partido bagaman alang alang sa
hitsura, ang ibang mga partido ay nagtatanghal rin ng isang alok. Ang anyo ng pakikipagsabwatang
ito ay ilegal sa karamihan ng mga bansa. Ito ay isang anyo ng pagtatakda ng presyo at pagtatalaga
ng pamilihan na karamihan ay sinasanay kung saan ang mga kontrata ay tinutukoy ng isang
pagtawag sa mga nag-aalok halimabawa sa kaso ng mga kontratang konstruksiyon ng pamahalaan.

Mga Isyu sa Paggamit ng Kapangyarihan na sumasalungat sa mga prinsipyo ng matatag na paninindigan


at mapanagutang paglilingkod

Neputismo

Ang nepotismo ay ang lahat ng paghirang o pagkiling ng kawani sa pamahalaan, maging pambansa at sa
alin mang sangay o ahensiya nito, kabilang ang mga korporasyon na ari o kontrolado ng pamahalaan, na
igagawad sa kamag-anak na hindi dumaraan sa tamang proseso.
Ghost Projects and Employees

Ito ay ginagawa ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan kung saan ang mga hindi umiiral na
proyekto ay pinpondohan ng pamahalaan samantalang ang mga hindi umiiral na tauhan ng pamahalaan
o mga pensiyonado ay binabayaran ng mga sahod at allowance. Ang katiwaliang ito ay talamak sa mga
ahensiya ng pamahalaan na nasasangkot sa pormulasyon at pagpapatupad ng mga programa at
proyekto partikular na sa imprastruktura at sa pagbibigay ng mga sahod, mga allowance at mga
benepisyong pensiyon.

Paggamit ng may dayang timbangan

Laganap ang paggamit ng mga may dayang timbangan sa maraming palengke. Kung ikukumpara ang
bawat timbangan ng magkakatabi at nagsasabwatang mga tindahan sa pamilihan ay halos walang
makikitang pagkakaiba sa timbang dahil pawang may mga daya.

Korapsiyon

Pakikipagsabwatan (Kolusyon).

Ito ay isang sistema ng pagnanakaw o pagbubulsa ng pera. Tumutukoy ito sa espiritwal o moral na
kawalan ng kalinisan at paglihis sa anumang kanais-nais na asal. Ang taong may malinis na puso at tapat
ang talagang karapat-dapat magsilbi sa lipunan. Maipakikita ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng totoo
at pag-iwas sa pandaraya.

Ito ay iligal na pandadaya o panloloko, halimbawa ay ang pagtatakda ng mga presyo, limitahan ang mga
oportunidad, pagtatakda ng sahod, mga kickback, pandaraya sa halalan sa pamamagitan ng iligal na
panghihimasok sa proseso ng isang halalan at sa pagbilang ng boto, pagsupil at pagpaslang ng mga
katunggali, pagbili o panunuhol ng mga botante. Nangyayari ang mga gawaing ganito dahil sa
kagustuhan ng isang tao na mapaunlad ang pansariling kapakanan.

Overpriced Building in Makati

Pangingikil

Ang akto o gawain ng pagkuha o pagtatamo ng anumang bagay mula sa isang tao nang laban sa kaniyang
kalooban sa pamamagitan ng ilegal na paggamit ng pananakot, sa pamamagitan man ng pamimilit,
pagbabanta, o anupamang di-matuwid na paggamit ng kapangyarihan.

Pag-uwi ng gamit sa opisina


Sa panahon ngayon, ang mga tao ay gahaman na. Sa sobrang ay kaya nilang makagawa ng mga bgay na
hindi kanais-nais tulad ng pagnanakaw.

Halimbawa na lang ang mga taong nagtatrabaho sa gobyerno. Dahil sa kapangyarihan na mayroon sila
kaya nilang kunin ang mga bagay na kanilang gugustuhin at naisin na dapat ginagamit lamang sa
pagtatrabaho.

to ayang pagtatakda ng mga presyo, limitahan ang mga oportunidad, pagtatakda ng sahod,mgakickback,
pandaraya sa halalan sa pamamagitan ng iligal na panghihimasok saproseso ng isang halalan at sa
pagbilang ng boto, pagsupli at pagpaslang ng mgakatunggali, pagbili o panunuhol ng mga botante.d.
NepotismoAng nepotismo ay ang lahat ng paghirang o pagkiling ng kawani sapamahalaan, maging
pambansa at sa alin mang sangay o ahensiya nito, kabilang angmga korporasyon na ari o kontrolado ng
pamahalaan, na igagawad sa kamag-anak nahindi dumaraan sa tamang proseso.

You might also like