You are on page 1of 1

Matuto sa Nakaraang Kalamidad

Kamakailan lamang ay naranasan ng ibang bahagi ng Mindanao ang hinagpis ng


dalawang malalakas na lindol. Ito ay nagdulot ng malawakang pagkasira sa mga istruktura
at ari-arian. Ang hindi kahandaan ng publiko at pagwawalang bahala sa mga tinuturong
dapat gawin pagdating ng lindol ay nagdulot ng malaking problema.
Noong Oktubre 29, 2019, ang probinsiya ng Cotabato ay tinutok ng isang lindol na
may lakas na magnitude 6.6 magnitude. Habang noong ika -16 ng Oktubre, sinalakay
naman ng lindol na may 6.3 magnitude ang bayan ng Makilala. Patunany na ang dalawang
kalamidad na ito ay nag-iwan ng napakalaking pinsala sa Mindanao.
Sa hagupit ng lindol na ito, nangako ang pamahalaan na bibigyan ng tulong ang
mga biktimang apektado. Kapansin-pansin ang tumataas na bilang ng mga nabibiktima sa
tuwing nagkakaroon ng biglang sakuna. Umabot sa milyon ang halaga ng mga nasirang
imprastraktura at ari-arian maliban na lamang sa kinitil nitong mga buhay.
Sa nangyaring paglindol, nagkaroon pa rin ng pagpapanic at marami pa rin ang
nataranta. Nakita na wala pa ring kahandaan sa pagtama ng lindol. Nalilimutan pa rin ang
mga itinuturo sa drill gaya ng duck, cover and hold para makaiwas sa panganib.
Nakita sa mga kuha ng CCTV ang pagpa-panic nga mga tao habang bumababa sa
gusali at maging sa ospital. Karamihan sa kanila ay hindi alam ang gagawin. Nakita rin na
walang preparasyon sa pagtama ng lindol kaya marami ang nahintakutan.
Kung alam ng mga residente ang gagawin, makaliligtas sila sa kamatayan.
Karaniwang ang ginagawa ng mga tao kapag lumilindol ay nagtatakbuhan at nag-uunahan
na makalabas sa gusali o bahay. Dahil dito, nagkakaroon ng stampede kaya may mga
namamatay. Hindi sa lindol namatay kundi sa pag-uunahan.
Sa mga paaralan at mga ahensiya ng pamahalaan, regular na isinasagawa ang drill
at kadalasan ay ginagawang katatawanan lamang. Ang paghahanda sa mga kalamidad ay
hindi biro. Atin itong seryosohin sa tuwing nagdaraos ang pamahalaan ng mga
pagsasanay. Ang pananatiling nakaantabay sa anumang kalamidad na posibleng dumating
ay isang uri ng paghahanda upang hindi na muling maulit ang mga trahedya sa nakaraan.
Kaya nararapat lamang na magtulungan ang pamahalaan at mga mamamayan upang mas
maging handa sa mga susunod pang kalamidad.

You might also like