You are on page 1of 1

Gabriel Rafael F. Presingular 9D – St.

Alphonsus
March 10, 2023

Ang kinabukasan ng agrikultura sa ating bansa ay nanganganib, matatanda na ang karamihan ng


magsasaka at hindi na nila kaya ang araw-araw na yumuyuko sa kanilang halaman. Ang kabataan
naman, ay hindi binibigyan ng dahilan upang i-patuloy ang trabaho ng kanilang magulang. Ang
kanilang magsasaka na magulang ay gusto nilang ipapunta sa ibang kurso ng buhay upang sila ay
maging matagumpay dahil walang pera sa agrikultura. Ang gobyerno naman ay hindi gumagawa
ng sapat na dahilan upang magsaka ang kabataan, mas maraming makukuhang oportunidad sa
ibang lugar sa ating bansa at iba pang bansa. Hindi na sapat ang pera na makukuha ng ating
magsasaka at hindi na sila makakabuhay ng maayos sa Pilipinas.

Dahilan
1. Matatanda na ang mga magsasaka sa Pilipinas at sila ay namamatay.
2. Ang kabataan ay hindi nabibigyan ng sapat na dahilan upang magsaka
3. Walang perang makukuha mula sa pagsasaka.

Pamaraan
1. Bigyan ng karagdagang suweldo ang mga magsasaka bukod pa sa kinikita nila sa pagbenta
ng halaman
2. Bigyan ng mga benepisyo ang mga magsasaka tulad ng mas kaunting buwis at insurance
kung nasira ang kanilang mga halaman sa mga bagyo.
3. Padaliin ang pagsasaka sa pamaraan ng pagbibigay ng mga bagong teknolohiya sa
magsasaka upang magamit nila.
4. Bigyan ng edukasyon ang mga magsasaka na hindi makabayad sa maayos na edukasyon o
masyado malayo.
5. Ipaalam sa mga tao ang malaking suliranin na mahaharap ng ating bansa kung hindi natin
masolusyonan ang problema natin sa agrikultura.
6. Lagyan ng inprastraktura ang mga magsasaka para mas Madali nilang tugunan ang
kanilang pangangailangan tulad ng ospital at para mas madali nilang maipapadala ang
kanilang mga produkto
7. Lakihan ang badyet ng pamahalaan sa Department of Agriculture para masuportahan ang
mga magsasaka.
8. Bigyan ng mas malawak na lupa ang mga magsasaka para mas marami silang malalabas
na produkto.

You might also like