You are on page 1of 35

Mga Salitang

Ginagamit sa
Pagsulat ng
Balita
Ikatlong Markahan-Ikapitong Linggo

GIL J. BARACEROS
Guro sa Filipino
Mga Layunin
 natutukoy ang wastong gamit ng mga salita sa
napakinggang balita;
 naiisa-isa ang mga salitang angkop sa
pagsulat ng napakinggang balita; at
 nasusuri mula sa sariling likhang balita ang
mga salitang ginamit batay sa itinakdang
pamantayan.
KILALA MO BA
SIYA?
Maramihang Pagtitipon sa Zambales, Hinigpitan Ngayong
Kapaskuhan
ni Catherine Andrade, San Guillermo National High School

Alinsunod sa Proclamation No. 929, pinirmahan


ngayong araw, Disyembre 14, ni Gob. Hermogenes
Ebdane ang Executive Order no. 28, s. 2020 na
naglalayong maglabas ng mga bagong patakaran
simula Disyembre 15 hanggang Enero 3, 2021
kaugnay sa paghihigpit sa mga nalalapit na
pagdiriwang tulad ng Pasko at Bagong Taon.
Nakasaad sa nasabing order ang bagong curfew
hours na magsisimula sa ika-10:00 ng gabi
hanggang ika-4:00 ng madaling araw, ang
pagpapahintulot sa loob ng simbahan ng 30%
katao lamang, pagbabawal sa may edad 15 pababa
at 65 pataas na pumunta sa simbahan o dumalo sa
anumang gawaing pansimbahan, tsaka ang
nakagawiang tradisyon tulad ng pangangaroling,
holiday parties ng mga opisina, at family reunion ay
hindi rin pinahihintulutan.
“In line with the needs and prohibitions at this
time of pandemic, I would like to inform each
and everyone that I have to strictly adhere to
the Executive Order I issued in compliance to
IATF pronouncement banning/limiting specific
activities that do not conform to established
‘health and safety protocols’ versus potential
spread of CoViD-19,” sabi ni Gob. Ebdane sa
kaniyang opisyal na facebook account.
Ipinatupad ang kautusang ito dahil sa
dumaraming kaso ng CoViD-19 sa buong
lalawigan dahil sa paglabag ng karamihan sa
health protocols. May karampatang parusa naman
ang sinumang lalabag sa kautusang ito alinsunod
sa nakasaad na batas at ordinansa ng lokal na
pamahalaan. Inihayag din ng gobernador na
walang magarbong pagdiriwang o anumang
gawaing may kaugnayan sa kaniyang nalalapit na
kaarawan sa Disyembre 31.
1. Saan patungkol ang binasa o napakinggang
balita?
2. Bakit ipinagbabawal ang maramihang
pagtitipon sa lalawigan ng Zambales?
3. Ano ang napansin mo sa mga salitang
ginamit sa balitang iyong binasa o
pinakinggan?
Mga Salik
01 02
Mga Pangyayari Kawilihan

03
Mambabasa
Hakbang sa Pagsulat ng Balita

 Itala ang mga pangyayari ayon sa


pababa o paliit na kahalagahan
Hakbang sa Pagsulat ng Balita

 Hanapin ang impormasyong


itatampok sa pamatnubay.
Hakbang sa Pagsulat ng Balita

 Isulat ang balita ayon sa


pagkasunod-sunod ng
pangyayari batay sa pababang
kahalagahan.
Pamatnubay
Alinsunod sa Proclamation No. 929, pinirmahan
ngayong araw, Disyembre 14, ni Gob. Hermogenes
Ebdane ang Executive Order no. 28, s. 2020 na
naglalayong maglabas ng mga bagong patakaran
simula Disyembre 15 hanggang Enero 3, 2021
kaugnay sa paghihigpit sa mga nalalapit na
pagdiriwang tulad ng Pasko at Bagong Taon.
Datos 1
Nakasaad sa nasabing order ang bagong curfew hours na
magsisimula sa ika-10:00 ng gabi hanggang ika-4:00 ng
madaling araw, ang pagpapahintulot sa loob ng simbahan ng
30% katao lamang, pagbabawal sa may edad 15 pababa at 65
pataas na pumunta sa simbahan o dumalo sa anumang gawaing
pansimbahan, tsaka ang nakagawiang tradisyon tulad ng
pangangaroling, holiday parties ng mga opisina, at family
reunion ay hindi rin pinahihintulutan.
Datos 2

Ipinatupad ang kautusang ito dahil sa


dumaraming kaso ng CoViD-19 sa buong
lalawigan dahil sa paglabag ng karamihan
sa health protocols.
Datos 3

May karampatang parusa naman ang sinumang


lalabag sa kautusang ito alinsunod sa nakasaad
na batas at ordinansa ng lokal na pamahalaan.
Tandaan:
Sa pagsulat ng balita ay kailangang
gumamit ng payak at tiyak na salita. Ang
mga pang-uri at pang-abay ay dapat
magbigay-daan sa mga pandiwa at
pangngalan. Iwasan ang paggamit ng mga
‘di karaniwang salita (Cruz, 2003).
Pagsasanay 1
Basahin ang balita mula sa isang
pahayagan. Suriin ang mga salitang ginamit
sa balita sa pamamagitan ng pagtatala sa
talahanayan ng mga salitang hindi angkop
ang gamit. Itala ang angkop na salitang
maaaring ipalit dito. Gawing gabay ang
halimbawang ibinigay. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.
Presyo ng gulay, isda, karne sumirit
ni Joy Cantos,
Pilipino Star Ngayon January 9, 2021 MANILA,
Philippines — Mariing kinalampag ni Gabriela Partylist
Rep. Arlene Brosas ang Department of Trade and
Industry (DTI) sa gitna na rin ng patuloy na pagsirit ng
presyo ng gulay, isda, baboy, manok at iba pang mga
pangunahing bilihin sa mga palengke na dagdag pahirap
sa mamamayan sa panahon ng COVID19 pandemic.
Sinabi ni Brosas, Assistant Minority Leader na lubhang
nakakaalarma na sa pagpasok ng 2021 ay lalo pang
sumipa ang sobrang taas ng mga bilihin sa palengke.
Ang presyo ng talong na mula P140 kada
kilo ay pumalo na sa P180; kalabasa mula sa
P40/kilo ay P180 na; ang manok na P160 ay
P200 hanggang maging P220 na ito.
Ang siling labuyo ay mula sa P600 ay
tumaas sa P1,000 hanggang P1,200 ang kilo;
ampalaya na P80 ay pumalo sa P200; kada
tali ng talbos mula sa dating P10 ay naging
P20 na sobrang konti lang.
Idinagdag pa dito ang sobrang mahal ng isda na
ang presyo ng lapu-lapu mula sa dating P580 ay
naging P1,000; hipon P800,00 hanggang P1,000.
Sumipa rin ang presyo ng baboy, baka at iba pa.
Muli ring nanawagan si Brosas sa Department of
Social Welfare and Development (DSWD) na
mamahagi ng P10,000 cash aid sa mahihirap na
mamamayan dahil hindi pa ang mga ito
nakakabangon sa pandemya.
Idinagdag pa nito na
makakatulong ng malaki ang
epektibong price freeze na dapat
ipatupad ng DTI sa gitna na rin ng
pagsasamantala ng ilang mga
negosyante.
Salitang hindi angkop sa balita Angkop na silata para sa balita

sumirit biglang nagtaas/dumoble ang presyo

1 1

2 2

3 3

4 4

5 5
Face-To-Face Classes, binawi ng Pangulo
ni Catherine L. Andrade, San Guillermo National High School

Binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang


rekomendasyon ng DepEd na magsagawa ng
dry run ng face-to-face classes sa mga lugar na
may mabababang kaso ng CoViD-19 na
sisimulan sana ngayong darating na Enero.
Kinansela ang pilot testing dahil sa bagong
strain ng virus na pinaniniwalaang mas
nakakahawa na mula sa bansang United
Kingdom.
Nakahanda na ang DepEd sa pilot
testing ngunit ayon kay DepEd Secretary
Leonor Briones na sila ay susunod sa
kautusan ng pangulo na ipagpaliban
muna ang face to face classes para sa
kaligtasan ng mga mag-aaral.
Kinompirma ng DOH na wala pang
naitala sa bansa na nakapasok na ang
bagong strain ng virus.
Salitang hindi angkop sa balita Angkop na silata para sa balita

sumirit biglang nagtaas/dumoble ang presyo

1 1

2 2

3 3

4 4

5 5
Pang-isahang
Pagsasanay
Bumuo ng balita batay sa
mga sumusunod na
impormasyon. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang
papel.
Ano - 2800 puno ng mangga ang natumba o napinsala
Saan - Zambales
Bakit - dahil sa hagupit ng bagyong Ulysses
Sino - Mango farmers

Mga Datos:
1. Sobrang lakas ng hangin na dala ng bagyong Ulysses at
nalaglag ang mga bunga ng mangga na dapat ay aanihin na.
2. Gumagawa ng paraan ang lalawigan para maitawid ang
kabuhayan.
3. Umabot sa 9.5 milyon ang pinsala ayon sa Provincial
Disaster Risk Reduction and Management Office
Pamantayan
1. Ang talata ay binubuo ng isang
mahabang pangungusap
2. Gagawa ng tatlo (3) o mahigit pang
talata
3. May pamatnubay
4. May pamagat ang balita
5. Malinaw ang mga salita at paglalahad
ng impormasyon
Pagsusulit
Manood, makinig o magbasa ng isang
balita. Suriin mo ang mga salitang ginamit
sa balita. Pagkatapos ay isulat mo itong
muli gamit ang wastong mga salita na
angkop na gamitin sa pagsulat ng isang
balita.
Salamat

You might also like