You are on page 1of 4

Pagbaba ng suplay ng karne,

pinangangambahan
Ni Angie dela Cruz | Updated July 1, 2010 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nangangamba ang mga hog raisers at producers sa bansa sa posibleng
pagbaba ng suplay ng karne ng baboy ngayong taon.
Anila, nangangahulugan ito ng hindi napapanahong importasyon ng baboy na magbubunsod
naman ng posibleng pagkalugi ng hog sector sa Pilipinas dahil sa posibleng pagbaha ng mga
imported pork products sa bansa.
Inaasahan na ang pagbaba ng produksiyon ng baboy sa kasalukuyan ay bunsod ng
pagkakasakit ng naturang mga alagaing hayop nitong mga nagdaang mga buwan na epekto ng
mga kalamidad at nagdaang mainit na panahon.
Bunsod nito, sinabi ni Nicanor Briones ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines na
panahon na upang gumawa ng kaukulang hakbang ang mga industry players para mapanumbalik ang sigla ng industriya upang makabangon sa pagkalugi tulad ng tamang pag-aalaga
sa mga hayupan laluna ang patuloy na pagbabakuna sa mga baboy.
Ang sector ng agrikultura ang may pinakamalaking casualties dulot ng El Nio phenomenon na
nagbunsod ng pagkalugi na umaabot sa P20 bilyon.
Ayon sa Department of Agriculture (DA) , ang poultry at livestock industries ay nalugi ng P10
bilyon dahil sa tag-tuyot na nagbunsod ng mataas na presyo ng karne ng baboy na nag-ugat din
sa pagtaas ng halaga ng mais.

Tanong:
1.Magkano ang inilugi ng agrikultura dulot ng El

Nino?
2.Magkano ang inilugi ng poultry at livestock
industries?
3.Ano ang naging dahilan kung bakit tumaas ang
presyo ng karne?
4.Sino ang nagsabi na panahon na para gumawa
ng hakbang
ang mga industry players para mapanumbalik
ang sigla ng industriya?
5.Anong ahensya ng gobyerno ang
nangangalaga sa agrikultura ng pilipinas?

You might also like