You are on page 1of 2

NEWS ANALYSIS

Panuto: Basahin at pag-aralan ang balita na may pamagat na “Pagsusulong ng Higit na


Produksiyon ng Bigas”. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong at isulat sa inyong
sagutang papel.

Tinutulungan ngayon ng Bago City, isa sa mga nangungunang producer ng bigas sa


bansa, ang mga magsasaka ng kanilang lugar upang higit na mapakinabangan at
maitaas ang produksiyon ng bigas sa gitna ng implementasyon ng Rice Tariffication
Act, na nagpapahintulot sa malayang pag-aangkat ng bigas sa ibang mga bansa. Sinabi
kamakailan ni Mayor Nicholas Yulo na sa ilalim ng bagong sistema ng taripa,
kinakailangan ang pakikialam ng lokal na pamahalaan.

“Our goal is really to make our farmers more efficient for them to compete with those in
neighboring countries,” aniya.

Tinaguriang rice bowl ng Negros Occidental, pinarangalan ang lungsod ng Bago sa


ikalawang pagkakataon bilang isa sa mga top rice-producing local government units sa
bansa sa ginanap na 2018 Rice Achievers Awards.

Ang katimugang lungsod ng Negros ay ang nangungunang rice producer sa mga


lungsod at bayan sa Western Visayas, base na rin sa ipinapakitang datos ng
Department of Agriculture. “More than the award, we aim to strengthen our production
mainly to prepare for the possible adverse effects of the rice tariffication measure,”
pahayag ni Yulo. Sa ilalim ng rice tariffication, hangad ng bansa ang lowest production
cost na may maximized yield.

Ipinapakita sa datos ng City Agriculture Office na may kabuuang palay production ang
Bago City, na umaabot sa 119,528 metriko tonelada noong 2018 mula sa inaning
bahagi na may 11,879 ektarya. Tumaas din ang average yield per hectare nito mula 4.2
metriko tonelada noong 2017 sa 4.43 metric tonelado nitong nakaraang taon. Mula sa
dating 20 porsiyento, nag-aambag na ngayon ang lungsod ng 25% sa kabuuang
produksiyon ng bigas sa Negros Occidental. Ayon kay Yulo, malaki ang naging tulong
ng edukasyon, pagsasalin ng teknolohiya at mekanismo sa karangalang natamo ng
lungsod. “We are on this path already. We have felt the initial effects of our efforts
especially on farm mechanization,” aniya. Nitong Disyembre lamang, pinasimulan ng
probinsiyal na pamahalaan ang farm mechanization program sa lungsod na gumamit
ng 200-hectare model rice farm sa Barangay Taloc. Pinapangasiwaan ang lugar ng 160
magsasaka, na miyembro ng Newton-Camingawan-Para Farmers Association. Umaasa
naman si Yulo na magbibigay ng inspirasyon ang karangalan nilang natamo upang higit
pang magsumikap lalo’t marami pa, aniya, ang pagdadaanan nila, lalo na kung
ikukumpara sa anim na metrikong tonelada kada ektarya, na inilalabas ng mga
magsasaka ng mga kalapit na bansa, sa mas mababang puhunan.

Pamprosesong Tanong:
1. Aling pangunahing lalawigan at bayan ang nakatanggap ng parangal na 2018 Rice
Achievers Awards?
2. Paano natamo ng lalawigang ito ang mataas na antas ng produksiyon sa bigas? Sa
papaanong paraan makatutulong ang mga salik ng produksiyon sa pagtaas ng
produksiyon ng pagkain sa bansa?
3. Paano makatutulong sa atin ang pagkakaroon ng mataas na antas ng produksiyon
ng bigas?

You might also like