You are on page 1of 2

Name: Angelica Caite B.

Viaje Date: December 22, 2021


Section: BSBA 101 Score:

“Reflection paper about sa bala at magsasaka”

Sa aking napanood na video ay nakaramdam ako ng galit, awa, at kalungkutan.

Galit, dahil hanggang ngayon ay hindi parin nasusulosyunan ng ating gobyerno ang

problemang ito ng ating bansa. Awa, dahil silang mga naghihirap sa trabahong ito ay

hindi man lang nakakatikim ng bigas na kanilang pinaghihirapang itanim at anihin at

kung sino pa ang may trabahong mas mahirap ay hindi nakakakakuha ng sapat nap era

o sweldo sa kanilang tinatrabaho, samantalang ang iba satin na hindi gaanong mahirap

ang trabaho sa araw-araw ay may Malaki-laking sahod o perang nakukuha. At

kalungkutan, dahil ang iba sa kanila ay nakakaisp ng magnakaw dahil sa kawalan ng

sapat nap era para sa pang araw-araw ng gastusin at ang iba ay 2 beses na lamang

nakakakain ng pagkain sa isang araw at ang ibang magulang ay pinipili na lamang

pakainin ang kanilang anak kesa sakanila. Imbis na maging mayaman ang ating mga

magsasaka, dahil sila ang naghihirap para magkaroon tayo ng bigas na makakain sa

pang araw-araw na buhay ay nagiging baliktad at sila pa ang taong hindi makakain ng

sapat sa araw-araw na buhay nila.

Sa tingin ko ay ang problema sa sektor ng agrikultura sa ating bansa ay ang

pagkakaroon ng mataas na gastusin ng ating mga magsasaka dahil hindi nila

pagmamay-ari ang lupang sinasakaha nila at tumataas pa minsa ang renta sa mga lupa

at tubig. Ang iba naman ay walang pambili ng makabagong teknolohiya na


makakatulong sakanilang mapabilis ang kanilang trabaho. Isa pang problema ay ang

pagiging ginto na ng bawat butil ng bigas na galling sa dugo’t pawis ng ating mga

magsasaka na may kakulangan sa perang nakukuha nila sa kanilang trabaho at

kaubusan ng NFA rice na nagreresulta sa kanilang kagutuman at iba pa nating mga

mamamayang Pilipino. Ang ating bansa ay kasali sa mayaman sa pang-agrikultura

ngunit ang mga nag hihirap sa trabahong ito ay hindi makakain ng sapat sa isang araw

at walang sapat na perang pangtustos sa araw-araw na gastusin at nagkukulang na rin

tayo sa suplay ng bigas. Dapat ay magkaroon ng malaking pondo ang ating

pamahalaan para sa makabagong teknolohiya na makakatulong sa mga magsasakang

mapadali ang kanilang trabaho para hindi na sila mahirapan sa kakulangan ng

kagamitan, Dapat din na lakihan ang sweldo ng ating mga magsasaka dahil lubos ang

pagtatranaho at hirap ang binibigay nila para sa bigas na makakain natin pang araw-

araw at mabigyan ang mga kakailanganin nila sa buhay.

Bilang isang mag-aaral sa tingin ko ay makakatulong ako sa mga magsasaka sa

pamamagitan ng pagbibigay alam sa iba ang realidad sa ating bansa at ang pagtitipid at

hindi pagsasayang ng pagkain, dahil pinaghirapan ito at maraming Pilipino ang hindi

nakakaranas na makakain nito. Kailangang paunlarin ang ating sektor ng agrikultura

dahil kayamanan ito ng ating bansa at isa ito sa mga solusyon kung paano mapaunlad

ang ating bansa. Maraming produkto ang magagawa at pwedeng iimport ng ating bansa

kung pagtuunan ng pamahalaan ang pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura kung

masolusyunan lamang ang ating mga suliranin sa sektor ng agrikultura.

You might also like