Professional Documents
Culture Documents
Home Study Editoryal
Home Study Editoryal
NEGOSYONG may kaugnayan sa pagkain ang patok daw ngayong 2019. Hindi malulugi sapagkat
lahat ay kumakain. At saan ba galing ang pagkain? Sa sector ng agrikultura di ba? Kapag humina
ang agrikultura, apektado ang nasa food business. Mawawalan sila ng supply. Mawawalan ng
trabaho ang marami. Kaya kung mayroon mang dapat atupagin o iprayoridad ang gobyerno, ito
ay ang sector ng agrikultura.
Kung maunlad ang agrikultura, marami ang magkakaroon ng trabaho. Wala nang magbabalak
pang magtungo sa Saudi Arabia, Hong Kong, Singapore at iba pang bansa para magtrabaho.
Hindi na kailangang lumayo pa sa pamilya para lamang kumita. Narito na sa bansa ang
pagkakakitaan. Malawak at mayaman ang lupain ng bansa kaya hindi dapat mawalan nang pag-
asa ang mamamayan.
Sa isang surbey kamakailan, marami ang nagsabing nakaranas sila ng gutom. Dahil sa
nararanasang gutom, napipilitan silang magnakaw at mangholdap. Kung magkakaroon nang
maraming trabaho, magkakaroon nang kaayusan at kapanatagan sa bansa.
Malaki naman ang aming tiwala sa kakayahan ni Agriculture Sec. Manny Piñol na magagawa
niyang payamanin at paunlarin ang sector na kanyang pinamumunuan. Kapag umunlad ang
sector ng agrikultura, wala nang mag-aabroad na Pilipino. Hindi na kailangang lumayo pa
sapagkat narito na ang tiyak na kabuhayan.
Mga Tanong:
1. Sumasang-ayon ka bang dapat bigyang prayoridad ang mga magsasaka? Oo o hindi? Bakit?
Ipaliwanag ang iyong sagot sa pamamagitan ng pagbuo ng talata (paragraph) na may (5-8)
lima hanggang walong pangungusap.
2. Kung ikaw ay magiging Senador ng ating bansa, anong batas ang iyong ipatutupad upang
masolusyunan ang problemang ito ng mga magsasaka? Bakit mo ito ipatutupad?