You are on page 1of 6

Kontemporaryong Sistemang Politikal ng Pilipinas

 Pagbabalik ng mga amerikano sa Pilipinas

Sa huling linggo ng labanan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay muling bumalik ang mga
Amerikano sa Pilipinas pagkatapos maitaboy ng mga Pilipino ang mga Hapones. Sa kanilang pagbabalik,
muli nilang ipinataw ang dating opisyal kalakaran.

 Hulyo 4,1946 – ipinahayag ang pagtatapos ng kapangyarihang Amerikano sa Pilipinas.

Bagamat mga pilipino na ang mga namumuno sa ating bansa, maraming nagpapatunay na
impluwensiyado pa rin ng mga dayuhan ang ating sistemang politikal.

a. Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA)


b. Philippine Mining act of 1996
c. K-12 curriculum

3 sangay ng pamahalaan

Lehislatibo(legislative)

Ehekutibo (executive)

Hudikatura (judiciary)

 Dinastiyang political
Marami sa mga pangunahing kandidato ay kadalasang mga reeleksiyonista o mga kamag-anak ng
mga nakaupo o dating pulitiko.

Ang ganitong kontrol ng iilang pamilya sa sistemang politikal ay idinidikta ng sistema ng eleksyon
na magastos at hindi nakatuon sa mga plataporma.

Ang halalan ay paligsahan hindi sa plataporma kundi sa pera, kaya kailangang mahusay ang iyong
makinarya sa halalan. Bagama’t ang sukatan ng paglahok sa halalan bilang kandidato ay kung
marunong kang bumasa at sumulat, napakaliit ng pagkakataong magtagumpay ng sino mang
mamamayan laban sa kapangyarihan at impluwensiya ng mayayamang angkan sa bansa.

 Pagkakaroon ng mga kinatawan ng mga grupong marginalized sa gobyerno sa pamamagitan ng


sistemang partylist dahil malinaw na ang mayayaman ang higit na may kontrol sa sangay na
ehekutibo ng gobyerno. Sa ganitong konteksto, malinaw na malayo pa ang lakbayin ng Pilipinas
tungo sa pagkakaroon ng isang lipunang ganap na demokratiko kung saan ang kapangyarihang
politikal ay hawak ng mga karaniwang mamamayan at hindi ng iilan.

Korapsyon at iba pang katiwalian sa gobyerno

Mga mukha ng katiwalian na matatagpuan sa bawat sangay ng gobyerno :

(1)Pang-aabuso sa kapangyarihan;
(2) pakikipagsabwatan;

(3) pandaraya sa halalan;

(4) pagnanakaw sa kaban ng bayan;

(5) sistemang padrino o palakasan; at

(6) korapsyon sa iba’t ibang sangay ng gobyerno

Ang kapangyarihan ay maaaring ipatupad sa dalawang kaparaanan: ministeryal at diskresyunal

Ministeryal – kung ang isang namumuno ay walang ibang nararapat gawin kundi ipatupad ang isang
polisiya.

Diskresyunal – tumutukoy naman sa paggamit ng opsyon o diskresyon ng isang namumuno o kawani ng


gobyerno na ipatupad o hindi ipatupad ang isang tungkulin subalit may pagsasaalang-alang sa mga legal
na pamantayan. Ang kapangyarihang ito ay kailangang gamitin nang ayon sa katuwiran, walang
kinikilingan, at hindi mapang-api o makapananakit ng iba.

Ang pang-aabuso sa kapangyarihan o diskresyon ay tumutukoy sa hindi angkop na paggamit ng


kapangyarihan o mga pasilidad sa mga desisyon na kailangan niyang ibigay.

Mga halimbawa:

(1) Ang pagtatalaga ng Pangulo ng Pilipinas sa kaniyang asawa o mga anak bilang gabinete ng
ehekutibo. Bagama’t ang Pangulo ang may eksklusibong kapangyarihang pumili ng mga taong
kaniyang makakatuwang sa pagpapatupad ng mahahalagang polisiya ng gobyerno, ang
pagtatalaga ng kaniyang asawa o mga anak ay maaaring ipinagbabawal ng ating Saligang Batas
1987 sa ilalim ng prinsipyo ng nepotismo;

(2) Ang kapangyarihan ng gobyerno na pumasok sa isang kasunduan ay mahalagang mekanismo para sa
episyente at epektibong paglilingkod sa bayan. Subalit ang pagsasaalang-alang sa personal na interes sa
kasunduan ay mga sirkumstansiyang naglalarawan ng pang-aabuso sa kapangyarihang ipinagkatiwala ng
taumbayan sa gobyerno, lokal man o nasyonal;

(3) Ang pagbili ng mga kagamitan ay isang sistema ng pamamahala na nangangailangan ng masusing
pagsunod sa proseso sapagkat ito ay maaaring maging ugat ng korapsyon sa gobyerno;

(4) Ang paggamit ng kapangyarihan upang makakuha ng pabor sa ibang tao na karaniwan ay may kapalit
na kabayaran.

Ang sabwatan ay tumutukoy sa ugnayan ng dalawa o higit pang indibidwal o grupo na nagkaisa na
isakatuparan nang palihim ang isang gawain na siyang ugat ng limitasyon ng iba upang tuparin ang
kinakailangan o nais nilang gawin. Isa itong krimen ng pandaraya, panloloko sa iba para sa kanilang mga
karapatan upang makuha ang isang adhika na labag sa batas na karaniwan ay sa pamamagitan ng
pandaraya o paggamit ng hindi patas na kalamangan.
Marahil, ang konsepto ng pandaraya sa halalan ay hindi lamang umusbong sa kasalukuyan. Matagal nang
kinahaharap ng bawat mamamayan ang suliraning ito, na nagpasalin-salin at patuloy na magpapasalin-
salin sa mga susunod pang henerasyon.

Ang karapatan ng bawat Pilipino na makilahok sa halalan bilang mga botante ay kinikilala ng ating
Saligang Batas ng 1987 (sa ilalim ng Artikulo V, Seksyon 1-2).

Narito ang ilang mahahalagang konsepto na may kaugnayan sa pandaraya sa eleksyon:

(1) Electoral fraud o ang ilegal na panghihimasok sa proseso ng eleksyon sa pamamagitan ng


pagdaragdag ng boto sa pinapaborang politiko, pagbabawas ng boto sa kalabang kandidato, o
pareho.
(2) Election manipulation na isang uri ng pandaraya na makikita bago maganap ang halalan kung
ang komposisyon ng mga manghahalal ay nabago. Ang lantarang manipulasyon ay itinuturing na
paglabag sa prinsipyo ng Demokrasya.
(3) Disenfranchisement o ang pagtatanggal sa karapatan ng isang tao na bumoto na isinasagawa
kung ang kandidato ay naniniwala na ang isang botante o grupo ay sumusuporta sa kalabang
panig o partido. Maaari itong makita sa anyo ng pagpapahina ng loob ng iba na magrehistro, o
kung sakali man na nakapagrehistro na, ay tanggalin sila sa talaan ng mga botante sa
pamamagitan ng animo ba ay legal na pagtanggal sa proseso ng korte.
(4) Manipulasyon ng demograpiya kung saan, maraming pagkakataon na kayang kontrolin ng mga
kinauukulan ang komposisyon ng mga manghahalal upang makatiyak ng isang resultang
pumapabor sa sinusupotahang politiko.
Kabilang dito ang:
 Intimidasyon
 Karahasan o Pananakot na Paghahasik ng Karahasan
 Pag-atake sa Lugar ng Halalan
 Mga Pagbabantang Legal
 Pamimilit
 Pamimili ng Boto

Ang gerrymandering ay isang konseptong pampolitika na kung saan ang isang partikular na partido o
grupo ay gumagawa ng kapakinabangang pampolitika (political advantage) sa pamamagitan ng
manipulasyon sa hangganan ng isang distrito (political boundaries). Tinatawag na Gerrymander ang
mabubuong distrito. Negatibo ang konotasyon ng Gerrymandering batay sa mga pangunahing taktika
nito:

Cracking (halimbawa: paglusaw sa kapangyarihang bumoto ng mga tagasuporta ng kalabang partido sa


maraming distrito);

Packing (halimbawa: konsentrasyon ng kapangyarihang bumoto ng kalabang panig sa isang distrito


upang mabawasan ang kanilang kapangyarihang bumoto sa ibang distrito)

Ang pagnanakaw ay matatagpuan sa marami nitong anyo at maituturing na krimen sa ilalim

Ng Kodigo Penal ng Pilipinas at ilang mga umiiral na espesyal na batas (special laws). Ilan sa mga
Anyo ng pagnanakaw sa kaban ng bayan at sa gayo’y maituturing na isang krimen ang:

(1) Panunuhol (Bribery at Korapsyon ng Opisyal ng Gobyerno (Corruption of Public Officer);

(2) Maling Paggamit ng Pondo o Ari-arian ng Bayan;

(3) Pandarambong (Plunder);

(4) Graft and Corruption.

Direct bribery o direktang panunuhol

 Sa ilalim ng Artikulo 210 ng Kodigo Penal ng Pilipinas, ang direktang panunuhol (direct bribery)
ay maaaring isampa sa kahit na sinong opisyal ng gobyerno na sasang-ayon sa paggawa ng isang
akto na maituturing na krimen, kaugnay ng kaniyang opisyal na tungkulin, bilang konsiderasyon
sa kahit na anong hain, pangako, regalo o bigay na tinanggap ng naturang opisyal, personal man
o sa pamamagitan ng iba.

Indirect bribery

 Isinasaad ng Artikulo 211 na ang isang opisyal ng gobyerno ay maaaring maakasuhan ng di-
tuwirang panunuhol (indirect bribery) sa simpleng akto ng pagtanggap ng regalo dahil sa
tanggapan na kaniyang hinahawakan.

Sa ilalim naman ng Artikulo 217 ng Kodigo Penal ng Pilipinas, binigyan ng depinisyon ang krimen ng
maling paggamit ng pondo o ari-arian ng bayan. Inilatag din sa parehong probisyon ang paglalagay
(presumption)sa ganitong krimen. Sinasabi sa artikulong ito na kahit sinong opisyal ng gobyerno, sa
pamamagitan ng kaniyang tungkulin sa tanggapan, ay may pananagutan sa pondo at mga ari-arian ng
publiko kung ito ay kanilang gagamitin sa maling pinaglalaanan, o sa pamamagitan ng pag-iwan o
kapabayaan, ay hahayaan nila ang ibang tao na gamitin ang naturang pondo at ari-arian ng publiko, buo
man o bahagdan.

Sa kabilang dako, isinasaad naman sa Artikulo 220 ang ilegal na gamit ng pondo at ari-arian ng publiko.
Tahasang sinasabi rito na may karampatang parusa ang kahit sinong opisyal ng gobyerno na gagamit ng
pondo at ari-arian ng kaniyang administrasyon sa pampublikong gamit bukod sa totoong pinaglalaanan
nito batay sa batas at mga ordinansa. Tinatawag din itong technical malversation.

Korapsyon din ang paggasta para sa pagbili ng mga substandard na materyales na regular ang presyo, o
kaya’y pagbubulsa ng pera ng gobyerno sa pamamagitan ng pekeng proyekto.

Ang pandarambong o plunder ay mariing kinukundina sa sistema ng pamamahala sa Pilipinas.

Sa bisa ng RA 7080, itinuturing na krimen ang akto ng opisyal ng gobyerno na direkta, o sa pamamagitan
ng pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng pamilya, mga kamag-anak sa pamamagitan ng kasal o sa dugo,
mga kasama sa negosyo, mga nasasakupan o iba pang tao ay humahakot, nagtitipon o nagkakamit ng
kayamanan na kinuha sa masama gamit ang pinagsama o sunod-sunod na hayagan o mga gawaing
kriminal na inilalarawan sa batas (RA 7080) sa tinipong halaga o kabuuang halaga ng hindi bababa sa
limampung milyong piso. Reclusion perpetua hanggang kamatayan ang parusang naghihintay sa
sinumang mapatutunayang nagkasala sa krimeng ito.

Ang konsepto ng graft and corruption ay mga usaping nagpapasakit sa bawat Pilipino. Ang usaping ito’y
matagal nang hinahanapan ng solusyon subalit hanggang sa kasalukuyan, bigo pa ring mapaglabanan.
Dalawang magkaibang konsepto ng pagkuha ng personal na benepisyo mula sa transaksyong
pampamahalaan ang graft and corruption.

korapsyon - maling gamit ng mga pinagkukunan ng pamahalaan para sa personal na benepisyo.

graft - tumutukoy naman sa maling gamit ng impluwensiya para sa personal na benepisyo.

Ang isa pang walang kamatayang isyu o usapin sa larangan ng pamamahala ay ang sistemang padrino o
ang palakasan. Ang mga nakaluklok sa kapangyarihan ay karaniwang nagiging bulag at binging saksi sa
hustisyang dapat ibigay sa taumbayan mapagbigyan lamang ang mga taong pinagkakautangan nila ng
loob.

Masasabi na ang nepotismo at kroniyismo ay kasama ay kasama rin sa mga ugat ng padrino o palakasan.
Sa ilalim ng ating Saligang Batas at iba pang umiiral na batas, ang nepotismo o ang pagbibigay ng pabor
sa mga kamag-anak ay lantarang ipinagbabawal samantalang walang tiyak na batas na makapagpaparusa
sa kroniyismo o pagbibigay ng pabor sa mga kaibigan, bagama’t matindi itong kinukundina. Ang
nepotismo at kroniyismo ay hindi pinapaboran upang maiwasan ang mga sabwatan sa mga transaksyong
kinasasangkutan ng dalawang panig na kasangkot.

Sa kabila ng panunumpa sa kodigo ng pag-aasal o etika, may mga pagkakataong nilalabag

Pa rin ng kapulisan ang ispesipikong probisyon nito katulad ng mga sumusunod: (1)pagtanggap

Ng salapi bilang proteksyon sa ilegal na gawain;

(2) pagtanggap ng suhol kapalit ng pananahimik

At hindi pag-akto sa isang kaso na kailangan niyang gawan ng aksyon;

(3) pagtanggap ng suhol bilang kapalit ng hindi pag-iisyu ng tiket kaugnay ng paglabag ng motorista sa
batas pantrapiko;
(4)Pagtatanim ng ebidensya na karaniwang ginagawa upang patibayin ang kaso laban sa isang indibidwal

(5)pagmamalabis sa kapangyarihan gamit ang dahas o pananakot upang mapagtagumpayan ang nais na
makuha

(6)paglahok ng kapulisan sa mga organisadong krimen tulad ng pagnanakaw, terorismo, kidnapping, at


iba pa.

Ang Lehislatibo ang sangay ng gobyerno na namamahala sa pagbuo at pagbabalangkas ng mga batas na
nararapat namang ipatupad ng Ehekutibo. Malapit sa usapin ng korapsyon ang sangay na ito sapagkat
maaaring makapaglagay ng isang probisyon sa panukalang batas na maaaring pumabor sa may-akda nito.
Mahalaga na maunawaan ng mga mag-aaral ang ilang prinsipyo upang labanan ang katiwaliang ito sa
pamahalaan gaya ng:

(1) hindi tugmang tanggapan (incompatible office) kung saan pinagbabawalan ang mga mambabatas na
humawak ng tanggapan o posisyon sa anumang ahensya ng gobyerno kasama ang GOCC o Government
Owned and Controlled Corporations liban na lamang kung iiwanan niya ang kaniyang posisyon bilang
mambabatas

(2) ipinagbabawal na tanggapan (forbidden office) kung saan pinagbabawalan ang pagtatalaga ng mga
kasapi ng Kongreso sa mga tanggapan ng gobyerno na nilikha o ang suweldo para dito ay nilikha sa
panahon na siya’y nanunungkulan pa bilang Kongresista.

Ang iba pang korapsyon na palasak sa Pilipinas ay ang:

(1) pagtakas sa pagbabayad ng buwis;

(2) ghost projects at payroll;

(3) pagtakas o pag-iwas sa subasta sa publiko ng pagkakaloob ng mga kontrata;

(4) pagpasa ng mga kontrata mula sa isang kontraktor tungo sa iba pa o Subcontracting;

(5) pangingikil; at

(6) panunuhol.

You might also like