You are on page 1of 1

Anti-Political Dynasty Script

Loren:
Mag-aama, mag-iina, magkakapatid, magpipinsan at hanggang sa kaapu-apuhan ay namamayani
ang paghahari sa pulitika. At dahil sa kalakarang ito, nakokontrol na rin pati nila ang mga
negosyo.

Ang ganitong sistema ang nais mawakasan kaya isinusulong ang Senate Bill No. 1765 o ang
Anti-Political Dynasty Act of 2018. Marami nang senador ang lumagda sa panukala. Pero kahit
na mayorya sa Senado ang pabor sa panukala, marami naman sa mga kongresista o mga nasa
House of  Representatives ang tutol dito. Kasi’y 80 porsiyento ng mga kongresista ay kabilang sa
political dynasties. Pero sabi ni Senate President Koko Pimentel, sa ayaw at sa gusto ng mga
kongresista, malapit nang magwakas ang pamamayagpag ng political dynasties sa bansa. Kahit
pa raw maamyendahan ang Federal Constitution, hindi mapipigil ang anti-political dynasty bill.

Ngunit suportado ng ilang senador ang Anti-political Dynasty bill o ang panukalang batas na
magbabawal sa magkakamang-anak na sabay-sabay o salit-salitang tatakbo sa lokal o national na
posisyon sa pamahalaan.

Nabatid na sa Senado, marami ang magkakamag-anak kabilang na dito ang magkapatid na sina
Sen. Pia at Alan Peter Cayetano, maging ang magkapatid sa ama na sina senators Jinggoy
Estrada at JV Ejercito na ang ama na si dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada ay alkalde sa
lungsod ng Maynila.

Si Ejercito ay isa sa mga senador na may-akda ng Anti-political Dynasty bill sa Senado.

Si Sen. Nancy Binay naman ay ama ang kasalukuyang bise presidente na si Jejomar Binay,
habang alkalde at kongresista ang mga kapatid.

Tama lang na isabatas na ang panukala para matigil na ang pagsalin-salin ng kapangyarihan ng
mga magkakamag-anak. Hindi magkakaroon ng tunay na pag-unlad ang Pilipinas hangga’t
namamayani ang dynasties. Hindi magkakaroon ng kaunlaran hangga’t patuloy ang political
dynasties. Magkakaroon lamang ng pagbabago sa buhay ng mga Pilipino kung mawawasak ang
political dynasties.

Nararapat ma-reduced ang family clans para umunlad ang bansa at ang pagpapasa sa Senate Bill
No. 1765 ang solusyon dito. Dapat mawala na ang paghahari ng mga mag-aama, magkakapatid,
magpipinsan at iba pang malalapit na kamag-anak.

You might also like