You are on page 1of 1

BALITANG PANG KOMUNIDAD

GUISGUIS ASF FREE:


PRESYO NG BABOY APEKTADO
NI: LOREE JANE EDNALAGA

Nabahala ang mga swine raiser ng Brgy. Guisguis Sta. Cruz, Zambales ukol sa pagpasok sa
bansa ng nakamamatay na sakit sa mga alagaing baboy na african swine flu nitong buwan ng
Setyembre.

Isa si Benigno "Buboy" Valles, Rotary Club District Governor of District 3790 sa may ari ng sikat na
BCV (Benigno Calbello Valles) farm sa Palawan, Guisguis kung saan merong tinatayang 60 sow, 120
fattening at 60 piglet ang alagaing baboy sa loob ng farm.

Mahigpit ang ginagawang pag-iingat ng BCV farm sa mga alagang baboy lalo na't may isyu
ukol rito at wala pang naitatalang kaso kaya nagsagawa ng "implementation of biosecurity" kung
saan hindi sila basta- basta nagpapapasok sa farm.

"Kapag may mga bisita na pumupunta sa farm ay binabantayan talaga at nag-spray ng


disinfectant upang hindi makalapit ang virus kasi mahirap na kakalat talaga yan", ani Diosdado
Mediario tagapangalaga sa BCV farm.

Bagama't wala pang naitatalang kaso ng asf sa mga alagaing baboy sa Guisguis ay apektado
naman ang presyo nito dahil narin sa isyung sakit ukol rito.

"Malaki na nga ang ibinaba tapos wala pang buyer. Dinadaing kasi ng mga buyer na hindi
gaanong mabili ang karne ng baboy, hindi gaanong binibili ng mga tao kasi takot na baka apektado
ang nabiling karne", saad ni Mediario.

Dagdag pa niya, "Iba-iba kasi ang pananaw ng tao at hindi naman namin sila masisisi. Meron
dyan okay lang yan na maulam dahil sinasabi nila na hindi nakakaapekto sa tao meron ring umiiwas
dahil nga natatakot".

Aniya, pumalo ng 4% ang ibinaba sa bentahan ng karne at bumagsak umano ang presyo ng
baboy sa 85 kada kilo na dati ay 150 kada kilo.

You might also like