You are on page 1of 2

Magandang hapon sa inyong lahat.

Ang korapsyon ay isa sa mga “crucial” na isyu sa mundo sa panahon ngayon. Ang
kahulugan ng korapsyon ayon sa corruptie.com ay ang maling paggamit ng
pampublikong kapangyarihan para sa pribadong pakinabang. Mga aktibidad na may
kaugnayan dito ay, ang paglustay o “embezzlement” at panunuhol o “bribery”. Sa
Pilipinas ay may mga kaso ng ganitong mga aktibidad.

Una ay ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) Scam o ang pork barrel
scam noon 2013. Ang mga opisyal ng Gobyerno ay binibigyan ng isang budyet upang
ipatupad ang kanilang nais na mga proyekto upang matulungan at maiangat ang mga
mamamayang Pilipino sa kahirapan at para sa pagpapaunlad ng Pilipinas sa kabuuan.
Ngunit natuklasan na ang mga proyektong ito ay hindi kailanman ginawang aksyon at
ang pera ay dadalhin sa isang bogus na non-government organization na pinamumunuan
ni Janet Lim Napoles. Pagkatapos ay natuklasan na ginugol ng mga opisyal na ito ang
pera para sa kanilang sariling mga personal na pagnanasa.

Ikalawa ay noong 2016, isang dating alkalde ng Isabela ay nahatulan ng graft sa


loob ng P2.5 Million na proyekto. Natagpuan ng Espesyal na Third Division ng antigraft
court ang dating Luna mayor na si Manuel Tio at accountant Lolita Cadiz na nagkasala
sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act para sa pagbibigay ng hindi
makatarungang benepisyo sa Double A Gravel & Sand.

Ang korupsyon ay dapat iwasan lalong lalo na sa gobyerno ng isang bansa dahil
pera iyon ng mga Pilipino at pinaghirapan ila iyon. Dapat gamitin ang pero para sa
kaunlaran ng isang bansa. Ang gobyerno ay dapat transparent at tapat pag dating sa
mga proyekto nito at ang mga opisyal ay hindi dapat mabubulag sa pera. Kailangan
masolusyunan ang problema itong para sa mapayapa na bansa.

Sources:
Exit Essay: Corruption in the Philippines. (2013, December 06). Retrieved from https://
a58despiritu.wordpress.com/2013/12/06/exit-essay-corruption-in-the-
philippines/
Nonato, V. F. (n.d.). Former Isabela mayor convicted of graft over P2.5-M project.
Retrieved from https://newsinfo.inquirer.net/849967/former-isabela-mayor-
convicted-of-graft-over-p2-5-m-project
What is corruption? (n.d.). Retrieved from http://www.corruptie.org/en/corruption/what-
is-corruption/

You might also like