You are on page 1of 14

Ang korupsiyon, korapsiyon, katiwalian o pangungurakot (Ingles: corruption) ay tumutukoy sa kawalan ng

integridad at katapatan.

Ito ay karaniwang tumutukoy sa pampolitika na korupsiyon na nangyayari kapag ang isang indibidwal na
nasa posisyon sa pamahalaan o isang empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa kanyang kapasidad
bilang opisyal ng pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling kapakinabangan.

Sa pilosopikal, teolohikal, o moral na talakayan, ito ay tumutukoy sa espiritwal o moral na kawalang


puridad at paglihis sa anumang kanais nais na pag-aasal.

Mga gawaing pangungurakot

Baguhin

Pang-aabuso sa kapangyarihan

Baguhin

Ang Pang-aabuso sa diskresyon ay ang hindi angkop na paggamit ng kapangyarihan ng isang tao at mga
pasilidad ng paggawa ng desisyon. Ang mga halimbawa ay kinabibilangan ng isang hukom na hindi
angkop na nagtakwil ng isang kasong kriminal o isang isang opisyal ng kustom na gumagamit ng kanilang
diskresyon sa pagpayag ng isang ipinagbabawal na substansiya sa pagpasok sa isang puerto. Ang
Paglalako ng impluwensiya ang ilegal na kasanayan ng paggamit ng impluwensiya ng isang tao sa
pamahalaan o mga koneksiyon sa mga taong nasa kapangyarihan upang magkamit ng mga pabor sa
ibang tao na karaniwang ay kapalit ng kabayaran. Ang mga tiwaling pinuno ay nagtatakda rin ng mga
kautusan o atas na ang layunin ay makinabang ang sarili, mga kamag-anak o ilang mga indibidwal.

Pakikipagsabwatan

Baguhin

Ang Kolusyon o pakikipagsabwatan ang kasunduan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga partido na
minsang ilegal at kaya ay malihim upang limitahan ang bukas na kompetisyon sa pamamagitan ng
pandaraya, pagliliko o panloloko ng iba sa mga karapatang nito o magkamit ng isang layuning
ipinagbabawal ng batas na tipikal sa pamamagitan ng pandaraya o pagkakamit ng hindi patas na
kalamangan. Ito ay kasunduan sa mga kompanya o indibidwal na hatiin ang pamilihan, magtakda ng mga
presyo, limitahan ang produksiyon o limitahan ang mga oportunidad. Ito ay maaaring kasangkutan ng
pagtatakda ng sahod, mga kickback o maling pagkakatawan sa indepediyensiya ng relasyon sa pagitan ng
mga magkakasabwat na partido. Sa mga terminong legal, ang lahat ng mga akto na naapektuhan ng
kolusyon ay itinuturing na walang bisa. Ang Pagmamanipula ng presyo (price fixing) ang kasunduan sa
pagitan ng mga kalahok sa parehong panig ng isang pamilihan na bumili o magbenta lamang ng isang
produkto o komoditad sa isang itinakdang presyo o panatilihin ang mga kondisyon ng pamilihan sa
gayong ang presyo ay napapanatili sa isang ibinigay na lebel sa pamamagitan ng pagkokontrol ng suplay
at pangangailangan. Ang Pagmamanipula ng alok (bid rigging) ay isang anyo ng pandaraya kung saan ang
isang kontratang pangkalakalan (commercial) ay ipinangako sa isang partido bagaman alang alang sa
hitsura, ang ibang mga partido ay nagtatanghal rin ng isang alok. Ang anyo ng pakikipagsabwatang ito ay
ilegal sa karamihan ng mga bansa. Ito ay isang anyo ng pagtatakda ng presyo at pagtatalaga ng pamilihan
na karamihan ay sinasanay kung saan ang mga kontrata ay tinutukoy ng isang pagtawag sa mga nag-aalok
halimabawa sa kaso ng mga kontratang konstruksiyon ng pamahalaan.

Pandaraya sa halalan

Baguhin

Ang pandaraya sa halalan ang ilegal na panghihimasok sa proseso ng isang halalan. Ang mga akto ng
pandaraya ay umaapekto sa mga bilang ng boto upang magdulot ng isang resulta ng halalan. Kabilang sa
mga pandarayang ito ang pagsupil at pagpaslang ng mga katunggali, pagsabotahe ng mga balota at
pagbili o panunuhol ng mga botante.

Pagnanakaw sa kabang yaman ng bansa

Baguhin

Pangunahing lathalain: Pandarambong

Ang paglustay ang pagnanakaw ng mga pinagkatiwalaang pondo na pampubliko sa pamahalaan. Ito ay
pampolitika na paglulustay kung ito ay kinasasangkutan ng pera na pampubliko o pera ng taong bayan na
kinuha ng isang opisyal ng pamahalaan para sa anumang sariling paggamit na hindi itinakda para dito
gaya halimbawa, kapag ang isang opisyal ay nagtatakda sa mga empleyado ng gobyerno na kumpunihin
ang kanyang bahay. Sa batas ng Pilipinas, ang pandarambong ay inilalarawan na sinumang opiser na
pampubliko na sa kanyang sarili o pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng kanyang pamilya, mga kamag-
anak sa pamamagitan ng kasal o dugo, mga ka-negosyo, mga nasasakupan o iba pang mga tao ay
humahakot, nagtitipon o nagkakamit ng kayamanan na kinuha sa masama sa pamamagitan ng
pinagsama o sunod sunod na hayagan o mga gawaing kriminal na inilalarawan sa seksiyon 1 (tingnan sa
baba) sa tinipong halaga o kabuuang halaga ng hindi bababa limampung milyong piso (P50,000,000.00)
ay magkakasala sa krimen ng pandarambong at mapaparusahan ng reclusion perpetua hanggang
kamatayan. Ito ay:
Sa pamamagitan ng paglustay, paglipat, hindi angkop na paggamit, maling pag-aasal ng mga pondong
pampubliko o mga pagsalakay sa kabangyaman ng publiko;

Sa pamamagitan ng pagtanggap ng direkta o hindi direkta, anumang paggawa, regalo, bahagi,


persentahe, mga kickback o ano pa mang mga anyo ng pangsalaping pakinabang mula sa anumang tao
at/o mga entidad na may kaugnayan sa anumang kontrata o proyekto ng pamahalaan o sa dahilan ng
opisina o posisyon ng pinatutungkulang opiser ng publiko;

Sa pamamagitan ng ilegal o pandarayang pagpapadala o pagbibigay ng mga ari-arian na pag-aari ng


pambansang pamahalaan o anumang mga subdibisyon nito, ahensiya o mga instrumentalidad o mga
pag-aari ng pamahalaan o kinokontrol ng pamahalaan na mga korporasyon at mga subsidiyario nito;

Sa pamamagitan ng pagkakamit, pagtanggap ng direkta o hindi direkta ng anumang mga bahagi ng stock,
ekwidad o ano pa mang anyo ng interes o pakikilahok kabilang ang pangako ng pang hinaharap na
trabaho sa anumang negosyo o isinasagawa;

Sa pamamagitan ng paglikha ng agrikultural, industriyal o pangkalakalan (commercial) na mga


monopolyo o iba pang kombinasyon at/o pagpapatupad ng mga atas at kautusan na ang layunin ay
makinabang ang mga partikular na tao o mga espesyal na interes; o

Sa pamamagitan ng higit sa nararapat na kalamangan ng opisyal na posisyon, kapangyarihan, ugnayan,


koneksiyon o impluwensiya upang hindi makatarungang payamanin ang/mga sarili nito sa panganib o
kapinsalaan ng madlang Pilipino at Republika ng Pilipinas.[1]

Panunuhol at pagtanggap ng suhol

Baguhin

Ang suhol ang akto ng pagbibigay ng salapi o regalo na nagpapabago ng pag-aasal ng tumanggap nito. Ito
ay inilalarawan sa Black's Law Dictionary bilang ang pag-aalok, pagbibigay o panghihingi ng anumang
bagay na may halaga upang impluwensiyahan ang mga aksiyon ng isang opisyal o ibang tao na may
pangangasiwa ng isang tungkuling pampubliko pambatas. Ang kickback ay isang anyo ng panunuhol kung
saan ang isang komisyon ay binayaran sa kumukuha ng suhol bilang isang quid pro quo para sa mga
serbisyong ginawa. Ang kickback ay iba mula sa ibang mga uri ng panunuhol sa kadahilanang may
ipinapahiwatig na pakikipagsabwatan sa pagitan ng mga ahente ng dalawang partido sa halip na ang
pangingikil ng isang partido mula sa isa. Ang layunin ng kickback ay karaniwang hikayatin ang ibang
partida na makipagtulungunan sa ilegal na gawain.

Pagtangkilik o Padrino

Baguhin

Mga pangunahing lathalain: Nepotismo, Kronyismoat Paboritismo


Ang Pagtangkilik o Padrino na tumutukoy sa pagpapabor sa mga tagasuporta, halimbawa sa trabaho sa
gobyerno. Ito ay maaaring lehitimo gaya kapag ang isang bagong nahalal na pamahalaan ay nagpapalit
ng mga mataas na opisyal sa administrasyon upang mapatupad ng epektibo ang mga patakaran nito. Ito
ay nakikitang isang korupsiyon kung ang mga walang kakayahang mga tao bilang kabayaran sa
pagsuporta ng administrasyon ay napili bago sa mga mas may kakayahang mga indibidwal. Sa karamihan
ng mga hindi demokrasya, ang maraming mga opisyal ng gobyerno ay kadalasang pinipili para sa kanilang
katapatan sa halip na kakayahan. Ang pagpapabor sa mga kamag-anak (nepotismo) o personal na mga
kaibigan (kronyismo) ng isang opisyal ng pamahalaan ay isang anyo ng isang hindi lehitimikong
kapakinabangang pampribado. Ito ay maaaring samahan ng panunuhol halimbawa sa paghiling ng isang
opisyal ng pamahalaan sa isang negosyo na magbigay trabaho sa isang kamag-anak ng opisyal na
kumokontrol sa mga regulasyon na umaapekto sa negosyo. Ang pinakasukdulang halimbawa ay kung ang
buong estado ay namamana gaya ng sa Hilagang Korea o Syria. Ang isang mas maliit na anyo nito ay sa
Good ol' boys sa Katimugang Estados Unidos kung saan ang mga kababaihan at minoridad ay hindi
isinasama. Ang mas katamtamang anyo ng kronyismo ay ang "old boy network" kung saan ang mga
hinirang sa mga opisyal na posisyon sa pamahalaan ay napipili lamang mula sa isang malapit at
eksklusibong network na panlipunan gaya ng mga alumni ng mga partikular na unibersidad sa halip na sa
paghirang ng pinaka may kakayahang kandidato.

Sa politika

Baguhin

Pangunahing lathalain: Korupsiyong pampolitika

Ang pampolitika na korupsiyon ang pag-abuso ng pampublikong kapangyarihan, opisina o mga


pinagkukunan ng mga hinalal na opisyal ng pamahalaan para sarili nitong pakinabang gaya halimbawa ng
pangingikil, paghimok sa paggawa ng mga ilegal na gawain, o pag-aalok ng mga suhol. Ito ay maaari ring
kumuha ng anyo ng pagpapanatili sa sarili sa posisyong pampolitika na hinahawakan sa pamamagitan ng
pagbili ng mga boto sa pamamagitan ng pagsasabatas ng mga batas na gumagamit ng buwis ng
taongbayan. Ang sistemikong korupsiyon ang buong pagpapahina sa pampolitika o ekonomikang
sistema. Ang korupsiyon ng pamahalaan sa hudikatura ay malawak na alam sa maraming transisyonal at
papaunlad na mga bansa dahil ang badyet ng pamahalaan ay halos buong kinokontrol ng ehekutibong
sangay (pangulo). Ito ay nagpapawalang halaga sa separasyon ng mga kapanyarihan dahil ito ay lumilikha
ng mahalagang pangsalaping pagsalalay ng hudikatura. Ang angkop na pambansang distribusyon ng
kayamanan kabilang ang paggasta ng pamahalaan sa hudikatura ay paksa ng ekonomikang
konstitusyonal. Mahalagang kilalanin ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang paraan ng korupsiyon sa
hudikatura: ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagpaplano ng badyet at iba't ibang mga pribilehiyo at
sa pribado. Ang mga kasapi ng pamahalaan ay maaaring sumantala sa mga mapagkukunang pampolitika
(halimbawa ang mga diamante o langis sa ilang mga kilalang kaso) o mga pag-aari ng estadong
produktibong industriya. Ang isang bilang ng mga tiwalang pamahalaan sa buong mundo ay nagpayaman
sa kanilang mga sarili sa pamamagitan ng tulong pandayuhan na karaniwang ginugugol ng mga ito sa
mga magagara at nagpapasikat na mga gusali at mga sandatang pangmilitar
Ang korupsiyon ng kapulisan ay isang spesipikong anyo ng maling pag-aasal sa kapulisan na ginagawa
upang magkamit ng mga benepisyong pansalapi, iba pang kapakinabangan o pagpapasulong ng kanilang
karera.Kabilang sa mga karaniwang anyo ng korupsiyon ng kapulisan na hindi pagsunod sa sinumpaang
kodigo ng pag-aasal ng mga pulis ang sumusunod:

Pagtanggap ng suhol kapalit ng pagpoprotekta sa mga ilegal na gawain. Kabilang dito ang hindi pag-uulat
o pag-aresto sa mga organisadong sindikato ng illegal na droga, prostitusyon, o iba pang mga ilegal na
gawain.

Pagtanggap ng suhol kapalit ng hindi pagpupursigi o pag-aresto o pamimili ng pinupursiging kaso.

Pagtanggap ng suhol kapalit ng hindi pag-iisyu ng tiket sa paglabag ng batas trapiko ng isang motorista.
Kung ang suhol ay hindi inalok ng nanuhol kundi hiningi o inatas ng isang pulis, ito ay tinatawag na
pangongotong, pangingikil o extortion.

Paghahain ng pineke o itinanim na ebidensiya o frameup gaya ng droga sa isang walang salang suspek
upang maprotektahan ang ibang indibidwal. Kabilang din dito ang paggamit ng pagpapahirap sa isang
walang salang suspek upang paaminin sa kasalanang hindi nito ginawa.

Pag-abuso sa kapangyarihan sa pamamagitan ng paggamit ng pananakot ng aresto o dahas sa ibang tao


upang makuha ang gusto. Ito ay isang uri ng pangingikil.

Sa ibang instansiya, ang mga mismong opiser na pulis ay lumalahok sa mga organisadong krimen.

Sa karamihan ng mga malalaking siyudad, may mga seksiyon ng internal affairs upang imbestigahan ang
pinagsusupetsahang korupsiyon o maling pag-aasal ng isa o maraming mga pulis.

Sa pamamahayag

Baguhin

Ang korupsiyon ay nangyayari rin sa pamamahayag (media).[10] Kabilang sa mga korupsiyon sa


pamamahayag ang:

Pagtanggap ng suhol kapalit ng pananahimik o hindi paglalantad ng katiwalian ng isang indibidwal o


kompanya. Sa ibang kaso, ang suhol ay hinihingi o kinikikil ng mamamahayag kapalit ng pananahimik sa
paglalantad ng katiwalian o paglalantad ng hindi totoong kuwento na makasisira sa isang indbidwal o
kompanya. Ang tawag dito ay blackmail.[10][11]

Pagtanggap ng suhol kapalit ng pagsusulat ng papuri o mga hindi totoong kuwento tungkol sa isang
indibidwal o isang produkto o serbisyo upang makinabang ang isang kompanya.[10]
C

Kalagayan ng serbisyong pabahay


Nitong nakaraang Marso 28, 2009, ginunita ang ika-17 taong
anibersaryo ng UDHA, ang batas na nilikha upang i-angat ang kalagayan
ng mga maralitang mamamayan sa pamamagitan ng pagbigay sa kanila
ng disente at abot-kayang pabahay, mga batayang serbisyo, at mga
oportunidad na panghanap-buhay.

Sa pamamagitan ng mga mekanismong itinakda sa UDHA, nilayon ng


mga may-akda ng batas na bigyang-solusyon ang ilang dekada nang
problema sa pabahay sa kalunsuran. Ilang mahalagang halimbawa ng
mga mekanismong ito ay ang:

pagbuo ng isang kumprehensibong plano – ang National Urban


Development and Housing Framework – upang tiyakin ang katuparan ng
mga layunin ng UDHA;

pag-imbentaryo ng mga lupain ng mga siyudad at munisipyo at


pagtakda kung alin sa mga lupaing ito ang maaaring gamitin para sa
programang Socialized Housing at bilang resettlement areas;

pagtakda ng mga pamamaraan kung paano mapapasa-gubyerno ang


mga lupaing ito upang mailipat sa kamay ng mga benipisyaryo;

pagtiyak sa pagkakaroon ng mga batayang serbisyo at kabuhayan sa


mga resettlement areas at housing sites;
pagbawal sa demolisyon maliban lang kung umaayon ito sa mga
patakarang nakalista sa batas; at,

paglunsad sa Community Mortgage Program (CMP) bilang isang paraan


kung paano mabibili ng mga maralita ang loteng kinatitirikan ng
kanilang bahay;

Bakit nga ba binuo ang UDHA?

Binuo ang UDHA dahil, ayon na rin sa ilang pandaigdigang kasunduan at


sa mismong mga batas ng Pilipinas, obligado ang pamahalaan na
proteksiyunan ang karapatan ng mga mamamayan nitong maralitang
taga-lungsod.

Ayon, halimbawa, sa Article 11.1 ng International Covenant of


Economic, Social and Cultural Rights (ICESR), ang Pilipinas ay obligadong
“ihinto ang mga sapilitang pagpapalayas at tiyaking mananagot sa batas
ang sino

mang patuloy na nagsasagawa ng mga sapilitang pagpapalayas.”

Ganitong klaseng proteksiyon din ang iginagawad sa mga maralitang


taga-lungsod ng mga probisyon ng Saligang Batas na patungkol sa Urban
Land Reform at Housing, lalu na ang Seksiyon 9 at 10 ng Article XIII
(Social Justice) ng 1987 Philippine Constitution, na nagsasabing:
“URBAN LAND REFORM AND HOUSING:

Section 9. The State shall, by law, and for the common good, undertake,
in cooperation with the private sector, a continuing program of urban
land reform and housing which will make available at affordable cost,
decent housing and basic services to underprivileged and homeless
citizens in urban centers and resettlement areas. It shall also promote
adequate employment opportunities to such citizens. In the
implementation of such program the State shall respect the rights of
small property owners.

03102008948

Section 10. Urban or rural poor dwellers shall not be evicted nor their
dwelling demolished, except in accordance with law and in a just and
humane manner.

No resettlement of urban or rural dwellers shall be undertaken without


adequate consultation with them and the communities where they are
to be relocated.”

Sa madali’t sabi, inuutusan ng Section 9 ang pamahalaan na patuloy na


magsagawa ng mga programang pabahay at itaguyod ang Urban Land
Reform upang mabigyan ang mga mahihirap at walang-bahay na
mamamayan ng sumusunod na serbisyo:

mura at disenteng pabahay na mayroong mga batayang serbisyo;

pagkaroon ng maayos na oportunidad panghanap-buhay;

proteksiyon sa karapatan ng mga maliliit na “property owners”

Ginagarantiya naman ng Section 10 ang proteksiyong ibibigay sa mga


mahihirap at walang-bahay na mamamayan laban sa di-makatarungang
demolisyon at pagpapalayas. Ito ay sa pamamagitan ng:

pagbawal sa mga demolisyon/pagpapalayas na hindi umaayon sa mga


patakarang itinakda ng batas;

pagtiyak na ang anumang demolisyon/pagpapalayas na papayagan ay


makatarungan at hindi yumuyurak sa dignidad ng tao;

di pagpayag sa anumang “resettlement” kung walang tunay na


konsultasyon na naganap.

Ang tanong ngayon – Nagtagumpay ba ang UDHA sa pagkamit sa mga


tunguhin nito? Maaari siguro nating sagutin ang katanungang iyan sa
pamamagitan ng isa pang tanong – lahat ba ng mga dapat ay
benipisyaryo ng UDHA ay nakikinabang na sa isang programa para sa
mura at disenteng pabahay?
Ang mga taglay na kahinaan ng UDHA ang mismong dahilan kung bakit
isinulong ng Akbayan ang HB 6111. Sa pamamagitan ng panukalang
batas na ito, nais ng Akbayan na ma-amyendahan ang UDHA upang
gawin itong mas epektibo at mas makatarungan.

Ano ba ang mga mahahalagang panukala ng HB 6111?

Ang pinaka-mahalagang amyenda na isinusulong ng HB 6111 ay ang


pagtanggal sa “cut-off date” na March 28, 1992 na itinakda ng UDHA,
sapagkat napakaraming mga maralitang taga-lungsod at mamamayang
walang sariling bahay ang pinagkaitan ng karapatan na maserbisyuhan
ng gubyerno ng probisyong ito. Sa tingin ng Akbayan, napakalaking
paglabag sa ating Saligang Batas ang pagtatakda ng “cut-off date” sa
isang napakahalagang batayang serbisyong tulad ng pagkaroon ng mura
at disenteng pabahay.

Dahil sa “cut-off date” na ito, nagkaroon bigla ng dalawang kategorya ng


mga maralitang taga-lungsod at mamamayang wa;ang sariling bahay –
isang kategorya ay yung mga nagtayo ng bahay bago ang March 28,
1992, at ibang kategorya naman yung mga nagtayo ng bahay mula
March 28, 1992, pataas.

Yung mga napailalim sa unang kategorya ay kabilang sa mga maaaring


mag-benipisyo sa mga Social Housing Projects ng pamahalaan at, kung
sakaling magkakaroon ng demolisyon, protektado ng Section 28 ng
UDHA.

Subalit ang mga minalas na napabilang sa ikalawang katergorya, walang


proteksiyong maaasahan sa Section 28 sakaling gibain ang kanilang mga
bahay at patalsikin sila sa kanilang mga tirahan. Ang polisiyang
“Summary Eviction” ang ipapataw sa kanilang kategorya. Dagdag pa
rito, ang pagkakaroon ng isang “cut-off date” ay tila nagdadagdag ng isa
pang requirement sa pagiging benipisyaryo sa Social Housing Program
ng pamahalaan dun sa apat nang nakatakda sa Section 16 ng UDHA.

Sa katunayan, dahil sa pagkakaroon ng isang “cut-off date,” parang


tinalikuran na rin ng pamahalaan ang polisiyang Continuing Urban
Development and Housing Program, na siyang mandatong ibinibigay ng
Sections 9 at 10 ng Article XIII ng Saligang Batas at maging ng UDHA Law
mismo.

Pero bakit nga ba may “cut-off date” pang itinakda? Simple lang po ang
dahilan – umasa kasi ang mga lumikha sa UDHA na sa pagdating ng
March 28, 1992 ay resolbado na ang problema sa pabahay sa Pilipinas!

Dahil tuloy sa baluktot na paniniwalang ito ay natanggalan ng


karapatang ma-proteksyunan ayon sa Section 28 ng UDHA ang
sinumang maralitang taga-lungsod o mamamayang walang sariling
bahay na magtatayo ng bahay mula March 29, 1992 pataas. Parang
hindi tuloy isinasaalangalang ng batas ang iba pang mga kadahilanan sa
likod ng problema sa kawalahan ng pabahay.

Layon din ng HB 6111 na ibalik ang mga mahahalagang karapatan ng


mga komunidad ng maralita sa pamamagitan ng pag-amyenda sa mga
sumusunod na prubisyon ng UDHA:

Section 16: Eligibility Requirements of Socialized Housing Program


Beneficiaries. Dahil sa panukalang dagdag na paragraph sa HB 6111,
pinipigilan na ang mga ahensiya ng pamahalaan at mga LGU na
magdagdag ng ibang requirements para maging benipisyaryo ang isang
tao ng Social Housing Program ng pamahalaan. Basta’t taglay ng isang
maralita o mamamayang walang sariling bahay ang apat na
requirements na itinakda ng Section 16, maari siyang maging
benipisyaryo.

RA 7279 (UDHA)

HB 6111

SEC. 16. Eligibility Criteria for Socialized Housing Program Beneficiaries.


To qualify for the

socialized housing program, a beneficiary:


a) Must be a Filipino;

b) Must be an underprivileged and homeless citizen, as defined in


Section 3 of this Act;

c) Must not own any real property whether in the urban or rural
areas; and

d) Must not be a professional squatter or a member of squatting


syndicates.

SEC. 16. Eligibility Criteria for Socialized Housing Program Beneficiaries.


To qualify for the

socialized housing program, a beneficiary:

a) Must be a Filipino;

b) Must be an underprivileged and homeless

citizen, as defined in Section 3 of this Act;


c) Must not own any real property whether in the

urban or rural areas; and

d) Must not be a professional squatter or a

member of squatting syndicates.

Pangkalusugan

You might also like