You are on page 1of 2

Ayuda sa mga magsasaka

inihirit dahil sa 'bagsak-


presyong' bilihan ng palay
Posted at Aug 31 2019 05:42 PM | Updated as of Aug 31 2019 08:01 PM

MAYNILA — Humihingi ng cash assistance sa pamahalaan ang mga magsasaka sa gitna ng


pagsadsad ng presyo ng palay dahil umano sa rice tariffication law.

Sa ilalim ng batas, wala nang limit ang pag-aangkat ng bigas dahilan para magbagsak-presyo ang
mga imported rice.

Bunsod nito, napipilitang magbaba ng presyo ang mga retailer ng bigas sa bansa.

Ayon sa grupong National Movement for Food Sovereignty, nasa P1 hanggang P2 lang ang binaba
ng presyo ng bigas sa mga palengke.

Mas kaunti pa ito sa P7 bawas na ipinangako ng mga mambabatas.

Hiling ng group na magkaroon ng P20,000 ayuda kada magsasaka para mayroon silang pantawid-
gutom.

"Napakataas po ng cost of production namin tapos malulugi lang kami dahil sa presyo ng palay," ani
Arze Gilpo, convenor ng National Movement for Food Sovereignty.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) spokesperson Noel Reyes, sisiguruhin nilang mabibigay
sa mga magsasaka ang ipinangakong P10 bilyong pondo na tulong sa kanila.

Nakiusap din ang DA sa mga magsasaka at mga konsumer na bigyan ng pagkakataon ang rice
tariffication law, lalo't para naman umano ito sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa bansa.

-- Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

Link : https://news.abs-cbn.com/business/08/31/19/ayuda-sa-mga-magsasaka-inihirit-dahil-sa-bagsak-
presyong-bilihan-ng-palay
Patay sa dengue, 882 na
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - August 31, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 882 ang bilang ng mga nasawi dahil sa sakit
na dengue.

Ayon sa Department of Health-Epidemiology Bureau, ang nasabing bilang ay naitala


mula January 1 hanggang August 10, 2019.

Sa nasabi ring petsa ay nakapagtala ang DOH ng 208,917 kaso ng dengue.

Lubhang mataas ito kumpara sa 102,298 kaso sa parehong petsa noong 2018.

Sa rekord ng DOH, mula lamang August 4-10 o sa loob lang ng 6 na araw ay may
naitalang 12,802 kaso ng dengue.

Ang Western Visayas ang may pinakamataas na kaso na 36,476 at may 166 na
nasawi.

Sumunod ang Calabarzon, 27,091 cases at 88 ang nasawi.

Kabilang sa mga rehiyon na lagpas na sa epidemic threshold ng dengue ang


Calabarzon, Mimaropa, Region V, Region VI, Region VIII, Region IX, RegionX,
Region XII, BARMM at National Capital Region.

Link: https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2019/08/31/1947792/patay-sa-dengue-882-na#js8dXi0c2xEqDDq6.99

You might also like