You are on page 1of 3

Directions: Create a 5-minute radio news script using the news articles below.

News 1
Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Jenny.
Ayon sa PAGASA, ganap na 2:00PM nang tuluyan nang makalabas ang bagyo kung saan
tinatahak nito ang direksyong patungong China at inaasahang tatama sa Vietnam pagdating
ng weekend.
Gayunman, asahan pa rin ang kalat-kalat na pag-uulan sa Western Visayas, Zamboanga
Peninsula, Mindoro Provinces, Romblon at Palawan dala ng hanging Habagat.
Samantala, isa pang sama ng panahon ang binabantayan ng PAGASA na posibleng
pumasok sa bansa sa weekend at posibleng maging bagyo na tatma sa Hilagang Luzon.

News 2
Nag-sorry na o nanghingi na ng paumanhin ang China sa mga Pilipinong mangingisda na
nasangkot sa Recto Bank incident.
Ito ay halos tatlong buwan matapos ang nangyaring ‘hit and run’ sa Recto Bank o ang
pagbangga at pag-abandona ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Pilipino sa
bahagi ng Recto/Reed Bank.
Sa inilabas na memorandum ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa kanilang Twitter
account, makikita rito ang bahagi ng apology letter ng China para sa mga Pinoy fishermen.
Bahagi ng apology letter ng Chinese sa mga Pinoy fishermen sa Recto Bank incident |
via @DFAPHL https://t.co/edNLoBkq5o
— DWIZ Newscenter (@dwiz882)  August 28, 2019
Ipinahayag ng China sa naturang sulat ang kanilang pakikisimpatya, gayundin ng may-ari
ng Chinese fishing boat, sa mga Pilipinong mangingisda na nasangkot sa insidente.
Bagaman anila hindi sinasadya ang naturang pangyayari ay dapat akuin ng bangkang
pangisda ng China ang malaking responsibilidad sa nangyari.
Hiniling naman sa Pilipinas na maghain ng apela para sa civil compensation base na rin sa
halagang nawala sa mga mangingisda dahil sa nangyaring insidente.

News 3
Handa na ang halos 50,000 sundalo na tumulong para maapula ang sunog sa Amazon
Rainforest.
Ipinabatid ito ni Brazilian President Jair Bolsonaro matapos tanggapin ang tulong ng
Israel.
Ayon pa kay Bolsonaro, inihahanda na rin nila ang kanilang mga eroplano na magdadala
ng tubig para apulahin ang malaking sunog.
Naglaan na rin ang mga bansang dumalo sa G7 Summit ng mahigit $20-million para
maapula ang sunog sa pinakamalaking rainforest.

News 4

1
Makakabuti sa Philippine Basketball ang pagharap ng Gilas Pilipinas sa team ng Australia
sa dalawang tune up games bago ang FIBA World Cup.
Paniniwala ito ni gilas Coach Yeng Guiao mahigit isang taon matapos ang rambulan sa
pagitan ng Pilipinas at Adelaide 36ers.
Sinabi ni Guiao na makakatulong ang kanilang friendlies bukas at sa araw ng linggo para
makapag move on na ang dalawang panig sa naging pisikal na sagupaan.
Maliban dito inihayag ni Guiao na magandang pagkakataon ang kanilang pagharap sa
36ers dahil isa ang nasabing team sa magagaling na koponan sa national basketball league ng
Australia na mayroong apat na championship title.
Tiniyak naman ni 36ers Head Coach Joey Wright na hindi na mauulit ang girian ng
dalawang team kasabay ang pagsasabing tutulungan nila ang gilas na maging mas malakas na
team bilang paghahanda para sa world cup sa China.

Infomercial
MANILA, Philippines — Pinangalanan ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso ng
tigdas sa buong mundo nitong nagdaang taon sa pagtataas nito sa buong mundo, ayon sa ulat
ng World Health Organization.
Ang ulat ay batay sa Measles Rubella Update ng WHO nitong Agosto 2019, kung saan
pasok ang Pilipinas sa 10 bansang nangunguna sa sakit mula Hulyo 2018 hanggang Hunyo
2019.
Umabot sa 45,847 kaso ang naibalita sa Pilipinas sa panahong ito.
Sa inilabas na report, sinasabing naitala ang pinakamalaking bilang ng measles cases sa
bansa Pebrero ngayong taon.
Sa isang ulat ng Philstar.com nitong Agosto, sinasabing 477 na ang namamatay sa sakit
ngayong 2019.
Matatandaang nagdeklara ng measles outbreak ang Department of Health sa Metro
Manila, Central Luzon at iba pang mga rehiyon dahil sa pagkalat ng sakit.

Tumataas sa buong mundo


Samantala, hindi lang sa Pilipinas sumirit ang tinamaan ng sakit nitong mga nagdaang
buwan.
"In the first six months of 2019, reported measles cases are the highest they have been in
any year since 2006, with outbreaks straining health care systems, and leading to serious
illness, disability, and deaths in many parts of the world," sabi ng WHO.
Tatlong beses na mas mataas ang bilang ng mga kaso ng sakit mula nang magsimula ang
2019 kumpara ng parehong panahon noong 2018.
Nanguna sa mga bansang apektado ng tigas ang Madagascar (150,976) at Ukraine
(84,394), na sinundan naman ng Nigeria, India, Kazakhstan, Democratic Republic of Congo,
Yemen, Myanmar at Georgia, na pare-parehong sumailalim sa mayor na "outbreak."
Naitala naman ang pinakamataas na kaso ng tigdas sa Estados Unidos sa loob ng 25 taon.

Usapin ng bakuna

2
"The largest outbreaks are in countries with low measles vaccination coverage, currently
or in the past, which has left large numbers of people vulnerable to the disease," paliwanag
ng WHO.
Dalawang dose ng bakuna ang kinakailangan upang malabanan ang tigdas, bagay na may
ligtas at mabisa naman daw.
Sa tantya ng WHO at UNICEF, 86% ng bata ang nakatatanggap ng unang dosage ng
bakuna habang 69% lang sa ikalawa — dahilan para hindi makatanggap ng bakuna ang 20
milyong bata taong 2018.
Para sa mga taong bibisita sa mga bansang kalat ang tigdas, inabisuhan ng WHO ang
publiko na magpabakuna 15 araw bago bumiyahe.
"[E]veryone 6 months and older should be protected against measles prior to travel to an
area where measles is circulating."

You might also like