You are on page 1of 1

August 9, 2022

G. EMILIO G. SOLISA
Incoming Department Head
General Services Office

Mahal na G. Solisa,
Ang National Youth Commission, sa ilalim ng inisyatiba ng Committee on Global Mobility at
pangunguna ng Office of the Commissioner Representing Luzon, Asec. Reena Vivienne Pineda,
ay magsasagawa ng isang araw na kaganapan bilang pagdiriwang ng International Youth Day
2022 at pagtatapos ng Linggo ng Kabataan 2022 sa lungsod ng Pasig.
Sa temang, “ Intergenerational Solidarity: Creating a world for all ages”, Ang selebrasyon ng IYD
ng lungsod ng Pasig ay gaganapin sa Agosto 12, 2022, mula 8:00am hanggang 5:00pm sa
Tanghalang Rizal, Rizal High School, Dr. Sixto Antonio Ave., Brgy. Caniogan, Pasig City.
Naimbitahan ang ating TYDO Focal Person, G. John Michael M. Lacson, at 10 miyembro ng mga
kabataan para dumalo sa nasabing pagdiriwang.
Alinsunod dito, nais naming humingi ng tulong sa paglalaan ng sasakyan para sa
transportasyon ng mga kabataan na kakatawan sa ating munisipalidad sa nasabing kaganapan.
Inaasahan namin ang iyong positibong tugon at lubos na pagsasaalang-alang patungkol sa
bagay na ito.
Maraming salamat po!

Gumagalang,

G. JOHN MICHAEL M. LACSON


PIC/Focal Person
Taytay Youth Development Office

You might also like