You are on page 1of 4

Mangingisda naghahanda sa hagupit ng El Niño;

gobyerno pinaghahanda
James Relativo - Philstar.com
May 4, 2023 | 3:04pm

MANILA, Philippines — Hinahamon ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang


Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) ang gobyerno na maghanda ng contingency plan
para sa sektor ng pangingisda sa gitna ng banta ng tagtuyot dahil sa El Niño.

Kamakailan lang kasi nang maglabas ng El Niño alert ang PAGASA, na posible raw pumasok
simula Hunyo. Sinasabing nasa 80% ang probability na magtuloy-tuloy ito hanggang unang
quarter ng 2024 na nangangahulugan ng "below-normal rainfall conditions."

"Pinaghahandaan na ng mga mangingisda ang matagalang tagtuyot at ang malubhang epekto


nito sa aming kabuhayan," ani Ronnel Arambulo, tagapagsalita ng PAMALAKAYA, Huwebes.

"Mas mahirap ang pangingisda sa tuwing El Nino dahil nagpapalipat-lipat ng lugar at nananatili
sa mas malalim na bahagi ng dagat ang mga isda sa paghahanap ng mas malamig na
temperatura."

Tuwing may El Niño, madalas din daw ang malawakang fish kill at red tide sa mga palaisdaan
sa dahilang bumabagsak ang lebel ng dissolved oxygen sa tubig.

Sa Lawa ng Laguna, naglalasa at nag-aamoy putik na rin daw ang mga isda buhat nito na
nagreresulta sa pagbaba ng farm gate price sa mga maliliit na mangingisda na siyang
pinanggagalingan daw ng mas mababang kita at kagutuman ng kanilang pamilya.

Tumutukoy ang farm gate price sa presyo ng produkto kapag direktang binili mula sa producer
gaya ng mga magsasaka o mangingisda bago pa ito makarating ng palengke.

"Malinaw na kagutuman ang hatid ng El Niño sa mga mangingisda at magsasaka na


pangunahing sinasalanta nito," dagdag pa ni Arambulo.

"Kaya nananawagan kami sa pamahalaan na magkaroon ng agaran at konkretong hakbang


para maibsan ang pamiminsala ng El Niño sa agrikultura at pangisdaan."

Abril lang nang ipag-utos ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang pagbuo ng isang
El Niño team para solusyunan ang banta ng napipintong dry spell, kakabit ng isang information
drive pagdating sa pagtitipid sa tubig at kuryente.

Miyerkules lang nang manawagan ng P15,000 ayuda ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas
bilang "production subsidy" para sa mga magsasaka at mangingisda, ito lalo na't nakikitang
bababa ang kanilang ani at huli sa tinatayang abonormal na kakulangan ng ulan.

Nangyayari ang lahat ng ito sa gitna ng warm dry season sa Pilipinas o tag-init. Sa panahong
ito, karaniwang umabot ng 40°C pataas ang heat index, o 'yung init na nararamdaman ng tao.
Pinay jiu-jitsu fighter nasungkit unang ginto ng 'Pinas sa Cambodia
SEA Games
James Relativo - Philstar.com
May 4, 2023 | 6:31pm

MANILA, Philippines — Matagumpay na nakuha ng isang Pinay ang unang gintong medalya ng
Pilipinas sa ika-32 Southeast Asian Games matapos siyang mamamayagpag sa Jiu-Jitsu
Women's Ne-waza Nogi -52kg event sa Cambodia.

Masaya itong ibinalita ng Philippine Sports Commission ngayong Huwebes habang patuloy na
nakikipagtagisan ang mga Pinoy sa mga kapwa Asyano sa Phnom Penh.

"Congratulations Kaila Napolis for giving Team Philippines its first gold medal at the 32nd SEA
Games in Jiu Jitsu Women's Ne-waza Nogi -52kg event against Cambodia’s Jessica Khan
today at Chroy Changvar Convention Center!" wika ng PSC ngayong hapon.

Ngayong araw lang din nang sabay makuha ng Team Philippines ang bronze medal sa
#Cambodia2023 matapos ipamalas nina Harvey Navarro at Karl Navarro ang kanilang husay sa
Jiu-Jitsu Men’s Duo event kanina.

Kamakailan lang nang matalo ang Philippine women's national football team sa SEA Games
opener laban sa Myanmar sa puntos na 1-0.
Update sa intellectual property code, tugon sa talamak na online
piracy – kongresista
Philstar.com
May 4, 2023 | 12:00am

MANILA, Philippines – Iginiit ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda na ang pagpasa sa
panukalang batas na mag-aamyenda sa intellectual property code ay magiging epektibong
hakbang laban sa online piracy dahil mahaharang nito ang mga site na may paggalang sa due
process.

“Online piracy will kill digital creatives. And that’s an existential threat to the entire creatives
sector. If we don’t find a way to respond to this threat, we can say goodbye to the future of
streaming and digital content creation in the country,” ayon kay Salceda.

Ipinaliwanag ng chair ng House Ways and Means Committee na ang House Bill No. 7600,
kapag inaprubahan, ay magsisilbing malakas na kasangga ng sumisiglang Philippine streaming
industry dahil layon nitong i-institutionalize ang mga hakbang na haharang sa sites ng mga
pirata na nagtatago sa ilalim ng proteksiyon ng 'due process'.

"With the help of content owners, the Philippines should invest in a system of rapidly identifying
and responding to online piracy incidents, with the help of content owners,” anang Albay solon.

Gayunman, sinabi ni Salceda na ang nasabing mga pagsisikap ay maaaring magkaroon ng


malaking balakid dahil sa kawalan ng batas na magsasantabi sa isyu ng due process at
magpapahintulot sa pagharang sa mga site na pinaniniwalaang nakapipinsala sa mga lehitimo.

“That’s why we need to clarify in the intellectual property code how to do this. How to complain.
How to hear the complaint. How to appeal. How to execute judgment. It’s time to pass an online
site blocking law that respects due process," dagdag ni Salceda.

Binigyang-diin ng Albay solon na ang pagpasa sa HB 7600 ay lubhang napapanahon sa gitna


ng potensiyal ng creative industry bilang pinagkukunan ng “resilient and sustainable growth in
employment and economic activity.”

“Without a law amending the intellectual protesty law, the digital creatives sector could stagnate
or shrink unless efforts are taken to fight online piracy,” ayon pa kay Salceda.

“The future of Philippine creatives, and Philippine entertainment in particular, is streaming. That
kept K-pop alive when we couldn’t do concerts during COVID-19. It has become the dominant
sector in entertainment in the West. That’s what we should look to. That’s what we should
protect,” aniya.

“As incomes grow, so too will demand for this form of entertainment. People are obviously
willing to pay, as seen in the growth of subscriptions to companies like Netflix. And as soon as
we produce quality content, we will see demand for Philippine streaming.”

“But if we cannot protect programs for streaming in the infancy of Filipino streaming – we will
see this industry die before it gets its chance to flourish.”

Tinukoy ang mga pagtaya mula sa Philippine Statistics Authority, na nagsasabing ang digital
creatives sector ay nagtala ng pinakamabagal na employment growth sa hanay ng creatives
subsectors sa 4.5% (with total sector growth to have been at 10.5%) mula 2021 hanggang
2022, nagbabala si Salceda na “ang online creatives ay maaaring magpatuloy na
pinakamabagal sa paglago o umurong kung hindi natin ito mapoprotektahan.”

“We have that in the bill (HB 7600). And I am almost certain the House will pass the measure.
I’m hoping our counterparts in the Senate see the wisdom and the urgency in the proposal. The
streaming sector is in its infancy. Online site blocking is child immunization," pagbibigay-diin pa
ng kongresista.
Moderna magtatayo ng vaccine facility sa Pinas
Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
May 4, 2023 | 12:00am
SLUG: US BIOTECH

MANILA, Philippines — Inihayag ng Malacañang na magtatayo ng isang vaccine making facility


sa Pilipinas ang US biotech company na Moderna kung saan magiging kliyente ang buong Asia
Pacific Region.

Ipinaalam kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ni Moderna Chief Commercial Officer Arpa
Garay at Senior Vice President at General Manager Patrick Bergstedt ang planong “Shared
Service Facility for Pharmacovigilance” sa isang pulong sa Blair House sa Washington.

Kapag gumana na, ito ang magiging tanging shared service facility ng Moderna sa Asia at ang
pangatlo sa mundo kasunod ng Poland at Georgia sa US.

Ayon pa sa Malacañang, Inaasahang kukuha ito ng humigit-kumulang 50 health professionals


na may opisina sa Makati o sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na pinuri ni Garay ang kakayahan ng mga
Pilipino at magbebenepisyo sa partnership ang Pilipinas at ang Moderna.

Ang Moderna ay kabilang sa mga pharmaceutical firm na nagpasimuno sa paggawa ng mga


bakuna laban sa COVID-19, na ipinamahagi sa Pilipinas.

Ayon pa sa PCO, sinabi ni Marcos na “very, very interested” ang Pilipinas sa pagkakataong
bumuo ng shared services sa kumpanya.

Una nang itinulak ni Marcos ang paglikha ng virology institute at isang disease control center sa
Pilipinas upang tumugon sa mga darating na pandemya at krisis sa kalusugan. (Malou
Escudero/Joy Cantos)

Nagbabala ang United Nations (UN) nitong Miyerkules tungkol sa lumalaking posibilidad na
magkaroon ng bagong heat records dahil sa weather phenomenon na El Niño na mararanasan
sa mga susunod na buwan.

Sa ulat ng Agence France-Presse, inihayag ng World Meteorological Organization ng UN ang


60% na posibilidad na ang El Niño ay mag-develop sa katapusan ng Hulyo at mayroon ding
80% tiyansa na maganap ito sa katapusan ng Setyembre.

Ang El Niño, ayon sa ulat ay isang natural na climate pattern ng klima na karaniwang nauugnay
sa pagtaas ng init at tagtuyot sa buong mundo, at malakas na pag-ulan sa ibang lugar.

Ito ay huling naganap noong 2018 hanggang 2019.

Mula 2020, ang mundo ay tinamaan ng napakahabang La Niña na kabaligtaran naman ng El


Niño.

Gayunpaman, sinabi ng UN na ang huling walong taon ang pinakamainit na naitala, sa kabila
ng paglamig ng epekto ng La Niña sa halos kalahati ng panahong iyon.

Sinabi ni WMO chief Petteri Taalas na ang La Niña ay nagsisilbing isang pansamantalang preno
sa pandaigdigang pagtaas ng temperatura.

Sinabi rin ni Taalas na ang pagbuo ng isang El Niño ay malamang na humantong sa isang
bagong spike sa pandaigdigang pag-init at tataas ang posibilidad na magkaroon ng bagong
world record sa temperatura kaya kailangang magkaroon ng early warning device upang
maging ligtas ang mga tao.

“The world should prepare for the development of El Niño,” pahayag ni Taalas.

You might also like