You are on page 1of 1

Ayon Kay JOANNA TACASON STA.

BARBARA, Pangasinan — Kayod kalabaw na rin sa pagsasaka ang


magsasakang si Bernie Cabrera sa gitna ng krisis sa COVID-19.Sinasamantala raw nila ang magandang
buhos ng ulan para patubigan ang kanilang sakahan sa Barangay Maronong para bumawi dahil doble
dagok para sa kanila ang nararanasang pandemya.Kulang na kulang daw kasi sila sa makinarya para
mapadali ang pagsasaka. Idagdag pa ang pambabarat ng mga traders sa pagbili ng kanilang aanihing
palay."Mahirap gumalaw, may pandemya. Sana tulungan tayong maliliit," ani Cabrera.Hirap din ang ilang
magsasaka at tindera na ibenta ang kanilang inaning produkto lalo na ang mga high-value crops dahil sa
pandemic na sinabayan pa ng tag-ulan.Bumababa raw kasi ang kalidad ng mga gulay at prutas dahil
madali itong masira at mabulok pagdating sa palengle."Pagdating sa palengke matumal, merong
nalalanta, merong nabubulok, kung minsan hindi nailalabas ang puhunan, pinakapakain na lang sa baboy
'yung mga nasisirang paninda," ani Aida Pescador, tindera ng gulay.Paliwanag ng Samahang Industriya
ng Agrikultura (SINAG), hindi pa rin nawawala ang problema sa sektor ng agrikultura dahil hindi pa rin
daw sapat ang ibinibigay ng Department of Agricuture na ayuda sa mga maliliit na magsasaka."Ang
problema nating isa rin is iyong buyer power, medyo bumaba, so dapat iyong importation, dapat pigilin,
huwag nilang sabihin na last year ito naman ang in-import natin eh import ulit natin. Dapat hindi ganoon
kasi iyong buying power nawala eh, so dapat bawasan or totally ihinto muna iyong pag-i-import ng mga
produkto na marami naman tayong local na produces," ani Rosend So, chairman ng SINAG. Sa
Pangasinan, bukod sa pamimigay ng libreng binhi, abono at pamimigay ng ilang farm machinery,
tinatarget ng provincial government na bilhin ang mga local produce ng mga magsasaka sa pamamagitan
ng programang "Abig Pangasinan."Layon nito na matulungan ang mga residente na naapektuhan ng
pandemic kabilang na ang mga magsasaka, at mangingisda.Mismong ang provincial government ang
bumibili ng mga produkto para ipamigay sa mga relief distributions at pagkain ng mga pasyente sa mga
hospital.Prayoridad din ng provincial government na mas mapabilis ang pag-transport ng mga produkto
papunta sa ibang probinsya at Metro Manila para matugunan ang food supply ngayong may pandemic.

https://www.google.com/amp/s/news.abs-cbn.com/amp/news/08/19/20/mga-magsasaka-umaaray-sa-
matumal-na-benta-ng-palay-sa-gitna-ng-pandemya

Ayon Kay John R. Castriciones Sa pamamagitan ng proyektong ito, nais naming mabigyan ng agarang
tulong sa pagkain at suportang teknikal ang ating mga magsasaka upang masigurong magagawa nila ang
kanilang tungkulin bilang mga frontliners at upang matulungan silang magkaroon ng tuloy-tuloy na kita
para sa kani-kanilang pamilya,” sabi ni Kalihim ng DAR John R. Castriciones.Sa pamamagitan ng
proyektong ito, nais naming mabigyan ng agarang tulong sa pagkain at suportang teknikal ang ating mga
magsasaka upang masigurong magagawa nila ang kanilang tungkulin bilang mga frontliners at upang
matulungan silang magkaroon ng tuloy-tuloy na kita para sa kani-kanilang pamilya,” sabi ni Kalihim ng
DAR John R. Castriciones.

Source: http://tugonbalita.com/2020/05/03/dar-patuloy-ang-paglilingkod-sa-mga-magsasakasa-gitna-
ng-covid-19/

You might also like