You are on page 1of 3

SOCA, Isinagawa sa Cotabato

Naganap ang STATE OF CITY ADDRESS 2020 sa lungsod ng Cotabato sa


ilalim ng pamumuno ni Atty. Frances Cynthia J. Guiani-Sayadi noong ika-25 ng
Enero ng taong ito.

Inilahad ng mayora sa kaniyang talumpati kung ano ang mga kaunlarang


tinatamasa ng kanilang lungsod sa ilalim ng kaniyang panunungkulan. Ayon sa
kanya, nagkaroon ng malaking pagbabago sa kanilang ekonomiya. Sa
nagdaang taon, ang lungsod ng Cotabato ay nakapagpatayo ng 1,368 na mga
bagong negosyo. Ito ang nakapagbigay ng trabaho sa 4,977 katao. Sa loob
lamang ng isang taon ay nakatulong sila na mabigyan ng trabaho ang mahigit
5, 000 katao. Ang pagunlad ng kanilang ekonomiya ay nag resulta sa pagtaas
ng nakokolekta na buwis na umabot ng 14.65 milyon sa nakaraang taon.

Samantala, sa pagpapatupad ng Ordinance No. 4482 o mas kilala sa tawag na


“Cotabato City Anti-Rabies Ordinance”, ang Veterinary officers ay
nakapagbakuna na ng 3,671 na aso at pusa.

“…the Department of Health has recognized us as a Rabies-Free City for the


past seven years,” pagpapahayag ni City Mayor Cynthia Guiani.

Sa kabilang banda, nagkaroon ng isang programa ang lungsod ng Cotabato na


tinawag na “Alagang Guiani”. Ang programa ay naglalayon na magbigay ng
pag-aalaga at tamang pangkalusugang serbisyo para sa mga tao. Nakapaloob
na rin sa aspetong ito ang mga programa na ipinatupad ng lungsod tulad ng
“TB Program at Sanitation Program”. Nagkaroon din ng pagsagawa ng
“Sabayang Patak Kontra Polio” sa nakaraang taon. Pangatlo ang lungsod ng
Cotabato City sa buong Rehiyon 12 bilang isa sa may pinakamataas na
porsyento ng mga batang nabakunahan. Bumaba naman ang kaso ng dengue
sa lungsod. Para naman sa donasyon ng dugo, naipagpatuloy naman ang
pagkolekta ng dugo na katumbas o mahigit kumulang na 1 porsyento sa buong
populasyon ng lungsod. Sa taong 2019, mayroong 3,910 units na nakolekta.

“As a result, we were accorded last year by the Department of Health the
“Sandugo Award” for being the top performing city in Central Mindanao”,
pagsasalaysay ni Mayor Guiani.
Sa magkasunod na taon, pinangaralan ng Department of Health ang lungsood
ng Cotabato ng “National Red Orchid Award”. Nakatanggap pa ng iilang
parangal ang lungsod kabilang na dito ang “The Pulang Laso Award for MSM
and LGBTQI Friendly Social Hygiene Clinic”, “Most Outstanding Epidemiology
and Surveillance Unit” at “Barangay Poblacion 5 as the Best in Family Planning
Program”.

Nakatanggap din ang lungsod ng parangal bilang “Most Functional Anti-Drug


Abuse Council”.

“…the Philippine Drug Enforcement Agency or PDEA has declared six out of
our 37 Barangays as “Drug Cleared” as of December”, pahayag ni Mayor
Cynthia.

Sa nakaraang taon, ang City Government ng Cotabato ay naglaan ng pondo na


nagkakahalaga ng Php 99,003,262.53 para sa mga programa at serbisyo na
gagawin para sa mga bata. Nakapaloob na rito ang “Children’s Welfare
Program”, “Early Child Care at Development, Advocacy, Protection, Security at
Financial Assistance para sa mga batang kabilang sa indigent people at
scholarship para suportahan ang mga karapatdapat na kabataan.

“To ensure the health and wellness of our Day Care children, our 62 child
Development Workers and 18 Supervised Neighborhood Play volunteers have
maintained their capacity to serve 3,566 pre-school children”, pagsasalaysay ng
mayora.

Samantala, nakatanggap naman ng tulong ang mga Persons with Disability o


PWDs na nagmula sa OSWDS. Sa makatuwid, mayroong 100 indigent PWDs
ang nakatangap ng Educational Assistance.

Sa taong 2019, nagkaroon ng mga naglalakihang proyekto ang City


Engineering Office ng Cotabato City at ito ay ang mga sumusunod;
Rehabilitation and improvement of the City Plaza, Upgrading of the Office on
Health Services, Rehabilitation of the Barangay Hall at Poblacion Mother,
Rehabilitation of the Barangay Health Center at Tamontaka Mother at
Rehabilitation of the Kutawato Cave. Iilan lamang ito sa mga proyekto na
isinagawa ng gobyerno ng Cotabato City sa pamumuno ni Mayor Cynthia
Guiani.

Para mas mapaigting ang seguridad, nakapag-umpisa naring magtayo ng 15


pang bagong mga police outpost. Bumaba naman ang bilang ng krimen sa
lungsod sa taong 2019.

“I am confident that our police and military authorities are doing their best to
finally solve all these crimes. It is only just a matter of time.” pagmamalaki ni
Mayor Guiani.

Isa sa mga matagumpay na programa ng administrasyong Guaini ay ang


Absolute No Parking along Sinsuat Avenue at Quezon Avenue na ipinatupad
noong nakaraang taon.

“with the help from our law enforcers like the City Police Traffic Management
Unit, the Task Force Kutawato, and the 5 th Special Forces Battalion, our City
Public Safety Office and our traffic enforcers have strictly imposed this policy.”-
Mayor Cynthia

Nangunguna ang Cotabato City sa buong Rehiyon 12 sa pagiging Competitve


City. Naparangalan din ang lungsod ng Special Citation sa pangalawang
pagkakataon nitong 2019 dahil sa pagkakaroon ng RONDA.

“It is a back-to back award for Cotabato City! The city emerged as the
REGIONAL WINNER after the Department of Interior and Local Government
(DILG) 12 conferred the BEST PERFORMING PEACE AND ORDER COUNCIL
and MOST OUTSTANDING SANGGUNIANG PANGLUNSOD.”

“Likewise, Cotabato City remained at the top by landing on the 3 rd Pace in terms
of Government Efficiency under the Component City Category in the
2018National Competitive Index.”

Tunay ngang, Sigay ka, Cotabato!

You might also like