You are on page 1of 1

BALITANG MAY LALIM

Guisguisian may hinaing ukol sa langaw

NI: LOREE JANE EDNALAGA

Naging usapin sa Barangay ng Guisguis Sta. Cruz, Zambales ang isyu ukol sa pagkalat ng
langaw nitong buwan ng Hulyo hanggang Agosto na idinaing ng mga mamamayan ng Brgy. Guisguis.

Bukod sa pag-aalaga ng mga baboy sa BCV (Benigno Calbello Valles) farm ay nag-aalaga rin
ito ng mga manok kung saan merong tinatayang 115,000 ang kinakargang sisiw sa loob ng poultry
farm.

Ayon sa ilang mamamayan ng Guisguis, tuwing mag-haharvest umano ng mga manok sa


nasabing poultry ay ito ang siyang pinagmumulan ng mga langaw.

Nilinaw naman ni Diosdado Mediario tagapangalaga ng BCV farm na hindi dapat isisi dito ang
paglabas at pagkalat ng mga langaw dahil miniminimize aniya ang pagkakaroon ng langaw kung
saan nagsasagawa rin ng implemention ukol rito.

"Iyon ang sa tingin nila, pero lahat naman ng poultry walang nagsasabi na walang langaw,
kung meron man sa mga bahay nila yon hindi naman mawawala yan. Ang history kasi ng isang poultry
ay nag-aadopt lang hindi nag-poproduce ng langaw. Ang pinagmumulan ng breeder ng langaw ay
galing sa labas dahil nga attracted sila sa tae ng manok lahat ng nasa labas na langaw pumapasok
dito hanggang sa naiipon". paglilinaw ni Mediario.

Dagdag pa niya, " May ginagawa naman kaming solusyon, bumibili kami ng gamot na
ginagamit sa pampatay ng langaw na nagkakahalagang 60,000 isa."

Aniya, hindi masasabi na sa poultry galing ang langaw dahil maaari ring sa pag-aani ng prutas
tuwing buwan ng Hulyo.

Naging istorbo rin lang langaw ayon sa ilang mag-aaral ng Guisguis National High School kung
saan inireklamo ito ng mga mag-aaral.

"Pagpasok mo sasalubungin ka ng langaw. Pag nagkaklase kayo may lumilipad na langaw


kung saan hindi ka nakakafocus kasi kailangan mong bugawin. Kung saan ka andoon rin ang langaw.
Maging sa pagtulog at pagkain mo nakabantay ang langaw. Lalo na kapag mainit ang panahon
sobrang nakakairita ang langaw" ani Eloisa Ibasco, mag-aaral ng GNHS.

You might also like