You are on page 1of 1

Saligang Batas ng 1973 at 1987

Ang aking napiling paghambingin na konstitusyon ay ang 1973 at 1987. Ang saligang batas ng 1973 ay ipinatupad sa
panahon ni Ferdinand Marcos, samantalang ang saligang batas ng 1987 ay ipinatupad matapos na mapatalsik si Marcos sa
kapangyarihan. Nagkabisa ito noong ika-11 ng pebrero sa panahon ni Corazon Aquino. Ang 1973 ay may 17 na artikulo
samantalang ang 1987 ay may 18 na artikulo. Ang 1973 na konstitusyon ay pagpapalawak ng kapangyarihan ni Marcos at
pagpapatibay nya sa batas militar. Ipinasara nito ang Kongreso, binuwag ang mga lokal na pamahalaan, at nagbigay daan
sa malawakang kontrol ng gobyerno sa iba't ibang aspeto ng lipunan. Ito ay nagdulot ng malawakang pang-aabuso sa
kapangyarihan at paglabag sa karapatan ng mamamayan. Ang 1987 naman ay ang mas makatarungan at demokratikong
sistema ng pamahalaan. Ito ay naglaman ng mga probisyon na nagbibigay-diin sa karapatang pantao at kalayaan sa
pamamahayag. Ano nga ba ang pinagkaiba ng nakapaloob sa 1973 at 1987?

Una, ito ay dahilan din kung bakit naganap ang EDSA People Power Revolution. Ang karapatang pantao, sa 1973 ay
maraming probisyon na naglilimita sa kalayaan ng mamamayan, tulad ng kalayaan sa pamamahayag na maaaring
suspendihin sa ilalim ng batas militar. Samantalang ang 1987 ay nagsusulong ng karapatan sa ilalim ng artikulo 3 “Bill of
rights”. Ang mamamayan ay may kalayaan na ipahayag ang kanilang sariling opinyon at magtaguyod ng kanilang mga
karapatan. Pangalawa ay ang kapangyarihan ng pamahalaan . Sa 1973 na konstitusyon ay may malawak na kapangyarihan
ang pangulo na magpasya ng mga polisiya, magdeklara ng batas militar, at wala ring limitasyon ang termino bilang
pangulo. Ito ay taliwas sa 1987 na konstitusyon kung saan may limitadong termino at hindi maaaring muling kumandidato
pagkatapos ng isang term. Nagtataguyod ito ng demokratikong pamahalaan, kung saan ang kapangyarihan ay nakalahad
sa iba't ibang sangay ng gobyerno at may mas malakas na sistema ng checks and balances, kung saan magkakaroon ng
pagbabantay sa kapangyarihan ng bawat sangay ng gobyerno. Pangtatlo, sa 1973 Konstitusyon, ang proseso ng pag-
amend o pagbabago ng batas ay mas pinadali, at may malawak na kapangyarihan ang Pangulo na magbigay ng mga
amendment sa Saligang Batas. Ito'y nagbibigay ng potensyal na mabilisang pagbabago ng mga batas na maaaring
magresulta sa unilateral na pagtatangi ng kapangyarihan. Sa 1987 Konstitusyon, itinataguyod ang mas mahigpit na
proseso ng pag-amend, kung saan ang pangangailangan ng mas malawakang konsultasyon at aprobasyon ng iba't ibang
sektor ng lipunan ay kinakailangan. Ito ay nagbibigay ng mas matibay na mekanismo para sa mas demokratikong pagbuo
ng mga batas. Sa Article II o Declaration of Principles and State Policies ng 1987 Konstitusyon, mas detalyadong
inilalarawan ang adhikain ng estado, kabilang ang pagtutok sa kapayapaan, katarungan, kalayaan, dignidad ng tao, at pag-
unlad ng mamamayan. Ito'y mas malawak at may mas malalim na pagsusuri kaysa sa nakasaad sa 1973 Konstitusyon.
Mas malakas ang pagtataguyod ng 1987 Konstitusyon sa lokal na otonomiya, kung saan ang mga lokal na pamahalaan ay
binigyan ng malaking kapangyarihan sa kanilang sariling pamahalaan at pagbuo ng mga lokal na batas. Sa kabilang
banda, sa 1973, mas sentralisado ang kapangyarihan, at mas kontrolado ng pamahalaang pambansa ang mga lokal na
yunit. Ang 1987 Konstitusyon ay nagtataguyod ng mga probisyon na naglilimita sa kapangyarihan ng Pangulo na
magdeklara ng batas militar at nagbibigay ng mas mataas na papel sa Kongreso sa pag-apruba o pagsuspinde nito. Ito'y
naging tugon sa masamang karanasan ng batas militar sa ilalim ni Marcos, na hindi nabanggit sa 1973 Konstitusyon. Ang
1987 Konstitusyon ay nagbibigay ng mas mabusising pangangalaga sa pribadong ari-arian. May mga probisyon ito na
naglalayong protektahan ang mga mamamayan laban sa hindi makatarungan o di-legal na pag-aari ng kanilang ari-arian.

Malinaw na ipinakita ng mga Konstitusyon ng 1973 at 1987 ang malaking pagbabago sa direksyon ng pamahalaan ng
Pilipinas. Ang 1973 Konstitusyon, na umusbong sa panahon ni Marcos, ay nagbigay daan sa pang-aabuso ng
kapangyarihan at paglabag sa karapatan ng mamamayan. Sa kabilang banda, ang 1987 Konstitusyon ay nagtataguyod ng
mas demokratikong sistema, naglalaman ng mga probisyon na naglilimita sa kapangyarihan ng pangulo, at nagbibigay
diin sa karapatang pantao. Ang 1987 Konstitusyon ay tila isang gabay patungo sa pagbabago at pag-alsa mula sa madilim
na yugto ng batas militar.

Purificacion, Micaella Faye N.


BSBA HRM 1B

You might also like