You are on page 1of 3

Ang Political Dynasty ay ang panunungkulan ng mga magkakamag-anak

sa politika, ang karapatan at kapangyarihan ay umiikot lamang sa isang


pamilya.

Pamilyang Aquino
 Benigno Simeon “Ninoy“ Aquino, Jr.
 Corazon “Cory” Aquino
 Benigno Simeon Aquino III
Pamilyang Estrada
 Joseph Ejercito Estrada
 Luisa ”Loi” Pimentel-Estrada
 Jose “Jinggoy” Pimentel Estrada
 Joseph Victor “JV” Ejercito
Pamilyang Binay
 Jejomar “Jojo” Binay
 Dr. Elenita Sombillo-Binay
 Jejomar Erwin “Junjun” Binay
 Nancy Binay
Pamilyang Marcos
 Ferdinand Marcos Sr.
 Imelda Marcos
 Imee Marcos
 Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
 Michael Marcos Keon
Sanhi ng Political Dynasty
Ito ay dahil sa impluwensiya ng pananakop ng mga Espanyol at mga Amerikano sa
ating bansa. Simula pa noon ay napapaboran na ang mga illustrado at mga
mestizo at inihahalal sila bilang Gobernadorcillo o alacalde. Ginagamit nila ang
kanilang kapangyarihan at sila ang nagtataguyod ng kanilang mga kamag-anak o
kadugo sa politika.
Epekto ng Political Dynasty
Mabubuting Epekto
 Maaring ipagpatuloy ang mga proyektong hindi natapos at mga ipinatupad
ng kanyang kamag-anak.
 Maaring humingi ng payo o dagdag kaalaman sa kamag-anak tungkol sa
politika.

Masasamang Epekto
Graft- Pagkuha ng pera o posisyon sa paraang taliwas sa batas, madaya at
kwestiyonable
Corruption- Intensiyonal na pagtatakwil sa tungkulin at obligasyon ng isang
opisyal ng pamahalaan
Graft and corruption- paratang sa mga opisyal ng pamahalaan na ginagamit ang
pampublikong pondo para sa pansariling interes

Ang Pagbabawal sa Political Dynasty ayon sa Saligang Batas 1987


Artikulo II, Seksiyon 26 ng 1987 Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas:
“Dapat siguraduhin ng estado ang pantay na pag-uukol ng mga pagkakataon para
sa lingkurang pambayan, at ipagbawal ang mga “political dynasties” ayon sa
maaaring ipagkahulugan ng batas.”
Senate Bill No. 2649
 Anti-Political Dynasty Act
 Inihain at isinulat ni Sen. Mirriam Defensor Santiago
Limitasyon sa Termino ng Panunungkulan
Itinalaga sa Sligang Batas ang pagkakaroon ng termino sa pamumuno sa
pamahalaan, upang walang opisyal ang mananatili sa poder sa loob ng mahabang
panahon. Liminitahan ito ng 2 termino kung saan pwede kang manungkulan
hanggang sa 6 na taon.

You might also like