You are on page 1of 9

PAGTAAS NG SAHOD NG MGA KASAMBAHAY SA CENTRAL LUZON,

EPEKTIBO NA NGAYONG ABRIL


ILANG FACE TO FACE CLASSES SA CENTRAL LUZON, SUSPINDIDO
NGAYONG ARAW DAHIL SA EXTREME HEAT INDEX

LGU CSFP AT BHWs, MAGTUTULUNGAN UPANG LABANAN ANG


PERTUSSIS

MABAKACAT CITY MAYOR CRISOSTOMO GARBO, MAY PAALALA


KAUGNAY NG MGA NAUUSONG SAKIT

NATIONAL

DOH NAGBABALA KAUGNAY NG HEAT STROKE

INTERNATIONAL

ISRAELI PRIME MINISTER DUMIPENSA SA MGA NAGING


PINAKAHULING PAG ATAKE NG ISRAEL SA GAZA

SPORTS

MGA FILIPINONG LALAHOK SA PARIS OLYMPICS UMAKYAT NA SA


WALO

SHOWBIZ

SARAH LAHABATI, USAP USAPAN ONLINE MATAPOS NA MA


ISPOTAN NA MAY KASAMAN FOREIGNER SA HON KONG

INTRO:

JO: MAGANDANG UMUGA CENTRAL LUZON, MAGANDANG UMAGA


LALAWIGAN NG PAMPANGA, _________________________

CJ: SUMASAINYO NA ANG MORNING EXPRESS BALITA NG 103.1


NEWSLINE CENTRAL LUZON TV
JO: ARAW NGAYON NG MIYERKULES, APRIL 03, 2024 KAMI ANG
INYONG TAGAPAGBALITYA, AKO SI JO SALZAR

CJ: AT AKO NAMAN SI CJ PENAFLOR

PAGTAAS NG SAHOD NG MGA KASAMBAHAY SA CENTRAL LUZON,


EPEKTIBO NA NGAYONG ABRIL

Epektibo na ngayong buwan ang Wage Order No. RBIII-DW-04, na


magbibigay ng buwanang pagtaas ng sahod ng mga kasambahay sa
Central Luzon mula P1,000-P1,500.

Mula sa dating minimum wage ng mga kasambahay sa Central Luzon na


naglalaro sa 4,500 -5,000 pesos, simula kahapon ay epektibo na ang
Wage order ng RTWPB Region 3 na maging 6,000 ang minimum wage ng
mga kasambahay sa lahat ng mga bayan at syudad sa Central Luzon.

Kabilang sa mga domestic worker na sakop ng Wage Order, ang mga


General househelp, yaya, cook, gardener, laundry person at ang sinumang
gumagawa ng gawaing bahay bilang kanyang trabaho.
ILANG FACE TO FACE CLASSES SA CENTRAL LUZON, SUSPINDIDO
NGAYONG ARAW DAHIL SA EXTREME HEAT INDEX

Sa kabila ng pagbubukas ng pasukan, suspendido ngayong araw ang ilang


face-to-face classes sa lahat ng antas, maging sa pampubliko at pribadong
paaralan sa Central Luzon.

Ito ay dahil sa matinding init ng panahon na nagdulot ng extreme heat


index.

Narito ang mga lugar sa Gitnang Luzon na nagdeklara ng suspensiyon ng


face to face classes:
Angeles City (Online Setup)
-PAMPANGA- kabilang ang
Arayat (Online Class Setup)
City of San Fernando (Online Class Setup)
Bacolor (Online Class Setup)
Pampanga State Agricultural University (Online Class Setup)
Mabalacat City
Floridablanca
Mexico (Online Class Setup)
-TARLAC-
Anao
Bamban
Camiling
Capas (Online Class Setup)
Concepcion (Online Class Setup)
Gerona
La Paz
Mayantoc
Paniqui
Pura
San Clemente
San Jose (Online Class Setup)
San Manuel
Santa Ignacia
Victoria
Ang layunin ng pagpapasuspinde ng face-to-face classes ay upang
mailayo o maiwasan ang mga posibleng problema sa kalusugan na
maaaring idulot ng matinding init ng panahon, lalo na sa mga estudyante.

Patuloy ang ibang paaralan sa paggamit ng alternatibong paraan sa


pagtuturo sa mga estudyante bilang kapalit ng face-to-face classes. Ito ay
upang masiguro ang patuloy na pag-aaral ng mga estudyante habang
pinoprotektahan ang kanilang kalusugan.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag kung kalian ibabalik ang face to
face classes ng ilang lugar sa Central Luzon.

LGU CSFP AT BHWs, MAGTUTULUNGAN UPANG LABANAN ANG


PERTUSSIS

Naghahanda na ang Pamahalaang lungsod ng San Fernando, Pampanga


sa pakikipagtulungan sa mga Barangay Health Workers (BHWs) upang
palakasin ang public health efforts hinggil sa Pertussis.
Binigyang diin ni Dr. Rowena L. Salas ang mahalagang papel ng mga
Barangay health workers sa healthcare system ng syudad.

Sa ngalan ni Mayor Caluag, pinuri ni Mary Ann Biliwang (Focal Person for
Health and Social Services, ang pagsisikap sa pagbibigay ng
mahahalagang serbisyo sa kalusugan at suporta sa komunidad ng mga
BHWs.

Patuloy naman na makikipagtulungan ang lokal na pamahalaan sa mga


grassroots healthcare provider sa pagtugon sa mga hamon sa kalusugan
ng publiko tulad ng Pertussis at iba pang alalahanin sa kalusugan ng
komunidad.

Nakikita ng lokal na pamahalaan ng San Fernando ang kahalagahan ng


pakikipagtulungan sa mga healthcare professionals, local authorities, at
community workers gaya ng BHWs para sa epektibong pagtugon sa mga
alalahanin sa kalusugan ng publiko tulad ng Pertussis at pagprotekta sa
kapakanan ng mga residente.
Sa kasalukuyan ang San Fernando ay walang aktibong kaso ng Pertussis.
Patuloy naman ang CHO sa pagsasagawa ng mga hakbang upang
maiwasan ang pagkalat nito sa lungsod.
Kabilang dito ang active case finding, assesment, IEC campaigns, at
lectures.

MAYOR GARBO, MAY PAALALA KAUGNAY NG MGA NAUUSONG


SAKIT
Nagpaalala si Mabalacat City Mayor Crisostomo Garbo sa mga residente
ng Mabalacat na magsagawa ng mga kinakailangang pag-iingat upang
mapangalagaan ang kanilang kalusugan at kapakanan sa pagpasok ng
tagtuyot.

Pinayuhan ni Mayor Cris Garbo (MCG) na Focal Person for Health ng


League of Cities of the

Philippines (LCP) ang mga Mabalaqueño na manatiling hydrated,


protektahan ang
kanilang balat mula sa excessive sun exposure, at maging mapagbantay
laban sa
mgapotential risks na nauugnay. sa mainit at tuyo na kondisyon ng
panahon.
Higit pa rito, binigyang-diin din ni Mayor Garbo ang kahalagahan ng may
kaalaman at
pagsasagawa ng mga hakbang sa pag-iwas laban sa sa sakit na pertussis.

Tiniyak naman ng DOH sa publiko na ang mga bakuna para sa pertussis


ay madaling makuha
sa bansa.

Wala pa namang naiulat na kaso ng pertussis sa Mabalacat, ngunit


hinimok pa rin ng Pamahalaang Lungsod ng Mabalacat ang publiko na
manatiling mapagbantay at magkaroon ng kaalaman tungkol sa pnasbing
sakit.

DPWH, NATAPOS NA ANG GUSALI PARA SA IBP SA BALER,


AURORA

Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang


bagong gusali para sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Baler,
Aurora.

Matatagpuan ang imprastraktura sa Barangay Suklayin, na may dalawang


palapag at magsisilbing sangay organization’s branch office ng lokal.

Ayon kay DPWH Regional Director Roseller Tolentino, ang multi-purpose


building ay nilagyan ng dalawang counseling room, conference room,
library, research area, secretary’s room, president’s room, dalawang
storage room, tatlong comfort room, at roof deck.
Binigyang-diin pa ni Tolentino na sa pamamagitan ng bagong IBP Hall,
susuportahan nito angnational organization ng mga abogado sa paglapit ng
legal expertise at services sa mga residente ng Aurora.

Sa inisyatibo ng DPWH Aurora District Engineering Office naipatupad ang


pagpapatayo ng gusali na nagkakahalaga ng P4.95 milyon sa ilalim ng
2023 General Appropriations Act.

CDA, INILAPIT ANG MGA SERBISYO SA MGA KOOPERATIBA NG


NUEVA ECIJA

Inilapit ng Cooperative Development Authority (CDA) ang mga serbisyo


nito sa mga kooperatiba sa Nueva Ecija sa pamamagitan ng pagdaraos ng
dalawang araw na caravan sa Cabanatuan City.

Ang “CDA R3 on Wheels” ay ginanap sa Old Capitol Building at nagsilbing


one-stop shop upang tugunan ang pangangailangan ng mga kooperatiba
sa pagkuha ng Certificate of Compliance (COC).

Ayon kay CDA Region III Supervision and Examination Section Head
Jasmin Barroga, ang mga serbisyong inaalok para sa mga non-compliant
cooperatives ay kinabibilangan ng regulatory guidance at compliance
assistance, capacity building at mandatory training, at technical assistance
na may mandatory reports.

Samantala, ang tulong na inaalok naman para sa mga compliant


cooperatives na may kumpletong mga dokumento, ay kasama ang same-
day issuance ng COC.

Kasama rin sa iba pang mga serbisyong ibinigay ang mga l legal concerns,
registration, at amendments.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mg residente ng Bongabon sa


pagdadala ng CDA R3 on Wheels sa lalawigan, na binibigyang-diin ang
kahalagahan nito sa gitna ng mga hamon ng mga kooperatiba sa pagtugon
sa kanilang mga kinakailangan.

NATIONAL
DOH NAGBABALA KAUGNAY NG HEAT STROKE

Nagbabala ang Department of Health Kaugnay ng mga sakit na maaring


makuha dahil sa sobrang init ng panahon

Ito ay matapos na rin maitala sa ilang bahagi ng bansa ang 41 degress


celsuis sa nakalipas na limang araw

Ang 41 degress celsius ay extreme caution na na kalisipikasyon ng


PAGASA ibig sabihin kapag ganito na kainit ang heat index o ang init na
nararamdaman ng tao ay posibli na ito makaranas ng mga heat at heat
exhaustion

Ito ay maaaring magdulot na rin ng pagkahilo ng isang indibidwal

at ayon sa DOH ang magtagal na pagbabad sa ilalim ng sikat ng araw sa


mga ganitong kataas na temperatura ay maaari na ring mag trigger ng heat
stroke, o di kaya naman ay mahilo ang isang indibidwal na lubhang napaka
delikado

Tila sumunod naman ang ialng mga paaralan sa paalala ng Department of


Health na kung maaari ay isuspende muna ang ace to face classes dahil
sa sobrang init ng panahon

INTERNATIONAL

ISRAELI PRIME MINISTER DUMIPENSA SA MGA NAGING


PINAKAHULING PAG ATAKE NG ISRAEL SA GAZA

Tila iwas pusoy si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu matapos ang
pinaka huling opensiba ng Israel sa Gaza

ayon kay Netanyahu, unintenional umano nangyari matapos madamay sa


pag atake ng Israel ang Convoy ng World Central Kitchen sa Gaza, Kung
saan isang Austriliano ang nasawi

Bukod sa Australian, mayroon din dalawang British, polish, Palestinian at


isang US-Canidian Citizen ang nasawi sa ag atake

matapos na masawi ang pitong mga Charity Workers, pansamantala


munang ititgil ng World Central Kitchen ang kanilang mga Charity Works sa
Gaza at tinawag ang insidente ng Unforgivable Attack
SPORTS

MGA FILIPINONG LALAHOK SA PARIS OLYMPICS UMAKYAT NA SA


WALO

Umakyat na sa walo ang mga FIlipino na magdadala ng bandera ng


Pilipinas para sa paparating na Paris Olympics

Ito ay matapos na mag Qualify ni John Ceniza matapos nitong pumang


apat na pwesto sa 61 kilograms event ng 2024 IWF sa Thailand

si Ceniza ay naka buhat ng kabuaang 300 kilograms sa nasabing Event

ang 26 year old weigthlifter ay South East Asian Games Silver Medalist ay
mapapabilang na ngayon sa liastahan ng mga Pinoy na lalahok sa Paris
Olympics

kabilang na rito sina Ej Obiena, Carlos Yulo, Aleah Finnegan, Eumir


Marcial, Nesthy PEtascio, Aira Villegas at kapwa nito Weightlifter na si
Rosegie Ramos

SHOWBIZ

SARAH LAHABATI, USAP USAPAN ONLINE MATAPOS NA MA


ISPOTAN NA MAY KASAMAN FOREIGNER SA HON KONG

Laman ngayon ng social media ang larawan ni Sarah Lahbati na may


kasamang Foreigner sa isang restaurant sa HongKong

Ang litrato ay isinapubliko ng kilalang showbiz insider na si Mamang Ogie


Diaz

AYon kay Ogie, ipinadala raw umano sa kanya ng isang tagahanga nito
ang litrato kung saan makikita si sarah na may kasamang lalaking
kumakain

ayon pa sa nag send ng litrato kay Ogie ay hindi umano kasama ni Sarah
ang dalawang anak nito ng makuhanan ito ng litrato

wala pa naman say si Sarah kaugnay nito

matatandaan na nito lamang nakaraang buwan g kumpirmahin ni Sarah na


hiwalay na sila ng kanyang mister na si Ricahrd Guiterrez
EXTRO

JO: ARAW NGAYON NG MIYERKULES, APRIL 03, 2024 SABAYAN


NIYO RIN KAMING NAPAPAKINGAN AT NAPAPANOOD SA AMING
FACEBOOK PAGE AT YOUTUBE CHANNEL NG NEWSLINE CENTRAL
LUZON TV

CJ: MULA DITO KUNG SAAN LAGI KANG KASAMA ANG 103.1
NEWSLINE CENTRAL LUZON, AKO SI CJ PENAFLOR

JO: PARA SA MORNING EXPRESS BALITA. AKO NAMAN SI JO


SALAZAR

SABAY: KASAMA KA, IKAW ANG BIDA

You might also like