You are on page 1of 1

Clark Hailie Wayne Estrella 9-Mendeleev February 7, 2019

REACTION PAPER
Mahigit 12 Milyong manggagawa sa Pilipinas ay mga magsasaka, 1.2 trilyong piso ang
kinita ng Sektor ng Agrikultura noong nakaraang taon. Ngunit bakit pangalawa ito sa
pinakamahirap na Sektor sa Pilipinas?
Isa sa mga tinatanim ng mga magsasaka sa mga probinsya sa Pilipinas ay ang niyog. Isa
na dito ang Catanauan, Quezon na siyang nangunguna na pinagkukuhaan ng niyog sa ating
bansa. Nahihirapan ang mga magsasaka ng niyog dito sapagkat bago paman makarating sa
bayan ang mga tinda nilang niyog, marami silang dadaanan na sapa at mga masisikip na daan.
Karamihan din dito ay walang sariling lupa kaya naman kailangan pa nilang mangupahan ng lupa
na kanilang tataniman. Sila rin ay nahihirapan sapagkat sa kanilang pangunguha ng niyog ay
maaari silang matamaan nito at masaktan dahil dito. Sila rin ang pinakamahirap na magsasaka
dito sa Pilipinas sa kabila ng mataas na produksyon ng niyog sa ating bansa. Iisponsoran na ng
pamahalan ang pagsasaka ng niyog ngunit pa di pa ito napapasa ng pamahalaan ngunit ito ay
malapit nang mapasa. Nakakalungkot mang isipin na sa tagal ng panahon na nagsasaka ng niyog
ang mga manggagawa sa ating bansa ay ngayon lang sila makakatanggap ng pondo mula sa
pamahalaan na isa sa mga malaking dahilan kung bakit sila nahihirapan sa kanilang pamumuhay
ngayon.
Katulad ng mga magbubuko sa Quezon, Ang mga magtutubo din sa Talisay City, Negros
Occidental (na kung saan ang 80% ng asukal sa Pilipinas ay nakukuha) nahihirapan din sa
kanilang buhay bilang magtutubo. Kulang pa ang kanilang kita sapagkat may mga utang silang
binabayaran at halos doon lamang napupunta ang kanilang suweldo. Nagkakasugat din ang mga
magtutubo dahil sa pagbubuhat nila ng mga tubo at binubuhat nila ito umulan man o umaaraw.
Ang kalagayan ng mga magtutubo dito ay nakakaawa sapagkat kahit gustuhin man nilang kumita
ng malaki, ito naman ay nahahadlangan ng kanilang mga pangagailangan sa isang buong buwan
at kanilang mga utang. Mahigit 136,156 na magsasaka na ang nabigyan ng lupa ng CARP para
madagdagan ang kita ng mga magsasaka sa ating bansa.
Pagaani ng palay ang ikinabubuhay ng mga taga Labangan, Zamboanga del Sur. Ang
mga magsasaka dito ng palay ay isa sa mga pinakamahihirap na magsasaka sa Pilipinas.
Karamihan sa mga magsasaka ng palay dito ay walang sariling lupa at ang kanilang sweldo ay
kinukuha lamang sa kanilang pagtatrabaho sa palayan. Sapat lamang ang kanilang suweldo sa
kanilang pagkain ngunit hindi ito sapat para mapag-aral ang kanilang mga anak ng kolehiyo.
Marami din sa mga magsasaka na ito ay nangungutang kapag kinukulang ang kanilang perang
pangtustos dapat sa kanilang pangagailangan. Kaya pagdating ng susunod na anihan, ang
kanilang inaaasahan na suweldo ay napupunta lamang sa pagbabayad ng kanilang mga utang.
Binigyan man sila ng drier ng Department of Agriculture ngunit kailangan pa nila itong bayaran at
bilhan ng langis upang magamit, kaya mas pinipili ng mga mgsasaka na magpatuya na lamang
sa tabi ng kalsada kahit na mas matagal ito at may tsansang matangay at masayang ang ilan sa
kanilang mga produkto. Isa rin sa kanilang problema ay ang pag dadala ng kanilang produkto sa
bayan kaya minsan ay binebenta na lamang nila ito sa mga middleman malapit sa kanilang lugar.
Isa pa sa mga problema ng mga magsasaka ay ang kawalan ng irigasyon, sila ay umaasa lamang
sa ulan na kung saan ay mas matagal ang pagkuha ng tubig kumpara sa palayan na may
irigasyon.
Binigyan man ng pondo ng pamahalaan ang mga magsasaka, hindi naman ito nagamit
ng maayos para sa proyekto na dapat na makakatulong sa magsasaka dahil hindi active ang mga
grupo na dapat na nasa pamahalaan kaya hindi ito nagagamit ng maayos para sa pagpapaaayos
ng mga proyekto para sa mga magsasaka ng ating bansa. Nakakalungkot lamang isipin na ang
mga magsasasaka na siyang nagtatanim ng ating mga kinakain ay sila pa ang mga taong
naghihirap ng sobra at hindi pa halos mapakain ng maayos ang kanilang pamilya. Masisipag ang
magsasaka dito sa Pilipinas ngunit wala silang sapat na kagamitan at mga kailangan para sa
pagsasaka katulad ng lupa at irigasyon na magpapadali sana sa kanilang mga buhay.
Nakakalungkot din na hindi sila masyadong nasusuportahan ng pamahalaan dahil sa kakulangan
ng partisipasyon ng mga taong nakatoka para pamahalaan ang pondong binigay sa kanila ng
pamahalaan para sa mga proyektong makakatulong sa kanila.

You might also like