You are on page 1of 17

Halos 600 kilo ng basura, nakolekta sa ilalim ng dagat sa

Batangas, Samal Is
Posted by Tocmo at Andrew Bernar and Andrew Bernardo, ABS-
CBN News on May 4, 2021
Halos 600 kilo ng basura ang nahakot sa isinagawang
magkahiwalay na operasyon ng paglilinis sa ilalim ng dagat sa
Batangas at sa Davao del Norte noong nakaraang linggo.
Sa Davao del Norte, nakakolekta ng 378 na kilo ng basura ang
mga miyembro ng Coast Guard District Southeastern
Mindanao, kasama ang ilang ahensya ng gobyerno at pribadong
sektor sa isinagawang Scubasurero: Stand Up, Save our Reefs,”
sa Island Garden City of Samal (IGACOS) noong Biyernes.
Layon ng aktibidad na inorganisa ng Department of Tourism XI
na mapangalagaan at maprotektahan ang marine biodiversity
sa Davao Gulf.
Sinisid ng scuba divers ang bahagi ng Talikud Island sa IGACOS
at kinuha ang mga basura sa ilalim ng dagat.
Nanawagan ang mga awtoridad sa publiko na iwasan ang
pagtapon ng basura, lalo na ang plastic, upang hindi masira ang
yamang dagat at hindi rin ito maging peligroso sa marine
species.
Isa ang Samal Island sa mga tourist destinations na puntahan
lalo na sa mga taga-Davao Region dahil sa beaches at diving
sites nito.
Isinagawa ang Scubasurero bilang paggunita sa Earth Month
noong Abril at Ocean Month naman ngayong buwan ng Mayo.
Sa Batangas, mahigit 200 kilo ng basura ang nakuha ng divers
na nagsagawa ng paglilinis sa ilalim ng dagat na sakop ng
Barangay Mainit sa bayan ng Mabini noong Sabado.
Inabot ng kalahating araw ang aktibad na tinawag na
“Unmasked the Ocean” at nilahukan ng nasa 30 pribadong
divers gamit ang 5 bangka.
“We gathered some divers and then we went to a few sites na
alam namin na palagi kaming nakakakita ng basura, tapos may
mga mesh bags kami and then siguro we went on 2 dives, mga
40-50 minutes each shallow lang and we collected as much
garbage as we could which is a lot,” ayon kay diver instructor
Ross Veridiano.
Dagdag pa ni Veridiano na madalas na makita basura ay face
mask, na essential ngayong may COVID-19 pandemic.
“Actually, ngayon hindi na remote pag nakakita kami ng face
mask, parang more often than not we find face mask sa mga
dive site sa Anilao. Actually, sobrang lungkot and not only am I
sad but I’m also worried, kasi it’s really killing the environment.
I can compare it from 1992 tapos ngayon sobrang nag
deteriorate na rin ‘yung ating mga corals,” dagdag niya.
Nanawagan rin ang grupo sa pamahalaan na maging mahigpit
laban sa mga ganitong gawain laban sa kalikasan. Hiling naman
nila sa mga residente na maging responsible, lalo sa pagtatapon
ng mga basura sa dagat para maiwasan ang tuluyang pagkasira
ng likas na yaman.
Pinagkunan: https://www.google.com/amp/s/news.abs-
cbn.com/amp/news/05/04/21/scuba-600-kilo-basura-dagat-
batangas-samal-island

Active cases ng COVID-19 sa Pilipinas, ‘di na umabot sa 50k;


pero nasawi, higit 200 muli
Posted by FRJ, GMA News on October 29, 2021
Nakapagtala ng 3,694 na mga bagong COVID-19 cases sa
Pilipinas nitong Huwebes, at umabot naman sa mahigit 200
pasyente ang nasawi.
Nakapagtala ng 3,694 na mga bagong COVID-19 cases sa
Pilipinas nitong Huwebes, at umabot naman sa mahigit 200
pasyente ang nasawi. Sa datos na inilabas ng Department of
Health (DOH), bagaman mas masami ang new cases ngayong
araw kumpara sa 3,218 na naitala nitong Miyerkules, mas
nabawasan pa rin ang mga active cases sa 49,835, kumpara sa
50,151 kahapon
Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH), bagaman
mas masami ang new cases ngayong araw kumpara sa 3,218 na
naitala nitong Miyerkules, mas nabawasan pa rin ang mga
active cases sa 49,835, kumpara sa 50,151 kahapon.
Mayroong 3,924 na pasyente na bagong gumaling, habang 227
naman ang nadagdag sa bilang ng mga pumanaw.
Ito na ang ikalawang sunod na araw na mahigit 200 pasyente
ang nasawi matapos maitala nitong Miyerkules ang 271 na mga
pasyente na pumanaw dahil sa komplikasyon sa virus.
Sa bilang ngayon ng active cases, nakasaad na 73.4% ang mild,
6.8% ang asymptomatic, 6.2% ang severe, at 2.6% ang in critical
condition.
Ayon din sa DOH, mayroong 158 na kaso na unang inilagay sa
bilang ng mga gumaling ang inilipat sa bilang ng mga nasawi
matapos ang isinagawang final validation.
Isang laboratoryo lang umano ang bigong makapagsumite ng
datos sa takdang oras.
Pinagkunan:
https://www.google.com/amp/s/www.gmanetwork.com/news
/balitambayan/balita/808852/active-cases-ng-covid-19-sa-
pilipinas-di-na-umabot-sa-50k-pero-nasawi-higit-200-
muli/story/%3famp

PhilHealth: No 15-B lost to Corruption


Posted by CNN Philippines Staff, Metro Manila on January 4,
2021
Metro Manila (CNN Philippines, January 4) — The Philippine
Health Insurance Corporation or PhilHealth said the ₱15 billion
believed by some to have been pocketed by certain individuals
within the agency were used by hospitals in the government’s
COVID-19 response.
PhilHealth Spokesperson Rey Baleña told CNN Philippines’
Newsroom Ngayon that the money was all accounted for.
“’Yung ₱15 billion na pinaniniwalaan ng ilan na nawawala, ito
ay ibinulsa di umano. Gusto nating categorically na sabihin sa
mga kababayan natin na ito po ay hindi nawawala. Ito po ay
tinanggap ng 711 na mga health care facilities sa buong bansa
bilang bahagi ng ating COVID response,” Baleña said on
Monday.
[Translation: The ₱15 billion that some believe have gone
missing, that it was allegedly pocketed. We want to
categorically say the money is not missing. This was accepted
by 711 health care facilities nationwide as part of our COVID
response.]
He added the funds were being liquidated by the recipients,
with less than ₱2 billion liquidation reports still pending.
“As of late, ay mayroon na pong 87%, o kabuuang ₱13.03 billion
ang mga naliquidate na ng mga ospital… Hindi ito nawawala.
Hindi ito ibinulsa. Ito ay napunta sa mga ospital at nagamit sa
mga pasyente,” he said.
[Translation: As of late, 87% or P13.03 billion already liquidated
by hospitals… The money is not missing. This went to hospitals
and were used for patients.]
Pinagkunan:
https://cnnphilippines.com/news/2021/1/4/philhealth-no-
P15B-lost-to-corruption.html
Paglago ng Ekonomiya, bumagal dahil sa delay sa budget
Posted by Joyce balancio at Bruce Rodriquez, ABS-CBN news on
May 11, 2019

Bumagal ang paglago ng ekonomya ng bansa sa unang 3 buwan


ng taon na isinisi ng gobyerno sa pagkaantala sa pagpasa ng
pambansang budget.
Ito na ang pinakamabagal na paglago ng ekonomrya ng bansa
sa 100b ng apat na taon.
Lumago ng 5.6 porsiyento ang gross domestic product o GDP
mula Enero hanggang Marso, kompara sa 6.3 porsiyento noong
Oktubre hanggang Disyembre.
Abril lamang nalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang
budget o ang 2019 General Appropriations Act dahil sa
bangayan ng mga mambabatas sa umano'y mga budget
insertions.
"As we had forewarned repeatedly, the reenacted budget
sharply slowed growth," ani Socioeconomic Planning Secretary
Ernesto Pernia.
Papalo sana sa 6.6 porsiyento ang paglago sa GDP kung naipasa
sa oras ang budget, ani Pernia.
Dahil sa pagbagal ng paglago sa ekonomiya, maaaring
makumbinsi ang Bangko Sentral ng Pilipinas na babaan ang
tubo sa mga utang simula sa Huwebes.
Karanjwang binababaan ng Bangko Sentral ang "benchmark" na
interest rate na ginagamit ng mga bangko para hikayatjn ang
mga negosyante na higit na mamuhunan,

Ayon naman kay Finance Secretary Carlos Dominguez,


inaasahan ang pagganda ng galaw ng ekonomiya sa ikalawang
quarter ng taon ngayong pasado na ang budget.

Aapurahin na Aniya ng gobyerno ang rnga naantalang


proyektong impraestruktura sa pagpirma ni Duterte sa budget.

Pinagkunan: https://www.google.com/amp/s/news.abs-
cbn.com/amp/business/05/09/19/paglago-ng-ekonomiya-
bumagal-dahil-sa-delay-sa-budget

Drug Education sa mga Kabataan


Posted by Gus Abelgas, Philstar on February 11, 2019

Noon lamang isang linggo labing-isang high school students ang


naaktuhan ng mga tauhan ng pulisya na nagpa-pot session sa
isang bahay sa Makati City.
Pawang mga naka-uniporme pa ang mga estudyante na
nabulaga ng pulisya habang gumagamit ng ilegal na droga.
Umamin pa ang mga ito na nag-cutting classes pa.
Isa lamang ito sa insidente ng mga kabataan na sa murang edad
ay nadadawit na sa paggamit ng illegal drugs.
Halos nagkakasunud-sunod ang insidente kung saan sangkot
ang mga menor-de-edad sa ilegal na droga.
Kung hindi man nahuhuli sa paggamit, sila pa mismo ang
sinasabing ginagawang courier ng ilang sindikato.
Sa Navotas naman kamakailan din, ilang mga paslit ang nasagip
kung saan nga sila pa ang sinasabing pinamahala ng isang
‘tulak’ sa drug den.
Sinampolan na nga ng PDEA ang mga magulang ng mga paslit
na ito na sinampahan na ng kaso dahil sa pagpapabaya.
Masasabing ang mga kabataan ngayon ang siyang ginagamit o
target na biktimahin ng sindikato ng illegal drugs sa kanilang
operasyon.
Ang pagtaas ng bilang ng mga menor-de-edad ang posibleng
dahilan kaya nagpasya na ang gobyerno na isama ang
Preventive Drug Education Program sa susunod na school year
mula Kindergarten hanggang Grade 12.
Isasama ang programa sa kurikulum habang hahayaan naman
ang mga paaralan na i-introduce ang preventive drug education
sa ibang subject.
Nagtutulungan na ang DOH, DepEd at Dangerous Drug Board sa
pagbuo ng komprehensibo at napapanahong supplemental
materials para maisama ang drug education sa kurikulum ng
mga mag-aaral.
Malaking bagay nga marahil na maituro at matanim sa isip ng
mga mag-aaral hanggang bata pa ang samang dulot ng ilegal na
droga.
Sa maraming pagkakataon,impluwensiya ng nasa paligid,
barkada at mga kaibigan kaya nadadawit ang ilang menor ded
edad sa ganitong gawain.
Sige nang sige, subok nang subok na walang kaaalam-alam kung
ano ang samang dulot.
Kung sa murang edad ay maipapabatid na sa kanila ang
masamang epekto nito hindi lamang sa kanilang katawan,
pamilya at lipunan , makakatulong ito ng malaki para maiwasan
ito ng mga kabataan.
Pero kailangan din ang paggabay ng magulang.
Hindi maitatago na malaki ang problema ng bansa sa illegal
drugs, mas lalong lulubha ang problema kung ang tinatarget na
nitong market eh mga kabataan.
Kailangan na rin ang mas matindi pang operasyon laban sa mga
taong , mga kabataan ang ginagamit sa kanilang ilegal na
aktibidades. Dapat kalusin na ang mga ito, dapat mas matinding
parusa ang ibigay sa mga ito.
Ang mga ito ang dapat na mabitay.
Pinagkunan:
https://www.google.com/amp/s/www.philstar.com/pang-
masa/punto-mo/2019/02/11/1892631/drug-education-sa-mga-
kabataan/amp/

Lumalalang epekto ng climate change, nararapat tugunan


By Abby Binay(Pilipino Star Ngayon) – October4,2021

Bilang board member ng Global Covenant of Mayors for


Climate and Energy (GCoM), puspusan kong isinusulong ang
pagharap sa mga hamon ng climate change sa bansa. Lahat
tayo ay apektado nito, maunlad man o mahirap na lungsod.
Patuloy tayong nahihirapan kapag dumarating ang bagyo, baha,
at landslides. Sa Pilipinas, mahigit 20 bagyo ang nararanasan
natin sa isang taon. Bukod sa epekto nito sa ekonomiya ay
napakaraming pamilyang nawawalan ng bahay at hanapbuhay.
Maging ang Makati ay nakakaranas ng pagbaha sa mabababang
lugar. Nanganganib din sa landslide at liquefaction ang ilang
mga barangay na nadaraanan ng West Valley Fault kapag
lumindol nang malakas. Kaya naman minabuti naming
maghanda sa pagtugon sa ganitong mga senaryo. Pinaigting
namin ang pagsasanay ng mga first responder at namili ng mga
modernong kagamitan at sasakyan, bukod sa pagbibigay ng go
bags sa mga estudyante at mga nakatira sa danger zones.
Kaya lang, lahat nang paghahanda ay mababalewala kung hindi
bibigyang pansin ang ugat ng ating mga problema: hirap na ang
Inang Kalikasan. Hindi na makahinga sa rami ng usok na mula sa
ating mga sasakyan at factory; puno na ng basura ang mga ilog
at dagat.
Noong Hulyo, inilunsad namin ang Cities Race to Resilience,
kasama rito ang napakaraming lungsod sa buong mundo, maliit
man o malaki. Bahagi ito ng mas malaking inisyatiba na
gaganapin sa Glasgow, Scotland sa November.
Isa itong hamon sa ating lahat na palakasin ang ating kampanya
para sa resilience o katatagan sa pamahalaang lungsod,
pribadong sektor, at maging ordinaryong mamamayan.
Pinagkunan:
https://www.google.com/amp/s/www.philstar.com/pilipino-
star-ngayon/opinyon/2021/10/04/2131633/lumalalang-epekto-
ng-climate-change-nararapat-tugunan/amp/

Pinoy na walang trabaho bahagyang tumaas sa 3.76 milyon


noong Hunyo
By James Relativo (Philstar.com) – August 3, 2021

MANILA, Philippines — Kung numero at numero ang titignan,


dumami ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho o
negosyo nitong Hunyo sa 3.76 milyon habang nagpapatuloy ang
mga community quarantines dahil sa COVID-19 pandemic.
Kahit mas marami ito kumpara sa 3.73 milyong jobless noong
Mayo, sinasabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na
walang nagbago sa unemployment rate — 7.7% pa rin.
“Ang unemployment rate ay naitala sa 7.7[%], o 77 sa bawat
1,000 na indibidwal na nasa labor force, ang walang trabaho o
negosyo nitong Hunyo 2021,” ayon sa PSA, Martes.
Ito ang lumalabas matapos i-survey ng gobyerno ang nasa
11,081 kabahayan nitong Hunyo 2021. Nasa 33,791 katao mula
sa mga bahay na sinuri ang 15-anyos pataas.
Samantala, narito naman ang iba pang mahahalagang datos na
lumabas mula sa survey ng PSA:
 May trabaho/negosyo (45.08 milyon)
 Employment rate (92.3%)
 Underemployed o nakukulangan sa trabaho (6.41 milyon)
 Underemployment rate (14.2%)
Mas mataas ng 0.92 milyon kumpara noong Mayo (5.49 milyon)
ang underemployed noong Hunyo. Kasabay nito, tumaas mula
12.3% noong Mayo patungong 14.2% ang underemploument
rate nitong Hunyo.
Nangyayari ito ilang buwan bago muling ipatupad ang bagong
“hard lockdown” o enhanced community quarantine (ECQ) sa
Metro Manila sa Biyernes, bagay na tiyak na magpaparami uli
sa walang trabaho.
ECQ pa rin naman sa probinsya ng Iloilo, Lungsod ng Iloilo,
Gingoog at Cagayaan de Oro. Bunsod pa rin ito ng pagsipa ng
COVID-19 cases at pagsusumikap na mapigilan ang pagdami ng
mas nakahahawang Delta variant ng nakamamatay na virus.
Employed pero ‘di makapagtrabaho
Bumababa naman sa ngayon ang porsyento ng mga taong naka-
empleyo ngunit hindi makapagtrabaho, matapos nitong
malaglag sa 1.2% noong Hunyo mula 1.4% noong Mayo 2021.
Narito ang mga pangunahing dahilan ng hindi nila pagpasok:
 Kalusugan/limitasyong medikal (18.5%)
 Variable working time/nature of work (16.1%)
 ECQ/lockdown/COVID-19 pandemic (15.1%)
 Mahinang kondisyon ng negosyo (12.1%)
 Personal o rasong pampamilya (11.4%)
 Iba pang rason gaya ng leave, renovations kawalan ng
kapital ng negosyo (8.4%)
Patuloy namang nananawagan ngayon ang Kilusang Mayo Uno
(KMU) ng P5,000 ayuda bago muling ipatupad ang ECQ sa
Metro Manila, kasabay naman ng pagtataas ng presyo ng
pagkain at liquefied petroleum gas.
Kaugnay nito, humihiling ng “prize freeze” si Jerome Adonis,
secretary general ng KMU, bago simulan ang Metro Manila
lockdowns para man lang makaagapay sa presyo ng mga
batayang pangangailangan.
Hiling din nila ngayon ang pagpapasa ng panukalng P10,000
ayuda sa lahat ng pamilya, P100 daily wage subsidy sa mga
manggagawa at paid pandemic leave.
Pinagkunan:
https://www.google.com/amp/s/www.philstar.com/pilipino-
star-ngayon/bansa/2021/08/03/2117284/pinoy-na-walang-
trabaho-bahagyang-tumaas-sa-376-milyon-noong-hunyo/amp/

Nasa 12.2 milyong pamilyang Pinoy naniniwalang ‘mahirap’


sila: survey
Posted by ABS-CBN News On October 10 2018

Nasa 12.2 milyong pamilyang Pinoy naniniwalang


'mahirap' sila: survey 1
Umabot sa pinakamataas na antas sa loob ng apat na taon ang
bilang ng mga Pinoy na naniwalang mahirap sila, ayon sa isang
survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa survey na isinagawa mula Setyembre 15 hanggang 23 at
inilabas nitong Martes, sinabing 52 porsiyento ng 1,500
respondents ang nagsabing mahirap sila. Aabot ito sa 12.2
milyong pamilya.
Ito rin ang pinakamataas na datos na naitala mula noong
Disyembre 2014, kung saan 52 porsiyento rin ang nagsabing
mahirap sila.
Ito rin ang ikalawang sunod-sunod na pagtaas ng bilang ng mga
“self-rated poor” na pamilya, matapos itong maitala sa 48
porsiyento noong Hulyo at 42 porsiyento noong Marso. Ibig
sabihin, mula Marso hanggang Setyembre, 10 puntos ang
itinaas ng bilang ng mga nagsabing mahirap ang kanilang
pamilya.
Sa mga nagsabing mahirap sila, 8 porsiyento ang nagsabing
hindi sila mahirap 1 hanggang 4 taon na ang nakalipas, habang
6 porsiyento ang nagsabing hindi sila mahirap mula noong 5 o
higit pang taon ang nakakalipas.
Ang nalalabing 39 porsiyento naman ang nagsabing hindi sila
nakaahon sa kahirapan, ayon sa SWS.
Sa 48 porsiyentong nagsabing hindi sila mahirap, 10 porsiyento
rito ang nagsabing nakaahon sila sa kahirapan mula 1 hanggang
4 taon na ang nakalipas, habang 13 porsiyento rito ang
nagsabing mahirap sila mula noong 5 taon o higit pa.
Bilang ng ‘food poor’ tumaas
Tumaas rin ang mga “food poor” o mga pamilyang nagsabi na
pang-mahirap ang kanilang kinakain.
Naitala ito sa 36 porsiyento o 8.5 milyong pamilya, mas mataas
nang 2 puntos sa 34 porsiyento o 7.8 milyon noong Hulyo 2018.
Ito na rin ang pinakamataas na antas matapos maitala ang 37
porsiyento noong Hulyo 2015.
Ayon naman sa mga respondent, kinakailangan nila ng P10,000
na budget para hindi masabing mahirap sila. Pero lumalabas sa
survey na kinakailangan nila ng P5,000 para makamit ang
nasabing budget.
Naitala nitong Setyembre ang 9.5 porsiyentong food inflation,
kasabay ng 6.7 porsiyentong inflation sa bansa sa parehong
buwan.
Kasunod ng resulta ng survey, iginiit ng Malacañang na
kumikilos ang gobyerno.
Ani Presidential Spokesperson Harry Roque, malaki ang epekto
ng bagyong Ompong kaya nagbigay ng direktiba ang Pangulo na
tanggalin ang limitasyon sa pag-angkat ng bigas.

Pinagkunan:https://news.abscbn.com/news/10/10/18/nasa-
122-milyong-pamilyang-pinoy-naniniwalang-mahirap-sila-
survey

You might also like